Habang masaya kumakain at abala makipag-kwentuhan, si Javier naman ay iniisip ang sinabi ni Dominic kanina. Nilingon niya ang dalaga na nasa tabi niya lang na abala sa pakikipag-usap. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang suggestion ng kaibigan o mananahimik nalang sa tabi nito ng dalaga. Naramdaman naman ni Serenity na parang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya na nakatingin sa kanya si Javier. Kakaiba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang may kakaibang meaning ito. Nagpaalam muna siya sa kausap bago humarap sa lalaki. "Hey, is there any problem? Why are you looking at me like that?" tanong ni Serenity habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Umiling naman si Javier at ngumiti ng maliit. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga. "Wala naman problema. I just want lang na tignan ka," Kinurot naman ni Serenity ang braso niya kaya napasinghal siya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. "Aray! Bakit ka ba bigla nalang nangungurot?" t
Ilang taon na nagtatrabaho si Javier sa Sandoval Steel Corporation, ang kumpanya ng kanyang pamilya. Gusto ng pamilya niya na mag trabaho siya sa kumpanya kahit na may iba siyang trabaho. Wala siyang choice kundi sumunod dahil ayaw niya pag-usapan ang pamilya nila. Masaya naman siya ginagawa niya, pero minsan napapagod na rin siya, dahil ayaw niya ang ginagawa niyang trabaho sa loob ng kumpanya nila.Well-known Engineer at Actor si Javier, kaya malaki ang binabayad sa kanya. When I say well-known kahit isang galaw niya ay may nakatingin. Hindi siya pwede gumawa ng mga ikakadumi ng pamilya niya at ang pangalan na ginagalawan niya sa industriya.Kakauwi niya lang galing trabaho. Nasa Spain siya ngayon dahil may project siya at may pinapagawa sa kanya.Twelve thirty na ng madaling araw ng pumasok siya sa isang bar, umikot agad ang mata niya sa loob ng bar. Nakita niya na marami pa ring mga tao na nag-iinuman.Naglakad siya papunta sa bar counter, nakita niya na may isang babae na nakayuk
Lumulutang ang isip ni Javier habang nakikipag meeting sa mga ka negosyo ng tito niya. Iniisip niya ang dalaga na kasama niya kagabi, na kung ano ang magiging sagot nito sa kagustuhan niya.Iniisip niya na baka hindi ito pumayag dahil masyado na ang kahilingan niya sa babae kahit maliit na tulong lang naman ang ginawa niya.Naputol ang pag-iisip niya ng mag vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Tignan niya ito at napangiti siya nang makita ang message ng dalaga.Hi, busy ka ba ngayon?Hindi agad siya nakapag reply dahil may nagsasalita pa sa meeting. Pero nang wala na masyadong nagsasalita, nag reply na agad siya sa dalaga dahil baka mainip ito.Sakto lang. Actually nasa meeting ako ngayon, reply niya.Naghintay siya ng ilang minuto bago muli nag vibrate ang cellphone niya hudyat na nagreply na ang dalaga.Sorry to disturb you. I just wanna say something about doon sa sinabi mo kagabi, reply nito.Lalong siya natuwa sa sagot ng dalaga.We can meet later after ng work mo, nakangiting re
