Nakaupo na sila sa couch ng sala ni Javier. Magkatabi lang sila pero feel nila na malayo sila sa isa't isa. Naghahanap lang ng movie si Javier habang hinihintay niya ang dalaga na mag open-up sa kanya. Samantala si Serenity naman ay nag-aalinlangan kung sasabihin ba niya ito o kakalimutan na lang niya ang nangyari.
Nag-iisip ng malalim si Serenity kaya hindi niya napansin na lumapit na pala si Javier sa kanya at inakbayan siya. Niyakap agad niya ito ng mahigpit. Ito ang kinuha niyang sign para ilabas ang mga gusto niyang sabihin na hindi niya kaya sabihin kanina. Hinaplos lang ni Javier ang likod ng dalaga at hinalikan ang ulo nito. "Nandito lang ako. You can tell kapag ready ka na," Inayos ni Serenity ang pagkakayakap at kumandong sa lalaki. Isinuksok ang mukha sa leeg nito. Gusto niya man magkwento pero nahihirapan talaga siya dahil masyadong personal ang mga ito. May nangyari sa kanilang dalawa pero hindi 'yon rason para ikwento lahat. Nagdesisyon siya na mag kwento pero konti lang dahil hindi niya pa masyadong kilala ang lalaki. Alam niyang hindi nito ipagkakalat ang sasabihin niya. Alam niyang mapagkakatiwalaan ang lalaki pagdating sa ganitong sitwasyon. Alam niya na hindi siya nito huhusgahan at pipigilan. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tinignan ng diretso sa mata ang lalaki. Nakita niya na seryoso itong nakatingin sa kanya. "Nagkaproblema ang family namin noong nakaraan na buwan. Bumaba kasi yung stocks ng hospital ng bestfriend ng daddy ko. May shares ang siya doon kaya apektado kami lahat. Iniipit sila ng isang kilalang family, hindi ko naman alam kung anong reason nila. Kaya pinauwi nila agad ako dito sa Pilipinas para ako muna bahala sa iniwan nila daddy. Suspended sila daddy dahil doon. Ako lang maaasahan niya pagdating sa ganito dahil ayaw ni kuya ng ganitong buhay," sabi ni Serenity. Pinunasan ni Javier ang luhang kumawala sa mga mata ni Serenity. "Bakit ka umiiyak kanina? What happened?" Naiiyak na ulit si Serenity nang maalala ang nangyari kanina. Hindi naman niya gusto mangyari 'yon. Hindi siya makapag focus dahil iniisip niya ang daddy niya at ang hospital. "Hindi ako makapag focus kanina dahil iniisip ko si daddy, ako lang kasi ang available na doctor do'n kaya ako na nag-opera sa babae. Hindi ko napansin na iba na pala nagagawa ng kamay ko. Hindi ko marinig yung paligid kaya lumabas muna ako sa operating room para makahinga. Nagkamali ako na lumabas pa ako dahil nasa labas yung family ng patient ko. Doon na nila ako pinagsasabihan ng masasakit na salita, pinagmumura nila ako, muntik na nga maging violente yung isa. Hindi na siguro ako makakalabas ng buhay sa hospital na 'yon kung hindi dumating si daddy," Tumigil siya at tumingala. Nakita ni Javier na namumuo ang mga luha nito kaya hinawakan niya ang mga kamay nito at hinalikan. "Akala ko papagaanin niya yung loob ko pero lalo niya lang pinabigat. Ngayon ko na lang ulit narinig na magalit siya ng ganun. Sobrang bigat kasi akala ko sasabihin niya na okay lang kasi hindi ko naman sinasadya pero iba ang nakuha ko. Iniwan niya lang ako doon sa dilim habang umiiyak. Mabuti na lang at naalala ko na nasa Manila ka pala so tinext kita pero ang bagal mo magreply sa akin, akala ko mo siguro scam ako," sabi niya sabay tawa ng maliit. Hinaplos ni Javier ang bewang ni Serenity at tumawa. Nagulat ito sa ginawa niya. "Yeah, friends and family ko lang nakakaalam sa number ko. That time pa naman I'm with