"Rox!"
"Ha?" Tugon ko kay Cleofa nang malakas nito akong tawagin.
Kumunot ang noo niya t'yaka pinaglaruan ang lollipop na subo-subo. "Malalim iniisip mo, ah? Nagkukuwento ako dito, hindi ka naman nakikinig." Tunog pang nagrereklamo n'yang sabi.
I sighed. "Ano bang kinukuwento mo?"
"Hmph! Hindi ka nakinig eh, ayoko na ulitin! Ang haba kaya ng sinabi ko t'yaka mag-ta-time na. 'Di bale sasama ka ba sa'kin mamayang uwian? Deretso tayo ng Bistro. Diba nasabi ko na sa 'yo noong nakaraan? Birthday ni Jam, mayaman 'yun kaya manlilibre daw." Bahagya pang humahagikhik matapos sabihin ang pangalan ng boyfriend n'ya.
Napatampal ako sa noo nang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. "Ngayon ba 'yon? Akala ko sa susunod pang araw..."
Tumaas ang kilay ni Cleofa t'yaka kinalabit ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. "Ay ineng, h'wag mong sabihin saaking hindi ka sasama? Oo, ngayon 'yon!"
Nakokonsensya tuloy akong napailing sa kanya. "I can't come." Ani ko. "May duty pa ako pagkatapos ng practice, 'e."
"Ay bakit? May babantayan ka na namang na guidance?"
I nodded.
"Oh? Sila Gideon na naman, ano?" She said, smiling maliciously at me.
Ngumiwi naman ako nang marinig ang pangalan ni Lofranco na binanggit niya. "Hindi na yata titigil ang mga iyon sa pagpapasakit ng ulo ko. Parang gusto ko na'lang isuko 'yung p'westo ko bilang SSG president nang dahil sa kanila." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Imbis na nag-aaral ako hindi ko magawa dahil halos araw-arawin nila ang paglilinis ng school pagkatapos ng klase."
"Gawin mo nalang daw kasing boyfriend si Mr. Lofranco. Baka sakaling tuluyang tumino at tigilan na ang pagbubulakbol." Biro nito na sinabayan ng tawa.
I slapped her shoulder and looked at her with wide eyes. "Are you insane, Cleofa? Gawin kong boyfriend?"
She laughed even more. "Easy naman Miss President, high blood ka na naman."
I clicked my tongue in annoyance. Parang gusto kong takpan 'yung tenga ko sa kung anong salitang lumalabas sa bibig n'ya. Naalala ko kasi si Lofranco ang madalas gumamit ng linyang iyon. Lagi ko nalang naririnig at mas lalo yatang tumataas ang dugo ko kapag sinasabi niya nang may ngisi sa labi.
Lofranco was a big part of my high school life. Buong high school ko ay walang na yatang araw na hindi ko siya nakikita. Mabuti pa noong first year at second year, nadadaan-daanan ko lang siya.
Pero noong dumaan na ang third at fourth hanggang ngayong senior high na naging SSG President ako ay wala na yatang araw na hindi ko siya nakikita at nakakasama sa mismong loob ng guidance office.
Kung may araw lang na hindi ko siya nakakasalamuha, iyon ay tuwing hindi siya pumapasok o kaya'y suspended s'ya dahil sa violation na ginawa niya.
"Alam mo namang malaki ang gusto no'ng isang 'yon sa 'yo. Malay mo lang naman tumino, diba?" Sabing muli ni Cleofa.
I rolled my eyes. "Kayo lang naman ang nagsabi at nagpakalat no'n, hindi naman totoo. Hindi din ako naniniwala sa inyo."
"Bakit gusto mo ba sa kanya mang galing na gusto ka n'ya? Aba'y buong school yata alam na may gusto sa 'yo 'yung tao, tapos ikaw tong patay-patayan ng malisya."
Hindi ko napigilang umismid. "Ewan ko sa 'yo, basta hindi muna ako makakasama sa inyo ngayon. Enjoy mo nalang na solo mo 'yung boyfriend mo, alam ko namang 'yon ang gusto mo." Nginisian ko s'ya t'yaka binitbit ang bag ko paalis ng cafeteria.
"Hoy! Grabe naman 'to, wala naman akong sinabing gusto ko siyang masolo pero...para gano'n na nga!" Habol nito saakin t'yaka muling humagikhik ng tawa, animo'y kinikilig pa.
Nangiti nalang akong umiling sa kanya t'yaka kami sabay na naglakad pabalik ng classroom.
Mabilis na nagdaan ang pang hapong klase. Matiyaga kong kinopya ang ilang mahahalagang detalye ng pinag-aralan namin bago umalis sa classroom.
Nagpaalam naman saakin si Cleofa na mauuna na kaya tanging ako na lang ang mag-isang naglalakad sa hallway.
I checked every classroom I passed by.
Isa na'rin sa nakasanayan kong gawin ang siguraduhing walang naiiwang estudyante kapag ganitong oras.