Nagising si Serenity sa kakaibang kwarto. Umupo siya sa kama at sinandal ang likod sa headboard. Inikot niya ang mga mata niya sa malaking kwarto. Napansin niya na puro black and gray ang kulay ng buong kwarto.Tumayo siya sa kama at naglakad papunta sa nakita niyang table sa tabi ng TV. Nakita niya ang isang picture ng babae na may kayakap na batang lalaki. Maganda ang babae, masasabi niya na may lahi ito base sa hulma ng mukha nito. Namukhaan na agad niya ang batang lalaki na yakap ng babae. Sa kulay pa lang ng mata nito ay kilala na niya kung sino ito.Nagtaka siya dahil hindi kasama sa picture ang papa nito.Pinagmamasdan niya lang ang picture kaya hindi niya napansin na may pumasok na sa kwarto."Hey, gising ka na pala," Ngumiti ang lalaki sa kanya. "Mag shower ka muna then sunod ka sa baba para makakain na tayo. Kuha ka na lang ng damit dyan sa closet ko," Tinuro niya kung nasaan ang closet niya bago lumabas muli.Pumasok na si Serenity sa cr. Nagsimula na siya maligo at nakita
Nagising si Serenity dahil nararamdaman niya na may humahalik sa pisngi niya. Dinilat niya ang mga mata niya, nakita niya si Javier na nakangiti na sa kanya. Tumayo ito at hinila ang mga kamay niya para mapatayo siya. Sumandal siya sa headboard habang si Javier naman ay nakaupo lang sa harap niya. "Aalis ka na?" tanong ni Serenity. Napansin niya na nakasuot na si Javier ng pang-alis, handa na umuwi sa Pilipinas. Tumango si Javier kay Serenity at ngumiti ng maliit. "Yeah, kailangan ko agad makauwi dahil maraming gagawin. Sorry kung biglaan," "Okay lang, may work naman ako dito so magiging busy din ako," Hinaplos ni Serenity ang mukha ni Javier. Napangiti naman ang lalaki sa ginawa nito. "Can we continue naman sa Pilipinas diba?" tanong ni Javier. Tumango lang si Serenity. Nagtitigan lang silang dalawa. Walang nagsasalita sa kanila. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Javier kahit na ilang araw pa lang sila magkakilala. Naputol ang titigan nila ng tumunog ng malakas ang cellphone ni
Marami ng nagawang poses sa camera si Javier para sa shoot ng isang brand. Napili siya ng mga ito dahil sa pasok na appearance niya para sa brand nila. Sa totoo lang ilang buwan na siya puro trabaho, napapagod na siya sa araw-araw na photoshoot at shooting ng movie niya. Gusto man niya magpahinga, pero hindi magawa dahil wala siyang choice dahil bayad na siya. Isa pa, nitong mga nakaraang buwan, lumulutang palagi ang isip niya. Iniisip niya si Serenity. Iniisip niya kung kailan ito uuwi ng Pilipinas. Naputol ang connection nila ilang linggo nang makauwi siya ng Pilipinas. Nung una okay naman sila, pero bigla na lang hindi matawagan at mai-message ang dalaga. Nagri-ring naman ang cellphone nito pero hindi sumasagot. Para siyang mababaliw, hindi niya alam kung ano ginawa niya kung bakit naging ganun ang dalaga. Iniisip niya baka umayaw na ito at hindi masabi sa kanya kaya ganun way ang ginawa para tapusin ang agreement nila. But may time na iniisip niya na busy lang ito sa work kaya
Nakaupo na sila sa couch ng sala ni Javier. Magkatabi lang sila pero feel nila na malayo sila sa isa't isa. Naghahanap lang ng movie si Javier habang hinihintay niya ang dalaga na mag open-up sa kanya. Samantala si Serenity naman ay nag-aalinlangan kung sasabihin ba niya ito o kakalimutan na lang niya ang nangyari. Nag-iisip ng malalim si Serenity kaya hindi niya napansin na lumapit na pala si Javier sa kanya at inakbayan siya. Niyakap agad niya ito ng mahigpit. Ito ang kinuha niyang sign para ilabas ang mga gusto niyang sabihin na hindi niya kaya sabihin kanina. Hinaplos lang ni Javier ang likod ng dalaga at hinalikan ang ulo nito. "Nandito lang ako. You can tell kapag ready ka na," Inayos ni Serenity ang pagkakayakap at kumandong sa lalaki. Isinuksok ang mukha sa leeg nito. Gusto niya man magkwento pero nahihirapan talaga siya dahil masyadong personal ang mga ito. May nangyari sa kanilang dalawa pero hindi 'yon rason para ikwento lahat. Nagdesisyon siya na mag kwento pero konti
