(Continuation of chapter 2)
Tanya’s POV
Humigpit ang kapit nito sa aking palad. Muli niyang ibinalik ang tingin sa gusaling nasa harapan namin.
“Bata, matanda, at mga dalaga at binata. Lahat sila ay nagmistulang halimaw at ang iba ay pinapatay ang mga scientist na nagche-check ng kanilang kalagayan. Hanggang sa mawalan siya ng test subject. Sa kasamaang palad, ako ang napili niya.”
Unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mata. Ramdam ko ang tila ba traumang nararamdaman ni Lola Sonya.
“Hindi ko alam ang gagawin. Tila ba may bumubulong sa aking tainga na pumatay ka, patayin mo sila, 'wag kang magtitira. Mula umaga hanggang gabi ay hindi ako makatulog pagkatapos akong maturukan. Wala akong iniisip kundi dugo. Nais kong makaamoy ng dugo ng tao.”
Napaigtad ako dahil sa kanyang sinabi.
“At ito ang dahilan hija. Lahat ng nabaliw sa eksperimento niya ay nandito sa ospital na ito. Isa na doon si Devin.” May kung anong kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib matapos malaman ito. Kaya ba natatakot sila kay Devin? Kaya ba may warning sign ang pintuan nito?
“Maswerte kami dahil nakaligtas kami. Bata pa siya noon nang maranasan niya ang kagimbal-gimbal na pangyayaring ito. Nalaman ito ng pamahalaan kaya naman hinuli nila si Doctor Osmenia. Nakulong siya at binitay. Naiwan niya sa kanyang anak ang pamana niyang ito. Napagdesisyonan ng kanyang anak na gawin itong ospital ng mga baliw. Ang mga labi ng namatay noon ay nakalibing mismo sa sementeryo ng ospital na ito.”
Bigla akong kinilabutan sa kanyang sinabi. Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin at kitang-kita sa mga mata nito ang naiwang takot ng trahedyang natamo niya.
“Ngunit hindi sigurado ang anak ni Rudolfo…”
Napalunok ako dahil sa kanyang sunod na sinabi. Namumula ang mata niya at nanlalamig ang mga kamay.
“…kung magaling na nga ba kami.”
At dahil doon ay bigla kong binawi ang aking kamay sa kanya. Bakit bigla akong natakot sa kanya? Mayroong kakaiba kay Lola Sonya na hindi ko maipaliwanag. Kinikilabutan ako sa iniisip ko.
Ang ibig sabihin, pinalabasa lamang na namatay sa ambush si Mr. Osmenia? Ang totoo ay baliw siya?
Naestatwa ako sa kinauupuan ko nang may maramdamang pares ng kamay na nakahawak sa magkabila kong braso.
“Tanya,” wika ng isang babae.
Agad akong napaharap sa aking likuran at laking pasalamat ko na lamang na si Grace lamang pala iyon na nakatingin sa akin.
“Proceed na daw po si Lola Sonya sa main building. Magsisimula na po ang open forum natin," wika niya habang nakangiti sa aming dalawa.
"Ah, eh. Grace, pwede bang ikaw na muna ang sumama kay Lola Sonya?"
Kumunot ang noo niya at nagkatinginan sila ng matanda.
"Bakit naman?"
"Ano kasi, m-may aayusin pa p-pala ko. Sige na, mauna na kayo," nauutal ko namang sabi. Nagkibit-balikat na lamang si Grace at saka na niya inalalayan si Lola Sonya na tumayo.
Pinagmasdan ko silang maglakad papalayo sa akin. Bahagyang tumingin ang matanda sa aking direskyon habang nakangiti ito ng nakakaloko.
--------
Tila ba nag-eecho ang mga kinuwento ni Lola Sonya sa akin kanina. Parang hindi na ito nawawala sa utak ko. Sa isipan ko ay tila ba nakikita ko ang lahat ng sinabi niya.
Natatakot ako.
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng ospital habang diretso lamang nakatingin sa aking daanan. May mangilan ngilang nurses ang nakikita ko at nakakasalubong ko dahil ang karamihan sa kanila ay nasa open forum.
"Tanya."
Mabilis pa sa alas kwatro akong lumingon sa aking likuran dahil sa biglang may bumulong sa aking tainga.
Bumilis ang tibok ng aking puso. Napahawak ako sa aking dibdib at gulat na gulat na pinagmamasdan ang loob ng ospital na walang katao-tao.
Teka, kanina lamang ay may mga kasama pa ako dito, 'di ba?
"Tanya."
Narinig ko nanaman ang nakakakilabot na bulong at muling lumingon sa aking harapan.
