MAHIRAP PILITIN NA mahalin ka ng isang taong ayaw sa’yo. Napatunayan iyon ni Everly. Sa katauhan ni Roscoe De Andrade; ang lalaking pinili niyang mahalin dahil ang buong akala niya ay masusuklian siya. Natigil sa pagbaha ng libo-libong isipin ang isipan ni Everly nang mag-ring ang cellphone ni Roscoe. Napatayo pa ito na agad naglaho ang galit sa kanyang mukha na para bang makikita ng tumatawag ang reaksyon niya. Sinundan siya ng tingin ni Everly. Sa katahimikan ng kanilang sala ay malinaw na narinig ng babae ang mahinang boses ni Lizzy na siyang tumatawag sa asawa. Namula na ang mata niya sa selos ngunit hindi iyon magawang makita ni Roscoe na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang banda ni Everly matapos na damputin ang hinubad na coat. Hindi inalis ni Everly ang mga mata sa mukha ng lalaki.
“Papunta na ako diyan, huwag ka ng matakot.”
Bumilis ang hinga ni Everly. Nais ng mag-protesta. Nag-uusap pa sila at kailangan niya rin ang asawa. Pinatay ni Roscoe ang tawag. Isinilid ang cellphone sa bulsa, walang lingon sa likod na tinalikuran siya.
“R-Roscoe…”
Sinubukan ni Everly na kunin ang atensyon nito. Tumayo siya sa kabila ng pagkaginaw. Ayaw niyang maiwang mag-isa kaya nais niyang pigilan sana ito kahit saglit o kahit kunan siya nito ng tuyong damit sa kanilang silid bago umalis. Ngunit sa halip na makiusap ng kailangan niya iba ang lumabas sa bibig niya.
“Takot din ako sa tubig…gaya ni Lizzy…”
Parang binging ahas na tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Roscoe. Hindi mawala sa isipan ng lalaki si Lizzy. Malaki ang utang na loob niya sa babae at nangako siyang tatanawin niya iyon hanggang sa kamatayan. Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng takot sa tubig ang babae kaya marapat lang na gantihan niya at maging responsable siya sa kanya. Noong na-kidnap siya ay walang pakundangan na tumalon ito sa dagat upang isalba lang siya kaya nagkaroon ito nang malalang trauma. At ang sinasabi ng asawa niyang si Everly na takot ito sa tubig ay napaka-imposible. Hindi ito takot sa tubig. Purong ka-dramahan lang iyon sa palagay niya para kaawaan niya. May diving certificate pa nga si Everly kaya kalokohan iyon!
“Hindi mo ba ako narinig?”
Pinanood siya ni Everly na hawakan ang handle ng pinto upang buksan iyon. Hindi na niya napigilan na bumaha ang luha habang iniisip na kailanman ay hindi siya nito nagawang piliin at pagbigyan man lang. Naglakas loob na siyang itanong ang laman ng kanyang isipan sa kabila ng pagdanak ng mga luha.
“Sa loob ng mga taon na iyon, ni minsan ba wala kang naramdaman sa akin na katiting na pag-ibig?”
Nakakaawa na ang mukha ni Everly na lalo pang humikbi. Umaasa na baka naman may kaunti lang. Sa narinig ay napalingon si Roscoe, talagang ang lakas pa ng loob ng asawang tanungin siya ng ganito?
“Are you worthy enough to talk about love with me?” puno ng insultong tanong ni Roscoe na wala man lang mababanaag na concern sa mga mata nang lumingon siya, “Please lang, Everly. Don’t self-pity in front of me. I feel sick with all your never-ending drama. Alam mong hindi rin naman epektibo iyan sa akin!” dagdag pa nitong puno ng muli ng galit ang mga mata na lahat ng salita ay parang talim ng kutsilyo, at walang pakundangang sumusugat at bumabaon sa balat ni Everly.
Sa kabila ng alam ni Everly na may iba siyang minamahal, nagsumikap pa rin itong pakasalan siya. Ganun ba ang matatawag na pagmamahal?
Mahigpit na napakapit na si Everly sa laylayan ng basang suot niyang damit hanggang sa mangitim na ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit ng hawak. Hindi niya maiwasang isipin ang itinanong noon sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Sheena.
“Everly, ikaw ang panganay na anak ng pamilya Golloso, bakit kailangan mong kumapit pa rin kay Roscoe? Eh wala namang pakialam sa'yo ang lalaking iyon. huwag mong sabihing magpapakatanga ka sa kanya?”
