Bigla akong napa-angat ng tingin kay Kennedy at nahuling nakatutok sa aking banda ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong binaba. Napakurap siya at tumikhim. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling hinarap ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko.
"Are you taking a picture of me?" Umangat ang kilay ko at ngumiti.
Nanlaki ang mga mata niya nang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Naging dahilan iyon ng aking marahang pagtawa.
"H-Hindi! May nag-text kasi. S-Si Erus." Halos hindi niya ako matignan at paulit-ulit na inayos ang kaniyang salamin.
Nagkibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap ang laptop. Gusto ko na itong matapos kahit halos wala pa akong nasisimulan.
Seryoso akong nagbabasa nang mapansin ko na namang nakatutok sa akin ang cellphone ni Kennedy. Hindi ko iyon pinansin at palihim na lamang na natawa. Kinukuhanan niya ba ako ng video o pictures? Masyado siyang halata, ah! Hindi ito papasa sa pagiging pribadong imbestigador kung sakali.
"Stop filming me, Kennedy. Obvious ka naman masyado," kantyaw ko sakaniya nang hindi siya nililingon.
"Ano lang... uhm, f-for documentary. Smile ka, Talianna."
Nilingon ko siya at matamis na ngumiti sakaniyang cellphone habang nakapangalumbaba.
"Kailangan bang nakangiti sa documentary picture?" I laughed.
"Pwede naman." He smiled gently.
"Weh? Pang-wallpaper mo lang iyan, 'no?"
"H-Hindi, ah! For documentary lang," mariing pagtatanggi niya at nag-iwas ng tingin.
"Okay. Baka isipin mo masyado akong feeling kahit totoong pang-wallpaper mo naman talaga. Crush mo ako, 'no? Uyy." Tumawa ako at nauwi iyon sa halakhak nang makita ko kung gaano siya nahiya at namula sa aking sinabi.
"Nag-chat si Camille. Papunta na raw sila ni Leigh," pag-iiba niya ng usapan.
"Okay. Ingat sila kamo."
Dumaan ang kalahating oras kasabay ng pagdating nina Leigh at Camille. May kanya-kanya silang dalang laptop.
"Grabe! Sobrang laki ng mansiyon. Anong pakiramdam ng palaging ganito ang nakikita mo, Talianna?" si Camille bago sumisimsim sakaniyang orange juice.
I just smiled a bit. "I don't know. Normal lang. Siguro dahil nakasanayan ko na."
"Ang sarap sigurong maging mayaman, 'no? Kailan ko kaya ito mararanasan? Iyong may katulong. Iyong may sarili kang kwarto. Iyong naka-aircon. Iyong hindi ka naglalaba at naghuhugas ng plato. Ginagawa mo ba iyon, Talianna? Mga gawaing-bahay?" Ngumuso si Camille habang nakatitig sa akin.
I awkwardly shook my head.
"I don't. But I'm trying to cook! Promise. Hindi lang ako puro hilata rito, 'no. Sinisikap kong matutong magluto kahit papaano. So far, na-perfect ko na ang pagluluto ng sunny side up egg!" Pumalakpak pa ako because I'm so proud of myself.
Kitang-kita ko naman ang pagngiti ni Kennedy at pag-iling. Si Camille naman ay kinunotan ako ng noo.
"Huh? Lahat naman yata marunong magprito ng itlog, Talianna!"
Ngumuso ako at natawa na lamang.
"Ang dali-dali lang magprito ng itlog, e! Pero ako talaga, gusto ko nang maging mayaman. Iyong hindi namro-mroblema sa mga bayarin. Iyong shopping shopping lang! Iyong bibisita ka sa iba't ibang bansa bawat linggo." Humagikgik si Camille at natulala pa na tila ba nangangarap.
"Mag-aral ka nang mabuti, Camille. Iyon lang ang solusyon para sa ating mahihirap," seryosong tono ni Kennedy.
Umangat ang kilay ni Camille at ngumiwi, halatang hindi sang-ayon kay Kennedy.
"Ano? Puro aral lang? Hindi ganoon iyon! Sa mundo, hindi mahalagang maging matalino para umangat. Kailangan mo lang diskarte. Mautak ka dapat. Tignan niyo ang mga vloggers! Vi-video-han lang nila ang mga sarili nila tapos sheblem! Sikat ka na, may pera ka pa!" Humahampas pa ang kamay ni Camille sa ere habang inilalabas ang kaniyang saloobin.
Sumimangot si Kennedy at umiling.
"Gusto mo bang umangat sa paraang ganoon? Iba pa rin iyong nagsisikap ka. Iba pa rin iyong alam mong pinaghirapan mo talaga."
