I pushed Davien using my free hand. Hindi niya iyon inasahan kaya napabitiw siya sa akin at napaatras nang bahagya. Numipis ang mga labi niya dahil sa matinding iritasyon.
Mabilis ang aking paghinga. Lumayo ako sakaniya habang ang mga mata ko'y nanatiling madilim at matalim.
"Fuck you!" nanginginig kong sigaw at dinuro siya. "Don't fucking threaten me like that, Davien. Wala kang pakialam kung may iba man ako. We're done. I'm fucking done with you. Huwag kang umasta na para bang ikamamatay mo kung mawala ako sa'yo dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat! Can you please leave?! Fucking leave now!"
He smirked and stepped forward. Nanliit ang mga mata niya at tinagilid ang kaniyang ulo. His eyes flashed with indignance and anger. I watched as the whites in his eyes almost turned a pure black. I couldn't recognize him anymore. The boy I used to know was gone.
Isang walang kwentang lalaki na lang ang nasa harapan ko ngayon.
"I'm not threatening you, Talianna. I'm just being completely honest. Itago mo ang lalaki mo. Siguraduhin mong hindi ko malalaman kung sino siya. Remember..." He slowly took few steps towards me. Hindi ako nakagalaw.
Umangat ang kaniyang kamay at marahang hinaplos sa aking pisngi. Diretso niyang tinitigan ang mga mata ko. Kitang-kita ko mula sakaniya ang walang kapantay na galit.
Marahas akong bumaling sa kabilang direksiyon bilang pag-iwas sakaniyang haplos. Nagngingitngit ang kaloob-looban ko. A burning animosity was developing in my chest.
"Kaya kong pumatay nang hindi ginagamit ang sariling mga kamay ko. Kaya magtago kayo nang mabuti. Ayusin niyo, Talianna. Let's play this game. Tiyak na masaya 'to. Lalo pa't ako ang taya," bulong niya sa matalim na tinig. Tinapik niya ang aking pisngi bago ako tinalikuran.
I just stood there silently when he walked away. Tulala lamang ako hanggang sa makarinig ng isang malakas na tunog.
It was a chopper. I'm sure it was Davien's. Nanggagaling iyon sa helipad ng mansiyon.
I drew in a deep breath. Hinaplos ko ang aking buhok. Hindi ko alam kung anong maaaring tumatakbo sa isip ni Davien. Ngunit nang banggitin niya ang mga salitang iyon, may kung anong bumulong sa akin.
Fear curled up inside me and clung to my ribs, settling uncomfortably in my chest. Ayaw kong magpadala sa takot na nararamdaman. I know he's not capable of doing that.
But... is he really not?
Sinubukan kong kalimutan ang paghaharap namin ni Davien nang mga sumunod na araw. Hindi ko na binanggit pa sa ama ko ang pagpunta ng lalaking iyon sa mansiyon. Hindi ko kailanman nabanggit kay Dad ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Davien.
I just simply don't want to talk about it. Hindi rin naman siya nagtatanong kung ano nang nangyayari sa aming dalawa ni Davien at mabuti na rin siguro iyon. Kung magtanong man siya, I'll tell him the truth that we already broke up. Ayaw ko lang na ako mismo ang magbukas ng usapin tungkol doon.
Lumipas ang ilang linggo, I focused on my drafting and assignments. Sa sobrang abala ko sa pag-aaral ay halos wala na akong panahon pa upang isipin ang ibang bagay.
Naibaba ko ang iniinom na tsaa nang makita ang dalawang taong magkasunod na pumasok sa dining area kinaumagahan.
Hindi naman ako magtataka kung si Nabrel lang ang narito dahil natural lamang na magpunta siya rito tuwing umaga dahil siya ang driver ko! Pero ang makitang pati si Blair ay narito rin, lagpas na iyon sa pang-unawa ko. She was wearing her usual civil engineering uniform.
Nagmumukha silang couple sa pareho nilang suot kahit na uniporme naman talaga nila iyon. I hate it. Dapat ba ay nag-civil engineering na lang din ako para ganoon din ang suot kong uniform tulad ng kay Nabrel.
Hindi mapigilan ng kilay ko ang pag-angat nito.
Nabrel greeted my Dad at sina Manang bago siya sumulyap sa akin. Ngumuso siya nang sinipat ang bowl kong may lamang yogurt oatmeal.
"Good morning, Talianna." Ngumiti sa akin si Blair
I smiled a bit. "Morning," tugon ko at inabala na lamang ang sarili sa aking yogurt.
Ano bang ginagawa nito rito? Huwag mong sabihing isasabay namin siya sa pagpasok?!