Hindi na rin alam ni Everly kung ano ang sagot. Masyado siyang nabulag. Marahil ay dahil noong binu-bully siya sa edad na labing pito, at ito ang naging protector niya kaya inakala niyang mahal siya nito.
“Huwag kang matakot, Everly. Ipagtatanggol kita.” tandang-tanda niya pang litanya ni Roscoe noon.
At ngayon na-realize ni Everly na ang mga salitang iyon ay normal na lang na litanya para sa ibang babae.
Mariing ipinikit ni Everly ang kanyang mga mata, umagos pa ang mas dumaming baha ng kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Unti-unting namanhid ang kanyang puso, tipong hindi na nito alam ang sakit. Sa tatlong taong iyon, sobrang sakit lang ang mga naranasan niya, at lahat ng sakit na ito ay nagmula sa taong pinakamamahal niya; kay Roscoe. Si Roscoe na ang tingin sa kanya ay sobrang samang babae. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ni hindi niya makuha ang buong atensyon nito, ang hangad na pagmamahal. Sa halip na pahirapan ang isa't isa, mas mabuting tapusin na nila ang kasal sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang ipagpatuloy ang kasuklam-suklam na patuloy na pagsasama nila na wala rin namang pupuntahang maganda. Marahas niyang pinalis ng isang palad ang mga luha. Pinakatitigan na niya ang pigura ng asawa gamit ang kanyang almond-shaped eyes at lakas loob na sinabi ang mga katagang nasa isipan niya na alam niyang magiging simula ng kanyang pagbangon kung sino man siya.
“Roscoe, mabuti nga sigurong mag-divorce na tayo.”
Napatulala naman si Roscoe ng ilang sandali sa kanyang narinig na hamon ng asawang si Everly. Naibaling na niya ang mukha sa asawa gamit ang mga matang nagulantang sa mga salitang biglang binitawan nito. Biglang parang may humila palabas sa kanyang puso saglit at nagawa noong masaktan siya, hindi pa rin makapaniwala na lumabas ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Everly na alam niyang mahal na mahal siya. Sa nakalipas na tatlong taon, palagi niyang ginagampanan ang papel ng isang mabuting asawa sa kanya at maingat na pinananatili ang kanilang relasyon kahit na ang dami niyang pasakit at pagkukulang. Gaano man ka-harsh ang mga sinasabi niya sa kanya, ni minsan hindi ni Everly binanggit ang hiwalayan.
Anong kalokohang drama na naman ito ng maybahay niya?
BAHAGYANG NANUYO ANG lalamunan ni Roscoe. Sumimangot siya para ipakita ang pagkadisgusto sa salitang binitawan ni Everly na alam naman niyang hindi nito magagawa. Binabantaan lang siya nito. Sa bandang huli, hindi pa rin nito magagawang lisanin ang kanilang villa at tuluyang iwanan siya. Dumilim na ang tingin niya sa asawa. Pinapainit na naman nito ang kanyang ulo, muli siyang nagsalita sa mas malamig at dismayado niyang boses upang ipakita na masama na naman ang timpla ng ugali niya sa inaasta nito. “Huwag mo nga akong paandaran na naman ng ganiyan, Everly. Ang mabuti pa ay magbihis ka at sumama ka sa akin sa hospital nang may silbi ka naman. Humingi ka ng paumanhin kay Lizzy para hindi na ako magalit pa sa'yo, keysa dada ka nang dada na para bang ikaw ang kawawa sa inyong dalawa!”Nakagat na ni Everly ang kanyang labi. Hanggang sa mga sandaling iyon ay si Lizzy pa rin ang mahalaga.Inalis ni Everly ang kanyang kahinaan at kinausap siya sa mas matalas na tono sa unang pagkakataon. A