Ngunit wala.
"S-sino ka?!" Kahit na natatakot ay nagawa ko pa ding sumigaw. Nararamdaman ko ang malamig na pawis na tumutulo papunta sa aking leeg.
"Tanya."
Napatakip ako sa aking magkabilang tainga dahil sa tinig na paulit-ulit kong nadidinig. Naririndi na ako.
Biglang namatay ang ilaw ng ospital.
Ang kabang nararamdaman ko ay tila ba nadoble. Malayo ako sa labasan ng ospital kaya naman medyo madilim dito sa kinatatayuan ko ngayon.
Wala akong makita.
"Tanya."
"Ahhh!" Napahiyaw ako dahil ang bulong na kanina ay nadidinig ko ay tila ba nasa harapan ko lamang at nagsasalita.
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makatakbo dahil wala akong makita. Nais kong gumalaw ngunit tila ba naging manhid ang aking katawan at ang tanging nararamdaman ay ang malamig na presenya ng nasa harapan ko ngayon.
"Tanya."
Dahan-dahan kong inangat ang aking kaliwang braso. Nais kong hawakan ang nasa harapan ko.
Sino ba talaga siya?
Or...
Ano ba talaga siya?
Maingat.
Utay-utay.
Nanginginig ang aking mga kamay.
Konti na lamang ay mahahawakan ko na siya.
Isa.
Dalawa.
Tatlo!
Nakarating na ang kamay ko sa aking harapan. Ngunit... wala akong makapa.
Walang tao dito.
Iwinasiwas ko ang pareho kong braso paharap ngunit wala talaga.
Katahimikan...
"Ate Tanya?"
Tila ba nabuhay ang katawang lupa ko nang biglang may humawak sa aking kanang braso. Pagkarinig na pagkarinig ko nito ay mabilis akong napaharap dito.
Si Lea!
Ngunit ang mas lalong nakapagtataka ay tila ba bumalik ang mga tao sa paligid. Hindi madilim dahil bukas na bukas ang mga ilaw ng ospital.
Anong nangyari?
"Uy, Ate Tanya!" tawag niya sa akin kaya naman nilingon ko siya na tila ba nawiwirduhan sa akin.
"L-lea. K-kanina ka pa ba?"
"Oo. Actually, kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang tapos nang hawakan kita bigla kang napakurap. Anong nangyayari sayo?"
What just happened?
Nababaliw na ba 'ko?
O baka nag-hallucinate lang ako? Pero hindi, parang totoo talaga 'yong kanina eh.
"Ah... o-okay lang ako. M-may iniisip lang," sagot ko sa kanya at saka ako ngumiti ng pilit.
"Tara sa main building. Nandoon sila, nag-oopen forum." Nakakatatlong hakbang pa lamang kami ay bigla akong napatigil sa paglalakad nang biglang nagtakbuhan ang mga nurse sa hagdan.
"Call Doctor Osmenia! Tell him that we have an emergency in room 25!" nagpa-panic na sigaw ng isang nurse.
Room 25?
Si Devin!
"Lea, pumunta ka na sa building na iyon ha. Susunod ako," utos ko kay Lea habang nakaturo ang daliri sa katapat na building ng ospital. Kaagad naman siyang tumango at saka na ako sumunod sa mga nagtatakbuhan sa hagdan.
Sa ikaapat na palapag pa ang kwarto niya kaya naman natagalan akong makarating doon.
Maririnig ang bawat yabag ng mga nurse at doktor na kapwa ko umaakyat ng hagdan.
Tila ba hindi ko maramdaman ang pagod sa pag-akyat. Kinakabahan ako sa nangyari kay Devin. Posible kayang nangyari din sa kanya ang nangyari kay Cora kahapon?
Wag naman sana.
Halos magtatalon ako sa saya nang marating ko ang ikaapat na palapag. Tagaktak man ang pawis ay hindi ko na ito alintana.
Malayo pa lamang ako sa kwarto niya ay nagulat ako sa mga kumakalabog na bagay na sa tingin ko ay parang ibinabato.
Nagtungo na ako sa kanyang kwarto at doon naabutan ko siyang nababalisa.
Natatakot.
Nagwawala.
Nanlilisik ang mga mata.