"Hija, since iisa lang din naman ang eskwelahang pinapasukan niyo, naisipan kong isabay niyo na lang ang anak ni Manang Josefa na si Blair. Para naman kahit papaano ay makatipid ang anak niya. Masyadong malaki para sa'yo ang Alphard, Talianna, kaya mabuti na rin sigurong may iba pang isasakay doon maliban sa'yo," my Dad announced.
I just looked at him blankly.
Ganito ba talaga ka-thoughtful ang ama ko? And then what? Araw-araw nang sasabay si Blair?
Kailan naisipan ni Dad ang bagay na iyon? Hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba sa aking may kahati!
Sa sasakyan!
Ayaw kong maging bastos ngunit ang isiping magiging ganoon nga, parang mas gugustuhin ko na lang pumasok mag-isa! Ako na lang ang magco-commute!
Ngunit dahil ayaw ko nang ilathala pa ang negatibo kong saloobin tungkol sa desisyon ng ama ko, malapad akong ngumiti at tumango.
"Sure! Why not? Peanut coconut?" I said cheerfully. Hinablot ko ang aking bag sa tabing upuan at tumayo na.
"Tara na? Nakaka-excite naman ito," ngiti ko sa dalawang inhinhero at lumapit sa aking ama. I kissed his cheek bago nagmartsa palabas. Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawa sa aking likuran.
I rolled my eyes.
Nang nasa harapan na kami ng Alphard, huminto ako at humalukipkip.
"Sa likod ka, 'di ba, Talianna?" inosenteng tanong ni Blair at binuksan ang front seat, handang-handa nang sumakay doon.
Binaklas ko ang aking pagkakahalukipkip. Medyo tinaliman ko ang mga mata ko sakaniya.
"No. Ako ang uupo sa harapan. Ikaw sa backseat, Blair," malamig kong sinabi at tinuro ang likuran.
Umawang ang mga labi niya at napakurap pa. Binitawan niya ang handle at tumikhim, mukhang nahiya bigla.
I looked at Nabrel and saw that he was ready to open the door of the backseat. Ngumuso siya habang mariing nakatitig sa akin. Binitawan niya iyon.
"Akala ko ba ayaw mo sa harapan?" He tilted his head. Ang berdeng mga mata niya ay nagkikislapan ngayon sa hindi ko malamang dahilan. He bit his lower lip, noticeably suppressing his smirk.
Uminit ang pisngi ko. I pursed my lips.
"Pakialam mo? Sasakyan ko ito, Nabrel. Kahit saan man ako sumakay, wala kang pakialam. Kahit sumakay man ako sa bubong niyan."
Pairap akong nag-iwas ng tingin.
"Sakay ka nga sa bubong," dinig ko pang sinabi niya na halatang nang-iinis.
I glared at him but he just chuckled. Pumikit siya at umiling bago tumalikod upang umikot patungo sa driver's seat.
"S-Sige. Walang problema." Blair smiled awkwardly bago tinungo ang likuran.
Hindi ko siya pinansin at naglakad na palapit sa front seat. Inirapan ko si Nabrel na nakatitig sa akin bago ilagay ang aking seat belt.
We were just silent the whole trip. Si Blair na nasa likuran ay tahimik lang na nakatulala sa bintana. I could see her from here. Mukha siyang tanga roon.
Pagdating sa eskwelahan ay hinintay kong pagbuksan ako ni Nabrel dahil bakit hindi? Driver ko siya at gustung-gusto ko kapag ginagawa niya iyon. This is so weird! Am I crushing on him? I do stupid things just to get his attention!
Ano ba, Talianna? May crush ka sa driver mo? Isa kang malaking 'what the hell!'
Pero wala namang masama, 'di ba? Crush lang naman iyon! Lahat naman nagkaka-crush! Bakit ko ba ito bini-big-deal? And Nabrel should be grateful and happy dahil may crush ako sakaniya!
Isang Taliyah Lavianna Monselorette ang humahanga sa isang mangingisda ng Belleza Eterna na si Nabrel Trenuver!
I smiled at him before taking his hand at bumaba na ng sasakyan. Si Blair ay nasa labas na at naghihintay. She was looking at me. I raised an eyebrow and she suddenly looked away. She pretended to be busy with her phone.
Muntik na akong mapa-irap buti na lang nakita ko ang mukha ni Nabrel kaya napangiti ulit ako.
I bit my lower lip, stopping myself from smiling like a nincompoop.
God! I really have a crush on him!
I like him! What should I do now? Do I need him to like me back? Of course not! It's not like na big deal ito! Crush lang naman. Marami kaya akong naging crush sa Manila.
Kumunot ang noo niya nang bumaba ang kaniyang tingin sa palda ko.
"Ayusin mo ang palda mo, Talianna," malamig niyang sinabi at nag-iwas ng tingin.
"Oops." I smiled and immediately fixed my skirt.
"P-Pwede ba kitang makausap sandali rito, Nabrel?"
