Malakas na nag ring ang cellphone ni Javier sa malaking kwarto niya. Kahit umaga na nakasara pa rin ang kurtina ng malaking glass window niya. Tinakpan niya ang tenga niya gamit ang unan pero hindi ito gumana dahil patuloy pa rin sa pag ring ang cellphone niya. Hindi na niya natiis ang ingay kaya kinuha na niya ito sa bedside table at sinagot ng nakapikit."Who's this?" masungit na sagot niya."Nandito kami sa office hinihintay ka magising," sabi ng caller.Umungol si Javier sa pagkakairita dahil naistorbo ang tulog niya, "Ano ba kasi 'yon at tumatawag ka sa akin ng ganitong oras?""Alam kong rest day mo bilang artista pero may meeting tayo dahil may mission na naman tayo kay Sir Franco. Kailangan namin ang leader namin para makapagsimula na," sagot ng nasa kabilang linya. Nakarinig naman siya ng tawanan ng mga lalaki sa kabilang linya."Tangina, minsan na nga lang makapag pahinga sa mga shooting, tapos tatawag kayo dahil lang dyan," inis na sabi niya bago bumangon sa kama at sumandal
Sa malaking basement ng building, may malaking grupo ng mga lalaki na naka itim habang nakaharap sa kanilang leader. May madilim at seryoso itong aura na kinakatakutan nila."Malaking tao itong haharapin natin kaya gusto ko na mag focus lahat sa mission na ito. Ayoko na pumalpak tayo, alam natin kung ano mangyayari sa atin kapag hindi natin nalinis ito. Patayin niyo kung manlaban o sinaktan kayo basta ang gusto ko lang makuha si Mr. Renato Corpuz at ang mga batang babae ng buhay," sabi ni Javier sa seryoso at malalim na tono habang nakatingin sa mga tauhan niya."Team Hawk at Wolf ang titingin at maglilinis ng dadaanan natin papasok sa warehouse," sabi niya sa dalawang grupo. Tumango naman sina Dominic at David."Team Fox naman ang iikot sa likod ng warehouse at doon kayo magbabantay at maghihintay ng utos ko," sabi niya ulit habang nakatingin kay Yves at sa grupo nito."Team Cobra ang gagalaw sa taas, umakyat kayo sa rooftop ng warehouse ng tahimik. Tignan niyo ng mabuti kung sino an
"Ano balak mo sa hiningi mo na day-off?" tanong ni Yves, habang nakatingin sa lalaki na nasa harap niya. Nasa loob sila sa coffee shop na isa sa mga pagmamay-ari ni Yves. Walang tao dahil pinasara muna ito ng lalaki dahil alam niya na pagka kaguluhan ang kaibigan niya kapag nalaman na nasa loob siya. Kaya silang dalawa lang ang nasa loob kasama ang iba pang staff ng shop pero nasa malayo sa mga ito para may privacy sila. Uminom muna si Javier ng kape niya at tumingin sa kanya. "Magpapahinga muna ako sa Batangas," "With her?" tanong ni Yves, nakuha naman agad ni Javier ang gusto nitong itanong kaya tumango siya sa kaibigan. "Hindi ba risky for her and also for you? Baka makita kayo doon ng mga tao,""Safe kami sa loob ng lupa ko dahil pina-banned ko ang mga dumadaan doon," Huminto siya saglit at tinignan muli ang kaibigan. "Don't worry, hindi ako magpapahuli," Huminga ng malalim si Yves at sumandal sa upuan niya. "Ano ba meron sa inyo? Pwede naman na maghanap ka nalang ng iba at da