Dumeretso muna ako sa guardhouse. Kailangan ko kasing ibalik ang ilang susi na nasa akin.
"Kukunin ko na lang po ulit bukas ng umaga." Paalam ko kay manong guard matapos ibalik sa kanya ang susi.
Tumango ito at ngumiti saakin. "Anong oras ba ang alis n'yo dito sa school, Miss President? Ibinilin kasi saakin ni Miss Generosa na siguraduhing hindi makakalabas iyong grupo nila Mr. Lofranco, na guidance raw ulit."
"Oo nga po..." Dumako ang tingin ko sa gate ng school na bukas pa. Medyo may ilan pa rin kasing estudyante ang hindi naman kasi kasali sa practice pero gustong manood kaya hindi agad sila nagsasara.
"4 pm pa po ang tapos practice, siguro po mga 5 pm ay matatapos din ang paglilinis ng gym." Sagot ko bago magpaalam.
Everyone used to address me as "Miss President." Nakasanayan ko na din naman iyon, hindi din naman ako magiging kandidato at mananalong bagong school president kung hindi ako naging kilala sa school.
Binati ko ang teammates ko sa volleyball bago tumungo sa locker room para magpalit.
Sandali akong natigilan ng maalalang may jacket nga pa lang nakapulupot sa bewang ko.
I licked my dry lips as I removed the jacket from my waist.
Muli ko itong tiningnan at bumungad saakin ang likuran nito kung saan nakasulat ang surname at ang varsity number ni Lofranco.
'Lofranco, 29'
Ilang beses akong napakurap. Oo nga pala, parehas nga pala kami ng jersey number.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit 29 din ang kanya, samantalang ang akin naman 29 dahil iyon ang birthday ko.
Hindi naman iyong big deal noon, pero naging issue matapos maging usap-usapan na may gusto daw saakin si Lofranco.
"Ibabalik ko nalang siguro mamaya sa kanya." Bulong ko.
Iniwan ko ang gamit ko sa loob ng locker at dumeretso sa labas.
Deretso ang lakad ko papunta sa bleachers kung nasaan ang mga kateam ko. Bahagya lang bumagal ang lakad ko ng matamaan ng mga mata ko ang grupo nila Lofranco na papasok ng court.
Pinasadahan ko ang mga ito ng tingin isa-isa. I can't help but grumble quietly. When will I get to see them in their proper, clean uniform?
Nakita kong lilingon sa gawi ko ang leader nila, imbis na umiwas ng tingin ay hinayaan ko ang mata kong sumalubong sa mala kayumanggi n'yang mata. Umawang ng bahagya ang labi niya habang kalmado naman akong nagtaas ng isang kilay sa kanya.
Buti naman hindi nila naisipang tumakas, hindi katulad noong huli nilang cleaning na naabutan ko pa silang aakyat ng bakod makalabas lang ng school.
"Bakit nandito sila Gideon? Parusa na naman?" Tanong ni Lyssa, isa sa teammate ko na naging malapit na din saakin.
Lumingon sila saakin ako naman tong binigyan lang sila ng tipid na tango.
"'O, tigilan niyo muna 'yang mga kaharutan niyo at baka matamaan kayo ng bola mamaya dahil wala kayo sa konsentrasyon." Paalala ng Andrea, ang team captain namin sa ilan naming teammate na kulang na'lang ay maglumpasay sa kilig matapos makita ang grupo nila Lofranco.
I pressed my lips as they began to laugh. "Grabe naman, Andrea! Di ba pwedeng kinikilig lang? Ikaw kaya panoorin ng crush mo, s'yempre nakakawala ng konsentrasyon!" Sabi pa ng isa.
"Ay sus! Hindi naman gano'n 'yon. Kung nand'yan ang crush mo at manonood sa 'yo dapat nga mas galingan mo pa. Magbida ka gano'n! Ang hina n'yo naman!" Biro ni Lyssa sa mga ito.
"Asa naman kayo na papanoorin kayo ng crush n'yo, eh hindi naman kayo ang gusto kung hindi si Rox!" Kumunot ang noo ko sa dagdag ni Lyssa at ngumisi saakin.
"Wala ka namang gusto kay Gideon diba, Rox?" Natigilan ako sa tanong na iyon ng isa pa naming teammate.
Umiling ako at bahagyang natawa. "Wala, 'di ako magkakagusto d'yan kahit kailan."
"Ay! Bakit naman? Bagay kaya kayo, t'yaka ang tagal nang nagkakagusto sa 'yo n'yang si Gideon, ah?"
"Ah, talaga?" Patay malisya kong sagot, wala talagang pake.
Malakas ang naging tawa ni Andrea na kumuha ng pansin ng ilang nandito sa gym, kahit hindi namin ka team. Umakbay pa ito saakin.
