"May bagong student daw." Bulong ni Cleofa nang makabalik kami sa classroom, katatapos lang ng flag ceremony.
"Oo nga, meron." Sabi ko sa kanya. "Kahapon ko lang din nalaman na may transferee, sinabi sa'kin ng adviser natin."
"Oh? Ang bilis naman kumalat ng balita. Narinig ko lang sa labas 'yung tungkol sa transferee, eh. Ang sabi galing din daw sa isang mayamang pamilya dito sa La Castellana." Umayos s'ya ng upo.
"Ang rinig ko pa nga maganda raw, nasa flag ceremony yata kanina. Hindi ko naman nakita... Ikaw ba may nakita kang bagong mukha sa bawat pila kanina?"
Umiling ako at nagkibit-balikat. "Hindi naman lahat ng mukha dito sa school kilala ko."
Umismid siya saakin at bahagyang natawa. "Tanga, ibig sabihin ko s'yempre sa tagal mo nang SSG president kahit sabihin kong hindi lahat ng mukha dito sa school kilala mo alam mo naman sa sarili mo kung pamilyar o hindi! 'O eh may nakita ka bang hindi pamilyar na mukha kanina?" Panunumbat pa.
Bahagya akong tumawa at umiling sa kanya. "Wala naman, siguro huling dumating."
Natigil ang pag-uusap namin ni Cleofa nang dumating ang adviser namin kasama ang isang bagong mukha. I, therefore, conclude that she's the transferee.
Narinig ko ang ilang bulong-bulungan galing sa mga kaklase ko, most especially the boys. The girl standing beside our adviser gives a soft aura.
Napakagaan noon na sumakto sa napakalambot n'yang features. She's pretty, indeed. Mas payat s'ya kumpara saakin at mas matangkad kami ng kaunti ni Cleofa. She has flawless skin, napakaputi n'ya at halatang hindi laki dito sa probinsya. Manipis ang natural na mapula n'yang labi at may bahagyang kasingkitan ang mata lalo na kapag nakangiti. Manipis din ang kilay n'ya at may kahabaan ang pilik mata.
"Paki check nga, parang natitibo ako." nalolokong bulong saakin ni Cleofa na bahagya kong ikinangiwi at ikinatawa.
Maganda naman kase talaga itong nasa harapan namin, though, pamilyar ang mukha n'ya.
Our adviser told her to introduce herself. Nang maglagay siya ng ngiti sa harapan ng lahat at narinig ko ang ilang d***g nila sa paghanga. Ako naman itong nangingiti habang pinapanood sila.
Madaling makakasundo ng karamihan itong bagong student, panigurado. Mukha rin naman kasi s'yang mabait at walang bakas ng kasamaan sa mukha.
"Hi, I'm Imperial. I studied in Manila, and I am now transferring here to La Castellana. Please be good to me."
"Her voice sounds so sweet." Sabi ko kay Cleofa. Namamangha naman itong ilang ulit na tumango saakin.
Tangi'ng bakanteng upuan ay ang nasa likuran ko. Kaya doon naupo si Imperial. Her name suits her. Parang galing talaga s'ya sa isang mayamang pamilya.
Nagsimula ang klase namin. Napapansin ko ang ilang sulyap galing sa mga kaklase ko patungo sa bago naming kaklase. Lihim akong napapatawa na sa tuwing nahuhuli ko sila ay mabilis silang nag-iiwas ng tingin.
Si Cleofa naman sa tabi ko ay isa pa. Ang likot sa upuan n'ya na para bang kating-kati na at gusto nang kausapin ang bago naming kaklase.
Dumaan ang pang-umagang klase namin. Matiyaga akong nakikinig sa lesson at nagsulat ng notes. Dumating ang lunch at inaasahan ko nang pinakaunang lalapit sa bagong student ay si Cleofa.
Hindi pa ito nakakatayo sa upuan n'ya, talagang lumingon lang patalikod.
"Hi! I'm Cleofa, nice to meet you!" Ngiting-ngiti pang anito at naglahad ng kamay. Mukhang nagulat naman si Imperial nguni't nang makabawi ay agad na nangiti at inabot ang kamay ni Cleofa.
"Hi, nice to meet you too." tunog nahihiya pa.
Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko at nang makatayo at t'yaka ngumiti.
"I hope we can be friends! Siya nga pala, ito si Rox. Roxana ang totoo n'yang name. Best friend ko s'ya at s'ya din ang SSG president dito sa school at president ng class natin."
I couldn't help but purse my lips as I looked at my unbelievable best friend. "Oh, sige, sabihin mo nalang sa kanya 'yung laman ng biodata ko." Biro ko bago humarap kay Imperial na nakaawang ang labi.
"Hi, nice to meet you." sabi ko pa at naglahad ng kamay sa kanya.
Tila naman tulala s'ya habang nakatingin saakin at ilang sandali ay natatarantang inabot ang kamay ko. "Roxana Imelda Fabrejas? Is that your name?" She asked.