my friends kaya lalo ko hindi pinansin yung messages mo," "Naamoy kita kanina, amoy alak ka. Nasa bar ka kanina?" tanong ni Serenity. Tumango si Javier. "Yes, pang pawala lang ng stress," Tinignan niya sa mga mata si Serenity at ngumiti. "No, hindi ako nakipag sex doon. Uminom lang talaga ako," Tumango lang si Serenity. Natahimik siya dahil hindi niya alam na susunod pa rin sa agreement si Javier kahit ilang buwan na silang hindi nag-uusap. "Kamusta ka naman dito sa Manila?" tanong ni Serenity. Ilang segundo bago sumagot si Javier. "Puro trabaho ako pag uwi ko ng Pilipinas. May bago akong movie kaya sobrang busy this year," sagot niya. "Mag rest ka kahit ilang oras lang para mabawi mo yung energy mo kapag nasa shooting ka," sabi ni Serenity. Tumango lang si Javier at ngumiti. "I miss you, miss," Niyakap niya si Serenity ng mahigpit at inamoy ang leeg nito. Humiwalay si Serenity sa pagkakayakap at tinitigan si Javier. Nakita niya na malaki na ang eyebags nito, may tumutubo na buhok sa mukha, pumayat, at medyo humahaba na rin ang medyo kulot nitong buhok. "Gusto mo mag sex?" tanong ni Serenity. Nanlaki naman ang mga mata ni Javier sa tanong nito. Natawa si Serenity sa reaksyon nito na parang hindi halimaw sa kama. "No, I mean not now kasi pagod ka at pagod din ako, so mag relax na lang muna tayo for now," sabi ni Javier. Tumango si Serenity sa kanya at tumayo. Nagtaka naman si Javier. "Why?" "Let's cut your hair. It's getting longer na, hindi ka na gwapo nyan," sabi ni Serenity bago hinila ang mga kamay niya at naglakad paakyat sa kwarto niya. Pumasok agad sila sa cr at pinatayo ni Serenity si Javier sa tabi habang hinahanda niya ang mga gamit na kailangan niya. "Take off your sando, didikit dyan yung mga buhok mo mamaya," utos ni Serenity. Sinunod naman agad niya nito at nilapag ito sa tabi ng sink. Nang maihanda na ni Serenity lahat ng gagamitin. Umupo muna siya sa sink para mapantayan ang mukha ni Javier. Nasa pagitan ng hita niya ang lalaki na nakatingin lang. Binasa niya muna ang mukha nito at nilagay ang shave foam sa mukha. Dahan-dahan niya ito shinave dahil baka masugatan ang lalaki kapag binilisan niya kaya inabot ito ng ilang minuto bago natapos. Tinapik niya ang bagong shave na mukha nito at natawa ng makita na nakangiti ang lalaki sa kanya. "Gwapo ka na ulit," Umalis siya sa pagkakaupo sa sink at inayos ang mga ginamit niya sa pag shave ng mukha ng lalaki. Habang si Javier naman ay chineck ang mukha niya sa salamin. Napangiti siya sa bago niyang appearance. Hindi na niya napansin na may buhok na siya sa mukha dahil sa dami ng projects niya. Balak niya din sana na pahabain ito pero ayaw ng management niya kaya hindi na siya tumutol sa dalaga sa pag shave nito. Bumalik sa tabi niya ang dalaga at umupo muli sa sink. "Hindi ako marunong mag gupit ng buhok ng lalaki pero i-try ko sa'yo, okay? Sa mga dulo lang naman gugupitan ko para hindi pumangit. Babawasan lang natin," Tumango lang si Javier at pumwesto muli sa pagitan ng hita ng dalaga. Habang ginugupitan ni Serenity ang buhok niya, medyo nahirapan ito dahil medyo makapal ang buhok at kulot nito. Binabasa na lang nito para maging straight kahit papaano para hindi masyado mahirap gupitin. Matapos magupitan ni Serenity si Javier, ngumiti ito at tumawa. "Ayan medyo gwapo ka na ulit," Pinagpagan niya ang balikat nito para maalis ang mga buhok. "Mag shower ka muna para mawala na yang mga buhok sa katawan mo," Utos ni Serenity bago tinulak ng kaunti si Javier at bumaba sa pagkakaupo sa sink. Nilinis niya ang mga gamit na ginamit niya at nagwalis na din dahil sa dami ng buhok sa lapag. "Hindi ka sasabay sa akin?" tanong ni Javier habang hinuhubad ang black short niya kasama ang boxer niya. Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan ang bewang nito. Napansin niya na natulala ito at parang hindi narinig ang sinabi niya. "Hey, are you okay? I'm just joking about that, sorry," Natawa naman si Serenity sa kanya dahil nakita niya sa mga mata nito na parang natakot ito. Namula siya ng maalala na n*******d ito sa harapan niya. "Maligo ka na para makatulog na tayo. Anong oras na din baka may work ka bukas," Tumango lang si Javier at hinalikan ang labi ni Serenity. Tumagal 'yon ng ilang minuto bago pumasok ito sa shower. Lumabas na si Serenity ng cr at nakita niya na medyo magulo ang kwarto ng lalaki. Inayos niya muna ito para paglabas ng lalaki ay matutulog na lang ito. Habang naglilinis may nahagip ang mata niya na isang album. Nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ba ito o ibabalik na lang dahil baka magalit ang lalaki kapag nalaman nito na ginalaw niya ang gamit niya. Kaya nagpasya siya na hintayin na lang ang lalaki para makapagpaalam siya ng maayos kung pwede niya ito makita. Inabot ng kalahating oras bago lumabas si Javier sa cr. Pagkalabas nito bumungad sa kanya ang hubad na katawan nito, walang saplot sa katawan. Napansin niya sa lalaki na confident ito sa katawan niya kahit maghubad ito sa buong bahay. "Bakit ka n*******d? Wala bang towel doon sa loob?" tanong ni Serenity habang sinundan ng tingin si Javier. Hindi muna ito sumagot dahil pumasok ito sa closet room niya. Paglabas nito ay nakasuot na ito ng white sando at pajama. Sumalampak naman ito sa lapag at tumingala para tignan siya. "Namiss kita," malambing na sabi nito. Natigilan naman siya dahil malayo ang sagot nito sa tanong niya kanina. Pinagmasdan niya lang si Javier na nakatingin sa kanya ng malambot. "Yeah, namiss mo ang body ko," Inikot niya ang mga mata niya at tumawa ng maliit. Kumunot naman ang noo ni Javier dahil doon. "No, hindi 'yan totoo. Namiss talaga kita, as in ikaw talaga, not your body," inis na sabi nito sa kanya pero may lambing pa rin sa boses nito. Natawa naman siya dahil magkadikit na naman ang kilay nito sa inis. Hinaplos niya iyon dahilan upang bumalik iyon sa normal. "May nakita akong album kanina dito sa room mo, pwede ko ba buksan?" tanong ni Serenity. Naghintay siya ng ilang segundo bago tumango si Javier sa kanya. Tumayo siya at kinuha ang album. Tumayo na rin si Javier sa pagkakaupo at tinabihan siya sa kama. Pinagmasdan nila ang cover nito na may pangalan ni Javier. "Ang ganda talaga ng name mo, ang expensive pakinggan," sabi ni Serenity habang hinahaplos ang pangalan na nakalagay sa album. Primo Javier. Binuksan niya ang album, bumungad agad sa kanya ang baby pics ng lalaki. Simula pagkapanganak hanggang sa naging bata ito. Nakita na rin niya ng maayos ang mukha ng mama at papa nito. "Kamukha mo mommy mo simula baby ka pero nung naging adult ka na mas naging kamukha mo ang daddy mo," Tinitigan niya ang litrato ng tatay ni Javier kasama ang mama nito. "Yeah, sabi nga nila," matamlay na sagot ni Javier. Nilingon naman siya ni Serenity. Bumuntong hininga siya dahil sa bigat na nararamdaman. Hindi nagsalita si Serenity. Hinayaan siya ng dalaga na huwag na magsalita. Niyakap naman siya ng