"E, bakit? Hindi ba nagsisikap ang mga vloggers? Nagsisikap din naman sila, ah!" Humalakhak si Camille.
Napasulyap ako kay Leigh nang bigla siyang nagsalita.
"Mag-asawa ka ng mayaman para maging mayaman ka! Ganoon lang iyon! Tama na iyan! Tapusin na natin ito." Umirap siya bago kinagatan ang clubhouse sandwich.
Ilang minuto lang din nang dumating si Erus. Umupo siya sa tabi ko at binuksan na kaagad ang kaniyang laptop. Nagseryoso na kami sa aming ginagawa.
"Malamang na itatanong diyan ay kung anong core concepts ang nakapaloob sa presentation natin," si Kennedy.
"Kailangan nating ilagay ang lahat ng detalye, Kennedy, para kung sakali, mas maging handa tayo. Mas magandang ilagay natin ang lahat ng drawings. Pati ito! Kahit pangit, basta marami, pwede na." Kunot ang noo ni Camille habang sinusuri ang mga papel.
"I think it doesn't have to be super detailed. In fact, the simpler the better, 'di ba? Idi-display lang natin ang kaunting drawings na sumusuporta sa ating designs rather than displaying irrelevant, or worse, bad work dahil mas makakakuha lang iyon ng negative attention," tugon ko at sinubo ang pakwan.
"Tama si Talianna. Hindi na natin kailangan ang mga ganito, Leigh," tukoy ni Erus sa ibang designs.
"Tss. Ako ang leader, 'di ba? Ako ang pakinggan niyo," iritadong sambit ni Leigh at matalim akong tinignan.
I just shrugged about that and looked at the other designs.
"Leader ka pero hindi mo man lang naisip ang tungkol doon?" May panunuya sa tono ni Camille na tila mas lalong nagpasiklab sa iritasyon ni Leigh. Napakurap ako nang maramdaman ang namumuong tensiyon.
"Ano ba, Camille? Manahimik ka, ah. Kanina pa ako naiirita sa'yo."
"Ano ba kayong dalawa! Tama na iyan. Ang dami pa nating kailangang tapusin, oh!" Iritadong komento ni Erus sa dalawa.
"Ano pa ba sa tingin niyo ang mga posibleng itanong? Talianna?" Bumaling sa akin si Kennedy at nag-angat ng kilay, binabewala ang munting komosyon mula sa mga ka-grupo.
Ngumuso ako.
"Uhm, pwede rin na itanong kung paano naimpluwensyahan ang design decisions natin. Kung bakit naisipan nating i-situate yung program natin in this particular way? Kung may driving force ba behind our formal moves?" Nagkibit-balikat ako. I'm not really sure about that.
Ilang sandali siyang tulala sa akin. I tilted my head, silently asking him about that look. Napakurap siya at tumikhim.
"Tama. Hindi ko iyon naisip." He chuckled and shook his head.
Narinig ko ang halakhak ni Camille kaya napalingon ako sakaniya.
"Dapat yata ikaw na lang ang naging leader, Talianna! Mukhang marami ka pang ideya kaysa rito sa leader natin, e!"
Nanlaki ang mga mata ko at napasulyap kay Leigh na ngayo'y matalim na ang tingin sakaniyang laptop. Kitang-kita kong pikon na pikon na siya. Ayaw kong maging dahilan pa ito ng away.
"Camille, stop it. Gawin mo na ang trabaho mo. I'm sure Leigh has a lot of ideas in her mind." Sumulyap ako kay Leigh na matalim pa rin ang tingin sa akin.
I bit my lower lip. Binagsak ko na lamang ang aking tingin sa mga papel.
"Masyado ka naman kasing nagmamagaling, Talianna. Ako ang leader. Hayaan mo sana akong magdesisyon." Bakas ang talim sa tono ni Leigh.
Umawang ang labi ko at napalingon sakaniya. What did she say?
Natawa ako at hinaplos ang aking buhok. I can't believe this girl! Nasa iisang grupo lang kami pero ganito siya mag-isip! Para saan pa't member ako ng grupo niya kung hindi ako makikipag-cooperate?
"I'm just voicing out my opinion, Leigh. Hindi ako nagmamagaling. Group presentation ito after all. Bakit mo iniisip iyan?"
"Dahil talaga namang nagmamagaling ka. Porket marami kang pera, tingin mo mataas ka na? Hoy! Dayo ka lang dito, ah! Lumugar ka nga."
Napasinghap ako at halos ilubog ko ang sarili sa kinauupuan. Saan ba nanggagaling ang lahat ng sinasabi niya? Bakit parang ang laki naman yata ng galit niya sa akin?