"Mabuti buhay ka pa, pare!" Sigaw na bati ni Dominic, pagpasok sa opisina ni Javier. Umupo agad sa tabi ni Tobias na kaharap ni Javier.Kumunot naman ang noo ni Javier at uminom ng alak. "At bakit naman hindi?" tanong niya."Well, kung nakalimutan mo na, iniwan mo kami sa bar ko at umalis ka nalang bigla kaya hindi namin alam ang nangyari sa'yo. Ano nangyari sa mansion niyo?" tanong ni Dominic. Tumango naman ang tatlo pa nilang kaibigan.Bumuntong hininga si Javier bago binaba ang baso niya. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba na hindi talaga siya umuwi sa mansion at kasama niya ang babae na tinatago niya sa tao. Alam niya na mga kaibigan niya ito, pero ayaw niya i-risk ang meron sa kanilang ng babae dahil lang dito. Nirerespeto niya ang agreement nila gaya ng pagrespeto ng babae sa pangalan niya. Kaya nagpasya siya na huwag na muna ito sabihin.Umiling lang siya bago nagsalin ng panibagong alak sa baso niya. Nalito naman ang mga kaibigan niya sa kanya. Alam nila na may tinatago it
Habang masaya kumakain at abala makipag-kwentuhan, si Javier naman ay iniisip ang sinabi ni Dominic kanina. Nilingon niya ang dalaga na nasa tabi niya lang na abala sa pakikipag-usap. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang suggestion ng kaibigan o mananahimik nalang sa tabi nito ng dalaga. Naramdaman naman ni Serenity na parang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya na nakatingin sa kanya si Javier. Kakaiba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang may kakaibang meaning ito. Nagpaalam muna siya sa kausap bago humarap sa lalaki. "Hey, is there any problem? Why are you looking at me like that?" tanong ni Serenity habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Umiling naman si Javier at ngumiti ng maliit. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga. "Wala naman problema. I just want lang na tignan ka," Kinurot naman ni Serenity ang braso niya kaya napasinghal siya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. "Aray! Bakit ka ba bigla nalang nangungurot?" t
“Dominic, nasaan na yung inutos ko sa’yo kanina?” tanong ni Vernon habang nakatingin kay Dominic na abala makipag-usap kay Faye. Yung mga nakarinig naman ay lumingon at binato ito ng gamit kaya nakuha na nila ang attention ng lalaki. “Nasaan na yung inutos sa’yo ni tito?” natatawang tanong ni David habang nakatingin sa kaibigan. Tumayo naman si Dominic at lumapit kay Vernon para ituro ang hinahanap nito. Natawa na din si Belle sa kalokohan ng mga ito. Napansin naman niya si Javier na kanina pa lingon ng lingon sa pintuan ng bahay nila. “Javier, anong problema?” tanong niya habang nakatingin sa lalaki na nagulat nang marinig ang pangalan niya pati ang iba ay napatingin din. Umiling si Javier bilang sagot. Ayaw niya sagutin ang nakakatanda dahil alam niya na aasarin lang siya ng mga ito at magtatanong ngunit hindi iyon natuloy nang magsalita si Yves. “Hinihintay niya si Serenity,” Naintriga naman si Belle na tanungin ang lalaki. Alam niya na may itinatago ito sa kanya na gusto niya