“Dad, you're right. Hinding-hindi ko makukuha ang pagmamahal sa puso ni Roscoe. Alam kong nagkamali ako. Tanggap ko na. Talo ako. I want to go home now.” nahihirapan ang tinig ni Everly nang sabihin sa ama.Dinig ng buong pamilya ni Everly ang kanyang mga sinabi dahil sa may pagpupulong sila doon. The Golloso family is one of the richest family in Albay and known in a medical industry. Ang Lolo Juanito niya ay isang batikang businessman at ang Lola Antonia niya naman ay kilalang professor ng cardiac surgery. Perpektong mag-asawa ang bansag sa kanila ng mga nakakakilala kung kaya naman mas sumikat pa sila. Mula pagkabata ay tinuturuan na siya ng kanyang Lola Toning at inilalapit sa propesyon ng matanda. Naniniwala ang matanda na matalino ang kanyang apo at nakatadhanang sundan ang mga yapak niya upang mag-aral din ng medisina. Her grandparents had paved the way for her future, her father had prepared countless properties for her too to inherit, and her mother said she could be a little
WALANG EMOSYON NA tinanggal ni Everly ang suot niyang coat na naging dahilan upang ma-reveal ang itim niyang camisole. Nadepina pa noon ang mala-porselana niyang kulay ng balat at perpektong hubog ng katawan. Kapansin-pansin ang malalim na sugat na naghilom na rin naman sa likod at ibaba ng kanang balikat ni Everly. Nakatuon ang mga mata ni Everly as if pointing na doon niya gustong ilagay ang tattoo.“Ow—” natutop na ni Nolan ang bibig niya na para bang bago sa kanyang paningin ang peklat na iyon.Bago pa man makasagot si Everly, naagaw na ni Monel ang kanya sanang magiging litanya doon.“Masyado pa siyang bata noon kung kaya hindi pa gaanong magaling magdesisyon. Sa kamusmusan niya ay nakipagsapalaran siya at hindi alintana na masasaktan siya para lang iligtas ang walang utang na loob na lalaking ‘yun! Ayan ang naging resulta, nag-iwan ng bakas. Marapat lang talagang takpan ang peklat.”Naintindihan agad ni Nolan ang ibig sabihin ni Monel. Si Roscoe ang tinutukoy nito. Alam ng lahat
BIGLANG NAKARAMDAM ng pagkadismaya sa kanyang puso si Roscoe na para bang kapag nagtagal pa siya doon ay masabi niya kay Lizzy ang sinabi ni Everly, kung kaya naman humanap siya ng dahilan at paraan makaalis lang ng hospital. Hindi naman siya nagawang pagdudahan ni Lizzy sa tunay na rason. Nawalan siya ng ganang mag-stay doon kung puno ang isipan niya ng tungkol sa mga sinabi ni Everly.“May gagawin pa ako sa kumpanya. Puntahan na lang ulit kita dito mamaya.”Tumingin ulit si Lizzy kay Roscoe, at unti-unting nawala ang hinaing sa kanyang mga mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo, at nagngalit ang kanyang mga ngipin sa galit nang biglang maisip niya na baka si Everly ang dahilan ng pag-alis. Ngunit agad iyon napalitan ng tuwa dahil imposibleng iyon nga ang mangyayari. ‘Everly, ano bang makukuha mo sa piling ng lalaking ni katiting ay hindi ka naman gusto? Wala.’Lumabas si Roscoe sa ospital at bago pa makalulan ng sasakyan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kaibigan; Desmond Ji
PILIT NA TINATANGGI ng utak ni Roscoe na maniwala na magagawa iyon ng asawa sa kanya. Hinanap niya ito sa lahat ng lugar kung saan maaaring biglang lumitaw o matagpuan niya si Everly. Sa back garden, study room, projection room...hindi lang si Everly ang wala kahit saan, pati ang mga gamit niya ay wala na rin ang bakas sa mga lugar na iyon. Malinis din ang bookshelf sa study room sa mga medical books na madalas basahin ni Everly at doon niya iniimbak. Si Roscoe ay bihirang pumunta dito, ngayon lang iyon upang hanapin ang kanyang asawa. Kung wala ang presensya ni Everly, ang villa ay tila walang sinuman ang naninirahan doon. Bumaba si Roscoe sa unang palapag nang may mabibigat na mga hakbang at napansin niyang walang laman ang espasyo sa likod ng sofa. Nang makita niya ang nasirang malaking frame ng picture nila na itinapon sa basurahan, tumigil ang kanyang hininga. Gawa ba ito asawa niya?Matapos siyang pakasalan ni Everly, palagi siya nitong kinukulit na sumama sa kanya sa pamimili.