"Aalis ka talaga bukas? Akala ko ba sasamahan mo ako mag swimming doon sa dagat?" tanong ni Serenity, tinignan si Javier na naglalaro ng basketball sa likod ng bahay nito. Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno habang pinapanood ang lalaki na maglaro ng basketball sa ilalim ng araw. Nakahubad ito at basang basa ang buong katawan sa pawis. Magulo ang kulot na buhok at naka paa lang ito. Napansin niya na iba ang itsura nito kapag nasa Manila, malinis at maganda tingnan, hindi kagaya ngayon sa nakikita niya ay wala ito pakialam sa itsura niya. Mas comfortable ito gumalaw at hindi natatakot gumawa ng gusto.Tumigil sa paglalaro si Javier at nilapitan siya. "Sasamahan naman talaga kita, nagkataon lang na may gagawin lang talaga ako bukas," Ngumuso lang ang dalaga sa kanya at hindi pinansin ang mga sinabi niya. "Okay, try ko tapusin agad yung gagawin ko bukas," Napangiti naman ang dalaga sa sinabi niya kaya lumingon na ulit ito sa kanya. Bigla siya hindi makahinga ng maayos sa tingin ng da
"Galit ka talaga dahil hindi lang ako nakauwi kagabi?" tanong ni Javier sa dalaga na nakaupo sa couch sa sala.Kunot noo siya nilingon ni Serenity at pinag cross ang mga kamay sa dibdib nito. "Sorry naman, may nagsabi kasi sa akin na sasamahan ako pumunta sa dagat," Natawa naman si Javier dahil umikot ang mga mata ito at nilihis ang tingin. "Sorry, anong oras na kasi natapos ang pinagawa sa akin kaya hindi na ako nakauwi. Wala pang signal doon," paliwanag ni Javier habang umupo sa tabi ng dalaga na nakanguso na ngayon. "Pwede naman natin ituloy ngayon, wala akong gagawin buong araw," Lumingon si Serenity kay Javier na nakanguso. "Hindi ka ba talaga busy ngayon?" Natawa naman si Javier at hinalikan ang pisngi ng dalaga. "Yeah, magpalit ka na ng damit mo na pang swimming para makapunta na tayo doon. Hintayin na lang kita dito,"Tumango si Serenity, tumayo at naglakad papasok sa bahay. Umakyat agad siya para makahanda na sa lakad nila. Naiwan naman si Javier sa labas ng bahay na nakau
"May bago pa lang movie sina Celine at Javier this year," sabi ng isang babae habang binabasa ang article. "Really?! You mean Celine Marquez and Javier Sandoval?" gulat na tanong ng isang babae. Umangat naman ang ulo ng isa pang babae nang marinig ang familiar na pangalan sa kanya. Natawa naman ang babae na nagsimula ng topic. "Yes, nasa article na agad," sabi nito at pinakita ang article sa kaibigan. "Wow, ibang level na yung movie nila," sabi ng babae at tumingin sa katabi dahil nakatingin ito sa kanila. "Why, curious ka? Hindi ka naman nanonood ng filipino movies," "Nanonood kaya si Riri kapag gusto niya lang, but more on Korean drama siya," sabi ng babae habang nakatingin kay Serenity. "Bakit ang tahimik mo masyado ngayon?" "Sad naman ang baby na 'yan. Kailangan mo ba ng boyfriend?" tanong ng babae na nasa tabi niya na may nakakalokong tono. "Pagod lang ako and thank you for asking, Faye," Ngumiti si Serenity sa babae na nasa harapan niya at lumingon sa katabi. "I don't nee
Nasa underground na sila para malaman kung ano ang sinasabi ng mga lalaki na gagawin ni Javier mamaya. Hindi nila akalain na boxing pala ang makikita nila. Pinapanood nila ngayon ay ang nauna na match habang hinihintay si Javier na ang sumunod.Natatakot at nagtataka siya para sa lalaki. Masyadong delikado ito para sa lalaki, physical ang kalaban nito. Natatakot siya dahil sa dami ng tao, maraming makakakita kung ano ang gagawin ng lalaki pero nakahinga siya kahit konti ng sabihan siya ni Dominic na walang nakakaalam ng underground boxing.Habang pinapanood ang current match, napansin niya na medyo medyo magaling ang nasa red corner. Duguan na ang kalaban nito pero nakatayo pa rin ito at walang bangas sa mukha."Sinakto niya talaga sa schedule ni Javi," sabi ni Dominic.Napalingon naman si Serenity ng marinig ang sinabi ng lalaki. Na-curious siya kung bakit parang hindi ito mapakali habang nanonood."May problema ba? Sino ba makakalaban niya?" tanong niya habang nakatingin sa dalawa n