"H'wag niyong tanungin si Miss President tungkol kay Gideon. Supreme student government president ito ng school, imposible nga namang iyong kagalang-galang at matino ay matitipuhan ang isang bulakbol at rebelde. S'yempre tipo ng tulad ng isang Roxana Imelda iyong matino, honor, may pangarap sa buhay, dean's lister, gano'n!" She confidently said, as if alam n'ya talaga ang gusto ko sa isang lalaki.
Bahagya akong napatawa at nailing dito.
"Edi kung ayaw mo si Gideon akin nalang siya." biro pa ng Rima 'yung isa kong teammate na isa din sa fan girls ni Gideon.
"Sa 'yo na," pagtataboy ko pa.
"As if naman lilingunin ka ni Gideon, alam naman nating lahat na ang mata ng Alpha ay stuck kay Roxana."
Hindi ko na sila pinansin. Paulit-ulit na'rin naman ang nagiging topic namin. Wala din naman akong pake. Nakakasawa lang pakinggan, imposible rin kasi. Hindi na rin naman humaba ang daldalan nila inayos ko ang knee pad sa tuhod ko. Nakapatong ang isang paa ko sa bleacher para madali kong maabot ang tuhod ko.
Nagtatawag na si Andrea ng isang set ng team. Ibinaba ko na ang paa ko mula sa bleacher t'yaka humarap sa court.
Pumipili pa naman si Andrea kung paano hahatiin ang players kaya minabuti kong talian ang buhok ko para walang sagabal. I was busy tying my hair when I unconsciously saw Lofranco stare at me.
Preskong nakasandal s'ya sa bleacher, katapat ko mismo ang bleacher na inuupuan n'ya sa kabilang side ng court. Ang dalawang braso n'ya at parehas na naka-angat sa sandalan ng katabi n'yang upuan, mistulang inaakbayan. Naka de-kwatro pa ang binti habang may ngisi sa labing nakatitig saakin.
Hindi ko maiwasang ibalik din ang titig sa kanya. Tila nakukuha niya ang atensyon ko sa bawat pagtitig n'yang iyon sa kauna-unahang pagkakataon. I saw something in his eyes that I can't explain.
His lips parted, as if he was about to say something. Kumunot ang noo ko at sinundan ang pagbuka ng labi n'ya.
"Ang ganda mo." He mouthed those words, and I used my voice to say them.
Nanuyo ang lalamunan ko at napaawang ang labi ng mapagtanto kung ano ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung tama ako nguni't nakita ko ang ngiting sumibol sa labi n'ya na tila ba nasiyahan nang makitang natigilan ako.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan kaya agad akong nag-iwas ng tingin sakto namang tinawag ako ni Andrea.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pigilan ang biglang paghuhurumentado ng puso ko, bigla nalang kasi akong nahiya. I'm used to hearing compliments, but I'm not sure why my heart reacts this way when Lofranco says I'm pretty.
Nabigla lang siguro talaga ako.
I am the team libero. I was the one who used to do the defense. Madalas ay nagkakasugat talaga ako sa pwesto ko kaya palagi kong nilalagyan ng knee pad ang dalawang tuhod ko at kung minsan maging ang siko ko ay mayroon.
Our game went smoothly. Dumami din ang nanonood kesa nang una. Madalas naman talaga ganito. Aakalain mong nag-uwian na sila dahil nakalabas na ng gate pero may mga bumabalik para manood ng practice.
Mas madami lang siguro ngayon dahil magpapatry-out next week si Andrea para kumuha ng ilang bagong members. May mga naalis kasi saamin ng maging college na. T'yaka puro na kami senior high, kailangan mamili sa junior ng bagong team na magiging team din hanggang next year at sa mga susunod pa.
"Rima, focus!" Hindi ko mapigilan sabihin iyon matapos na malaglag ang bola ng hindi nasasalo ni Rima na para naman dapat sa kanya.
Wala naman kasi sa sarili itong isa.
Kumunot ang noo ko at napakawala ng hininga. Napakamot naman s'ya sa ulo. "Sorry!" Aniya saaming mga kateam n'ya.
Naiiling si Lyssa na malapit saakin. "Distracted," sabi pa nito.
Ako naman tuloy ang napadako ang tingin kayna Lofranco at sa mga kaibigan nito. Sumama ang bigla ang timpla ko. Siya at ang mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit wala sa sarili ang mga ito.
Our practice goes on. Nang matapos ay kanya-kanya na silang paalam. "Tomorrow, same time. Extend tayo ng another hour, since maaga naman ang uwian bukas. The next day walang practice." Paliwanag ni Andrea sa lahat.
"Mag-ayos kayo bukas, 'yung focus n'yo ha! Hindi pwedeng gan'yan, nakakita lang ng g'wapo wala na sa sarili!" Sermon pa nito sa ilan.
Wala namang akong reaksyon at imik habang nagsesermon si Andrea sa kanila bago tuluyang mag-alisan.
"See you tomorrow!" Kaway ni Lyssa saakin na huling umalis bago ako maiwang mag-isa dito kasama ang grupo nila Lofranco.