mahigpit ng lalaki at huminga ng malalim. "Thank you, Wren," Ilang minuto sila nagyakapan at nag make-out bago naisipan na matulog na dahil may mga pasok pa sila kinabukasan."Mabuti buhay ka pa, pare!" Sigaw na bati ni Dominic, pagpasok sa opisina ni Javier. Umupo agad sa tabi ni Tobias na kaharap ni Javier.Kumunot naman ang noo ni Javier at uminom ng alak. "At bakit naman hindi?" tanong niya."Well, kung nakalimutan mo na, iniwan mo kami sa bar ko at umalis ka nalang bigla kaya hindi namin alam ang nangyari sa'yo. Ano nangyari sa mansion niyo?" tanong ni Dominic. Tumango naman ang tatlo pa nilang kaibigan.Bumuntong hininga si Javier bago binaba ang baso niya. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba na hindi talaga siya umuwi sa mansion at kasama niya ang babae na tinatago niya sa tao. Alam niya na mga kaibigan niya ito, pero ayaw niya i-risk ang meron sa kanilang ng babae dahil lang dito. Nirerespeto niya ang agreement nila gaya ng pagrespeto ng babae sa pangalan niya. Kaya nagpasya siya na huwag na muna ito sabihin.Umiling lang siya bago nagsalin ng panibagong alak sa baso niya. Nalito naman ang mga kaibigan niya sa kanya. Alam nila na may tinatago it
Malakas na nag ring ang cellphone ni Javier sa malaking kwarto niya. Kahit umaga na nakasara pa rin ang kurtina ng malaking glass window niya. Tinakpan niya ang tenga niya gamit ang unan pero hindi ito gumana dahil patuloy pa rin sa pag ring ang cellphone niya. Hindi na niya natiis ang ingay kaya kinuha na niya ito sa bedside table at sinagot ng nakapikit."Who's this?" masungit na sagot niya."Nandito kami sa office hinihintay ka magising," sabi ng caller.Umungol si Javier sa pagkakairita dahil naistorbo ang tulog niya, "Ano ba kasi 'yon at tumatawag ka sa akin ng ganitong oras?""Alam kong rest day mo bilang artista pero may meeting tayo dahil may mission na naman tayo kay Sir Franco. Kailangan namin ang leader namin para makapagsimula na," sagot ng nasa kabilang linya. Nakarinig naman siya ng tawanan ng mga lalaki sa kabilang linya."Tangina, minsan na nga lang makapag pahinga sa mga shooting, tapos tatawag kayo dahil lang dyan," inis na sabi niya bago bumangon sa kama at sumandal
Sa malaking basement ng building, may malaking grupo ng mga lalaki na naka itim habang nakaharap sa kanilang leader. May madilim at seryoso itong aura na kinakatakutan nila."Malaking tao itong haharapin natin kaya gusto ko na mag focus lahat sa mission na ito. Ayoko na pumalpak tayo, alam natin kung ano mangyayari sa atin kapag hindi natin nalinis ito. Patayin niyo kung manlaban o sinaktan kayo basta ang gusto ko lang makuha si Mr. Renato Corpuz at ang mga batang babae ng buhay," sabi ni Javier sa seryoso at malalim na tono habang nakatingin sa mga tauhan niya."Team Hawk at Wolf ang titingin at maglilinis ng dadaanan natin papasok sa warehouse," sabi niya sa dalawang grupo. Tumango naman sina Dominic at David."Team Fox naman ang iikot sa likod ng warehouse at doon kayo magbabantay at maghihintay ng utos ko," sabi niya ulit habang nakatingin kay Yves at sa grupo nito."Team Cobra ang gagalaw sa taas, umakyat kayo sa rooftop ng warehouse ng tahimik. Tignan niyo ng mabuti kung sino an
