Two days later...Papaalis na silang apat sa beach resort na 'yon. Nasa sasakyan na nila patungong airport ang mga dala nilang maleta. Hinintay na ni Rizza sina Drake at Dan sa loob ng van na maghahatid sa kanila sa airport. May binibilin lang naman si Drake sa mga staffs niya na nagtatrabo sa beach resort na 'yon. Naiwan silang dalawa ni Diego doon sa loob ng van kasama ang driver."Tatagal pa ba sila doon?" tanong ni Rizza kay Diego na napakibit-balikat muna bago sumagot sa tanong niyang 'yon kung tatagal pa ba sila Drake sa loob ng beach resort."Hindi ko po alam kung tatagal pa po sila doon ni Dan. Siguro hindi naman kasi paalis na tayo," malumanay na sagot ni Diego kay Rizza na napatango pagkasabi niya. "Kailangan bago mag-alas diyes ng umaga ay nakalipad na tayo pabalik ng Maynila. Naiinip ka na po ba kahihintay sa kanila?"Rizza sighed deeply. "Hindi pa naman, eh. Ilang minuto pa lang naman tayong naghihintay sa kanila, hindi pa naman oras, eh. Hindi naman siguro sila magtataga
"Ang suwerte mo naman, bessie. Nakapagbakasyon ka sa isang beach resort na pagmamay-ari pala nila. Ang suwerte-suwerte mo talaga. Nakakainggit ka. Sinabihan mo sana ako na magbabakasyon kayo para nakasama ako," sabi ni Kira sa best friend niya na si Rizza. Tama talaga si Rizza sa inaakala niya na maiinggit ang best friend niya kapag sinabi niya ang tungkol sa pagbabakasyon nila ni Drake sa probinsiya kung saan marami siyang naranasan na hindi pa niya naranasan sa buong buhay niya. Tanging si Drake lang ang nagparanas nito. Rizza licked her lips and sighed deeply before she speaks to her best friend."Hindi naman kita puwedeng sabihan na sumama dahil hindi ka naman kilala ni Drake kahit alam niya na best friend kita. Sorry talaga. Sana ay naiintindihan mo ako sa sinasabi ko sa 'yo, bessie. Kung mayaman ako kagaya niya ay walang problema kung kasama ka kaso nga lang ay hindi naman ako mayaman. Wala akong pera hindi kagaya niya at saka siya ang nagde-desisyon. Siya ang may say at hindi a
Hindi makatulog si Rizza kinagabihan. Ang tanging nasa isipan niya lang ay si Drake. Hindi siya mapakali at para bang gusto niyang malaman kung ano'ng ginagawa nito. Tulog na ba kaya ito? Bukas na bukas ay babalik na naman siya sa mansion nito. Hindi siya makapaghintay na makita muli ito. Ngayon na hindi niya kasama si Drake ay hinahanap niya ito. She really wants to see his handsome face. She really wants to feel his touch to her body. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya. Hindi naman siya nagkagaganito no'ng una. Bakit ngayon ay ito ang nararamdaman niya? Bakit hindi maalis sa isipan niya si Drake? Iyon ang naglalaro na katanungan sa isipan niya.Dahil hindi siya makatulog ay kinuha niya ang cell phone niya. Pumunta siya sa phone contact at nakita niya ang cell phone number ni Drake. Hindi na nga siya nakatiis kaya ay tinawagan niya ito. Sinagot naman kaagad ni Drake ang tawag niya. Medyo nagtataka ito kung bakit tumawag siya."Bakit ka napatawag, Rizza? Malalim na ang ga
Sinundo muli si Rizza nina Diego sa tapat ng tindahan ni Aling Tasing kinabukasan. Akala niya ay makikita o makakasalubong niya si Bebot ngunit hindi nangyari 'yon. Wala rin ito doon sa may tindahan ni Aling Tasing. May mga umiinom na naman na tambay muli doon ngunit wala talaga si Bebot. Araw-araw naman na may mga umiinom doon na mga tambay. Ang nakapagtataka nga lang ay wala si Bebot. Hindi naman sa hinahanap niya ito kundi nagtataka nga lang siya kung bakit wala ito doon. Nasanay kasi siya na sa tuwing lalabas siya sa sa bahay nila at pupunta sa may tindahan ni Aling Tasing ay ang mukha kaagad ni Bebot ang nakikita niya pero ngayon ay hindi 'yon ang nakita niya. Mabuti nga na hindi muna niya ito nakita dahil alam niya na kukulitin na naman siya nito at nagsasabi ng kung anu-ano lalo na ngayon na sinabi nito na gusto siya. Tahimik lang si Rizza habang nasa biyahe sila pabalik sa mansion ni Drake. Hindi nakatiis si Diego sa katahimikan na nakakabingi sa loob ng sasakyan kaya nanan a