Sakto namang papalapit ang mga ito saakin.
Kung makapaglakad akala mo kung sinong mga bad boy sa school. Napaka presko at mayabang pa ang dating.
"Go get the materials you'd need to clean this whole court. Umpisahan n'yo nang maglinis kung gusto niyong maagang umuwi." Dahil ako gusto ko nang umuwi. "I'll keep an eye on you." Mahinahon kong sabi.
Kalmado ko silang tiningnan agad naman ding sumunod sa utos ko ang mga kasama ni Lofranco, s'yempre maliban sa kanya na nanatili sa harapan ko.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "What are you doing here? Why don't you just go get the floor mop and mop the the whole court?" Agad ay suhestiyon ko.
He chuckled. "High blood ka na naman Miss President. Kalma, kukuha naman talaga ako h'wag ka mag-alala..."
"Then why are you still here?"
"Hindi mo ba muna pupunasan 'yang pawis mo Miss President? Alam mo, masama matuyuan ng pawis. Baka magkasakit ka." Gusto kong tarayan siya at sabihing ano naman ang pake niya nguni't nabibigla ako sa biglang pagseseryoso ng boses niya t'yaka naglahad saakin ng isang puting towel.
"Don't worry, it's clean. You should start wiping your sweats or if you want, p'wedeng ako na rin ang magpunas."
Okay, back to his playful acts.
I frowned. I had no choice but to accept his towel. "Thanks" sabi ko nalang sa kanya.
He twitched his lips. "Ay, ayaw mong ako 'yung magpunas sa 'yo?" Biro pa n'ya na ikinangiwi ko naman.
He laughed. "Joke lang! Seryoso mo naman mas'yado, Miss President."
Sinundan ko s'ya ng tingin. Nakangisi pa ito saaking naglakad palayo.
Hindi ko talaga maintindihan ang trip niya. Trip niya bang asarin lang talaga ako at magpapansin kaya ganyan s'ya umasta saakin?
I used his towel to wipe my sweat, gaya nga ng sabi niya. Mukha naman talagang malinis at mabango pa. Ayoko din namang matuyuan ng pawis, medyo sakitin pa man din ako kaya ginawa ko nalang ang sinabi ni Lofranco.
Pinanood ko silang magsimulang maglinis. Nakaupo lang ako sa bleacher habang prenteng umiinom no'ng energy drink na ibinigay saakin kanina ni Andrea.
Nakapalumbaba ako at hindi maiwasang sundan ng tingin si Lofranco na mop nga ang dala-dala imbis na walis o puwede rin namang basahan.
Kapag ganitong pinapanood ko silang maglinis akala mo naman ay ang titino nila sa sobrang katahimikan. Mabuti nga hindi nila naiisipang maglokohan at maglaro pa habang naglilinis.
I'm wondering if they get tired of doing this over and over again. Aren't they sick of being punished?
Ako 'yung nagsasawa sa kanila, sa totoo lang.
I sighed. Kahit itong si Lofranco hindi ko alam kung kailan magsasawa. Pamilya nga niya ang halos isa sa pinakamayamang angkan dito sa La Castellana, bakit niya sinasayang 'yung reputasyon niya? Para saakin mas magiging attractive ang isang lalaki kung bukod sa ipinagmamalaking mukha ay may ipinagmamalaki din s'yang magandang ugali.
I don't understand those girls who drool over them.
Sayang kung hindi sila magbabago, huling taon na din naman nila sa high school.
It was exactly five in the afternoon when they finished cleaning the whole gym. Bilib din ako sa kanila eh, halos mapakintab ang sahig ng gym. Wish ko lang walang madulas dito dahil mukhang sa sobrang kintab ay sobrang dulas din.
"Well, great job," I told them. "P'wede na kayong umuwi"
"Hay! Buti naman! Sakit ng likod ko!"
"Kailangan ko yatang magpahilot!"
Ngumiwi ako sa sunod-sunod nilang reklamo. Kasalanan din naman nila 'yan.
Tinanguan ko lang sila nang magpaalam na saakin. Hindi pa man nagpapaalam si Lofranco ay hindi ko na siya pinansin. Dumeretso ako sa locker para makapagpalit na. Hindi na ako nag-abalang mag-shower kahit may provided shower room naman kami. Sa bahay nalang ako maliligo.
Isinuot ko ang skirt ko at maging ang uniform ko. Pinatungan ko nalang ang suot kong jersey kanina t'yaka ko kinuha ang bag ko. I checked the whole locker room at siniguradong walang naiwang bukas o gamit na wala sa loob mismo ng lockers nila bago ako lumabas.
Hawak ko ang jersey jacket ni Lofranco na nakalimutan ko na namang ibalik. Nawala rin kasi sa isip ko...
Deretso ako palabas ng gym area, gulat lang na napatigil nang makitang hindi pa pala umaalis ang may-ari ng hawak kong jersey jacket na ito.