"Uh," hindi ko maiwasang magtaka sa reaksyon n'ya pero nagawa kong tumango. "Yeah...Bakit?"
Nagpapanic s'yang ngumiti saakin at umiling. "Wala naman, matunog kasi ang pangalan mo. Naririnig ko, ikaw pala 'yon. Tama nga sila ang ganda mo."
Ok?
Nang binatawan n'ya ang kamay ko ay t'yaka naman nag-aya si Cleofa na magpunta na kami sa cafeteria. Inaya n'ya na din si Imperial na walang angal namang sumama saamin.
Nailing ako. I'm sure they will immediately get along. Cleofa is friendly, despite the fact that I am her best friend. It's just that she didn't trust people easily.
Katulad ko.
We make friends, but we stick together as one true best friend.
"Hi, Miss President! Good afternoon!" Grupo ng mga babaeng sigurado akong mas mababa ang taon saamin ang bumati saakin. Nakasalubong lang namin sila sa school grounds. They looked cute, siguro ay grade 7 palang ang mga ito at bago pa rin.
"Good afternoon," nakangiti kong bati pabalik sa kanila bago kami nagpatuloy na maglakad nila Cleofa.
"Normal ba 'yun sa 'yo?" Bigla ay tanong ni Imperial na s'yang nasa gitna namin ni Cleofa.
I looked at her. "Ang alin?"
"Yung kapag nagsasalita, ang hinhin tapos ang lambing ng boses." Aniya at bahagyang humagikhik ng tawa na sinabayan ng halakhak ni Cleofa.
"Nako! Ganyan talaga si Rox, masanay ka na. Hindi mababago ang boses n'yan, sad'yang malambing. Kaya nga kahit galit na 'yan hindi mo alam kung galit talaga o naggagalit-galitan lang dahil sa tono ng boses!" Pagkuwekuwento nito. "Mabait si Rox pero istrikto at mukhang masungit."
"Bagay naman sa kanya, ang ganda nga n'ya tapos ang ganda pa ng boses."
"Well, that's a compliment, so I'll take it." Biro ko kay Imperial at bahagya ring tumawa.
Madami ang napapalingon sa gawi namin lalo na at may bago kaming kasama nang pumasok kami sa loob ng cafeteria. Wala namang pake 'yung dalawang kasama ko at kahit maging ako sanay na sa ganoon.
Bumili kami ng pagkain t'yaka dumeretso sa isang bakanteng lamesa.
"So bakit ka pala lumipat dito sa La Castellana? Ang layo ng Maynila, ah? Bakit dito mo naisipang mag-aral?" Simulang pang-uusisa ni Cleofa kay Imperial habang kumakain kami.
"Ito kase ang probinsya ng pamilya namin, t'yaka nandito ang pinsan ko. Ayoko na sa Maynila, gusto ko ng tahimik na buhay." Magiliw n'yang pagsagot sa tanong namin.
"Hindi mo sure. Akala mo lang talaga tahimik ang probinsya..." Pabirong ani ni Cleofa.
Patuloy kami sa pagkuwekuwentuhan. Madali lang na naging magaan ang loob ko kay Imperial at gano'n din si Cleofa. Napag-alaman din naming mas bata siya ng isang taon saamin.
Akala ko ay mahinhin talaga si Imperial, but then I realized that she's a bit like Cleofa.
"Oh, ayan tutunawin ka na naman sa titig." Sa kalagitnaan ng pagkuwekuwentuhan namin ay sumingit si Cleofa at kinalabit ako bago inginuso ang parte kung nasaan ang counter. Kunot-noong lumipat ang tingin ko doon at saktong natamaan ng mata ko si Lofranco na s'yang inginunguso ni Cleofa na nakatingin daw saakin.
Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Tahimik at walang gulo ang buhay ko kahapon, sana ngayon ay ganoon din. Ni hindi ko nga nakita si Lofranco sa flag ceremony kanina. Akala ko naman ay absent, ipagpapasalamat ko na sana at lumiban s'ya kaso mukhang mali ako.
"Anong meron sa kanya?" Tanong ni Imperial saamin.
Umismid ako at umiling. Pinanlakihan ko ng mata si Cleofa dahil alam kong kung ano-ano na namang sasabihin n'ya dito kay Imperial pero hindi nagawang pigilan ng pandidilat ko sa kanya ang madaldal n'yang bunganga.
Ngising-aso lang ang isinukli niya saakin.
"Alam mo kase, iyong lalaking 'yon, si Gideon Lofranco iyon ang tinaguriang sakit sa ulo ni Roxana. 'Yan ang hari ng guidance office, s'ya at ang barkada n'ya. Pero alam mo feeling ko kaya lang 'yan nagloloko kasi gustong magpapansin kay Roxana, you know, SSG President. Duty n'ya ang panatilihing tahimik ang school at walang gulo."