Tanya's POV"Grabe, ganon na ba kalala ang kalagayan niya at umabot siya sa ganong sitwasyon?" wika ni Grace habang umiiling-iling pa.Ang tinutukoy niya ay si Devin. Kahapon kasi ay nagwawala ito sa kanyang silid. Pilit niyang binabato ng mga gamit sa loob ang mga nurse at doktor na nais siyang pakalmahin.Ngunit may isang pangungusap lamang siyang paulit-ulit na binabanggit."Mamamatay kayong lahat! Nandito na siya!"Nagbuga ako ng malalim na hininga bago uminom sa aking fruit juice."He needs more attention.""Duh, girl too much attention na nga ang binibigay ng ospital sa kanya. Hindi pa ba 'yon enough?""Kahit na, Grace. Maybe he needs friend. Kailangan niya lang ng kaibigang makikinig sa mga bagay na nasa isip niya. Kagaya natin, tao din siya, Grace."Bahagya siyang napailing at saka n
(Continuation of chapter 3)Tanya's POV"Nasa panganib ang mga tao dito," saad niya habang seryosong nakatingin sa akin ang magaganda niyang mga mata. Kusang napaupo ang aking katawan pabalik sa tabi niya."Anong ibig mong sabihin?"Binitawan niya ang aking kamay at saka tumayo at naglakad papunta sa bintana ng kanyang kwarto. Sumunod ako sa kanya at dumungaw din ako doon.Kitang-kita dito ang kabuuan ng ospital. May mga nurse at pasyente na nasa field habang nagkukwentuhan habang ang iba ay naglalaro."Have you ever heard the story ofthis hospital?" bulong niya sa aking tabi."Oo, naikwento sa akin ni Lola Sonya."Sa sinabi kong ito ay mabilis siyang napatingin sa akin na halos magsalubong na ang mga kilay. Bakit? May nasabi ba 'kong masama?"Be careful of that old woman. You don't know her
Tanya's POV*kringggggNapabalikwas ako ng bangon mula sa aking kama nang marinig ang pagtunog ng alarm ko sa tabing higaan.Kaagad ko itong pinatay at napamasahe ako sa aking sintido dahil sa kirot na nararamdaman sa aking ulo. Anong nangyari kagabi? Bakit parang nahihilo ako?Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaan at dumiretso sa banyo. Pagbukas ko pa lamang ng pinto ay nakita ko na agad ang hitsura ko sa salamin ng banyo.Ang laki ng eyebags ko at namumutla din ang aking kutis pati labi.Hindi ko na lamang ito pinansin at saka na ginawa ang morning routine ko, saka naligo, nagbihis, at lumabas na papuntang kusina para kumain ng agahan."Hello, 'Nay. Kamusta na kayo d'yan? Si Tatay? Kamusta na ang kalusugan?"Nandito na ako ngayon sa kusina at kausap ang Nanay Tina ko sa telepono habang naglalagay ng tu
(Continuation of chapter 4)Tanya's POVNapakurap ako.Nakita ko sila na normal pa ding kumakain. Ang nakita at narinig ko pala kanina ay parte lamang ng aking imahinasyon."Nurse Tanya?"Napaigtad ako dahil sa biglang pagtawag ni Jose sa akin. Napansin siguro nito na nakatulala ako."B-bakit? May kailangan ka?" tanong ko."Kanina ko pa po tinanong kung may maglilinis po ba ng kwarto namin ngayong araw?"Napatingin ako sa kabuuan ng silid. Napansin ko ang mga sapot ng gagamba sa sulok at ang mga alikabok sa sahig nito. Mukhang kailangan na nga atang linisan."Ah, eh. S-sasabihan ko na lang 'yong janitor mamaya.""Nurse Tanya? May problema ba?" tanong ni Joseph. Mabilis naman akong umiling at saka na sila nagpatuloy sa pagkain.———&mda
Tanya's POVPag-uwi ko ng condo ay hindi ko maipaliwanag ang pagkatuliro ko. Paanong nangyaring si Doctor Rudolfo ang nakasabay ko sa elevator?Hindi ako nagkakamali. Siya talaga 'yong doktor doon at sa letrato ni Devin.Dahil sa nangyaring ito ay hindi ako makatulog. Nagkaka insomnia na naman ba ako? Kalagitnaan na ng gabi ngunit heto pa din ako at buhay na buhay ang diwa.Napabangon ako sa aking higaan at napatulala sa aking madilim na silid. Kinuha ko ang phone sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng aking higaan at tiningnan ang oras.12:46 a.mDahil nga hindi ako dalawin ng antok ay sumandal na lamang ako sa headboard ng kama at saka nag-scroll sa social media. Siguro mamaya ay aantukin na din ako.Madilim sa aking kwarto at tanging ang liwanag lamang na nagmumula sa aking cellphone ang maaaninag mong ilaw.Maya-maya lam