Nakaupo lang si Javier sa isang upuan sa isang meeting room ng company ng kaibigan niya. Siya pa lang ang tao sa loob at ang manager niya. Hinihintay na lang nila na dumating ang iba para pag-usapan ang mga gagawin niya.Isang linggo na ang nakalipas ng bigyan siya ng day-off ng manager niya. Pinayagan siya ng mga ito dahil naging maganda ang results ng pag promote niya sa movie kahit hindi pa naman ipapalabas. Pero hindi pa rin sapat sa kanya ang isang linggo na pagpapahinga, gusto sana niya na isang buwan kagaya ng nakaraan na taon.Tinawagan siya ng kaibigan niya na may meeting sila kasama ang ibang company. Sinabi nito sa kanya na mahalaga ito kaya kailangan niya pumunta. Wala naman siyang choice dahil trabaho niya ito kahit na day-off niya."Nandito na silang lahat," sabi ni David, ang manager niya at CEO.Pumasok na ang iba pang tao sa meeting room. Tumayo si Javier at inalok ang kamay niya sa mga ito, nakangiti naman ito tinanggap ng mga ito. Umupo na agad sila ng makumpleto si
Habang masaya kumakain at abala makipag-kwentuhan, si Javier naman ay iniisip ang sinabi ni Dominic kanina. Nilingon niya ang dalaga na nasa tabi niya lang na abala sa pakikipag-usap. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang suggestion ng kaibigan o mananahimik nalang sa tabi nito ng dalaga. Naramdaman naman ni Serenity na parang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at nakita niya na nakatingin sa kanya si Javier. Kakaiba ang paraan ng pagtingin nito sa kanya, parang may kakaibang meaning ito. Nagpaalam muna siya sa kausap bago humarap sa lalaki. "Hey, is there any problem? Why are you looking at me like that?" tanong ni Serenity habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. Umiling naman si Javier at ngumiti ng maliit. Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga. "Wala naman problema. I just want lang na tignan ka," Kinurot naman ni Serenity ang braso niya kaya napasinghal siya. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. "Aray! Bakit ka ba bigla nalang nangungurot?" t
“Dominic, nasaan na yung inutos ko sa’yo kanina?” tanong ni Vernon habang nakatingin kay Dominic na abala makipag-usap kay Faye. Yung mga nakarinig naman ay lumingon at binato ito ng gamit kaya nakuha na nila ang attention ng lalaki. “Nasaan na yung inutos sa’yo ni tito?” natatawang tanong ni David habang nakatingin sa kaibigan. Tumayo naman si Dominic at lumapit kay Vernon para ituro ang hinahanap nito. Natawa na din si Belle sa kalokohan ng mga ito. Napansin naman niya si Javier na kanina pa lingon ng lingon sa pintuan ng bahay nila. “Javier, anong problema?” tanong niya habang nakatingin sa lalaki na nagulat nang marinig ang pangalan niya pati ang iba ay napatingin din. Umiling si Javier bilang sagot. Ayaw niya sagutin ang nakakatanda dahil alam niya na aasarin lang siya ng mga ito at magtatanong ngunit hindi iyon natuloy nang magsalita si Yves. “Hinihintay niya si Serenity,” Naintriga naman si Belle na tanungin ang lalaki. Alam niya na may itinatago ito sa kanya na gusto niya
