Psycho Secrets

Psycho Secrets

last updateLast Updated : 2021-08-18
By:  chicaconsecreto  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
15Chapters
1.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Sigawan.Patayan.Mga taong humihingi ng tulong.Mga baliw.Mamamatay tao.Kung magiging nurse ka sa isang misteryosong ospital, tutuloy ka pa ba?Araw-araw ay may nawawalan ng buhay. Ang mga pamilya ng mga pasyenteng ang nais lamang ay gumaling ang minamahal ngunit nauwi ito sa trahedya. Hindi sila nailigtas.Nais lamang nilang gumaling sa kanilang sakit sa pag-iisip ngunit kasawian ang natamo nila. Walang nakakaalam kung sino ang pumapaslang. Walang nakakaalam kung kailan ito titigil. Walang nakakaalam kung mabibigyan pa ba ng hustisya ang mga nasawi. Walang nakakaalam kung sino siya. Wala...Tila nabalot ng dilim ang gusaling aking pinagtatrabahuhan. At walang nakakaalam kung sino ang susunod na mamamatay. Mag-iingat ka, baka ikaw na ang susunod.-------Plagiarism is a crime.

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Jared Altez
seyeng burado na ata to????
2022-01-07 21:47:20
0
15 Chapters

Prologue

Sigawan. Patayan. Mga taong humihingi ng tulong. Mga baliw. Mamamatay tao. Kung magiging nurse ka sa isang misteryosong ospital, tutuloy ka pa ba?  Araw-araw ay may nawawalan ng buhay. Ang mga pamilya ng mga pasyenteng ang nais lamang ay gumaling ang minamahal ngunit nauwi ito sa trahedya. Hindi sila nailigtas. Nais lamang nilang gumaling sa kanilang sakit sa pag-iisip ngunit kasawian ang natamo nila. Walang nakakaalam kung sino ang pumapaslang. Walang nakakaalam kung kailan ito titigil. Walang nakakaalam kung mabibigyan pa ba ng hustisya ang mga nasawi. Walang nakakaalam kung sino siya. Wala... Tila nabalot ng dilim ang gusaling aking pinagtatrabahuhan. At walang nakakaalam kung sino ang susunod na mamamatay. Mag-iingat ka, baka ikaw na ang susunod. -------Plagiarism is a crime.
Read more

Psycho 1.1

Tanya’s POV “Hindi ako baliw!”  Madalas ay ito ang naririnig ko sa araw-araw kapag papasok na ako ng aking trabaho bilang nurse sa Osmenia Mental Hospital.  Ang mga taong nawala na sa sarili nilang mga katinuan, nasira ang buhay, nawala sa pag-iisip at nakaranas ng trauma sa kanilang buhay ay dito mo matatagpuan. Lahat sila ay may kani-kaniyang kwento kung bakit sila napadpad dito. ‘Wag niyo silang husgahan, sa halip ay maging bukas ang inyong isipan at unawain ninyo ang kanilang kalagayan. My name is Tanya Sanchez, 23 years old. Madalas tinatawag nila akong Tan dahil ito na ang nakasanayan nilang itawag sa akin simula noong magsimula akong magtrabaho sa ospital na ito. Maraming mga pasyente ang nakakahalubilo ko sa araw-araw. May mababait, may maiilap. Mayroon akong itim at mahabang buhok na hanggang bewang. Normal lang ang aking timbang at tang
Read more

Psycho 1.2

(Continuation of chapter one)Tanya’s POV Nakatingin siya sa akin na walang emosyon. Nagulat ako sa biglang pagtakbo niya sa corridor papalayo. Hindi ko alam ngunit kusang kumilos ang mga paa ko upang habulin siya.  May kalakihan ang pagitan ng dalawang gusaling ito kaya inabot ako ng halos isang minuto upang makapunta roon. Napatigil ako sa pwestong kinatatayuan niya kanina at nakita ko siya sa kanto ng hallway na nakatayo at nakatingin sa akin. At muli nanaman siyang tumakbo pakanan. Hinabol ko siya. “Sandali!” sigaw ko sa kanya na hindi tumitigil sa pagtakbo.  Walang tao sa bawat hallway na madadaanan ko dahil lahat sila ay nasa labas. Muli siyang lumiko sa kaliwang daan kaya naman sinundan ko siyang muli.  Pagliko doon ay ito na ang wakas ng corridor. Ngunit biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib nan
Read more

Psycho 2.1

Tanya’s POV “Natagpuan ang labi ng isang pasyente na itago na lamang natin sa pangalang Cora sa Osmenia Mental Hospital o mas kilala bilang OMH. Ayon sa nakasaksi, pagkatapos umano ng umagahan nito ay muli niya itong binalikan upang yayain sa activity ng ospital ngunit ito na nga ang bumungad sa kanya.” Laman na ng telebisyon at social media ang nangyari kahapon. Hindi pa din mawala sa aking isipan ang hitsura niya nang madatnan namin siya sa kanyang silid. Duguan. Wala ng buhay. Pinatay ko na ang TV at saka ko na inubos ang kinakain kong cerial na may gatas. Nandito pa ako sa aking condo, mabuti na lamang ay palagi akong maaga nagigising kahit na puyat ako sa gabi. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko at saka muling tumingin sa salamin upang tingnan ang sarili. “Good day at work… I hope so,” bulong ko sa aking sarili at kin
Read more