My lips slightly parted when I looked at him. Ayon na naman ang magulo niyang buhok at tuluyan nang naalis ang pagkakabatones ng polo n'ya. Nakasandal sa gilid ng poste at nakapamulsa.
"Bakit nandito ka pa?" Naisantinig ko iyon dahilan para dumako ang tingin n'ya saakin.
He flashes an amusing smile on his lips before facing me. "Iniintay ka," sagot niya sa tanong ko.
Napabuntong-hininga ako. Natutunugan ko na ang mga linyahan n'yang pang-asar saakin. "Bakit?"
Umangat ang gilid ng labi niya, gulat nang marinig ang sagot kong bakit.
"Naalala kong wala nga pa lang susundo sa 'yo. Wala kang driver at magdidilim na bago ka pa makarating sa inyo."
"So?" Kunot-noong tanong ko, hindi makuha ang punto n'ya.
"Ihahatid kita."
Nasamid ko yata ang sarili kong laway sa derekta niyang pagkakasabi noon. Hindi ko alam kung parte na naman ba ito ng pang-aasar at pang-iinis niya saakin.
"Hindi na kailangan, kaya ko naman umuwing mag-isa." Mahinahon ko pang sagot t'yaka naalala ang jersey jacket n'ya. "Here, ibabalik ko na nga pala."
Dumako ang tingin n'ya sa jacket na ibinabalik ko. Pinasadahan niya ng daliri ang buhok niya bago nangingiting bumalik ang tingin saakin.
"H'wag na, sa'yo na 'yan. Remembrance." He winked at me. "Hatid na kita?"
Malayo ang tingin ko sa labas ng bintana nitong sasakyan na maghahatid saakin pauwi.Hindi ko alam kung paanong napapayag ako ni Lofranco na ihatid n'ya ako pauwi. Basta ang alam ko lang ay ilang ulit akong tumanggi sa kanya. Sinabi kong mag-aantay ako ng tricycle na s'yang madalas kong sinasakyan pauwi saamin.Naiinis pa nga ako sa pangungulit niya pero siya naman itong hindi tumigil. Ilang ulit ko ding ibinabalik sa kanya ang jacket n'ya pero hindi n'ya tinatanggap. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya kaya mas pinili kong h'wag nalang pansinin habang nag-aantay ng tricycle nguni't kumakagat na ang dilim, wala pa'rin.Lofranco didn't leave the school; he patiently waited for me. At hindi ko alam kung bakit n'ya iyon kailangan gawin.Then he suddenly asked me again. Sabi n'ya ihahatid n'ya nalang daw ako, magdidilim na rin daw. I said no again, motorcycle kase ang sasakyan. Hindi ako sanay na sumakay sa motor, takaw aksidente iyon k
"May bagong student daw." Bulong ni Cleofa nang makabalik kami sa classroom, katatapos lang ng flag ceremony."Oo nga, meron." Sabi ko sa kanya. "Kahapon ko lang din nalaman na may transferee, sinabi sa'kin ng adviser natin.""Oh? Ang bilis naman kumalat ng balita. Narinig ko lang sa labas 'yung tungkol sa transferee, eh. Ang sabi galing din daw sa isang mayamang pamilya dito sa La Castellana." Umayos s'ya ng upo."Ang rinig ko pa nga maganda raw, nasa flag ceremony yata kanina. Hindi ko naman nakita... Ikaw ba may nakita kang bagong mukha sa bawat pila kanina?"Umiling ako at nagkibit-balikat. "Hindi naman lahat ng mukha dito sa school kilala ko."Umismid siya saakin at bahagyang natawa. "Tanga, ibig sabihin ko s'yempre sa tagal mo nang SSG president kahit sabihin kong hindi lahat ng mukha dito sa school kilala mo alam mo naman sa sarili mo kung pamilyar o hindi! 'O eh may nakita ka bang hindi pamilyar na mukha kanina
"Wala ka bang practice sa majorette ngayong month? Next next month na ang intrams, diba?" Tanong Cleofa saakin.Inayos ko ang gamit ko. Tapos na ang klase namin ngayong araw at parehas silang nagpasiyang sasama saakin para manood ng practice. Out of nowhere nga ang pagyaya ni Imperial kanina matapos malamang may practice ako ngayong araw."Meron next month pa, mga third week siguro next month. Kailangan ko kasing munang kumuha ng special exam, alam mo naman 'yon." Sabi ko.Kailangan kong kumuha ng special exam lalo pa at may mga araw o linggong hindi talaga ako nakakadalo ng klase. May mga activities kasi akong dahilan kung bakit lagi akong wala.Tumango s'ya. "'E, sa competition? May balita ka bang ngayong taon ay magkakaroon ka ng tournament?"Napalabi ako. "Wala pa, hindi ko pa nga nakakausap si coach. Hindi rin naman s'ya tumatawag saakin."We're talking about the rhythmic gymnastics tournament. Last year ay
"So we needed a place where we could have our group study and at the same time gagawa rin tayo ng research paper at presentation..." I said.Napatingin saakin ang apat kong group mates. Nagkaroon kasi kami nitong activity. Research paper at sa isa pang subject ay may presentation naman kami. Gladly same group lang ang kailangan sa dalawang subject na iyon."P'wede namang saamin," Marylou suggested."Isn't your house a bit too far? I mean, if sa inyo, mapapalayo kami. Malayo masyado 'yung house n'yo sa house namin." Anang naman ni Sheena.Nagkatinginan kaming tatlo nila Cleofa at Imperial. Siguro kami lang ang walang issue dito sa kung saan talaga p'wedeng magkaroon ng group study. But, Sheena and Marylou's parents are a bit strict.Well, I have a group of geniuses here. Pero tama nga naman, medyo malayo rin kasi ang kayna Marylou.I played my lips with my fingers habang hinihintay pa ang mga desisyon nila.