ANG PAMILYA GOLLOSO ay pareho pa rin ng dati, palaging puno ng saya at pagiging masigasig. Tama nga ang kasabihan na ang pamilya kailanman ay hindi magagawang talikuran ka kahit pa sabihin na nagawa mo silang saktan. Napagtanto ni Everly iyon ng mga sandaling iyon. Wala siyang anumang narinig sa kanila na masasakit na mga salita. Sa wakas ay naunawaan ni Everly na tanging ang tahanan lamang at sariling pamilya mo ang maaaring tumanggap ng kanyang mga flaws and imperfections. Sa pag-iisip nito, lalong naramdaman ni Everly na hindi siya naging matinong anak noon. Hindi na niya muling sasaktan ang mga nagmamahal sa kanya alang-alang sa mga taong hindi siya pinapahalagahan at minamahal gaya ni Roscoe.“Hayaan natin si Everly na magpatuloy sa pagbuo ng mga gamot!”“No, she must have inherited our family business.”“Hindi. Mas may future siya sa pagde-design.”Biglang nagtalo-talo pa roon ang tatlo kung sino ang dapat na sundin ni Everly sa kanila. Makahulugang nagkatinginan na si Everly at
NABURO PA ANG mga mata ni Desmond kay Everly na para bang sa ibang babae siya nakatingin. Wala sa sariling napahwak siya sa kanyang baba. Patuloy na malakas na pinuri ang kabuohan nito sa harap ni Roscoe. May pagkakataon pa na tinawag din ito ni Desmond ngunit hindi napansin ni Everly. Nanatiling tahimik si Roscoe, hindi mapigilang makaramdam ng pagkadismaya habang nakikinig sa kaibigan. Sa tatlong taon mula nang ikasal sila, sa harap man niya o sa mahahalagang okasyon, palagi siyang nakasuot ng maayos at eleganteng damit, at hindi kailanman nagsusuot ng ganitong klase ng damit na kulang sa tela. Ni ‘di nga niya alam na may tattoo pala ang dati niyang asawa sa likod. Patunay na hindi niya kilala.“Sandali nga, hindi ka na ba niya mahal? Last time I checked, she was crazy in love with you. Ouch, man that's pretty frank. Kumusta naman ngayon ang nasakta mong pride? Paki-check nga, Roscoe...” A hint of annoying admiration flashed in Desmond's eyes. Ininom lang ni Roscoe ang kanyang alak
NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya. Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya! Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki? Imposible naman iyon. Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
BAGO PA MAKAPAGSALITA si Lizzy ay pumagitna na si Donya Kurita sa mas umiinit na sitwasyon at mariin na iringan at titigan ng dalawang babae sa kanyang harapan.“Hija, hindi na kailangang humantong pa kayo doon. Huwag naman sanang ganito. Huwag kang gumawa ng eskandalo sa mismong kaarawan ko. Hmm? Ako na ang nakikiusap sa’yo, Everly…” Nakahanda na sanang pumayag noon si Lizzy, dahil alam niyang hindi iyon papayagan ng Lola ni Roscoe. Magiging kontrobersyal ang kaarawan nito. Kagalang-galang pa naman ang pamilya nila, at ang sitwasyong iyon ay magbibigay ng matinding gulo. “Sige na hija, please? Huwag niyo ng palakihin pa ang isyu sa pagitan niyong dalawa.” pakiusap na rin ng ina ni Roscoe na halatang naiinis na sa naumpisahan nilang komosyon ni Lizzy doon.Lumibot na sa paligid ang mga mata ni Everly kung saan ay masusing nakatingin sa kanila ang halos lahat ng mga bisita at naghihintay ng kakalabasan ng pag-uusap nilang apat sa gitna noon. “Ano pa bang ipinaglalaban ng asawa ng ap
BAHAGYANG NARINIG NI Lizzy ang naging pakiusap ni Donya Kurita kay Everly na palampasin na lang iyon kahit na alam nitong fake talaga ang ilan sa mga regalong ibinigay niya. Kung kaya naman pakiramdam ng babae ay siya ang kinakampihan ng Donya. Ang hindi niya alam ay ayaw lang ng matandang magkagulo sa pa-okasyon niya. Gustong samantalahin ni Lizzy ang pagkakataong iyon nang sa ganun ay makuha niya pang lalo ang atensyon ng matanda kung kaya naman gumawa pa siya ng isyu para mas palalain ang sitwasyon na kinasasangkutan nila.“Lola, hindi po fake ang iba sa mga ulasimang-bato na bigay ko. Masyado lang pong mainit ang panahon kung kaya naman nalanta na ang iba habang papunta dito.” giit ni Lizzy na talagang pinanindigan ang kasinungalingan niya upang huwag lang mas mapahiya, masama ang hilatsa ng mukhang hinarap niya na si Everly. “Alam ko ang dahilan mo kung bakit mo ako pinapahiya ngayon, Everly. Nagseselos ka lang sa akin at kay Roscoe. Di ba? Aminin mo!” malakas nitong akusa na par