Matapos kumain ay nagpasya silang lahat na maupo sa sala upang pag-usapan ang gusto nila planuhin. Nakaupo ang mga babae sa couch habang ang ilang lalaki naman ay nakatayo at nakaupo sa lapag. Habang ang dalawang matanda naman ay lumabas para tignan ang mga gagawin nila para mamaya. “So ano plano natin for Christmas?” tanong ni Tobias habang tinitignan ang mga kaibigan. Nagkibit-balikat ang iba dahil wala silang maisip na idea, habang ang iba naman ay tumingin sa kanya at ngumiti. “May idea ako na alam ko na magugustuhan natin lahat,” sabi ni Dominic habang may malaki na ngiti sa labi. Umiling ang mga lalaki nang makita ang ngisi na palabas na sa labi ng kaibigan habang ang mga babae naman ay na curious kung ano iyon. “Ano naman ‘yan naisip mo, Dominic?” kunot-noo na tanong ni Faye habang nakatingin sa lalaki na ngumisi lang sa kanya. Tumayo si Dominic at humarap sa mga kaibigan. “I want na mag beach tayo for Christmas, as in tayo sa beach mag Christmas Eve,” sabi ni Dominic h
Kinabukasan sobrang ingay ng bahay ng mga Ocampo dahil busy ang mga ito magluto at mag-ayos para sa breakfast nila. Gising na ang mga lalaki maliban sa mga babae dahil hindi na muna pinagising ni Belle ang mga ito dahil alam niya na pagod ang mga ito sa trabaho at sa byahe."Javi, pwede ba na ikaw muna magluto ng hot dogs?" tanong ni Belle habang nakatingin kay Javier na abala sa pagtulong sa mga kaibigan niya.Nilingon ni Dominic ang matanda at tinuro ang ginagawa nila. "Sorry Tita, but kailangan namin si Javi para matapos na namin ang pinapagawa sa amin ni tito,"Tumango naman ang mga iba pang lalaki bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Dominic at tinuro pa ang mga iba pa nilang gagawin."Nakikita ko kayo lahat. Natapos niyo na kanina ang pinapagawa ng tito niyo kaya ang iba sa inyo ay tutulong sa akin mag prepare ng breakfast. Walang aangal kundi lagot kayo sa akin lahat isama niyo na ang tito niyo," sabi ni Belle habang nakataas ang kilay sa mga ito.Binitawan ng mga ito ang mga hawa
Makalipas ang tatlo at kalahating oras na pag byahe, sa wakas ay nakikita na nila ang daan papunta sa bahay nila Yves. Isang sasakyan na lang ang ginamit nila para hindi maging hussle sa iba.Natutulog lang ang iba buong byahe, dahil mga pagod sa trabaho. Sina Javier, Tobias, at David lang ang gising. Nasa harap si Javier para matulungan si Tobias sa daan habang si David naman ay nasa likod kasama ang mga babae."Medyo malapit na tayo. Mga ilang minutes pa kaya?" tanong ni David ng makita ang familiar na bahay papunta sa bahay nila Yves.Niliko ni Tobias pakaliwa ang sasakyan. "Wala pang five minutes nandoon na tayo,"Tumango si David at nilingon si Javier na tahimik lang sa harapan. Malayo ang tingin nito kaya hindi niya narinig ang usapan ng dalawa."Bro, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik simula nung dumating kayo ni Serenity doon sa tambayan," tanong ni David.Napalingon naman si Tobias kay Javier at nakita niya na malungkot ang aura nito. "May nangyari ba?"Tumango si Javier pero
"Ang pangit naman mag work dito sa company niyo, Javi! Pasko na pasko may trabaho pa tayo," angal ni Dominic habang chinecheck ang mga papers na binigay sa kanila.Natawa naman ang mga iba at binato siya ng crumpled paper."Malas mo dito ka napunta," asar ni Tobias habang nakangisi.Tumango naman si Yves at inangat ang tingin kay Javier na abala sa pagtingin ng mga emails sa computer niya. "And best friend mo pa ang susunod na CEO natin kaya no choice ka talaga,"Nanlaki ang mata ni Dominic ng marinig ang sinabi ni Yves kaya hindi na niya napansin ang asar ni Tobias sa kanya."Ikaw ang susunod na CEO?!" gulat na tanong niya habang nanlalaki ang mata na nakatingin kay Javier.Umangat ang ulo ni Javier at tinignan isa-isa ang kaibigan niya bago umiling. "No, ayoko,"Magtatanong na sana muli si Dominic ng takpan ni Tobias ang bibig niya at bumulong. "Shut up, ayaw niya ng ganyan na topic,""Ano na pala balak niyo?" tanong ni David."Dating gawi. It's either sa bahay ni Papi Javi o sa tam
"So ano meron sa inyo ni Yves?" tanong ni Faye habang nakatingin kay Nyla na nasa harapan niya. Napalingon naman si Scarlett at Serenity ng marinig ang sinabi ni Faye. Halata sa mukha ang pagkakalito. "What do you mean, Faye?" curious na tanong ni Scarlett. Tumango lang sa gilid si Serenity bilang pang-sang-ayon. Napangisi naman si Faye at nilihis ang tingin sa dalawang dalaga na walang alam sa nangyayari. "Well, nung tumambay tayo doon kasama yung boys. Napansin ko at ni Liezel na nagpapalitan ng ngiti at tingin sina Nyla at Yves. May something kami na feel ni Liz. Gusto lang naman namin malaman mula kay Nyla if meron ba," sabi ni Faye, at tinuon muli ang tingin kay Nyla na ngayon ay namumula na sa hiya. "Remember nung may celebration tayo, nagpaalam ako sa inyo na uuwi ako sa bahay kasi may emergency. Nakipagkita ako sa kanya that time," sagot ni Nyla. Hindi makatingin ng maayos sa mga kaibigan niya dahil sa hiya. "Ano nga meron sa inyo?" naiinip na tanong ni Liezel kay Nyla.
Pagkatapos nila kumain ay nag drive na sila papunta sa kung saan lugar ang sinabi ni David. Nagkanya-kanya ang mga lalaki mag drive habang ang mga babae ay magkasama sa isang kotse kasama si Serenity, si Liezel ang drive para sa kanila. Kinuha nila si Serenity kay Javier dahil alam nila na hindi sila pwede makita magkasama. Alam nila na may connection ang dalawa dahil magkasama ito pumunta sa restaurant ni Yves. Habang nasa byahe sila ay tahimik lang si Serenity. Gusto man magtanong ng mga babae kung ano ang relasyon ng dalawa pero hindi nila magawa dahil alam nila na magsasabi ito kapag gusto nito at ayaw nila na pangunahan o pilitin ang dalaga. Nauna na dumating si Javier sa tambayan nila dahil bumibili pa ng makakain ang mga kaibigan niya para mamaya. Naka park siya sa tabi ng kotse ni Liezel. Sinilip niya sa bintana si Serenity, nakita niya na nakapikit ito habang mga kaibigan niya ay nag-uusap. Maraming pumapasok sa isip niya ngayon, isa na doon ang dalaga at mga projects niya
Nakaupo lang si Javier sa isang upuan sa isang meeting room ng company ng kaibigan niya. Siya pa lang ang tao sa loob at ang manager niya. Hinihintay na lang nila na dumating ang iba para pag-usapan ang mga gagawin niya.Isang linggo na ang nakalipas ng bigyan siya ng day-off ng manager niya. Pinayagan siya ng mga ito dahil naging maganda ang results ng pag promote niya sa movie kahit hindi pa naman ipapalabas. Pero hindi pa rin sapat sa kanya ang isang linggo na pagpapahinga, gusto sana niya na isang buwan kagaya ng nakaraan na taon.Tinawagan siya ng kaibigan niya na may meeting sila kasama ang ibang company. Sinabi nito sa kanya na mahalaga ito kaya kailangan niya pumunta. Wala naman siyang choice dahil trabaho niya ito kahit na day-off niya."Nandito na silang lahat," sabi ni David, ang manager niya at CEO.Pumasok na ang iba pang tao sa meeting room. Tumayo si Javier at inalok ang kamay niya sa mga ito, nakangiti naman ito tinanggap ng mga ito. Umupo na agad sila ng makumpleto si