Hindi mo makikilala ang isang tao kung ang pagbabasehan mo ay ang panlabas nitong anyo at ang panglabas nitong ugali na ipinapakita sa 'yo. You will know someone well when you choose to see the different sides of him. Makikilala mo lang talaga ang isang tao kung pipiliin mong tingnan ang bagay na hindi n'ya naman basta ipinapakita."He's good in arts pala, 'no?" Out of nowhere ay nasabi ko iyon sa mga kaibigan ko. Nasa iisang lamesa na kami at may kanya-kanyang ginagawa.My mind seems off. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko 'yung napakagandang pinta na nasa gilid lang namin.Nag-angat ng tingin saakin si Imperial na busy naman sa pagsusulat sa sarili n'yang notebook. Bahagyang kumunot ang noo."Sino?""Si Gideon..."Bahagyang napaawang ang labi n'ya. Bahagya pang kinagat ang dulo ng ballpen n'ya at napatango-tango saakin."Sandali, sandali lang!" Cleofa interrupted. Nasa tabi ko lang ito at nakahawak
"Buti naman nakarating ka na." bungad 'yan saakin ni Imperial nang makapasok kami sa bahay nila.Naroon silang apat sa living room. Makahulugan ang tingin ng dalawa kong kaibigan habang iyong dalawa naman ay nagtataka kung bakit kami magkasama ni Gideon.I clicked my tongue in annoyance. "I brought my laptop." Sabi ko at naupo sa tabi ni Cleofa. Napansin ko ang mga gamit nila sa ibabaw ng coffee table. Ibig sabihin ay dito nila balak mag-aral ngayon.Napansin kong tahimik sila bigla. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang kunot na noo ni Gideon at kulang nalang ay magsalubong ang kilay niya."Kuya pakisabi naman kay manang na dalhan kami ng pagkain, oh?" Biglang pagsasalita ni Imperial sa pinsan.Nilingon s'ya ni Gideon bago nagpakawala ng buntong-hininga at tumango. "Alright,"Ibinaba ko ang tingin sa mga gamit namin. Kinuha ko ang bag ng laptop ko at binuksan iyon para ilabas na. Narinig ko naman ang pap
"Anong ipinaparating mo? May gusto ka saakin, gano'n ba?" Tanong ko kay Gideon.Naghuhurumentado ang puso ko na s'yang hindi ko maintindihan. Bakit kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig ni Gideon samantalang ilang beses ko na itong narinig galing sa iba..."Paano kung gano'n nga?" He marvelously smiled at me.Hindi ko mapigilang mainis sa pagpapaligoy-ligoy nito. Mas lalo ko tuloy naisip na baka nga pinaglalaruan niya lang ako.I glared at him at hindi na makapagpigil na ipakita sa kanya ang naiinis kong mukha. "Stop playing with me, Gideon.""I thought you guys had already changed! Nagpahinga lang pala."Malalim ang naging buntong-hininga ng guidance counselor namin. Madiin ang bawat salitang binibitawan at tila nagpipigil na sigawan ang mga taong nasa harapan n'ya.Nakagat ko ang ibabang labi. Iniiwasang maging ako ay hindi makapagpigil dito. Makailang beses akong nagpakawala ng buntong-
"What did you say?"Gulat akong umayos ng upo."Break na kami..." Pag-uulit ni Cleofa sa sinabi n'ya kanina t'yaka nagsimulang lumuha. "Nakipaghiwalay ako...kay Jam.""Cleofa," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang ang kaibigan ko.Tahimik s'yang umiiyak. Bawat hikbi n'ya ay mahina rin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko. Ito ang pangalawang beses na umiyak s'ya saakin ng dahil sa lalaki. Hindi s'ya humahagulhol ng iyak nguni't sa bawat hikbi nya ay malalaman mo kung gaano s'ya nasasaktan at nasasaktan din ako kapag nakikita s'yang ganito."What happened? Bakit ka nakipaghiwalay? Sinaktan ka ba n'ya? Niloko ka ba? May ibang babae ba?" Nagtitimpi kong tanong nang medyo kumalma ito.She chuckled. Tumatawa s'ya nguni't nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Napalabi naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Bakit hindi mo pinansin iyong nag-iisang anak ng Fabrejas?" Napatingin ako kay mommy nang tanungin n'ya nalang ako bigla matapos kong seryosong sundan ng tingin ang batang babaeng iyon na sa tingin ko kasing edad ko din naman na halos malukot ang mukha sa pagkasimangot nang hindi ko pansinin matapos kaming ipakilala sa isa't isa ng mga magulang namin. I blinked. "Mukhang masungit," wala sa sarili ko nalang na nasabi na s'yang ikinailing ng mga magulang ko saakin. "Hindi masungit ang batang iyon, Gideon. Mas matanda ka lang doon ng isang taon. Napakalambing ng batang iyon, mabait at maganda." Oo nga... Malambing nga, lalo na ang boses. Mabait naman talaga at maganda...sobra. "Hayaan mo na, Louisa. Kilala mo naman ang anak mo, halos lahat ata ng babae ay iniiwasan n'yan. Umiiwas din ang babae sa kanya dahil akala ay laging may galit sa mundo ang itsura." Nakuhang biro pa ni daddy bago bahagyang ginulo ang buhok ko. I licked my lips as I look at 'that girl' again. She's so fine. S