"Ano balak mo sa hiningi mo na day-off?" tanong ni Yves, habang nakatingin sa lalaki na nasa harap niya. Nasa loob sila sa coffee shop na isa sa mga pagmamay-ari ni Yves. Walang tao dahil pinasara muna ito ng lalaki dahil alam niya na pagka kaguluhan ang kaibigan niya kapag nalaman na nasa loob siya. Kaya silang dalawa lang ang nasa loob kasama ang iba pang staff ng shop pero nasa malayo sa mga ito para may privacy sila. Uminom muna si Javier ng kape niya at tumingin sa kanya. "Magpapahinga muna ako sa Batangas," "With her?" tanong ni Yves, nakuha naman agad ni Javier ang gusto nitong itanong kaya tumango siya sa kaibigan. "Hindi ba risky for her and also for you? Baka makita kayo doon ng mga tao,""Safe kami sa loob ng lupa ko dahil pina-banned ko ang mga dumadaan doon," Huminto siya saglit at tinignan muli ang kaibigan. "Don't worry, hindi ako magpapahuli," Huminga ng malalim si Yves at sumandal sa upuan niya. "Ano ba meron sa inyo? Pwede naman na maghanap ka nalang ng iba at da
"Aalis ka talaga bukas? Akala ko ba sasamahan mo ako mag swimming doon sa dagat?" tanong ni Serenity, tinignan si Javier na naglalaro ng basketball sa likod ng bahay nito. Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno habang pinapanood ang lalaki na maglaro ng basketball sa ilalim ng araw. Nakahubad ito at basang basa ang buong katawan sa pawis. Magulo ang kulot na buhok at naka paa lang ito. Napansin niya na iba ang itsura nito kapag nasa Manila, malinis at maganda tingnan, hindi kagaya ngayon sa nakikita niya ay wala ito pakialam sa itsura niya. Mas comfortable ito gumalaw at hindi natatakot gumawa ng gusto.Tumigil sa paglalaro si Javier at nilapitan siya. "Sasamahan naman talaga kita, nagkataon lang na may gagawin lang talaga ako bukas," Ngumuso lang ang dalaga sa kanya at hindi pinansin ang mga sinabi niya. "Okay, try ko tapusin agad yung gagawin ko bukas," Napangiti naman ang dalaga sa sinabi niya kaya lumingon na ulit ito sa kanya. Bigla siya hindi makahinga ng maayos sa tingin ng da
"Galit ka talaga dahil hindi lang ako nakauwi kagabi?" tanong ni Javier sa dalaga na nakaupo sa couch sa sala.Kunot noo siya nilingon ni Serenity at pinag cross ang mga kamay sa dibdib nito. "Sorry naman, may nagsabi kasi sa akin na sasamahan ako pumunta sa dagat," Natawa naman si Javier dahil umikot ang mga mata ito at nilihis ang tingin. "Sorry, anong oras na kasi natapos ang pinagawa sa akin kaya hindi na ako nakauwi. Wala pang signal doon," paliwanag ni Javier habang umupo sa tabi ng dalaga na nakanguso na ngayon. "Pwede naman natin ituloy ngayon, wala akong gagawin buong araw," Lumingon si Serenity kay Javier na nakanguso. "Hindi ka ba talaga busy ngayon?" Natawa naman si Javier at hinalikan ang pisngi ng dalaga. "Yeah, magpalit ka na ng damit mo na pang swimming para makapunta na tayo doon. Hintayin na lang kita dito,"Tumango si Serenity, tumayo at naglakad papasok sa bahay. Umakyat agad siya para makahanda na sa lakad nila. Naiwan naman si Javier sa labas ng bahay na nakau
"May bago pa lang movie sina Celine at Javier this year," sabi ng isang babae habang binabasa ang article. "Really?! You mean Celine Marquez and Javier Sandoval?" gulat na tanong ng isang babae. Umangat naman ang ulo ng isa pang babae nang marinig ang familiar na pangalan sa kanya. Natawa naman ang babae na nagsimula ng topic. "Yes, nasa article na agad," sabi nito at pinakita ang article sa kaibigan. "Wow, ibang level na yung movie nila," sabi ng babae at tumingin sa katabi dahil nakatingin ito sa kanila. "Why, curious ka? Hindi ka naman nanonood ng filipino movies," "Nanonood kaya si Riri kapag gusto niya lang, but more on Korean drama siya," sabi ng babae habang nakatingin kay Serenity. "Bakit ang tahimik mo masyado ngayon?" "Sad naman ang baby na 'yan. Kailangan mo ba ng boyfriend?" tanong ng babae na nasa tabi niya na may nakakalokong tono. "Pagod lang ako and thank you for asking, Faye," Ngumiti si Serenity sa babae na nasa harapan niya at lumingon sa katabi. "I don't nee
