Share

CHAPTER 5: GRAN AND GRUDGES

"Heather...Heather...gising...laro tayo!"

"Ayoko pa, antok na antok pa ako...tumakas tayo buong gabi, di ba?"

"Oo nga eh. Ang saya sa labas eh. Ambait nung mama na nagbigay sa atin ng candy. Di pa ako nakakakain ng ganung klase ng kendi eh. Ulitin natin?"

“Natatakot ako eh, baka kasi mahuli tayo...Ayoko nang lumuhod sa munggo o di kaya ay ikulong sa basement. Nakakatakot eh."

"Okay lang yan. Kasama mo naman ako lagi eh...Halika na kasi...Tulad ng dating gawi..."

“Ayoko na nga eh...”

“Bahala ka! Ako na lang! Duwag! Duwag! Dito uli ako tutulay sabubungan...para lumabas ng bahay...aakyat na ako...habol, Heather, habol! Tip…tap...”

“Baka mahulog ka diyan. Mahina na ang tinutungtungan mo. Bumaba ka na! Wag, Savarra!

“Tip tap tip tap...”

“Wag...huwag...Savarra! Savarra!!!”

Albeit briefly, I saw a glint of recognition sa mga mata ng sumalo sa akin. “Hey! Ano pa ang hinihintay nyo?! Leap Year?! Call the med team right now and clean up this mess! Goddamn turtles!” Sigaw nya sa mga empleyado na agad namang nagpulasang tila mga nasilihang daga.

In between consciousness, narinig ko si Mr. CEO, telling his assistant to be my aide-de-camp for that day. Gayundin agarang mag-report sa kanya, kung anuman ang kalalabasan. “I have a very important meeting to attend to, at di ko na dapat pino-problema ang mga health issues ninyo!” Dagdag singhal nya.

Pagdaka’y dumiretso na ang mayabang na CEO sa conference room. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko as I was wheeled out of the building, hospital-bound. Nag-expect akong magising sa maingay na charity ward. However, the first thing I noticed was the coolness and calmness of the room where I was made to rest.

Iginala ko ang mga mata ko. The place played around the colors of brown, beige and gold. Every corner screamed 'yayamanin' to my ears. It almost felt as if I'm in a five star hotel, though I might've developed some kind of trauma sa luxurious hotel rooms, nevertheless, golden intravenous pole just for my IV drip?! Hello, overlooking sa night city mula sa higanteng bintana?! Seryoso ba 'to o nanaginip lang ako? 

Teka, may mga gamot din sa side table at hospital monitor over the headboard?? Ampotek. Nasa VIP ward ba ako ng ospital?!

"Hala gag*! Di ko afford ang room rate dito. Mamumulubi ako! Nurse? NURSE!" Yan ang namutawi sa labi ko, in my panicky state. That was when I heard an old woman's voice.

"Relax, Ms. O'Connor. You are right where you belong. Everything’s being taken cared of."

Noon ko lang napansin ang isang matanda pero eleganteng babae sa sofa, di kalayuan sa kinahihigaan ko. Sino ‘to?

Nang sinabi nya ang mga salitang iyon, there was an air of authority na nagpatikom sa bibig ko. No further questions, your honor, sa isip ko lang. Maraming katanungan sa utak ko.

Una na diyan yung: Ano ba ang ginagawa ko dito? Eh, oras ng trabaho. Sino ba ang rich lola na ito na mapapa-sanaol ka sa outfit na mala-Queen Elizabeth sa tabas? At bakit tila binabantayan nya ako? Wala naman siguro akong utang sa kanya? Sana nga lola ko siya na mayaman and came to tell me that I am an heir to the crown. LOL! Dream on, Heather O'Connor. Diyan ka magaling...to just sleep and dream. Then the answer came nang bumulaga sa pinto ang isang pamilyar na mukha...

“What the...YOU AGAIN?!"

"What kind of trash was my assistant talking about?! Sabihin mo na gumawa lang kayo ng kwento at ginagago niyo lang ako! I'm a busy person, so will you please STOP WASTING MY GODDAMN TIME?!"

I was taken aback by his harsh words. Ano ang pinagsasabi nito? Alam kong diktador sa opisina ang isang ito but hey, wala akong kasalanan sa kanya. In fact, kung iisipin, ako ang nadehado nya. But I have kept mouth shut for so long without even expecting a sorry from him. Teka lang, ha? Bakit siya pa ang galit ngayon? May hugot?

"Kahlil, she’s not in the right condition for you to behave yourself in front of her like that," kalmadong saway ng mayamang matanda. Noon lang yata na-realize ni Mr. CEO na may ibang tao sa kwarto.

"Gran Momita? What are you doing here?" Bulalas ng nagulat na si Mr. CEO. Wait, did he just say na lola nya ito? Tama ba ang pagkakarinig ko?!

"Well, I just came here to tell you about the preparations we've made for your wedding with Ms. Heather O'Connor, which is just proper because soon, your baby with her will be born and bear the surname Primalion.”

"Gran Momita! WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?!"

"Will you stop raising your voice on me?! You're gonna give me a heart attack!"

"A-Ano ang sinasabi ninyo? Buntis ako? No! It can't be! Nalipasan lang po ako ng gutom. Or napagod lang ng sobra sa work...K-Kaya po ako nahilo. At kung nasukahan ko naman po, Mr. CEO, ang Christian Dior ninyong tailor-fitted coat and tie, sorry na. Di ko po yun sinasadya, mamatay man ako! Tamaan man ng sibat si Batman!" Ang nagkukumahog kong paliwanag. Whew! Ang hirap mag organize ng brainwaves pag may mga kontrabida sa paligid!

"Of course, you are, Miss O' Connor. I know you are just playing with words to make light of the situation. I should know." Makahulugang tugon ng lola, sabay tayo nito at akmang aalis na. "And Kahlil, iho, I have to attend a donation drive with my amigas. Stay with your future wife. No IFs, no BUTs!"

Naiwan akong nakatulala. What the heck!?

As if nagising mula sa pagkalunod sa isang timbang tubig na galing sa kanal, balik-bagsik si Mr. CEO. Nilapitan ako na tila kakainin ako nang buhay. Pero ano itong nararamdaman ko? Nae-excite ang katawang-lupa ko sa iilang pulgadang distansya namin sa isa't isa! His nearness... his unique scent is driving me crazy! Utang na loob Heather! Kurutin mo ang sarili mo, sampal-sampalin mo at kung di pa rin matauhan, iuntog mo na sa pader na iniihian ng askal. Maliwanag ba?! Pero kahit anong sita ko sa sarili ko, every cell, every nerve of my body seems to remember that one night with this guy...

"Miss O'Connor, whatever you are up to, I am not buying it, not even a single centavo. Ipalaglag mo yan! I do not know what you did to convince Gran Momita. But if ever man na magdedesisyon ako na magkaroon ng anak, you are definitely not going to be the mother. Bear that in your pea-brained head!" Mariing banta ni Mr. CEO.

Aray ko naman! His words pulled me so harshly back to reality...agad-agad. Wala man lang kiss muna? Charot. At nakuha ko pang tumawa. Gayong isinampal sa akin ang katotohanang buntis pala ako at ang sperm donor ay ayaw maging ama. This doesn't happen everyday. Pero talaga yatang kinakapitan ako ng kamalasan. Mabuti pa, magpa advise ako kay Kris Aquino tungkol sa tamang Feng Shui...

Nag-subscribe na lang ako sa horoscope online...tipid pa. For better vibes. Napilitan din akong bumili ng crystal bracelet.

"Pampaswerti!" naalala kong sabi ng Tsino na nagbenta sa akin.

The following morning, bumalik na kaagad ako sa opisina, despite the protests of the doctor that I should stay another day, for more observations, lab tests at kung anu-ano pa. Nakapagtataka na wala akong ni isang kusing na binayaran, just as Gran Momita promised. Oops! Naki Gran na rin ako kay Donya Silvanna Primalion ah? Apo ka, girl? Naaalala ko talaga sa kanya si Julie Andrews sa Sound of Music. Bagay ba sa aking maging apo nya? And the answer is...nasa G****e at kay Siri!

The CEO called me to his office. Agad-agad. Nasa phone siya, may seryosong kausap when I came in. Sumensyas siya na maupo ako. Nag-alangan ako kung saan. Marami kasi ang upuan. Baka naman pwedeng sa lap niya na lang? Charot. Gago ba’t ba umaandar pagkamalandi ko lately?

Anyways, nagdesisyon akong sa cushion seat na malapit sa table nya maupo. I noticed clean-shaven siya ngayon...pero ang balat niya, tila napakagandang kutis-porselana para sa isang hunk. Kung hindi ko lang naranasan ang pagiging lover niya kahit ilang saglit lang, pagdududahan ko na siyang katribu ni Sassa Gurl. Lahat ng anggulo nya, sobrang attractive...mula sa pagkakatayo, sa pananamit (this time, beige and blue ang color combination ng shirt and coat nya...pero hindi pa rin nito maitago ang toned abs nya, mula sa puson paakyat sa panga...sa mga labing minsan ko nang natikman ang tamis... Kahlil Zillion caught my eyes roving on his moist lips.

S***a. Not again...

"What are you doing, Ms. O'Connor? Playing with one of your mind games, again? Ano ba talaga ang kailangan mo? You need more than the 5 million I originally offered you? Fine. I could give you that. You need a father for your baby that bad? Well, I can give it to you, too. But it's just gonna be on that shitty piece of paper. Nothing more. You understand?"

Ang lakas kaso makatalak ng isang ‘to. Full package sana kaso binawi naman sa ugali.

"Look, Sir. First and foremost, I never asked for any of the things you mentioned. Kayo lang ang makulit. It was never my idea. Gusto ko lang tahimik na buhay. So what if buntis ako? So what if kayo ang ama? Marami namang nabubuhay diyan na iisa lang ang tumayong magulang. Kesa naman kumpleto nga ang pamilya pero impyerno naman ang buhay sa loob. So, Sir, salamat na lang po sa offer nyo. Okay na po sa akin na may trabaho ako dito...May I do the honors to exit right now, please?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status