"Edi hindi ka na talaga babalik dito? Doon na kayo titira sa La Castellana?" Tanong saakin ni Sandra nang bumisita s'ya sa condo ko sa Manila. Kahapon pa kami nakaluwas dito at ngayong umaga dumating si Sandra. Tulog pa ang sila Gianna at Gideon kaya kaming dalawa ni Sandra ang magkatulong sa paggawa ng agahan."Bibisita rin kami paminsan-minsan dito, nandito din naman ang ibang business ni Gideon." Sabi ko sa kanya. Bigla n'ya namang hinampas ang braso ko. "Intrimitida ka talaga, buti nalang ayos na kayo 'no? Happy ka na ulit!" She said and smiled at me. Bahagya akong napatawa at tinanguan s'ya. "Masaya ako noong kayo lang ang kasama ko, mas lalo nga lang akong sumaya nang magkaayos na kami ni Gideon..." I said. "You know what Sandra? You're right, lahat ng sinabi mo saakin noon at lahat ng advice...Lahat 'yon tama at hindi ako nagsisising sinunod ko. Ngayon masaya na ako kasama si Gideon at Gianna." "And I'm happy that you're happy..." She uttered and held my hand. "Rox, you ar
"Good morning, Atty. Fabrejas!" Nakangiting bati saakin ni Yael at ng ilang naroong lawyer sa law firm namin. Binigyan ko sila ng ngiti at tinanguan. "Good morning din," Naramdam ko ang marahang paghawak ni Gideon sa likuran ko at iginiya ako papunta sa ilang pang hindi ko kilalang under ng law firm namin. I will start working here. Inaayos ko na rin ang pag-alis ko sa dating pinagtatrabahuhan. Maybe one of this days babalik kami ng Manila. Hinayaan ko ding si Gideon na ang may hawak nitong firm dahil kahit papaano ay naging malaki na rin ang ambag n'ya rito."This is your office," binuksan ni Gideon ang isang k'warto at ganoon nalang ang pasinghap ko nang mapagtantong iyon ang office ni daddy noon. "Where is your office?" I asked.He smiled at me. "Sa kabila," "Thank you," I said, smiling. Before walking to my table, I gave him a quick hug.Hinawakan ko ang lamesang bago at hindi mapigilang mapadapo ang tingin sa titulong naroon. "Your father used to own the majority of this la
You're an idiot, Roxana Imelda. You're an idiot. Pinunasan kong muli ang luha ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Kauuwi ko lang nguni't hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Yael. Shiela, Shiela Angela. Yes, I remember now. She's Imperial's sister. How could I have forgotten?!How can I assume that she's Gideon's mistress?She's also a brat... It was her fault. How can he say that she was Gideon's girlfriend? Bakit n'ya akong pinaglaruan noon? Anong ginawa ko sa kanya? Ugh! She's a real brat! Gideon chose to fail his engineering course and switch to his college course... He's a lawyer, so it's possible that he was the one who opened the case. Possible din na s'ya ang nagpanalo ng kaso... Gideon... What did I do to deserve you? Tulala ako ng pumasok sa loob ng bahay namin. Inaasahan kong wala akong maabutan ni isang tao lalo na at maghahating gabi na. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Yael ay mas pinili kong bumisita muna sa puntod ng pamilya ko at ni Cleo
Gideon was nowhere to be seen when I woke up.And it makes me very nervous.Natulog ako kagabi kakaiyak nguni't hindi ko namang nagawang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Hindi ko nagawang sabihin sa kanya na gusto kong magkaayos na kami dahil natakot ako no'ng sabihin n'yang pagod na s'ya. I broke down in tears. I cry uncontrollably in his arms, as if that's what I needed before.Naalala ko kung paano din s'yang umiyak kagabi nguni't matapos noon ay parang ako pa 'yung kailangang patahanin saamin dalawa. I recall the last thing I said to him last night.I told him I was tired and that I wanted him to sleep next to me.I remember how I felt.I cuddled him because I was scared I'd lose him if I didn't.But the next morning, he wasn't beside me anymore. Wala na rin s'ya sa kwarto. "Ma'am!" Tila nagulat si ate Melody nang sumulpot ako sa kusina at naka pajama pa. I brushed my hair using my hands. Dali-dali pa akong naghilamos kanina. "Si Gideon?" Tanong ko agad kay ate. Sand