Matapos kumain ay nagpasya silang lahat na maupo sa sala upang pag-usapan ang gusto nila planuhin. Nakaupo ang mga babae sa couch habang ang ilang lalaki naman ay nakatayo at nakaupo sa lapag. Habang ang dalawang matanda naman ay lumabas para tignan ang mga gagawin nila para mamaya. “So ano plano natin for Christmas?” tanong ni Tobias habang tinitignan ang mga kaibigan. Nagkibit-balikat ang iba dahil wala silang maisip na idea, habang ang iba naman ay tumingin sa kanya at ngumiti. “May idea ako na alam ko na magugustuhan natin lahat,” sabi ni Dominic habang may malaki na ngiti sa labi. Umiling ang mga lalaki nang makita ang ngisi na palabas na sa labi ng kaibigan habang ang mga babae naman ay na curious kung ano iyon. “Ano naman ‘yan naisip mo, Dominic?” kunot-noo na tanong ni Faye habang nakatingin sa lalaki na ngumisi lang sa kanya. Tumayo si Dominic at humarap sa mga kaibigan. “I want na mag beach tayo for Christmas, as in tayo sa beach mag Christmas Eve,” sabi ni Dominic h
Kinabukasan sobrang ingay ng bahay ng mga Ocampo dahil busy ang mga ito magluto at mag-ayos para sa breakfast nila. Gising na ang mga lalaki maliban sa mga babae dahil hindi na muna pinagising ni Belle ang mga ito dahil alam niya na pagod ang mga ito sa trabaho at sa byahe."Javi, pwede ba na ikaw muna magluto ng hot dogs?" tanong ni Belle habang nakatingin kay Javier na abala sa pagtulong sa mga kaibigan niya.Nilingon ni Dominic ang matanda at tinuro ang ginagawa nila. "Sorry Tita, but kailangan namin si Javi para matapos na namin ang pinapagawa sa amin ni tito,"Tumango naman ang mga iba pang lalaki bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Dominic at tinuro pa ang mga iba pa nilang gagawin."Nakikita ko kayo lahat. Natapos niyo na kanina ang pinapagawa ng tito niyo kaya ang iba sa inyo ay tutulong sa akin mag prepare ng breakfast. Walang aangal kundi lagot kayo sa akin lahat isama niyo na ang tito niyo," sabi ni Belle habang nakataas ang kilay sa mga ito.Binitawan ng mga ito ang mga hawa
Makalipas ang tatlo at kalahating oras na pag byahe, sa wakas ay nakikita na nila ang daan papunta sa bahay nila Yves. Isang sasakyan na lang ang ginamit nila para hindi maging hussle sa iba.Natutulog lang ang iba buong byahe, dahil mga pagod sa trabaho. Sina Javier, Tobias, at David lang ang gising. Nasa harap si Javier para matulungan si Tobias sa daan habang si David naman ay nasa likod kasama ang mga babae."Medyo malapit na tayo. Mga ilang minutes pa kaya?" tanong ni David ng makita ang familiar na bahay papunta sa bahay nila Yves.Niliko ni Tobias pakaliwa ang sasakyan. "Wala pang five minutes nandoon na tayo,"Tumango si David at nilingon si Javier na tahimik lang sa harapan. Malayo ang tingin nito kaya hindi niya narinig ang usapan ng dalawa."Bro, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik simula nung dumating kayo ni Serenity doon sa tambayan," tanong ni David.Napalingon naman si Tobias kay Javier at nakita niya na malungkot ang aura nito. "May nangyari ba?"Tumango si Javier pero
"Ang pangit naman mag work dito sa company niyo, Javi! Pasko na pasko may trabaho pa tayo," angal ni Dominic habang chinecheck ang mga papers na binigay sa kanila.Natawa naman ang mga iba at binato siya ng crumpled paper."Malas mo dito ka napunta," asar ni Tobias habang nakangisi.Tumango naman si Yves at inangat ang tingin kay Javier na abala sa pagtingin ng mga emails sa computer niya. "And best friend mo pa ang susunod na CEO natin kaya no choice ka talaga,"Nanlaki ang mata ni Dominic ng marinig ang sinabi ni Yves kaya hindi na niya napansin ang asar ni Tobias sa kanya."Ikaw ang susunod na CEO?!" gulat na tanong niya habang nanlalaki ang mata na nakatingin kay Javier.Umangat ang ulo ni Javier at tinignan isa-isa ang kaibigan niya bago umiling. "No, ayoko,"Magtatanong na sana muli si Dominic ng takpan ni Tobias ang bibig niya at bumulong. "Shut up, ayaw niya ng ganyan na topic,""Ano na pala balak niyo?" tanong ni David."Dating gawi. It's either sa bahay ni Papi Javi o sa tam