"Talaga? Baka nga nagpapapansin lang sa 'yo, Rox?" Nangingisi pang sabi ni Imperial na s'yang ikinasimangot ko.
"Maniwala ka naman d'yan kay Cleofa. 'Yung laman ng isip n'yan puro chismis, mga sabi-sabi lang! Kaya h'wag kang maniniwala sa kanya." Sabi ko pa at tinawanan lang ng kaibigan ko.
"Hoy! Sabi kaya nila, ang chismis kalahating totoo at kalahating hindi. Well, apparently, may chismis naman na hindi talaga totoo at gawa gawa lang..."
"Kuha mo!" I agreed.
"But then, iyong chismis na may gusto sa 'yo si Gideon, totoo 'yon! Walang halong biro, hindi gawa-gawa!" Gusto kong takpan ang bibig n'ya dahil sa lakas ng boses niya, nakakakuha na s'ya ng atensyon galing sa kalapit naming lamesa.
"Ewan ko sa 'yo! Kung ano-anong sinasabi mo!"
I heard Imperial laugh with Cleofa. "Bakit, gusto mo rin ba si Gideon?" Tanong nito saakin.
I shook my head. Pakiramdam ko tuloy ngayon hindi na iisa ang babaeng pasakit ng ulo ko. Dalawa na sila!
"Of course not." tugon ko.
Umiling naman ang bestfriend ko sa kanya. "Medyo malabo eh, alam mo kasi 'yang si Rox ang tipo n'yang sa lalaki 'yung mala Dr. Jose Rizal. 'Yung matalino at maginoo."
Pakiramdam ko ay nag-iinit na ang pisngi ko sa tuloy-tuloy na pang-aasar nitong kaibigan ko buti na'lang at natapos na ang lunch.
Pinauna ko silang bumalik sa classroom dahil kailangan kong dumaan sa locker room. Nakalimutan ko kasi kahapon 'yung isa pang pares ng jersey ko. Kailangan iyong labhan dahil may practice na ulit kami bukas.
Ngayon ay wala, dahil occupy ng basketball team ang court. May practice game din sila. Alpha ang tawag sa team ng basketball varsity namin, habang ang volleyball girls naman ang Aphros. Sabi nila Aphros daw kinuha sa Aphrodite.
Paglabas ko ng locker area ay halos mapaigtad ako sa gulat nang makita ang bulto ng taong nakasandal sa gilid noon.
I quivered in shock when I smelled a manly and addictive scent.
"Shit!"
Umawang ang labi ni Lofranco at tila namamanghang nakatingin saakin. Bahagya pang nanlalaki ang mata.
"What are you doing there?!" I blurted. I held my chest, naghuhurumentado iyon ng dahil sa pagkagulat.
"Woah, Did you just...cussed?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay nagbalik din s'ya ng tanong saakin.
I frowned and raised an eyebrow at him.
Daglian ay mahina s'yang napatawa at tumuwid ng tayo sa harapan ko. He extended his hand in front of me, and there in front of me was a cup of guyabano juice.
Umawang ang labi ko.
"I forgot to give you this. Umalis kasi kayo agad, hindi ko tuloy naabot sa 'yo..."
Nagtataka akong tiningnan lang siya. Tinatansya ko kung anong dapat kong maging reaksyon at kung seryoso ba s'ya sa sinasabi n'ya.
Walang bahid ng ngiti sa labi niya, seryoso at kitang-kita ang pagiging sensiro sa mata. Muli akong napatingin sa kamay n'ya, nagdadalawang isip kung aabutin ko ba ang binibigay n'ya.
Tila may sariling utak pa ang kamay ko at t'yaka iyong marahang inabot para tanggapin.
My hand lightly brushes against his, causing his side upper lip to rise.
"Iyon lang ba ang ipinunta mo dito?" Marahan kong tanong sa kanya.
Sandali pa s'yang tumitig lang saakin at hindi gumagalaw sa kinatatayuan n'ya kaya kumunot na ang noo ko.
"Mr. Lofranco?" Tawag ko sa kanya.
"Ah, yeah..." tumuwid s'ya ng tayo at inilagay ang parehas na kamay sa bulsa ng pants n'ya.
Bahagya akong tumikhim nang dahil sa ramdam kong pamumuong awkwardness sa pagitan namin. Parang sa unang pagkakataon ay bukod sa inis ay nakaramdam ako ng ibang emosyon sa kanya.
I suddenly feel awkward whenever he's around, especially when he starts acting like this. He's getting weird, and I'm not used to it.
"Bakit?" Wala sa sarili kong sabi sakanya.
Kumunot naman ang noo n'ya sa pagtataka. I licked my dry lips before continuing my question.
"Bakit mo ako binibilhan nito?" Bahagya kong itinaas ang hawak kong juice na s'yang ibinigay n'ya.
His lips twitched and he shrugged at me. "Hindi ko alam."
Trip mo lang gano'n?