HINDI NA NAKATIIS pa ang matandang Donya sa kung anong kuro-kuro ng mga bisitang naroroon patungkol sa relasyon ng paborito niyang apo. Hindi pwede na mananahimik na lang siya doon at walang anumang gagawin na harap-harapan nilang nilalait si Everly at Roscoe at kung anu-anong ibinibintang dito.“Huwag nga kayong magsalita ng walang kwenta. Maayos ang relasyon ng mga apo ko!” Nanahimik ang lahat sa tinurang iyon ng matanda. Syempre naman, sino ang maglalakas ng loob na i-offend ang isang Donya Kurita De Andrade? Siya ang kagalang-galang na ancestor ng kanilag pamilya.“Everly, hindi ka naman siguro pumunta dito ng walang dala di ba?” si Lizzy iyon na bahagya pang umubo upang kunin lang ang atensyon ni Everly na hindi naapektuhan sa alam niyang nais palabasin ni Lizzy.“Oo naman. Ako pa? Hindi naman ako pupunta dito nang wala akong regalo. Hindi ko ipapahiya ang sarili ko.” sagot ni Everly na umayos pa ng tayo upang harapin lang ang mga kuryusong mata ng mga bisita roon.“Kung ganun
MARAHANG TINAPIK NG matanda ang ulo ni Desmond, dahilan upang kumalas na ito ng yakap. Para sa matanda ay hindi na rin ito iba sa kanya na kung ituring ay parang sariling apo na rin.“Ikaw naman, kailan mo ipapakilala sa Lola ang girlfriend mo ha? Hindi ka na bumabata hijo. Dapat sa taong ito ay magpakasal ka na at bumuo na ng iyong magiging sariling pamilya. Hmm?” Napakamot na si Desmond sa kanyang batok. Nahihiyang iniikot na ang paningin sa paligid. “Lola, bakit mo naman ako minamadaling mag-asawa? Hindi pa ako sawa maging binata. Dapat pala hindi na lang ako nagpakita sa’yo, tuwing nagpapakita ako palagi mo akong minamadali eh.”“Eh ano pa bang hinihintay mo? May pera ka na, stable na trabaho. Bakit ayaw mo pang lumagay sa tahimik at humanap ng magiging asawa ha? Bigyan mo na ako ng apo sa’yo, Desmond…” Natawa si Desmond na halatang bored ang Lola ng kanyang kaibigan kung kaya naman siya ang pinagtri-tripan. Mukha rin na wala pa doon si Roscoe kung kaya naman siya ang kinukulit
NAPATDA NA ANG mga mata ni Lizzy sa likod ng matanda na nagkukumahog na magtungo sa pintuan upang salubungin si Everly. Bagama't nakahinga siya sa pressure na nararamdaman niya kanina, pakiramdam niya ay nabastos pa rin siya na siya ang kaharap pero nang marinig ang pangalan ni Everly, kulang na lang ay liparin nito ang daan patungo sa labas upang sumalubong. Hindi niya tuloy mapigilan na makagat ang labi habang ginagala ang mga mata sa paligid nila. Nakuha na rin ng pangalan ni Everly ang atensyon ng ibang mga bisitang naroroon. Ano ba ang mayroon ang Everly na iyon? Mukhang mas mahalaga ang presensya ng babaeng iyon sa herbal.‘Kahit kailan, mang-aagaw ka talaga ng spotlight, Everly!’ Dahan-dahan bumukas ang pintuan ng venue kung saan ang lahat ng mga mata ay nakatuon, maging ang live camera ng mga media na pumunta na kanina ay nakatutok lang kay Lizzy. Nang makita ang pagpasok doon ni Everly, napahinga nang malalim ang halos lahat ng bisita at maging ang kanilang mga mata ay puno