Walang ibang ginawa silang dalawa ni Drake hanggang gabi kundi ang mag-sex sa loob ng room nito. Hinahayaan lang sila ng mga kasama nila. Wala naman silang karapatan sa ginagawa nilang dalawa. Nagpahatid na lang sila ng dinner sa room para kainin nila. Tinatamad naman na silang bumaba pa para kumain lang. Umuulan sa labas. Hindi naman nila nararamdaman sa loob ang ulan unless lumabas sila pero alam nila na umuulan nang malakas sa labas. "Busog ka na?" tanong ni Drake kay Rizza nang tumigil na ito sa pagkain ng dinner. Mariing tumango naman si Rizza sa kanya at nagsalita, "Oo. Busog na ako, Drake. Kaunti lang ang kinain ko. Matutulog lang naman tayo, eh. Masama naman na matulog na maraming kinain, 'di ba?"Drake nodded immediately. "Yeah, I know that. Ubusin ko muna 'tong kinakain ko," sagot ni Drake sa kanya. Kumakain pa si Drake habang siya ay nakaupo lang sa couch na nandoon sa loob ng room nito. Hawak-hawak niya ang kanyang cell phone. She's busy browsing the internet."Okay. Tak
After three weeks ay nakauwi na muli si Rizza sa kanila. Hindi muna siya umuwi para hindi masyadong makahalata ang mga magulang niya sa kanya kung every weekend siyang uuwi. Habang nililisan niya muli ang mansion ni Drake ay hindi niya maiwasan ang malungkot. Kahit isang araw lang na hindi niya makakasama ito ay para bang napakahirap gawin. Hindi niya malaman kung bakit. Gusto niyang tanungin ang best friend niya na si Kira tungkol sa bagay na 'yon. Sasabihin niya rito ang lahat ng mga nararamdaman niya na hindi naman niya nararamdaman dati nang hindi pa niya nakikilala si Drake. Binigyan muli siya ng pera ni Drake bago siya umalis kanina. Ibibigay naman niya ang iba sa mga magulang niya. Hindi nito alam na hindi naman 'yon sahod niya. Tuwang-tuwa ang mga kapatid at magulang niya nang makita siyang umuwi after three weeks. Ang tanging sinabi niya sa mga magulang niya kung bakit hindi siya nakauwi noong nakaraang linggo ay dahil sa hindi muna siya pinauwi ng matandang tinulungan niya
Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Kira bago dahan-dahan na nagsalita sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa mga mata ng best friend niya na si Rizza na nakakunot noo pa rin. Naguguluhan ito sa kanyang nakikita. Hindi maiwasan na kabahan siya sa sasabihin ng best friend niya."Bessie, isa lang ang masasabi ko sa 'yo kung bakit ganoon ang nararamdaman mo," malumanay na sabi ni Kira kay Rizza. Mas lalong nangunot ang noo ni Rizza sa harap ng best friend niya. Napalunok muna siya ng kanyang laway bago sumagot dito."Ano 'yon, bessie? Gusto kong marinig na sa 'yo kung ano 'yon para malaman ko na kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. First time ko na makaramdam ng ganoon sa buong buhay ko lalo na sa isang kagaya ni Drake," tanong ni Rizza kay Kira na tumango-tango naman sa kanya. Muling bumuntong-hininga si Kira bago muling nagsalita sa kanya. "Kaya ka nagkakaganoon dahil...""Dahil ano, bessie?" nakaawang ang labi na tanong niya. Hindi na niya magawang patapus
Nasagot na ang katanungan na nais malaman ni Rizza kung bakit siya nagkakaganoon. Dahil sa tulong ng kanyang best friend ay nalaman niya na mahal na pala niya ito. Hindi lang niya alam noong una dahil sa hindi naman niya alam na minamahal na niya ito kung hindi sa best friend niya ay hindi naman niya malalaman 'yon. Wala naman kasi siyang karanasan sa mga bagay na 'yan. Ngayon lang talaga niya naramdaman ang ganoon na pakiramdam kay Drake. Sa kanya lang tumibok ang puso niya kaya ngayon lang niya naramdaman ang pagmamahal na 'yon. Hindi lang naman 'yon ang naging usapan nilang dalawa. Marami rin silang pinag-usapan na dalawa pero 'yon ang pinaka-higlight ng pag-uusap nila. Mahigit apat na oras din doon si Rizza sa bahay ng best friend niya kaya nagpahanda ito ng meryinda nila. Hindi pa naman madilim nang umalis si Rizza sa bahay ng best friend niya. Nagyakapan muna silang dalawa bago siya umalis dahil bukas na bukas ay babalik na naman siya sa mansion ni Drake. Hindi na naman niya al