Share

Chapter 25

Author: reyvonn
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Ano ba naman iyan, Talianna?! Iyon na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa nagawa? Kung sa inyo prinsesa ka, pwes dito pantay-pantay tayong lahat! Ano nang gagawin natin niyan? Kung gusto mong bumagsak, huwag mo na sana kaming idamay pa! Palibhasa wala kang pakialam!"

Pumikit ako at hinaplos ang aking buhok. I don't know what to do now. Galit na galit sa akin si Leigh dahil hindi ko nagawa ang parte ko para sa isang presentation ngayon. Pagdating ko sa room ay sinalubong niya ako upang itanong ang tungkol doon ngunit ngayon ay binubugahan niya na ako ng apoy. 

Noong Miyerkules pa iyon binigay at Biyernes na ngayon. Iba pa iyong presentation na ginawa namin noong nakaraan. Sobrang tanga ko para makalimutan ang tungkol doon!

Puro drafting kasi ang nasa utak ko at nag-review ako kagabi para sa long quiz namin ngayon sa isang major subject.

"I'm sorry, Leigh. I-I'll try to finish it. May two hours pa naman bago ang presentation, hindi ba? Mags-skip na lang muna ako ng ibang mga klase natin para matapos ko." Kinagat ko ang aking labi. Iyon lang naman ang nakikita kong paraan upang masolusyunan ito. Hindi pwedeng wala kaming ma-i-present ngayon. Lagot kami kay Sir Deterio.

"Tss. Siguraduhin mo lang. Hindi na namin kasalanan kung may biglaan tayong quiz ngayon at wala ka. Tatamad-tamad ka kasi! Lumayas ka na sa harapan ko at gawin mo na! Nanggigigil ako sa'yo!" Inirapan niya ako bago tumalikod at bumalik sakaniyang upuan.

"Bakit naman kasi nakalimutan mo, Talianna?" Marahang wika ni Camille sa aking tabi.

I sighed. "I'll try my best to finish it before Sir Deterio's subject. Please. s

Sabihin niyo na lang kay Sir na nasa infirmary ako. Dysmenorrhea." Mabilis kong kinuha ang aking bag, determinado nang lumabas at magpunta sa library. Doon ko na lang gagawin.

"Sigurado ka? Baka may biglaang quiz. Mawalan ka ng points! Huwag na. Subukan niyo na lang makiusap kay Sir Deterio. Baka mapakiusapan naman." Ngumiwi siya. Napahugot muli ako ng malalim na hininga dahil iisa lang ang iniisip namin ngayon ni Camille. Hindi nagbibigay ng konsiderasyon ang prof naming iyon. Kahit mamatay ka pa sa harapan niya, hindi ka niya pagbibigyan.

"Uhm, pwede kitang tulungan, Talianna." Biglang sumingit si Kennedy. He smiled at me. Umiling lamang ako at ngumiti rin sakaniya kahit na nanlulumo na ako.

"Ayos lang, Kennedy. Hindi na kailangan. Tsaka sa library ko tatapusin."

"Edi samahan kita roon. Tutulungan kita. Ayos lang sa akin na mag-skip ng klase. Minsan lang naman." He chuckled. 

"No. It's fine. Kaya ko naman tapusin nang mag-isa iyon. Uhm, I need to go now. Nauubos ang oras." Ngumiti ako bago sila tinalikuran. 

Mabagal ang bawat hakbang ko patungo sa library. Hindi ko maiwasang isipin na baka magkaroon nga kami ng biglaang quiz. Pero mas malaking epekto naman kung hindi kami makapag-present ngayon.

Pumikit ako nang mariin at frustrated na hinaplos ang aking buhok. It's entirely my fault! Nakakainis! Kailangan ko nang tapusin ito at nang makahinga na ako nang maluwag. Wala nang oras para sisihin pa ang sarili ko.

Nagbuga ako ng hangin habang nilalapag ang aking laptop sa mesa. Pinili ko ang pinakadulong bahagi ng library dahil mas kumportable roon at hindi ko makikita ang bawat taong pumapasok. Kailangan ko ng katahimikan para makapag-concentrate at nang matapos ko kaagad. 

Mahigit isa't kalahating oras na ang ginugol ko sa loob ng library. Patapos na rin ang mga draftings na ginawa ko. Tinabi ko ang mga iyon bago nagtipa sa aking laptop. 

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa nang may isang babaeng naka-civil engineering uniform ang lumapit sa pwesto ko. She was wearing a big eyeglasses and her hair was short and kinda messy. Hindi ko alam kung style niya lang ba iyon o kung hindi lang talaga siya nakapagsuklay. 