"Leigh! Nasa bahay nila tayo. Problema mo, gaga ka?" si Camille.
"Napaka..." bulong ni Leigh at umiling.
Napanganga na lamang ako sakaniya.
"Okay! Uhm, tapos na ba kayo roon sa Graphics?" I heard Erus as if he was trying to lighten up the situation.
"Tapos na ako! Kayo ba?" Camille said with so much ebullient in her tone.
I sighed and tried to calm myself from what happened.
"Kokopyahin ko na lang iyong sheet kaysa i-draft ko pa para roon sa Plane Trigonometry." Ngumuso si Camille at tumingin sa akin.
"Hayaan mo na," bulong niya.
Wala akong intensiyon na kahit ano. Ano ba itong leader namin? Gusto niya ba huwag na lang akong tumulong? Hindi ko alam na unfavorable pala ang pagiging ultracrepidarian!
"Tapos ka na roon sa sinasabi ni Erus?"
"Yeah..."
Kahapon ko pa lang iyon tinapos. Pag-uwi ko galing sa restaurant, ginawa ko na. Nagpasundo ako kay Manong Lucio kahapon dahil hindi naman ako maihahatid ni Nabrel, siyempre abala na sa trabaho. And I don't know how to drive the goddamn Alphard. I really think I should ask my Dad to let me learn how to drive. I'm almost 18!
Nariyan naman si Nabrel upang turuan ako.
My schedule as architecture student was really hectic. Pinapaulanan kami ng mga prof ng drafting, assignment at sketching! We are expected to do our models in time and get all of them during the exam. Mabuti na lang, I'm not suck at freehand drawing.
God! First year pa lang kami nito. Paano na sa mga susunod pa naming year? Baka hindi ko na talaga tuluyang makayanan at mag-shift na lang ako bigla sa business administration.
I couldn't even remember the last time I've talked to Davien. But seeing him now in front of me...
Kauuwi ko lang galing school at siya ang bumungad sa akin sa living room. He was wearing a gray short-sleeved button down shirt and khaki shorts. He was smiling as he walked towards me and enveloped me into a tight embrace.
Hindi ako nakagalaw. Hindi ko ito inasahan. What is he doing here? Why is he here? We are done! Iyong mga binigay niya sa akin ay pinasunog ko na kina Manang!
"Babe, how are you? I miss you. Hindi mo ba ako yayakapin pabalik?" malambing niyang sinabi habang nakahawak sa aking magkabilang balikat.
I pursed my lips disapprovingly. Umiwas ako sakaniyang hawak at matalim siyang tinignan.
Nalaglag ang kaniyang panga.
"Babe-"
"What are you doing here, Davien? We broke up! Wala na tayo! Stop this! Ano bang ginagawa mo?!"
Umatras ako palayo sakaniya. Matindi ang iritasyon ko ngayon. What kind of game is he up to?
He laughed sarcastically.
"We didn't, Talianna. Tayo pa rin. I already gave you almost two months."
He sighed and closed his eyes very tightly. Nang dumilat siya ay pumungay ang kaniyang mga mata.
"Please, Talianna. I love you. Huwag naman ganito." Nanginig ang kaniyang boses.
Umiling ako. Wala na akong panahong makinig pa sakaniya. Wala na akong nararamdamang pagmamahal para sakaniya at sigurado ako roon.
"Leave, Davien. I'm tired! God! Pagod na pagod ako galing eskwelahan tapos ganito pa ang aabutan ko pag-uwi?"
I started walking away but I forcefully stopped when he aggressively grabbed my arm. Paglingon ko sakaniya ay madilim na ang kaniyang mga mata.
"Bakit? May iba ka na ba, Talianna? May iba ka na bang kinababaliwan dito sa lugar na ito? Tangina! Mayroon ba?" mahina ngunit mariin niyang sinabi.
Mas humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Napangiwi ako dahil sa matinding kirot.
"Ano ba, Davien! You're hurting me! Let me go!" Pagpupumiglas ko ngunit nanatili siyang bingi.
"Sabihin mo, Talianna. Sinong gago ang papatayin ko?" bulong niya sa nakakahindik na tono.
Natulala na lamang ako sakaniya. Kumalabog nang matindi ang puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang punung-puno ng galit at panganib.
"Don't touch me," mariin kong bulong. Halos mamanhid ang aking braso dahil sa kaniyang mahigpit na hawak.
"Mayroon ba, Talianna? Sabihin mo dahil hindi ako magdadalawang isip na burahin sa lugar na ito ang lalaking iyon."