I sighed. Magulo talaga ang isang ito at hindi ko maintindihan kung ano bang pinaplano n'ya o kung ano bang intensyon n'ya sa palaging pagtitig saakin at t'yaka itong pagbibigay ng paborito kong inumin.
Possible bang totoo 'yung sinabi ni Cleofa na may gusto nga talaga saakin si Lofranco?
Ni hindi ko nga alam kung paano kumalat iyong usaping tungkol sa nagugustuhan n'ya ako. Ang natatandaan ko lang ay third year ako noon at maaga pa nang nadaanan ko ang grupo nila Lofranco sa may Batibot. Iyong iba n'yang kaklase ay nandoon din.
Bigla nalang silang nag-asaran. Hindi ko maintindihan noon kung ano bang ikinaiingay nila sa pagdaan ko. I saw Lofranco's eyes that time, and he looked so shocked pero nang makabawi ay biglang ngumisi.
Kinunutan ko lang s'ya ng noo noon bago umalis. Then, the next day, Cleofa told me that Gideon Lofranco had a crush on me.
That became an issue in this school na hindi ko naman din pinapansin noon dahil tangi'ng alam ko lang ay ayoko sa lalaking ito. Ayoko sa ugali n'ya, simply, ayaw ko talaga sa kanya.
"I'll get going, malapit na ang panghapong klase. Bumalik ka na rin sa classroom n'yo. I'm warning you, Mr. Lofranco. Make sure you and your group do not make any mess today or even the next couple of days." Seryoso kong na banta sa kanya at hindi na s'ya inantay na magsalita.
Iniwan ko na s'ya doon.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang makalabas ng gym. How I wish na wala talaga silang kalokohan ngayon at sa mga susunod pang araw.
Sana ito na 'yung umpisa ng pagbabago nila.
"Saan galing 'yan? Bumalik ka pa sa cafeteria?" Tanong ni Cleofa nang makita ang dala kong guyabano juice.
Umawang ang labi ko. "D'yan lang sa tabi-tabi." Sabi ko.
"Ha?" Naguguluhan n'ya namang sabi saakin.
Imperial suddenly chuckled. "Sa tabi-tabi n'ya lang daw nakuha 'yung guyabano juice. Malay mo naman may nagbigay, diba?"
Nagtagal ang tingin ko dito. Hindi ko alam kung bakit parang sigurado s'ya sa sinabi n'ya. May alam kaya s'ya? Alam n'ya bang kay Lofranco galing itong juice? Pano n'ya naman nalaman?
Napabuntong hininga ako.
Baka hinulaan n'ya lang.
Inubos ko na iyong juice bago pa dumating ang panghapon naming teacher. Sayang naman kasi kung itatapon ko. Paborito ko pa naman din.
Muling naging tahimik ang maghapon ko. Katulad kahapon ay naging payapa iyon.
"May sundo ka ba, Imperial?" Tanong ko rito nang lumabas na ang huling subject teacher namin.
Tumango ito at inayos na ang gamit n'ya. "Oo eh, meron. Hindi ko pa rin naman kasi tanda ang papunta rito at pauwi saamin kaya kailangan ko ng taga hatid-sundo."
"Sabagay," pagsang-ayon ni Cleofa.
"Sabay ka nalang saamin palabas?" Sabi ko.
Sinagot n'ya naman iyon ng tango. Agad na kumapit na parang tuko sa braso ko si Cleofa. Akmang lalabas na kami nang bigla namang magpapigil si Imperial.
"Sandali lang,"
"Bakit?"
"Kailangan ko palang ilagay 'to sa gamit ni Ma'am Sandrine, 'yung envelope. Kailangan n'ya raw 'yung records ko." Sabi n'ya sabay naghanap ng kung ano sa loob ng bag n'ya.
"Hoy," bulong bigla saakin ni Cleofa.
"Oh?"
"May tao sa labas ng room!" Tila iniipit ang boses niya na hindi ko maintindihan.
"Ha?" Taka kong sabi at lumingon sa labas ng room namin. Umawang ang labi ko nang makita si Lofranco at ang dalawa nitong kaibigan sa labas ng room namin.
Anong namang ginagawa nila dito?
"Tara dali, labasin natin!" Hila-hila pa ako ni Cleofa. Puwersa ko naman iyong pinigilan.
Nanlalaki ang mata ko sa kanya. "Bakit naman natin lalabasin? Ano bang malay natin kung anong kailangan nila?"
"Duh! Kaya nga magtatanong!" Irap naman nito saakin at muli akong hinigit.
"Impe, hintayin ka namin sa labas!" Sigaw pa n'ya kay Imperial. Pinaikli pa daw ang pangalan noong isa!
Pigilan ko man ay malakas ang p'wersa n'ya. Wala akong palag nang higitin n'ya ako palabas ng room.