Nasa underground na sila para malaman kung ano ang sinasabi ng mga lalaki na gagawin ni Javier mamaya. Hindi nila akalain na boxing pala ang makikita nila. Pinapanood nila ngayon ay ang nauna na match habang hinihintay si Javier na ang sumunod.Natatakot at nagtataka siya para sa lalaki. Masyadong delikado ito para sa lalaki, physical ang kalaban nito. Natatakot siya dahil sa dami ng tao, maraming makakakita kung ano ang gagawin ng lalaki pero nakahinga siya kahit konti ng sabihan siya ni Dominic na walang nakakaalam ng underground boxing.Habang pinapanood ang current match, napansin niya na medyo medyo magaling ang nasa red corner. Duguan na ang kalaban nito pero nakatayo pa rin ito at walang bangas sa mukha."Sinakto niya talaga sa schedule ni Javi," sabi ni Dominic.Napalingon naman si Serenity ng marinig ang sinabi ng lalaki. Na-curious siya kung bakit parang hindi ito mapakali habang nanonood."May problema ba? Sino ba makakalaban niya?" tanong niya habang nakatingin sa dalawa n
Habang masaya kumakain at abala makipag-kwentuhan, si Javier naman ay iniisip ang sinabi ni Dominic kanina. Nilingon niya ang dalaga na nasa tabi niya lang na abala sa pakikipag-usap. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang suggestion ng kaibigan o mananahimik nalang sa tabi nito ng dalaga. Naramdaman naman ni Serenity na parang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya na nakatingin sa kanya si Javier. Kakaiba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang may kakaibang meaning ito. Nagpaalam muna siya sa kausap bago humarap sa lalaki. "Hey, is there any problem? Why are you looking at me like that?" tanong ni Serenity habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Umiling naman si Javier at ngumiti ng maliit. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga. "Wala naman problema. I just want lang na tignan ka," Kinurot naman ni Serenity ang braso niya kaya napasinghal siya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. "Aray! Bakit ka ba bigla nalang nangungurot?" t
“Dominic, nasaan na yung inutos ko sa’yo kanina?” tanong ni Vernon habang nakatingin kay Dominic na abala makipag-usap kay Faye. Yung mga nakarinig naman ay lumingon at binato ito ng gamit kaya nakuha na nila ang attention ng lalaki. “Nasaan na yung inutos sa’yo ni tito?” natatawang tanong ni David habang nakatingin sa kaibigan. Tumayo naman si Dominic at lumapit kay Vernon para ituro ang hinahanap nito. Natawa na din si Belle sa kalokohan ng mga ito. Napansin naman niya si Javier na kanina pa lingon ng lingon sa pintuan ng bahay nila. “Javier, anong problema?” tanong niya habang nakatingin sa lalaki na nagulat nang marinig ang pangalan niya pati ang iba ay napatingin din. Umiling si Javier bilang sagot. Ayaw niya sagutin ang nakakatanda dahil alam niya na aasarin lang siya ng mga ito at magtatanong ngunit hindi iyon natuloy nang magsalita si Yves. “Hinihintay niya si Serenity,” Naintriga naman si Belle na tanungin ang lalaki. Alam niya na may itinatago ito sa kanya na gusto niya