Psycho 2.2

(Continuation of chapter 2)Tanya’s POV Humigpit ang kapit nito sa aking palad. Muli niyang ibinalik ang tingin sa gusaling nasa harapan namin. “Bata, matanda, at mga dalaga at binata. Lahat sila ay nagmistulang halimaw at ang iba ay pinapatay ang mga scientist na nagche-check ng kanilang kalagayan. Hanggang sa mawalan siya ng test subject. Sa kasamaang palad, ako ang napili niya.” Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mata. Ramdam ko ang tila ba traumang nararamdaman ni Lola Sonya. “Hindi ko alam ang gagawin. Tila ba may bumubulong sa aking tainga na pumatay ka, patayin mo sila, 'wag kang magtitira. Mula umaga hanggang gabi ay hindi ako makatulog pagkatapos akong maturukan. Wala akong iniisip kundi dugo. Nais kong makaamoy ng dugo ng tao.” Napaigtad ako dahil sa kanyang sinabi. “At ito ang dahilan hija. Lahat ng na
Read more

Chapter 3.1

Tanya's POV "Grabe, ganon na ba kalala ang kalagayan niya at umabot siya sa ganong sitwasyon?" wika ni Grace habang umiiling-iling pa. Ang tinutukoy niya ay si Devin. Kahapon kasi ay nagwawala ito sa kanyang silid. Pilit niyang binabato ng mga gamit sa loob ang mga nurse at doktor na nais siyang pakalmahin. Ngunit may isang pangungusap lamang siyang paulit-ulit na binabanggit. "Mamamatay kayong lahat! Nandito na siya!" Nagbuga ako ng malalim na hininga bago uminom sa aking fruit juice.  "He needs more attention." "Duh, girl too much attention na nga ang binibigay ng ospital sa kanya. Hindi pa ba 'yon enough?" "Kahit na, Grace. Maybe he needs friend. Kailangan niya lang ng kaibigang makikinig sa mga bagay na nasa isip niya. Kagaya natin, tao din siya, Grace." Bahagya siyang napailing at saka n
Read more

Chapter 3.2

(Continuation of chapter 3)Tanya's POV "Nasa panganib ang mga tao dito," saad niya habang seryosong nakatingin sa akin ang magaganda niyang mga mata. Kusang napaupo ang aking katawan pabalik sa tabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Binitawan niya ang aking kamay at saka tumayo at naglakad papunta sa bintana ng kanyang kwarto. Sumunod ako sa kanya at dumungaw din ako doon. Kitang-kita dito ang kabuuan ng ospital. May mga nurse at pasyente na nasa field habang nagkukwentuhan habang ang iba ay naglalaro.  "Have you ever heard the story of this hospital?" bulong niya sa aking tabi. "Oo, naikwento sa akin ni Lola Sonya." Sa sinabi kong ito ay mabilis siyang napatingin sa akin na halos magsalubong na ang mga kilay. Bakit? May nasabi ba 'kong masama? "Be careful of that old woman. You don't know her
Read more

Psycho 4.1

Tanya's POV *kringgggg Napabalikwas ako ng bangon mula sa aking kama nang marinig ang pagtunog ng alarm ko sa tabing higaan.  Kaagad ko itong pinatay at napamasahe ako sa aking sintido dahil sa kirot na nararamdaman sa aking ulo. Anong nangyari kagabi? Bakit parang nahihilo ako? Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaan at dumiretso sa banyo. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na agad ang hitsura ko sa salamin ng banyo. Ang laki ng eyebags ko at namumutla din ang aking kutis pati labi.  Hindi ko na lamang ito pinansin at saka na ginawa ang morning routine ko, saka naligo, nagbihis, at lumabas na papuntang kusina para kumain ng agahan. "Hello, 'Nay. Kamusta na kayo d'yan? Si Tatay? Kamusta na ang kalusugan?" Nandito na ako ngayon sa kusina at kausap ang Nanay Tina ko sa telepono habang naglalagay ng tu
Read more

Psycho 4.2

(Continuation of chapter 4)Tanya's POV Napakurap ako. Nakita ko sila na normal pa ding kumakain. Ang nakita at narinig ko pala kanina ay parte lamang ng aking imahinasyon.  "Nurse Tanya?" Napaigtad ako dahil sa biglang pagtawag ni Jose sa akin. Napansin siguro nito na nakatulala ako.  "B-bakit? May kailangan ka?" tanong ko. "Kanina ko pa po tinanong kung may maglilinis po ba ng kwarto namin ngayong araw?" Napatingin ako sa kabuuan ng silid. Napansin ko ang mga sapot ng gagamba sa sulok at ang mga alikabok sa sahig nito. Mukhang kailangan na nga atang linisan. "Ah, eh. S-sasabihan ko na lang 'yong janitor mamaya." "Nurse Tanya? May problema ba?" tanong ni Joseph. Mabilis naman akong umiling at saka na sila nagpatuloy sa pagkain.  ———&mda
Read more

Psycho 5.1

Tanya's POV Pag-uwi ko ng condo ay hindi ko maipaliwanag ang pagkatuliro ko. Paanong nangyaring si Doctor Rudolfo ang nakasabay ko sa elevator? Hindi ako nagkakamali. Siya talaga 'yong doktor doon at sa letrato ni Devin. Dahil sa nangyaring ito ay hindi ako makatulog. Nagkaka insomnia na naman ba ako? Kalagitnaan na ng gabi ngunit heto pa din ako at buhay na buhay ang diwa. Napabangon ako sa aking higaan at napatulala sa aking madilim na silid. Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng aking higaan at tiningnan ang oras. 12:46 a.m Dahil nga hindi ako dalawin ng antok ay sumandal na lamang ako sa headboard ng kama at saka nag-scroll sa social media. Siguro mamaya ay aantukin na din ako. Madilim sa aking kwarto at tanging ang liwanag lamang na nagmumula sa aking cellphone ang maaaninag mong ilaw. Maya-maya lam
Read more
DMCA.com Protection Status