Mabilis akong napalingon kay Blair. Seryoso ang kaniyang mukha ngunit kitang-kita ko ang kaba roon. Sandali siyang sumulyap sa akin at muling binalik ang tingin kay Nabrel.
Kumunot ang noo ko at hindi maiwasang makaramdam ng pagdududa. I crossed my arms and stayed there, walang planong iwan ang dalawa.
"Tungkol saan, Blair? Hindi ba iyan makakapaghintay? Kailangan na nating pumasok," kalmadong sinabi ni Nabrel.
Blair bit her lip. Hindi mapakali ang kaniyang mga mata. I don't know what's going on but I have a feeling that there's something I should know. Kaya mananatili ako rito. Sa gusto ko at dapat ay gustuhin din nila.
"S-Sandali lang naman. Importante ito, Nabrel. I-Ikaw lang ang mapagsasabihan ko nito. Please..." her voice quavered.
Kumalabog ang puso ko. Mas lalong nanaig sa akin ang kagustuhang manatili. Tinitigan ko si Nabrel. Seryoso lamang siya habang nakatikom ang bibig at madilim ang tingin kay Blair. Bigla siyang lumingon sa akin. Humugot siya ng malalim na hininga at hinaplos ang kaniyang buhok.
"Talianna, mauna ka na muna. May pag-uusapan lang kami."
Mabilis akong umiling at nagmatigas. Matalim kong tinignan si Blair. Anong dinadrama nito?
"No. I'll stay here. Kung mag-uusap kayo, then go. Dito lang ako. Lumayo kayo sa akin nang hindi ko marinig," I said stubbornly while crossing my arms.
Pumikit siya nang mariin at nagpamaywang. Nilingon niya si Blair. Nasindak ako sa nakitang luhang pumatak mula sakaniya. She immediately wiped her tears and dropped her gaze.
"Blair, makakapaghintay ka ba? Babalik ako. Ihahatid ko lang si Talianna sa room niya. Hintayin mo ako rito," aniya at muli akong nilingon.
"O-Oo. Ayos lang, Nabrel. Bilisan mo, ah?" She tried to smile.
Tumango lamang si Nabrel at nilingon ako.
"Talianna, halika na. Baka mahuli ka sa klase mo." Marahang hinila ni Nabrel ang aking kamay at wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Ngumuso ako habang tinatanaw ang kamay niyang nakahawak sa akin. Kinagat ko ang aking labi at pinagsiklop iyon. I looked at my surroundings, trying to look oblivious about what I did.
I felt how big his hand was... and how strong it was. It was also roughly calloused probably because of his work. My hand looked so small with his.
Uminit ang pisngi ko.
Hindi ko alam kung bakit ang rahas ng pagtibok ng puso ko... at tila nalulunod ito sa halu-halong emosyon. Hindi ko maintindihan...
Pasimple ko siyang nilingon. Nakatingin lamang siya sa aming dinadaanan. I smiled at myself. Ganito pala ang pakiramdam ng hindi ka gusto ng crush mo? When I was in Manila, iyong mga naging crush ko, bigla ko na lang nalalaman na may gusto rin sila sa akin. Nakakawalan ng gana! Maybe it's the challenge? Siguro ay para sa akin, walang dating kung may gusto rin sayo ang crush mo. Walang thrill. Boring.
Kaya siguro ganito ang nararamdaman ko kay Nabrel. Because I'm aware that he doesn't like me. That's fine with me though. I don't need him to like me back. Baka pa kapag nalaman kong may gusto siya sa akin ay bigla akong mawalan ng gana.
Bigla siyang lumingon sa akin sa gitna ng aming paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko. Uminit ang pisngi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Para akong biglang nagising mula sa isang malalim na tulog!
Sinubukan kong bawiin ang aking kamay nang hindi siya tinitignan dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman. But he didn't let me. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang kaniyang kapit.
Gulantang akong napabaling muli sakaniya. Diretso lang ang kaniyang tingin. Binati siya ng dalawang kalalakihang nakasalubong namin at tinanguan niya pa ang mga iyon.
Bumuka ang aking bibig ngunit mabilis ko rin itong tinikom nang walang makapang salita. Nanatili lamang din siyang walang imik sa gitna ng aming paglalakad.
"Enjoy na enjoy ka naman sa paghawak sa kamay ko, Nabrel, huh?" wika ko upang maisip niyang hindi ko ito ine-enjoy.
Tinaasan niya ako ng kilay nang sulyapan ako.
"Ako ba talaga, Talianna? Baka naman ikaw. Hinigpitan mo pa. Hindi ka man lang nahiya."
"Hah! Excuse me!" Dahil doon ay marahas kong binawi ang aking kamay mula sakaniya. Ramdam ko ang matinding pag-iinit ng pisngi ko!