I pushed Davien using my free hand. Hindi niya iyon inasahan kaya napabitiw siya sa akin at napaatras nang bahagya. Numipis ang mga labi niya dahil sa matinding iritasyon.Mabilis ang aking paghinga. Lumayo ako sakaniya habang ang mga mata ko'y nanatiling madilim at matalim."Fuck you!" nanginginig kong sigaw at dinuro siya. "Don't fucking threaten me like that, Davien. Wala kang pakialam kung may iba man ako. We're done. I'm fucking done with you. Huwag kang umasta na para bang ikamamatay mo kung mawala ako sa'yo dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat! Can you please leave?! Fucking leave now!"He smirked and stepped forward. Nanliit ang mga mata niya at tinagilid ang kaniyang ulo. His eyes flashed with indignance and anger. I watched as the whites in his eyes almost turned a pure black. I couldn't recognize him anymore. The boy I used to know was gone.Isang walang kwentang lalaki na
"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy.Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject."I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours
Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi.Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin."Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi."Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya.""G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako.Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binab
Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono."No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!Hindi ko alam kung makakatulo
Blair was pregnant. I don't know why but that thought occupied my mind hanggang sa matapos ang klase ko. She was pregnant and... who might be the father of her child?Nabrel...Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala kay Blair. Itanggi niya man na walang namamagitan sakanila ngunit hindi iyon ang nakikita ko sakanilang mga aksiyon. They were more than that. Sigurado ako roon.Posibleng wala silang relasyon ngunit posible rin na may nangyayari sakanila even they were not in a relationship. Ganoon naman sa panahon ngayon, hindi ba?But who am I to judge them?Could it be? Si Nabrel kaya ang ama? Anumang gawin kong pagpipilit na burahin ang iniisip, mas lalo lang ito nagmamarka sa utak ko. Do I have to ask Nabrel about this? If he's the father? Hindi yata ako patatahimikin ng iniisip ko hangga't hindi ko nalalaman ang kasagutan. They are both of legal age. Graduating na
"What?" Wala sa sarili kong tugon."Kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi ni Kaloy na hindi ka nakadalo dahil may sakit ka," dinig ko ang pag-iingat sakaniyang tono.I pursed my lips. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagagalit pa rin ako... hindi ko maintindihan ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon."N-Nagustuhan ni Linella iyong binigay mo. Gusto ka niyang makilala kaso... hindi ka naman dumalo." Humina ang boses niya sa dulo."Glad she liked it," I whispered."Nakauwi na ang lahat. Katatapos ko lang magligpit, kasama si Senyel.""How's Blair?" I said slowly."Maayos na siya. Pinauwi rin siya kanina ng doktor. Kulang sa pahinga kaya siya nawalan ng malay."I smiled a bit."The baby... how's the baby?" napapaos kong sinabi. Tumindi ang kalabog ng pus
"Kayo ba ni Nabrel, Talianna? Nakita ko kayong nag-uusap kanina. Mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan niyo, ah?"Nag-angat ako ng tingin kay Leigh. Suot niya na ang kaniyang bag at handa nang lumabas habang ako ay iniipon pa ang mga gamit. Seryoso lamang siya habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong umayos ng tayo."No," tanging sagot ko."Weh? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka ?" malamig niyang sinabi at humalukipkip.Sandali nga. Akala ko ba maayos na siya sa akin? Bakit ganito na naman siya ulit? Si Nabrel na naman ang problema niya!"Bakit naman ako magsisinungaling? Driver ko lang si Nabrel. Huwag kang praning, Leigh." I chuckled.Nagtagal ang titig niya sa akin bago unti-unting tumango."Buti naman kung ganoon. Magkakasundo tayo." She smiled widely.Tanging pagkunot lamang ng noo ang
I cried myself to sleep that night. Walang mapaglagyan ang pagkadismayang nararamdaman ko para sa sarili. Gusto kong kalimutan na lang ang nangyari at magsimula ulit dahil pakiramdam ko, nawalan ako ng gana sa lahat. Hiyang-hiya ako... at durog na durog.Ang tanga ko para maisipan ang umamin sakaniya. At anong nangyari? Ganito ang kinahantungan ng bwisit na pag-amin na iyon.Nang hinatid niya ako pauwi kahapon, walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko magawang magpanggap na maayos lang ang lahat. Para akong lutang hanggang sa makauwi. I didn't even look at him nang magpaalam upang pumasok na sa mansiyon.Nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakanakakapangliit na bagay na ginawa ko. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon. Kung sana ay napigilan ko ang sarili ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa sitwasyon. Nasabi ko naman na gusto ko siya bilang isang tao, hindi ba? Hindi bilang isang
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong