Share

CHAPTER 4: THE CEO IS COMING

A month later, the smoke died down. Just like any trending show, nawalan ng interes sa istorya ng buhay ko ang mga netizens. Naglaho din ang mga callers, chatheads at reporters na nanggugulo sa buhay ko sa bawat galaw ko. Wala din naman silang mahihita sa akin eh. I have kept my mouth zipped and locked for so long.

It worked.

Itinuon ko ang oras ko sa trabaho. Kailangan kong yumaman. Yumaman is equated to yummy-man. Pero hindi ako ang tipo na maghahanap at aasa sa lalaki para magkamal ng pera. Ayokong bangungutin ng gising. Pero I have set high goals for myself.

Gusto ko, time will come na pa travel-travel na lang ako. And one of my dreams is to visit the Louvre in Paris. At syempre, dapat lang naman na kasama ko ang man of my dreams... But the mirror is broken now. That man is gone....in just a flick of a finger. Alangan namang maglupasay pa ako over it. Di naman ako namatayan to mourn...Oo, nakapanghihinayang. But there are things in life that's beyond your control... However, getting rich will be my ultimate goal.

Maagang-maaga, nasa opisina na ako, at ako pa rin ang pinakahuling umuuwi. Not because I am vying for the Employee of the Month award. Pero gusto ko lang ma-divert ang atensiyon ko and mag focus sa mas produktibong pamumuhay.

My colleagues even think I’m a pushover. Sinamantala ang pagiging masipag ko and they made me do all sorts of chores. Kulang na lang gawin akong alila sa bahay ng ilan sa kanila. But I never complained. They never heard me.

Pero pagdating sa bahay, I do a litany of curses: “Tangina nyo, mga hayop kayo! F*ck y’all stupid hoes! Kumpara sa akin, ang tataas ng sweldo nyo, pero trabaho nyo pa ginagawa ko?!“

Di ko alam kung dala ng stress,but I felt bouts of dizziness. Gusto ko ring magpa check–up but ruled against it again kasi gastos nga lang. Pag nakapag pahinga na ako, I am sure, aayos na ang pakiramdam ko.

Close to 2 months after that incident, parang lalong tumindi ang pagkaliyo ko. Tapos, may mga pagsusuka moments pa. Overworked nga yata ako…

“Heather, pakidala nga nitong mga proposal sa conference room. Lahat ng iyan kailangan agad doon. And everyone, be ready and behave yourselves, The CEO is coming!” bungad agad ng isang section chief sa akin.

Di na masyadong nag-sink in sa utak ko ang mga huling sinabi nya. So what if it’s about the CEO?

Napatingin na lang ako sa gabundok na papel na nasa harapan ko, sabay bunting-hininga. I immediately scooped it up, at dahan-dahang binagtas ko ang pasilyo papunta sa lugar ng pagmi-meetingan. Walang anu-ano’y umikot ang paningin ko. Nagsiliparan ang mga papel na hawak ko, kasabay ng inaasahan kong pagbagsak sa tiled floor.

Pero hindi ko naramdamang bumagsak. Bagkus, a warm cushion of powerful arms scooped me up. Then, I smelled that addicting scent again. Napatingin ako sa sumalo sa akin.

“Ikaw?!” A wave of nausea interrupted words that will further erupt from my mouth. Sa halip, tuloy-tuloy na akong nasuka sa designer coat ng misteryosong lalaki na ito na aksidenteng nabigyan ko ng aking sarili…sa isang gabi ng pagkakamali.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status