SA GILID NI Lizzy ay nakatayo ang kanyang kasamang assistant na may tulak na malaking box kung saan nakalagay umano ang regalo nitong ulasimang-bato. Dalawang daan ang kulang nito, gayunpaman ay hindi iyon alintana ng babae na nakataas pa ang noo. Nang makita iyon ng mga naunang bisita ay agad na silang napatayo upang makita lang ang dala ni Lizzy na ayon sa balita ay aabot ng limang daan ang bilang. Upang punan ang kakulangan sa bilang, gumawa ng paraan si Lizzy na magawang limang-daan iyon kahit na ang karagdagang dalawang daan ay pawang mga peke. Mariing tinikom ni Lizzy ang bibig. Sumidhi pa ang kaba niya nang makitang tumapat na sa kanya ang live camera ng naturang event. Ngumiti naman si Donya Kurita sa ginawang pagbati ni Lizzy sa kanya.“Gaya po ng pinangako ko, narito ang ulasimang-bato na may bilang na limang daan, Lola Kurita.”Nagsimulang magbulungan ang mga taong naroon. Mga bulungan na hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Lizzy na lalo pang na-conscious na noon.“A
NAMILOG PA ANG mga mata ni Lizzy na taliwas sa hitsura ng waiter na malapad na ang ngiti sa kanya. Inilabas nito ang listahan ng wine na umano ay nabuksan at ini-abot na iyon kay Lizzy. “Heto po ang listahan ang ng mga wine na nabuksan. Kailangan niyo po itong bayaran.”Pahaklit na kinuha ni Lizzy ang listahan ng papel at mas lumaki pa ang mata niya sa halaga noon. Pitong bote ng wine ang nabuksan at ang halaga noon ay makahulog panga rin ang laki. Oo, mayaman siya ngunit hindi niya mapigilan na magulantang sa nakadeklarang halaga noon.“Ano po ang gagamitin niyo Miss Rivera? Card or cash?” Dumilim na ang mukha ni Lizzy. Hindi na niya kaya pang magpanggap na okay lang ang lahat. Nilamukos niya ang listahan ng mga bote ng alak na nabuksan. Nagtaas at baba na ang kanyang dibdib. Hindi na maayos ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon at makikita na iyon sa kanyang mukha. Hindi na niya kayang magpanggap pa na ayos lang sa kanya ang lahat ng iyon.‘Humanda ka sa akin, Everly! Talag
MAKAILANG BESES NA umiling si Lizzy at gamit ang nangangatal na kanyang kamay ay tinawagan na ang kanilang tauhan upang malaman kung ano ang nangyari sa conversation nila ni Lord S. Imposible na wala itong history gayong kausap niya nga ito. Doon niya napag-alaman na naka-blacklist siya umano sa black market ng S Camp. Nanatiling nakatayo pa rin si Everly doon na pinagmamasdan ang pagkataranta ni Lizzy. Medyo nakakaawa ang hitsura nito pero sa palagay niya ay deserve ng babae ang mapahiya sa mismong harap niya dahil sa kahunghangan.“Lizzy—” “Shut up, Everly!” malakas niyang sigaw na sa kanya na binunton ang galit at sama ng loob. “Pwede ba huwag ka ng dumagdag pa?! Umalis ka na nga sa harap ko!” turo pa nito sa pintuan. “Alam mo Lizzy, ayos lang naman sa akin kung aaminin mo na hindi mo talaga kilala ang Lord S na iyan eh. Sa iyo na nga galing na hindi basta-bastang normal na tao si Lord S kung kaya mahirap itong makita, huwag mo ng ipilit. Naiintindihan kita. Sobrang desperada ka
ILANG ULIT NA napakurap ng kanyang mga mata si Lizzy. Nang sulyapan niya ang orasan, twenty minutes na ang lumipas. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi lalo na nang makita niyang titig na titig sa kanya ang mga mata ni Everly na naghihintay ng magiging sagot niya. Napalunok na siya ng laway. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili dahil baka mamaya ay hindi na naman siya siputin ng sinumang Lord S na ‘to.“Maghintay ka. Kung hindi ka na makapaghintay, pwede ka naman ng umalis.” mataray niyang sagot.Nagkibit ng balikat si Everly na sa halip na tumayo ay inayos pa ang kanyang pagkakaupo. “Bakit ako aalis? Wala rin naman akong gagawin ngayon. Hihintayin ko na lang siya.” Napalabi na si Everly na pilit pinigilan ang mapangiti dahil para siyang shunga na hinihintay ang kanyang sarili na dumating doon. Siya si Lord S kaya nakakatawa talaga ang mga pinagsasabi ngayon ni Lizzy dito.“Alam mo Everly, nawe-weirdu’han na talaga ako sa’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang relasyon n