"So ano meron sa inyo ni Yves?" tanong ni Faye habang nakatingin kay Nyla na nasa harapan niya. Napalingon naman si Scarlett at Serenity ng marinig ang sinabi ni Faye. Halata sa mukha ang pagkakalito. "What do you mean, Faye?" curious na tanong ni Scarlett. Tumango lang sa gilid si Serenity bilang pang-sang-ayon. Napangisi naman si Faye at nilihis ang tingin sa dalawang dalaga na walang alam sa nangyayari. "Well, nung tumambay tayo doon kasama yung boys. Napansin ko at ni Liezel na nagpapalitan ng ngiti at tingin sina Nyla at Yves. May something kami na feel ni Liz. Gusto lang naman namin malaman mula kay Nyla if meron ba," sabi ni Faye, at tinuon muli ang tingin kay Nyla na ngayon ay namumula na sa hiya. "Remember nung may celebration tayo, nagpaalam ako sa inyo na uuwi ako sa bahay kasi may emergency. Nakipagkita ako sa kanya that time," sagot ni Nyla. Hindi makatingin ng maayos sa mga kaibigan niya dahil sa hiya. "Ano nga meron sa inyo?" naiinip na tanong ni Liezel kay Nyla.
Pagkatapos nila kumain ay nag drive na sila papunta sa kung saan lugar ang sinabi ni David. Nagkanya-kanya ang mga lalaki mag drive habang ang mga babae ay magkasama sa isang kotse kasama si Serenity, si Liezel ang drive para sa kanila. Kinuha nila si Serenity kay Javier dahil alam nila na hindi sila pwede makita magkasama. Alam nila na may connection ang dalawa dahil magkasama ito pumunta sa restaurant ni Yves. Habang nasa byahe sila ay tahimik lang si Serenity. Gusto man magtanong ng mga babae kung ano ang relasyon ng dalawa pero hindi nila magawa dahil alam nila na magsasabi ito kapag gusto nito at ayaw nila na pangunahan o pilitin ang dalaga. Nauna na dumating si Javier sa tambayan nila dahil bumibili pa ng makakain ang mga kaibigan niya para mamaya. Naka park siya sa tabi ng kotse ni Liezel. Sinilip niya sa bintana si Serenity, nakita niya na nakapikit ito habang mga kaibigan niya ay nag-uusap. Maraming pumapasok sa isip niya ngayon, isa na doon ang dalaga at mga projects niya
Nakaupo lang si Javier sa isang upuan sa isang meeting room ng company ng kaibigan niya. Siya pa lang ang tao sa loob at ang manager niya. Hinihintay na lang nila na dumating ang iba para pag-usapan ang mga gagawin niya.Isang linggo na ang nakalipas ng bigyan siya ng day-off ng manager niya. Pinayagan siya ng mga ito dahil naging maganda ang results ng pag promote niya sa movie kahit hindi pa naman ipapalabas. Pero hindi pa rin sapat sa kanya ang isang linggo na pagpapahinga, gusto sana niya na isang buwan kagaya ng nakaraan na taon.Tinawagan siya ng kaibigan niya na may meeting sila kasama ang ibang company. Sinabi nito sa kanya na mahalaga ito kaya kailangan niya pumunta. Wala naman siyang choice dahil trabaho niya ito kahit na day-off niya."Nandito na silang lahat," sabi ni David, ang manager niya at CEO.Pumasok na ang iba pang tao sa meeting room. Tumayo si Javier at inalok ang kamay niya sa mga ito, nakangiti naman ito tinanggap ng mga ito. Umupo na agad sila ng makumpleto si