Paglabas pa lang namin ng room dumako na ang tingin saakin no'ng tatlo. Agad tuloy akong napaayos ng tayo at nagpanggap na hindi nagkaroon ng kung anong pakikipaghilahan kay Cleofa.
"Miss President!" sambit ng isa sa kasama ni Lofranco.
I faked coughed "Mr. Ignacio," Bati kong pabalik dito na ikinangisi n'ya at palihim na siniko ang isa pa n'yang katabi.
"May kailangan ba kayo? Sa pagkakaalam ko uwian na, bakit nandito pa kayo?" Mataray ang boses ko, nag-angat ng tingin kay Lofranco.
"May sinusundo lang, Miss President." Nakangisi nitong sabi.
Naramdaman ko ang kurot ni Cleofa sa tagiliran ko.
Masakit!
"Kuya Gideon!"
Pare-parehas kaming natigilan nang lumabas galing sa room si Imperial at dumeretso kay Lofranco. B****o pa rito bago ngumiti.
"Hey," bati ni Lofranco sa kanya.
Sabay kaming napasinghap ni Cleofa at parehas na gulat.
"Kuya Gideon?" Naguguluhang sabi ni Cleofa na ikinalingon naman ng mga ito.
A smirk formed on Imperial's lips. "Yes, diba sabi ko sa inyo nandito 'yung pinsan ko sa La Castellana kaya pinili kong mag-aral dito? S'ya 'yun, 'yung pinsan ko."
"Wala ka bang practice sa majorette ngayong month? Next next month na ang intrams, diba?" Tanong Cleofa saakin.Inayos ko ang gamit ko. Tapos na ang klase namin ngayong araw at parehas silang nagpasiyang sasama saakin para manood ng practice. Out of nowhere nga ang pagyaya ni Imperial kanina matapos malamang may practice ako ngayong araw."Meron next month pa, mga third week siguro next month. Kailangan ko kasing munang kumuha ng special exam, alam mo naman 'yon." Sabi ko.Kailangan kong kumuha ng special exam lalo pa at may mga araw o linggong hindi talaga ako nakakadalo ng klase. May mga activities kasi akong dahilan kung bakit lagi akong wala.Tumango s'ya. "'E, sa competition? May balita ka bang ngayong taon ay magkakaroon ka ng tournament?"Napalabi ako. "Wala pa, hindi ko pa nga nakakausap si coach. Hindi rin naman s'ya tumatawag saakin."We're talking about the rhythmic gymnastics tournament. Last year ay
"So we needed a place where we could have our group study and at the same time gagawa rin tayo ng research paper at presentation..." I said.Napatingin saakin ang apat kong group mates. Nagkaroon kasi kami nitong activity. Research paper at sa isa pang subject ay may presentation naman kami. Gladly same group lang ang kailangan sa dalawang subject na iyon."P'wede namang saamin," Marylou suggested."Isn't your house a bit too far? I mean, if sa inyo, mapapalayo kami. Malayo masyado 'yung house n'yo sa house namin." Anang naman ni Sheena.Nagkatinginan kaming tatlo nila Cleofa at Imperial. Siguro kami lang ang walang issue dito sa kung saan talaga p'wedeng magkaroon ng group study. But, Sheena and Marylou's parents are a bit strict.Well, I have a group of geniuses here. Pero tama nga naman, medyo malayo rin kasi ang kayna Marylou.I played my lips with my fingers habang hinihintay pa ang mga desisyon nila.
Hindi mo makikilala ang isang tao kung ang pagbabasehan mo ay ang panlabas nitong anyo at ang panglabas nitong ugali na ipinapakita sa 'yo. You will know someone well when you choose to see the different sides of him. Makikilala mo lang talaga ang isang tao kung pipiliin mong tingnan ang bagay na hindi n'ya naman basta ipinapakita."He's good in arts pala, 'no?" Out of nowhere ay nasabi ko iyon sa mga kaibigan ko. Nasa iisang lamesa na kami at may kanya-kanyang ginagawa.My mind seems off. Hindi ko kasi maalis sa isipan ko 'yung napakagandang pinta na nasa gilid lang namin.Nag-angat ng tingin saakin si Imperial na busy naman sa pagsusulat sa sarili n'yang notebook. Bahagyang kumunot ang noo."Sino?""Si Gideon..."Bahagyang napaawang ang labi n'ya. Bahagya pang kinagat ang dulo ng ballpen n'ya at napatango-tango saakin."Sandali, sandali lang!" Cleofa interrupted. Nasa tabi ko lang ito at nakahawak