Ngumisi lamang siya at nagkibit-balikat.
"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy.Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject."I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours
Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi.Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin."Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi."Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya.""G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako.Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binab
Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono."No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!Hindi ko alam kung makakatulo
Blair was pregnant. I don't know why but that thought occupied my mind hanggang sa matapos ang klase ko. She was pregnant and... who might be the father of her child?Nabrel...Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala kay Blair. Itanggi niya man na walang namamagitan sakanila ngunit hindi iyon ang nakikita ko sakanilang mga aksiyon. They were more than that. Sigurado ako roon.Posibleng wala silang relasyon ngunit posible rin na may nangyayari sakanila even they were not in a relationship. Ganoon naman sa panahon ngayon, hindi ba?But who am I to judge them?Could it be? Si Nabrel kaya ang ama? Anumang gawin kong pagpipilit na burahin ang iniisip, mas lalo lang ito nagmamarka sa utak ko. Do I have to ask Nabrel about this? If he's the father? Hindi yata ako patatahimikin ng iniisip ko hangga't hindi ko nalalaman ang kasagutan. They are both of legal age. Graduating na
"What?" Wala sa sarili kong tugon."Kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi ni Kaloy na hindi ka nakadalo dahil may sakit ka," dinig ko ang pag-iingat sakaniyang tono.I pursed my lips. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagagalit pa rin ako... hindi ko maintindihan ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon."N-Nagustuhan ni Linella iyong binigay mo. Gusto ka niyang makilala kaso... hindi ka naman dumalo." Humina ang boses niya sa dulo."Glad she liked it," I whispered."Nakauwi na ang lahat. Katatapos ko lang magligpit, kasama si Senyel.""How's Blair?" I said slowly."Maayos na siya. Pinauwi rin siya kanina ng doktor. Kulang sa pahinga kaya siya nawalan ng malay."I smiled a bit."The baby... how's the baby?" napapaos kong sinabi. Tumindi ang kalabog ng pus
"Kayo ba ni Nabrel, Talianna? Nakita ko kayong nag-uusap kanina. Mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan niyo, ah?"Nag-angat ako ng tingin kay Leigh. Suot niya na ang kaniyang bag at handa nang lumabas habang ako ay iniipon pa ang mga gamit. Seryoso lamang siya habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong umayos ng tayo."No," tanging sagot ko."Weh? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka ?" malamig niyang sinabi at humalukipkip.Sandali nga. Akala ko ba maayos na siya sa akin? Bakit ganito na naman siya ulit? Si Nabrel na naman ang problema niya!"Bakit naman ako magsisinungaling? Driver ko lang si Nabrel. Huwag kang praning, Leigh." I chuckled.Nagtagal ang titig niya sa akin bago unti-unting tumango."Buti naman kung ganoon. Magkakasundo tayo." She smiled widely.Tanging pagkunot lamang ng noo ang
I cried myself to sleep that night. Walang mapaglagyan ang pagkadismayang nararamdaman ko para sa sarili. Gusto kong kalimutan na lang ang nangyari at magsimula ulit dahil pakiramdam ko, nawalan ako ng gana sa lahat. Hiyang-hiya ako... at durog na durog.Ang tanga ko para maisipan ang umamin sakaniya. At anong nangyari? Ganito ang kinahantungan ng bwisit na pag-amin na iyon.Nang hinatid niya ako pauwi kahapon, walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko magawang magpanggap na maayos lang ang lahat. Para akong lutang hanggang sa makauwi. I didn't even look at him nang magpaalam upang pumasok na sa mansiyon.Nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakanakakapangliit na bagay na ginawa ko. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon. Kung sana ay napigilan ko ang sarili ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa sitwasyon. Nasabi ko naman na gusto ko siya bilang isang tao, hindi ba? Hindi bilang isang
"Talianna! Huwag ka nang tumanggi. Oh. Umiinom ka naman, 'di ba?" Leigh offered me a bottle of beer.Tinapon ko sa loob ng aking bag ang phone ko. Sandali kong tinitigan ang inaalok niyang alak bago iyon hablutin. This will be the first time na makakatikim ako ng ganitong alak. Madalas ay puro red wine lamang ang iniinom ko. I've never tried hard liquors.Wala naman sigurong masama kung tikman ko ito ngayon, hindi ba? I also think that this would help me a lot para kahit papaano ay makalimutan ko ang bwisit na atraksiyon na ito para kay Nabrel na alam kong kahit kailan ay hindi masusuklian.Ngunit nang akmang ihahatid ko na sa aking bibig ang bote nang may biglang marahas na humablot nito mula sa akin. Napasinghap ako at laglag ang pangang nilingon ang walang hiyang may gawa niyon ngunit natigilan na lamang nang makita kung sino.Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Nabrel. Umigting ang k
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong