Share

CHAPTER 3: I’M NOT A SLUT

Breakfast in bed. Over a cup of steaming black instant coffee, dagdag -almusal ko ang mas masamang balita. Trending sa internet: “AN ORDINARY OFFICE CLERK SLUT HAD A STEAMY ONE-NIGHT STAND WITH TOP-NOTCH CEO!”

Kung ganito akong klase ng babae, I would have enjoyed the attention. But I am not a slut.  

Ano ba ang ginawa ko sa mga taong ito? Wala naman akong maalalang kaaway…at wala akong maraming kaibigan, to begin with.

Avaz is my only friend, kung kaya’t di ko maubos maisip kung bakit magagawa niya ang panlilinlang na ito sa akin. That is, kung totoo man na siya ang may pakana nito. No phone calls nor messages from her until this very moment. Just when I needed a friend most.

Should I make the first move and confront her? Hindi ako papayag just to let this slide. Karangalan ko ang sinisira ng kagaguhang ito.

Usually, as a kid, pag may problema, takbuhan mo ang Nanay at Tatay mo. I think I don’t have much choice now kundi ang puntahan sila. For once.

Pero ang tagpong ayaw na ayaw kong makita pa ang naabutan ko. Ang tatay ko, binubugbog na naman ang Nanay ko. I held back a second bago ako lumapit at inawat ang ama ko.

“Tay, please lang. Wag mo namang saktan si Nanay! Maglalasing kayo tapos uuwi kayo para pagdiskitahan siya!”

“Isa ka pa! Pareho lang kayo ng nanay mo, mga bayaran! Lumayas ka dito! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Wala akong anak na p****k!” sabay salya sa akin. Nadapa ako sa lupa. Napahagulhol. Napilitan akong umalis. At naiwan ang ina kong umiiyak pa rin. Wala siyang magawa. Tulad ng bata pa ako na wala din siyang magawa kundi umiyak at ipagdasal na magbabago din ang ama kong lasinggero.

I guess that day will never come.

Parang painting lang ang mukha ng traydor sa buhay ko. Animo nakangiti pero sh*t, di mo alam ang kwento sa likod ng artist nito. Siguradong ipinaalam ito sa pami-pamilya namin ni Iszak bago nagkalat sa internet. Pero paano... at sino? Ano ang motibo? Ahhh, ayoko nang mag isip. Nakukurta nang tila fermented milk ang utak ko. Di ba pwedeng time out muna sa pag iisip? Yung tipong pwede mong ilagay sa sleep mode muna?

So...ang lalaking iyon pala ay si Khalil Zillion Primalion, dubbed as the Alpha CEO of the century, and sadly, most sought-after bachelor. Eww...playboy! Why naman Lord siya pa ang naitadhana mong pumitas ng pinakai-ingatang hiyas ni Heather O'Connor? Yuck!

Pero in fairness, iba ang dating nya. Si Iszak, nag-iisang love of my life ko yun. Pero with this Zillion guy, it's a ton of sh*tface animal appeal. And in mid -air, I decided to stop myself.

Ano ka ba, Heather? That guy just took away your precious virgin blood and even offered a mere 5 million, kapalit ng nawala sa iyo? Ano yun? Baratan sa Divisoria? Pero di pa rin maalis sa isip ko ang mga haplos at halik nya nung gabing iyon. Siguro kasi never kong nagawa iyon with my boyfriend. Masyado akong nirespeto ni Iszak. Sana naging medyo bastos din siya...maski slight lang hehe... Susmiyo, ano ba ang mga naiisip kong eksena at puro SPG? Nakakahiya naman sa mga mind-readers diyan, di ba? Por Dios y por santo, Heather! Stop complaining and stop comparing. It's not fair lalo at ni hindi mo kilala ng lubusan ang lalaking yun. It's just not fair din for your ex-boyfriend. Wow ah, may Ex na pala talaga ako...

It's not like we had some kind of proper closure, pero after the explosion of the news, I doubt he'd still be willing to accept me. 

Kaya nga siguro NBSB ako, No Boyfriend Since Birth until I met Iszak Huang. It was with him that I let my guard down. I have invested so much time and effort to make our relationship work. I had hoped. Sana…but it has all been ruined with my recent stupidity. Or pwede rin bang sabihin na I have chosen the wrong friend. I wouldn’t know that…just yet.

Kailangan ko talaga ng kausap. Mababaliw ako if unlimited ang panggugulo ng mga tauhan ni Hagorn sa utak ko (insert Encantadia).

"Sa sentro po tayo, Manong. Sa Vinz Lugawan," sabi ko sa driver.

Ilang sandali pa, nasa lugawan na ako ng Kuya ko. Dito niya napasagot ang asawa niya kaya Vinz Ligawan minsan ang pabiro kong tawag dito. Bagama't maagang nagbanat ng buto dahil sa pagiging iresponsable at lasinggero ng Tatay namin, nagsumikap ang kapatid kong ito. Kaya naman malapit ako sa kanya kasi pareho kami ng misyon sa buhay: ang umangat mula sa lusak. Siya lang ang pinakamalapit sa akin. Dangkasi'y ipinaampon na ng mga magulang ang iba pa naming kapatid. Ang iba naman, desisyon na ng DSWD kasi nga, di maasahan na mapangalagaan ng Nanay at Tatay. Pareho silang unfit to be parents.

"Nandito ka pala, bunso? Ano'ng atin? Lika na, kain ka ng lugaw. Ano ang gusto mong toppings? Meron akong baka, kalabaw, at manok na kinalas diyan. Syempre, dalawang nilagang itlog para sayo, bunso..." natutuwang pag welcome sa akin ng panganay kong kapatid.

"Napapasyal lang po, Kuya. Na-miss ko kasi luto mo hehe."

"Ay yun naman pala! Alam mo namang 24 hours open ang lugawan para sayo, bunso!"

"Nga pala, kuya. Nanonood ka ba mga trending na balita sa internet? "Tanong ko.

"Alam mo naman ako, bunso. Wala nga akong F* account dahil busy dito sa munti kong lugawan parati," sagot ni Kuya.

Oo nga pala, wala siya gaanong interes sa paggamit ng Internet . Hanggang ngayon, de-keypad pa rin ang cellphone nya at bihira din lang nakikisilip sa android phone ng asawa nya.

Ah, okay. Mabuti naman. Dangkasi'y maliliit pa mga anak nila ni Ate Des kasi nag ipon muna sila para may maipundar na lugawan before raising kids. And they were right about it, considering the hard life lalo ngayong nagka- pandemic...

Beep. Tumunog ang cellphone ko. Senyales na may incoming message. Then I saw it. Ang sender ay si Iszak. Simple lang ang mensahe niya:

“Let’s call it quits.”

Parang gumuho ang mundo ko for the 3rd time in two days. I don’t deserve this. Pinagsakluban ako ng tadhana, and it seems, walang knight in shining armor na available at the moment.

Pero di ko naman pwedeng patigilin ang pag-inog ng mundo. At i-freeze ang oras para ma-rearrange ko ang chess pieces ng past few days sa buhay ko

Nanginginig ang buong katawan ko. I collapsed to the ground. I wished for a sinkhole to just suck me in.

I just woke up in bed, isang araw ang nakalipas and decided to stay there lying just like that for another day. Sabihin na nating Iszak gave me the idea. I badly needed a break.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status