"Buti naman nakarating ka na." bungad 'yan saakin ni Imperial nang makapasok kami sa bahay nila.Naroon silang apat sa living room. Makahulugan ang tingin ng dalawa kong kaibigan habang iyong dalawa naman ay nagtataka kung bakit kami magkasama ni Gideon.I clicked my tongue in annoyance. "I brought my laptop." Sabi ko at naupo sa tabi ni Cleofa. Napansin ko ang mga gamit nila sa ibabaw ng coffee table. Ibig sabihin ay dito nila balak mag-aral ngayon.Napansin kong tahimik sila bigla. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang kunot na noo ni Gideon at kulang nalang ay magsalubong ang kilay niya."Kuya pakisabi naman kay manang na dalhan kami ng pagkain, oh?" Biglang pagsasalita ni Imperial sa pinsan.Nilingon s'ya ni Gideon bago nagpakawala ng buntong-hininga at tumango. "Alright,"Ibinaba ko ang tingin sa mga gamit namin. Kinuha ko ang bag ng laptop ko at binuksan iyon para ilabas na. Narinig ko naman ang pap
"Anong ipinaparating mo? May gusto ka saakin, gano'n ba?" Tanong ko kay Gideon.Naghuhurumentado ang puso ko na s'yang hindi ko maintindihan. Bakit kinakabahan ako sa mga lumalabas sa bibig ni Gideon samantalang ilang beses ko na itong narinig galing sa iba..."Paano kung gano'n nga?" He marvelously smiled at me.Hindi ko mapigilang mainis sa pagpapaligoy-ligoy nito. Mas lalo ko tuloy naisip na baka nga pinaglalaruan niya lang ako.I glared at him at hindi na makapagpigil na ipakita sa kanya ang naiinis kong mukha. "Stop playing with me, Gideon.""I thought you guys had already changed! Nagpahinga lang pala."Malalim ang naging buntong-hininga ng guidance counselor namin. Madiin ang bawat salitang binibitawan at tila nagpipigil na sigawan ang mga taong nasa harapan n'ya.Nakagat ko ang ibabang labi. Iniiwasang maging ako ay hindi makapagpigil dito. Makailang beses akong nagpakawala ng buntong-
"What did you say?"Gulat akong umayos ng upo."Break na kami..." Pag-uulit ni Cleofa sa sinabi n'ya kanina t'yaka nagsimulang lumuha. "Nakipaghiwalay ako...kay Jam.""Cleofa," nag-aalalang tawag ko sa kanya. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha n'ya kaya wala akong nagawa kung hindi ang yakapin nalang ang kaibigan ko.Tahimik s'yang umiiyak. Bawat hikbi n'ya ay mahina rin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang kaibigan ko. Ito ang pangalawang beses na umiyak s'ya saakin ng dahil sa lalaki. Hindi s'ya humahagulhol ng iyak nguni't sa bawat hikbi nya ay malalaman mo kung gaano s'ya nasasaktan at nasasaktan din ako kapag nakikita s'yang ganito."What happened? Bakit ka nakipaghiwalay? Sinaktan ka ba n'ya? Niloko ka ba? May ibang babae ba?" Nagtitimpi kong tanong nang medyo kumalma ito.She chuckled. Tumatawa s'ya nguni't nandoon pa rin ang luha sa mga mata. Napalabi naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Grabe talaga, akala ko tatamaan na tayo dito no'ng bola. Lalo na ikaw, dadaplis lang saakin 'yun kung sakali pero sa 'yo naman sakto ang bola! Buti naharangan agad ni kuya, pero sigurong masakit 'yon..."Pinaglapat ko ang labi ko habang patuloy na nakikinig sa kung ano-anong sinasabi ni Imperial. Para s'yang nangungunsensya na ewan.Tapos na ang practice ng basketball at meron pa kaming kailangan gawin kaya nagyaya na ako paalis."Oo nga, tapos 'yung isa d'yan 'di man lang nagpasalamat do'n sa tao. Basta nalang umalis..." Cleofa murmured.Napalabi ako, totoong natatamaan sa mga ibinabato nilang parinig saakin.Gusto ko naman kasi talagang magpasalamat kay Gideon kaya lang ay nahiya ako. Inunahan ako ng hiya kanina at nawalan ng lakas ng loob na harapin s'ya.I wanted to thank him for protecting me.But then I remember how I've been treating him over the last few days.Simula noon
Hindi ko alam kung kailan ako naniwala at kung kailangan ko natagap. I always told myself, "No, he's bluffing." He's just fooling around with me. He was out for vengeance. But since then, since the day he has held my hand...looked me in the eyes and said that he really likes me.My mind and heart began to argue, and at the end of the day, I just found myself believing him. Believing that Gideon Lofranco likes me..."Para kanino naman 'yan?"Kinuha ko ang tatlong box ng paper puzzles t'yaka iyon nilagay sa hawak kong basket. Nandito ako ngayon sa national bookstore sa city kasama si Gideon.He insisted on accompanying me. Hindi ko alam kung paano n'ya ako napapayag.Linggo ngayon at bukas naman ang start ng activities sa school. The truth is, may plano talaga akong pumunta dito ngayon sa Ayala. I need to buy some things na kailangan ko para bukas katulad ng barrette at bagong sapatos para bukas. Boots and hanap ko, iyong high calf.