(Continuation of chapter 5)Tanya's POV"Parang hindi kita nakita dito kahapon, ah," wika ko kay Lea habang naglalakad kami dito sa hallway ng ospital.Kanina ay nakita ko siyang pumipitas ng bulaklak sa garden ng ospital kaya naman naisipan ko siyang lapitan. Na-miss ko din naman ang presensya niya.Nakasuot siya ng pink na dress na maraming bulaklak sa palibot nito at saka hairband na kulay pink din. Sa paa naman niya ay nakasuot siya ng doll shoes na puti."Nandito ako, hindi mo lang siguro ako napansin. Araw-araw naman akong nandito eh. Ikaw nga nakita kita, kausap mo si Kuya Devin," tugon niya at makahulugang nakatingin sa akin."Naku! Ikaw talagang bata ka, para sagutin 'yang tingin mo d'yan ay hindi. Malamang makakausap ko siya kasi pasyente ko siya 'no.""Pasyente lang ba talaga, Ate?"Kinurot ko siya sa tagilir
Tanya's POVTakbo.Tama! Kailangan kong tumakbo!Kahit napapagod, pinagpapawisan, hinihingal ay kailangan kong tumakbo. Kung hindi papatayin niya din ako!Ngunit bakit ang dilim? Wala akong makita kundi ang walang hanggang kadiliman at hindi ko alam kung nasaan ako. Mag-isa lamang ako. Pero bakit may naririnig akong mga yabag ng paa?"Layuan mo 'ko!" sigaw ko.Papalapit nang papalapit ang mga yabag ng paa. Malapit na siya sa kinaroroonan ko at sigurado akong pag naabutan niya 'ko ay papatayin niya din ako kagaya ng ginawa niya kay Cora at Walter.Habang tumatakbo ako ay nakatingin ako sa aking likuran upang masiguradong walang nakasunod sa akin. Hindi ko napansin ang isang salamin kaya nabangga ako dito. Nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin at...&
(Continuation of chapter 6)Tanya's POVPagkatapos ng duty ko this morning ay pumunta na ako sa kantina ng ospital para kumain ng tanghalian. Si Grace ay kasama ang boyfriend niya at may pinuntahan. Babalik naman daw sila agad.Pinaikot ko ang pansit sa tinidor ko at saka ito isinubo. Ang boring kapag walang kasabay na kumakain."Mahal na mahal ko ang ospital na ito."Halos mabulunan ako sa kinakain ko nang biglang nagkaroon ng tao sa aking harap na upuan. Napainom ako agad ng tubig dahil sa pagkabigla at pinunasan ko ang aking bibig."D-doctor Dominic?"Nakaupo siya sa aking harapan habang nakatingin sa akin. Nakasuot pa siya ng kanyang uniporme at nakadaop ang mga palad niya habang nakapatong sa lamesa."Pasensya na, nagulat ba kita?" Kumurba ang kanyang labi at gumuhit dito ang napaka tamis na ngiti. Kung hindi
(Continuation of chapter 7)Tanya's POV"Ihahatid ka na namin."Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang may marinig akong nagsalita mula sa aking kaliwang bahagi. Parang naestatwa ako at hindi ko ito malingon.Boses babae ito."'Wag kang mag-alala, Tanya. Kami ang bahala sayo."Tumulo na ang luha ko nang madinig ang isa pang boses mula naman sa kanan ko.Boses lalaki ito."G-george." Garalgal na ang boses ko habang patuloy sa pag-iyak. Ito na siguro ang pinaka nakakatakot na naranasan ko."Wala na si George," tugon nito.Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Bahagyang gumalaw ang lalaki sa driver's seat at dumoble ang takot ko nang makita ang mukha nito.Hindi ito si George.Ito si...Dominic.
Tanya's POV"Nakikiramay po kami," wika ni Grace na kausap ang mga magulang ni Doctor Dominic.Nandito kami ngayon sa lamay niya, alam kong masakit sa mga magulang niyang tanggapin na ang panganay nilang doktor ay basta-basta na lang binawian ng buhay ng hindi pa nakikilalang tao.Pinagmamasdan ko ngayon si Dominic na nasa kabaong. Hinaplos ko ang bubog ng kabaong niya. Hanggang kamatayan ay hindi pa din nawawala ang kagwapuhan niya. Bilang katrabaho niya sa ospital, nalulungkot din ako na nalagasan na naman kami ng isang kasama."Mahal na mahal ko ang ospital na ito."Napangiti ako nang maalala ang huling pag-uusap namin kahapon. Napaka bilis ng pangyayari, kahapon lamang ay masaya pa kaming nagkukwentuhang dalawa. Hindi ko inakalang iyon na pala ang huling araw na makikita ko siya sa ospital."Eh, ikaw ba? Wala ka bang boyfrie