Matapos kumain ay nagpasya silang lahat na maupo sa sala upang pag-usapan ang gusto nila planuhin. Nakaupo ang mga babae sa couch habang ang ilang lalaki naman ay nakatayo at nakaupo sa lapag. Habang ang dalawang matanda naman ay lumabas para tignan ang mga gagawin nila para mamaya. “So ano plano natin for Christmas?” tanong ni Tobias habang tinitignan ang mga kaibigan. Nagkibit-balikat ang iba dahil wala silang maisip na idea, habang ang iba naman ay tumingin sa kanya at ngumiti. “May idea ako na alam ko na magugustuhan natin lahat,” sabi ni Dominic habang may malaki na ngiti sa labi. Umiling ang mga lalaki nang makita ang ngisi na palabas na sa labi ng kaibigan habang ang mga babae naman ay na curious kung ano iyon. “Ano naman ‘yan naisip mo, Dominic?” kunot-noo na tanong ni Faye habang nakatingin sa lalaki na ngumisi lang sa kanya. Tumayo si Dominic at humarap sa mga kaibigan. “I want na mag beach tayo for Christmas, as in tayo sa beach mag Christmas Eve,” sabi ni Dominic h
Kinabukasan sobrang ingay ng bahay ng mga Ocampo dahil busy ang mga ito magluto at mag-ayos para sa breakfast nila. Gising na ang mga lalaki maliban sa mga babae dahil hindi na muna pinagising ni Belle ang mga ito dahil alam niya na pagod ang mga ito sa trabaho at sa byahe."Javi, pwede ba na ikaw muna magluto ng hot dogs?" tanong ni Belle habang nakatingin kay Javier na abala sa pagtulong sa mga kaibigan niya.Nilingon ni Dominic ang matanda at tinuro ang ginagawa nila. "Sorry Tita, but kailangan namin si Javi para matapos na namin ang pinapagawa sa amin ni tito,"Tumango naman ang mga iba pang lalaki bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Dominic at tinuro pa ang mga iba pa nilang gagawin."Nakikita ko kayo lahat. Natapos niyo na kanina ang pinapagawa ng tito niyo kaya ang iba sa inyo ay tutulong sa akin mag prepare ng breakfast. Walang aangal kundi lagot kayo sa akin lahat isama niyo na ang tito niyo," sabi ni Belle habang nakataas ang kilay sa mga ito.Binitawan ng mga ito ang mga hawa
Makalipas ang tatlo at kalahating oras na pag byahe, sa wakas ay nakikita na nila ang daan papunta sa bahay nila Yves. Isang sasakyan na lang ang ginamit nila para hindi maging hussle sa iba.Natutulog lang ang iba buong byahe, dahil mga pagod sa trabaho. Sina Javier, Tobias, at David lang ang gising. Nasa harap si Javier para matulungan si Tobias sa daan habang si David naman ay nasa likod kasama ang mga babae."Medyo malapit na tayo. Mga ilang minutes pa kaya?" tanong ni David ng makita ang familiar na bahay papunta sa bahay nila Yves.Niliko ni Tobias pakaliwa ang sasakyan. "Wala pang five minutes nandoon na tayo,"Tumango si David at nilingon si Javier na tahimik lang sa harapan. Malayo ang tingin nito kaya hindi niya narinig ang usapan ng dalawa."Bro, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik simula nung dumating kayo ni Serenity doon sa tambayan," tanong ni David.Napalingon naman si Tobias kay Javier at nakita niya na malungkot ang aura nito. "May nangyari ba?"Tumango si Javier pero
"Ang pangit naman mag work dito sa company niyo, Javi! Pasko na pasko may trabaho pa tayo," angal ni Dominic habang chinecheck ang mga papers na binigay sa kanila.Natawa naman ang mga iba at binato siya ng crumpled paper."Malas mo dito ka napunta," asar ni Tobias habang nakangisi.Tumango naman si Yves at inangat ang tingin kay Javier na abala sa pagtingin ng mga emails sa computer niya. "And best friend mo pa ang susunod na CEO natin kaya no choice ka talaga,"Nanlaki ang mata ni Dominic ng marinig ang sinabi ni Yves kaya hindi na niya napansin ang asar ni Tobias sa kanya."Ikaw ang susunod na CEO?!" gulat na tanong niya habang nanlalaki ang mata na nakatingin kay Javier.Umangat ang ulo ni Javier at tinignan isa-isa ang kaibigan niya bago umiling. "No, ayoko,"Magtatanong na sana muli si Dominic ng takpan ni Tobias ang bibig niya at bumulong. "Shut up, ayaw niya ng ganyan na topic,""Ano na pala balak niyo?" tanong ni David."Dating gawi. It's either sa bahay ni Papi Javi o sa tam
"So ano meron sa inyo ni Yves?" tanong ni Faye habang nakatingin kay Nyla na nasa harapan niya. Napalingon naman si Scarlett at Serenity ng marinig ang sinabi ni Faye. Halata sa mukha ang pagkakalito. "What do you mean, Faye?" curious na tanong ni Scarlett. Tumango lang sa gilid si Serenity bilang pang-sang-ayon. Napangisi naman si Faye at nilihis ang tingin sa dalawang dalaga na walang alam sa nangyayari. "Well, nung tumambay tayo doon kasama yung boys. Napansin ko at ni Liezel na nagpapalitan ng ngiti at tingin sina Nyla at Yves. May something kami na feel ni Liz. Gusto lang naman namin malaman mula kay Nyla if meron ba," sabi ni Faye, at tinuon muli ang tingin kay Nyla na ngayon ay namumula na sa hiya. "Remember nung may celebration tayo, nagpaalam ako sa inyo na uuwi ako sa bahay kasi may emergency. Nakipagkita ako sa kanya that time," sagot ni Nyla. Hindi makatingin ng maayos sa mga kaibigan niya dahil sa hiya. "Ano nga meron sa inyo?" naiinip na tanong ni Liezel kay Nyla.
Pagkatapos nila kumain ay nag drive na sila papunta sa kung saan lugar ang sinabi ni David. Nagkanya-kanya ang mga lalaki mag drive habang ang mga babae ay magkasama sa isang kotse kasama si Serenity, si Liezel ang drive para sa kanila. Kinuha nila si Serenity kay Javier dahil alam nila na hindi sila pwede makita magkasama. Alam nila na may connection ang dalawa dahil magkasama ito pumunta sa restaurant ni Yves. Habang nasa byahe sila ay tahimik lang si Serenity. Gusto man magtanong ng mga babae kung ano ang relasyon ng dalawa pero hindi nila magawa dahil alam nila na magsasabi ito kapag gusto nito at ayaw nila na pangunahan o pilitin ang dalaga. Nauna na dumating si Javier sa tambayan nila dahil bumibili pa ng makakain ang mga kaibigan niya para mamaya. Naka park siya sa tabi ng kotse ni Liezel. Sinilip niya sa bintana si Serenity, nakita niya na nakapikit ito habang mga kaibigan niya ay nag-uusap. Maraming pumapasok sa isip niya ngayon, isa na doon ang dalaga at mga projects niya
Nakaupo lang si Javier sa isang upuan sa isang meeting room ng company ng kaibigan niya. Siya pa lang ang tao sa loob at ang manager niya. Hinihintay na lang nila na dumating ang iba para pag-usapan ang mga gagawin niya.Isang linggo na ang nakalipas ng bigyan siya ng day-off ng manager niya. Pinayagan siya ng mga ito dahil naging maganda ang results ng pag promote niya sa movie kahit hindi pa naman ipapalabas. Pero hindi pa rin sapat sa kanya ang isang linggo na pagpapahinga, gusto sana niya na isang buwan kagaya ng nakaraan na taon.Tinawagan siya ng kaibigan niya na may meeting sila kasama ang ibang company. Sinabi nito sa kanya na mahalaga ito kaya kailangan niya pumunta. Wala naman siyang choice dahil trabaho niya ito kahit na day-off niya."Nandito na silang lahat," sabi ni David, ang manager niya at CEO.Pumasok na ang iba pang tao sa meeting room. Tumayo si Javier at inalok ang kamay niya sa mga ito, nakangiti naman ito tinanggap ng mga ito. Umupo na agad sila ng makumpleto si