"Bakit hindi mo pinansin iyong nag-iisang anak ng Fabrejas?" Napatingin ako kay mommy nang tanungin n'ya nalang ako bigla matapos kong seryosong sundan ng tingin ang batang babaeng iyon na sa tingin ko kasing edad ko din naman na halos malukot ang mukha sa pagkasimangot nang hindi ko pansinin matapos kaming ipakilala sa isa't isa ng mga magulang namin. I blinked. "Mukhang masungit," wala sa sarili ko nalang na nasabi na s'yang ikinailing ng mga magulang ko saakin. "Hindi masungit ang batang iyon, Gideon. Mas matanda ka lang doon ng isang taon. Napakalambing ng batang iyon, mabait at maganda." Oo nga... Malambing nga, lalo na ang boses. Mabait naman talaga at maganda...sobra. "Hayaan mo na, Louisa. Kilala mo naman ang anak mo, halos lahat ata ng babae ay iniiwasan n'yan. Umiiwas din ang babae sa kanya dahil akala ay laging may galit sa mundo ang itsura." Nakuhang biro pa ni daddy bago bahagyang ginulo ang buhok ko. I licked my lips as I look at 'that girl' again. She's so fine. S
"Edi hindi ka na talaga babalik dito? Doon na kayo titira sa La Castellana?" Tanong saakin ni Sandra nang bumisita s'ya sa condo ko sa Manila. Kahapon pa kami nakaluwas dito at ngayong umaga dumating si Sandra. Tulog pa ang sila Gianna at Gideon kaya kaming dalawa ni Sandra ang magkatulong sa paggawa ng agahan."Bibisita rin kami paminsan-minsan dito, nandito din naman ang ibang business ni Gideon." Sabi ko sa kanya. Bigla n'ya namang hinampas ang braso ko. "Intrimitida ka talaga, buti nalang ayos na kayo 'no? Happy ka na ulit!" She said and smiled at me. Bahagya akong napatawa at tinanguan s'ya. "Masaya ako noong kayo lang ang kasama ko, mas lalo nga lang akong sumaya nang magkaayos na kami ni Gideon..." I said. "You know what Sandra? You're right, lahat ng sinabi mo saakin noon at lahat ng advice...Lahat 'yon tama at hindi ako nagsisising sinunod ko. Ngayon masaya na ako kasama si Gideon at Gianna." "And I'm happy that you're happy..." She uttered and held my hand. "Rox, you ar
"Good morning, Atty. Fabrejas!" Nakangiting bati saakin ni Yael at ng ilang naroong lawyer sa law firm namin. Binigyan ko sila ng ngiti at tinanguan. "Good morning din," Naramdam ko ang marahang paghawak ni Gideon sa likuran ko at iginiya ako papunta sa ilang pang hindi ko kilalang under ng law firm namin. I will start working here. Inaayos ko na rin ang pag-alis ko sa dating pinagtatrabahuhan. Maybe one of this days babalik kami ng Manila. Hinayaan ko ding si Gideon na ang may hawak nitong firm dahil kahit papaano ay naging malaki na rin ang ambag n'ya rito."This is your office," binuksan ni Gideon ang isang k'warto at ganoon nalang ang pasinghap ko nang mapagtantong iyon ang office ni daddy noon. "Where is your office?" I asked.He smiled at me. "Sa kabila," "Thank you," I said, smiling. Before walking to my table, I gave him a quick hug.Hinawakan ko ang lamesang bago at hindi mapigilang mapadapo ang tingin sa titulong naroon. "Your father used to own the majority of this la
You're an idiot, Roxana Imelda. You're an idiot. Pinunasan kong muli ang luha ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Kauuwi ko lang nguni't hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging usapan namin ni Yael. Shiela, Shiela Angela. Yes, I remember now. She's Imperial's sister. How could I have forgotten?!How can I assume that she's Gideon's mistress?She's also a brat... It was her fault. How can he say that she was Gideon's girlfriend? Bakit n'ya akong pinaglaruan noon? Anong ginawa ko sa kanya? Ugh! She's a real brat! Gideon chose to fail his engineering course and switch to his college course... He's a lawyer, so it's possible that he was the one who opened the case. Possible din na s'ya ang nagpanalo ng kaso... Gideon... What did I do to deserve you? Tulala ako ng pumasok sa loob ng bahay namin. Inaasahan kong wala akong maabutan ni isang tao lalo na at maghahating gabi na. Pagkatapos kasi naming mag-usap ni Yael ay mas pinili kong bumisita muna sa puntod ng pamilya ko at ni Cleo
Gideon was nowhere to be seen when I woke up.And it makes me very nervous.Natulog ako kagabi kakaiyak nguni't hindi ko namang nagawang sabihin sa kanya ang gusto kong sabihin. Hindi ko nagawang sabihin sa kanya na gusto kong magkaayos na kami dahil natakot ako no'ng sabihin n'yang pagod na s'ya. I broke down in tears. I cry uncontrollably in his arms, as if that's what I needed before.Naalala ko kung paano din s'yang umiyak kagabi nguni't matapos noon ay parang ako pa 'yung kailangang patahanin saamin dalawa. I recall the last thing I said to him last night.I told him I was tired and that I wanted him to sleep next to me.I remember how I felt.I cuddled him because I was scared I'd lose him if I didn't.But the next morning, he wasn't beside me anymore. Wala na rin s'ya sa kwarto. "Ma'am!" Tila nagulat si ate Melody nang sumulpot ako sa kusina at naka pajama pa. I brushed my hair using my hands. Dali-dali pa akong naghilamos kanina. "Si Gideon?" Tanong ko agad kay ate. Sand
I don't know what I should do. Should I watch their reactions? Kailangan ko bang panoorin kung paanong malaglag ang panga nila matapos kong ihayag kung bakit wala na ang best friend ko? Alam ko na, alam ko na ni isa sa kanila ay wala talagang halos kaalam-alam. The night that Cleofa took her own life. I called for some help. Humingin ako ng tulong pero iisang tao lang yung nandoon. Si ate Jess lang. S'ya lang yung tumulong saakin na alisin si Cleofa doon upang madala namin sa hospital kahit wala na talagang pag-asa. I was the one who drove the car. Kahit wala na halos akong makita pinilit naming dalhin s'ya sa ospital. Walang dumating na tulong. Walang police. Walang kapitbahay na dumulog. Wala lahat. Wala kun'di kaming dalawa ni ate Jess. I didn't bring her to her home or have a decent funeral. I chose to mourn her in the hospital, doon sa punerarya nila doon ko s'ya pinagluksang mag-isa. And after that night, We've already laid her to rest. No one knows what really happened,
It's been a week since Gianna started studying at her new school. Naglakad ako papunta sa k'warto n'ya at naabutan ko s'ya roon na inaayos ang gamit niya.Ako palagi ang naghahatid sa kanya at pati na rin ang sumusundo. Kung minsan ay nagpepresinta rin si Gideon nguni't tinatanggihan ko. Sinasabi ko naman na kaya ko. Nito ring mga nakaraang araw mas napapadalas ang pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko s'ya masyadong iniimikan at kahit maliit na bagay ay pinagtatalunan yata namin. Well, I know it's always my fault. Alam ko palaging ako ang mali nguni't ipinipilit kong ako ang tama. He was patient, and I hated it. I hate the fact that I will always start a fight and then, in the end, he will be the one who says sorry. He was the one who was going to apologize. I'm getting toxic. I'm making myself toxic because I wanted him to stop. I wanted him to stop trying to fix everything, but day by day, I'm realizing that I'm still finding his presence. Day by day, I'm getting attached again. It
"Rox," Napalingon ako sa gawi kung nasaan ang pinto ng bathroom nang sandaling may tumawag saakin. I stared at him coldly. Maaga pa at kagigising ko lang. Akala ko naman ay umalis na s'ya sa kuwarto at nandoon na ulit sa opisina n'ya. I pursed my lips as I remembered what happened last night. We almost did it and, in half, he left and said sorry. I am disappointed, yes. I hate him, yes. I'm mad at him, yes.Nahihiya ako kapag inaalala ko iyong nangyari kagabi sa pagitan namin pero mas namumukod ang galit na nararamdaman ko. Why? Why can't he do that thing to me? Why does it feel like he was afraid to do that to me but can do it to someone else?Maybe it's Shiela...Hindi ko s'ya inimikan at pinagpatuloy nalang ang pagtatali sa buhok kong maikli naman. I looked at myself in the mirror. I looked wasted. There are smudges of lipstick on my lips and on the side of it. I remember how everything felt last night... God gracious, Roxana! Magtigil ka nga! "May pupuntahan ka ba ngayon
Kinabukasan ay nagising akong wala na ulit s'ya sa kwarto. Maaga akong nagising dahil balak kong maaga ring pumunta ng eskwelahan nguni't mas maaga namang nagising si Gideon. Ganoon ba s'ya ka busy? Nagsuot ako ng medyo pormal na damit. I'm wearing a white blouse and fitted pants. Inayos ko ang maikli kong buhok at naglagay ng pulang lipstick sa labi ko. I don't actually know what has gotten to me to wear make-up. I just feel that I need it.Kinuha ko ang ilang papel ni Gianna na hindi ko nakalimutang dalhin, especially her birth certificate. Dala ko ang isang envelope at maliit na shoulder bag nang lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina.Naabutan ko roon na nag-aagahan si Gideon at Gianna at may pinag-uusapan pa. Rinig ko ang hagikhik ni Gianna habang nagkukuwento sa kanya si Gideon. "Really tatay? You do those things before? That's crazy!" Napapalabi kong pinanood si Gianna na tumawa habang nakatingin sa kanya si Gideon."Maybe, maybe I'm that crazy... it's because of y