I don't know what I should do. Should I watch their reactions? Kailangan ko bang panoorin kung paanong malaglag ang panga nila matapos kong ihayag kung bakit wala na ang best friend ko? Alam ko na, alam ko na ni isa sa kanila ay wala talagang halos kaalam-alam. The night that Cleofa took her own life. I called for some help. Humingin ako ng tulong pero iisang tao lang yung nandoon. Si ate Jess lang. S'ya lang yung tumulong saakin na alisin si Cleofa doon upang madala namin sa hospital kahit wala na talagang pag-asa. I was the one who drove the car. Kahit wala na halos akong makita pinilit naming dalhin s'ya sa ospital. Walang dumating na tulong. Walang police. Walang kapitbahay na dumulog. Wala lahat. Wala kun'di kaming dalawa ni ate Jess. I didn't bring her to her home or have a decent funeral. I chose to mourn her in the hospital, doon sa punerarya nila doon ko s'ya pinagluksang mag-isa. And after that night, We've already laid her to rest. No one knows what really happened,
It's been a week since Gianna started studying at her new school. Naglakad ako papunta sa k'warto n'ya at naabutan ko s'ya roon na inaayos ang gamit niya.Ako palagi ang naghahatid sa kanya at pati na rin ang sumusundo. Kung minsan ay nagpepresinta rin si Gideon nguni't tinatanggihan ko. Sinasabi ko naman na kaya ko. Nito ring mga nakaraang araw mas napapadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko s'ya masyadong iniimikan at kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan yata namin. Well, I know it's always my fault. Alam ko palaging ako ang mali nguni't ipinipilit kong ako ang tama. He was patient, and I hated it. I hate the fact that I will always start a fight and then, in the end, he will be the one who says sorry. He was the one who was going to apologize. I'm getting toxic. I'm making myself toxic because I wanted him to stop. I wanted him to stop trying to fix everything, but day by day, I'm realizing that I'm still finding his presence. Day by day, I'm getting attached again. It
"Rox," Napalingon ako sa gawi kung nasaan ang pinto ng bathroom nang sandaling may tumawag saakin. I stared at him coldly. Maaga pa at kagigising ko lang. Akala ko naman ay umalis na s'ya sa kuwarto at nandoon na ulit sa opisina n'ya. I pursed my lips as I remembered what happened last night. We almost did it and, in half, he left and said sorry. I am disappointed, yes. I hate him, yes. I'm mad at him, yes.Nahihiya ako kapag inaalala ko iyong nangyari kagabi sa pagitan namin pero mas namumukod ang galit na nararamdaman ko. Why? Why can't he do that thing to me? Why does it feel like he was afraid to do that to me but can do it to someone else?Maybe it's Shiela...Hindi ko s'ya inimikan at pinagpatuloy nalang ang pagtatali sa buhok kong maikli naman. I looked at myself in the mirror. I looked wasted. There are smudges of lipstick on my lips and on the side of it. I remember how everything felt last night... God gracious, Roxana! Magtigil ka nga! "May pupuntahan ka ba ngayon
Kinabukasan ay nagising akong wala na ulit s'ya sa kwarto. Maaga akong nagising dahil balak kong maaga ring pumunta ng eskwelahan nguni't mas maaga namang nagising si Gideon. Ganoon ba s'ya ka busy? Nagsuot ako ng medyo pormal na damit. I'm wearing a white blouse and fitted pants. Inayos ko ang maikli kong buhok at naglagay ng pulang lipstick sa labi ko. I don't actually know what has gotten to me to wear make-up. I just feel that I need it.Kinuha ko ang ilang papel ni Gianna na hindi ko nakalimutang dalhin, especially her birth certificate. Dala ko ang isang envelope at maliit na shoulder bag nang lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina.Naabutan ko roon na nag-aagahan si Gideon at Gianna at may pinag-uusapan pa. Rinig ko ang hagikhik ni Gianna habang nagkukuwento sa kanya si Gideon. "Really tatay? You do those things before? That's crazy!" Napapalabi kong pinanood si Gianna na tumawa habang nakatingin sa kanya si Gideon."Maybe, maybe I'm that crazy... it's because of y