Tanya’s POV “Hindi ako baliw!” Madalas ay ito ang naririnig ko sa araw-araw kapag papasok na ako ng aking trabaho bilang nurse sa Osmenia Mental Hospital. Ang mga taong nawala na sa sarili nilang mga katinuan, nasira ang buhay, nawala sa pag-iisip at nakaranas ng trauma sa kanilang buhay ay dito mo matatagpuan. Lahat sila ay may kani-kaniyang kwento kung bakit sila napadpad dito. ‘Wag niyo silang husgahan, sa halip ay maging bukas ang inyong isipan at unawain ninyo ang kanilang kalagayan. My name is Tanya Sanchez, 23 years old. Madalas tinatawag nila akong Tan dahil ito na ang nakasanayan nilang itawag sa akin simula noong magsimula akong magtrabaho sa ospital na ito. Maraming mga pasyente ang nakakahalubilo ko sa araw-araw. May mababait, may maiilap. Mayroon akong itim at mahabang buhok na hanggang bewang. Normal lang ang aking timbang at tang
Read more