"Uhm, pwedeng ipatong ko sandali riyan itong pineapple juice ko? May hahanapin lang akong book dito," she said nicely. I nodded and smiled a bit. Hinayaan ko siyang ilagay doon ang kaniyang inumin at muli siyang nagpasalamat. 

Ilang sandali lang nang bumalik siya bitbit ang dalawang libro. Ngumiti lamang ako at binalik ulit ang atensiyon sa aking tinitipa. Ngunit biglang narinig ko ang kaniyang pagsinghap. Napabaling ako sakaniya ngunit mabilis na bumagsak ang tingin ko sakaniyang inumin na natumba!

Nalaglag ang panga ko at natulala na lamang nang makita ang dahan-dahang pagkalat ng juice sa mga designs ko! Nanuot sa mga maninipis na papel ang juice!

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Natulala na lamang ako, hindi malaman ang gagawin.

Fuck... just fuck.

"S-Sorry, Miss! Hindi ko sinasadya! I'm sorry! Sorry talaga! Naku! Paano ba ito?" Nataranta na siya ngunit ako ay nanatili lamang tulala sa mga papel.

Lumunok ako at huminga nang malalim. Pakiramdam ko matutumba ako rito anumang oras. Hindi ko matanggap! Halos patapos na ako sa ginagawa ko! Uulitin ko na naman? Wala na akong oras para magsimula ulit! 

"M-Miss, sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry! Anong pwede kong gawin? Pasensiya na talaga! Sorry!"

Ni hindi ko halos matignan ang babaeng humihingi ng tawad sa aking gilid. I just feel very disspointed and weak right now. Alam kong hindi dapat ako magalit dahil walang may gusto ng nangyari ngunit hindi ko mapigilang makaramdam niyon!

Kinalma ko ang aking sarili at umiling. I need to focus. Walang magagawa kung sisinghalan ko ang babaeng alam kong hindi sinasadya ang nangyari.

"It's fine. I can handle this," bulong ko at minasahe ang aking noo.

Really, Talianna? You can handle this? No! You can't!

"You can go now. Ako nang bahala rito. Ayos lang. Uhm, hindi naman iyan importante." I faked a smile. Shit! Hindi importante?! God! Hindi ako makapaniwalang kaya kong manatiling kalmado sa mga oras na ito!

"S-Sigurado ka? K-Kasi kailangan ko na ring umalis."

"Yup! Ayos lang talaga. I told you, hindi naman iyan importante. Wala akong paggagamitan sa mga iyan. It's just my hobby. Sige na. Baka kailangan mo nang umalis. You don't have to worry about it."

She bit her lip and gave me an apologetic smile. "Sorry, ah. Uhm, I-I need to go now. May quiz pa kami for next subject. Pero huwag kang mag-alala. Babawi ako sa'yo."

I just nodded and watched her disappear. Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ako tuluyang nanlumo. Ano nang gagawin ko? Gusto kong umiyak pero anong magagawa ng pag-iyak ko?

Ngunit iyon lamang ang nagawa ko habang nakaupo rito. Hindi ko na napigilan pang bumuhos ang mga luha ko. Lalo lang akong naiyak nang makitang thirty minutes na lang at kay Sir Deterio na kami!

Dahan-dahan kong inangat ang mga papel na basang-basa. Pumikit ako at tahimik na lamang na naiyak dito sa sulok ng library.

Natigilan lamang ako nang makita si Nabrel na pumasok sa bandang ito. Kitang-kita ko rin ang sindak sakaniyang mukha na napalitan din ng pagtataka. Mabilis siyang naglakad palapit. Umupo siya sa aking tabi habang nakatitig sa mukha ko, salubong ang kaniyang kilay.

"Anong nangyari?" Malamig niyang sinabi at bumaba ang tingin sa hawak ko. Numipis ang kaniyang mga labi at muli akong tinignan.

I bit my lower lip. Napayuko ako at umiling. "Wala na! Bagsak na kami, Nabrel. Hindi ko na alam." Nanginig ang boses ko habang patuloy lamang sa pagbuhos ang luha ko.

"Para saan ba iyan? At anong oras mo kailangan?" He said and look at his wristwatch. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Ngayon na iyan. Kaya nga wala na akong magagawa! We're gonna fail, Nabrel. Hindi lang ako pero pati ang mga ka-grupo ko! Magagalit sila sa akin! They will hate me!"

Ilang sandali siyang tumitig sa akin, bahagyang nakaawang ang mga labi. Nagbuga siya ng hangin bago may hinugot mula sakaniyang bulsa. Umangat ang kaniyang kamay upang punasan ang aking pisngi gamit ang panyo niyang kulay abo. He wasn't looking at me while doing that. Nakatingin lamang siya sa kaniyang kamay, suplado ang mukha.

He clicked his tongue. "Tahan na... ako nang bahala," bulong niya at binaba ang kaniyang kamay. Pumungay ang kaniyang mga mata nang titigan ako. 

"What will you do? Gagawin mo? Come on, Nabrel! May klase ka pa. Hindi mo kailangang gawin iyon." I looked away. Bigo ko na lang tinignan ang limang pirasong bond papers.

"Sinong may sabing may klase pa ako? Tapos na ang klase ko ngayong araw. Kaya nga ako narito dahil wala na kaming prof. Manghihiram lang sana ako ng libro," kalmado niyang sinabi.

"Really?" marahan kong sinabi.

He bit his lip and nodded. Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Pero kahit na matapos mo iyan, siguradong matatagalan at hindi na tatanggapin ni Sir Deterio."

"Sir Deterio? Denise Deterio ba?" He tilted his head.

Tipid lamang akong tumango. Nawalan na talaga ako ng gana. Ayaw ko nang bumalik sa room nang walang bitbit na natapos na trabaho.

"Pwede ko siyang pakiusapan. Siguradong hindi iyon makakatanggi sa akin, Talianna. Maniwala ka. Ako nang bahala rito. Hihingi ako ng dagdag na panahon," seryoso niyang sinabi na ikinagulat ko.

"W-What? Are you serious, Nabrel? Baka kung anong isipin ni Sir! No! Ayaw ko," mariin akong umiling. Hindi talaga ako sang-ayon sa desisyon niya. Kilala ko si Sir Deterio! Baka ipahiya pa niya ako sa harapan ng mga kaklase ko. Hindi ko iyon kakayanin!

"Basta. Huwag ka nang magreklamo, Talianna. Ano bang gusto mo? Makiusap ako pero siguradong may tsansang payagan ka o ang huwag na lang at hayaang bumagsak kayo ng mga kagrupo mo?" Panghahamon niya sa akin. 

Bumagsak muli ang tingin niya sa kaniyang relo. Kumunot ang noo niya at umiling.

"Tangina, bahala na," dinig kong bulong niya bago nag-angat ng tingin sa akin. 

"Pupuntahan ko si Sir Deterio. Babalik ako kaagad, Talianna. Huwag kang aalis dito," aniya bago mabilis na tumayo at patakbong umalis. 

Related chapters

  • Plenitude of the Soul   Chapter 27

    Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi.Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin."Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi."Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya.""G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako.Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binab

  • Plenitude of the Soul   Chapter 28

    Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono."No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!Hindi ko alam kung makakatulo

  • Plenitude of the Soul   Chapter 29

    Blair was pregnant. I don't know why but that thought occupied my mind hanggang sa matapos ang klase ko. She was pregnant and... who might be the father of her child?Nabrel...Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala kay Blair. Itanggi niya man na walang namamagitan sakanila ngunit hindi iyon ang nakikita ko sakanilang mga aksiyon. They were more than that. Sigurado ako roon.Posibleng wala silang relasyon ngunit posible rin na may nangyayari sakanila even they were not in a relationship. Ganoon naman sa panahon ngayon, hindi ba?But who am I to judge them?Could it be? Si Nabrel kaya ang ama? Anumang gawin kong pagpipilit na burahin ang iniisip, mas lalo lang ito nagmamarka sa utak ko. Do I have to ask Nabrel about this? If he's the father? Hindi yata ako patatahimikin ng iniisip ko hangga't hindi ko nalalaman ang kasagutan. They are both of legal age. Graduating na

  • Plenitude of the Soul   Chapter 30

    "What?" Wala sa sarili kong tugon."Kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi ni Kaloy na hindi ka nakadalo dahil may sakit ka," dinig ko ang pag-iingat sakaniyang tono.I pursed my lips. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagagalit pa rin ako... hindi ko maintindihan ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon."N-Nagustuhan ni Linella iyong binigay mo. Gusto ka niyang makilala kaso... hindi ka naman dumalo." Humina ang boses niya sa dulo."Glad she liked it," I whispered."Nakauwi na ang lahat. Katatapos ko lang magligpit, kasama si Senyel.""How's Blair?" I said slowly."Maayos na siya. Pinauwi rin siya kanina ng doktor. Kulang sa pahinga kaya siya nawalan ng malay."I smiled a bit."The baby... how's the baby?" napapaos kong sinabi. Tumindi ang kalabog ng pus

  • Plenitude of the Soul   Chapter 31

    "Kayo ba ni Nabrel, Talianna? Nakita ko kayong nag-uusap kanina. Mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan niyo, ah?"Nag-angat ako ng tingin kay Leigh. Suot niya na ang kaniyang bag at handa nang lumabas habang ako ay iniipon pa ang mga gamit. Seryoso lamang siya habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong umayos ng tayo."No," tanging sagot ko."Weh? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka ?" malamig niyang sinabi at humalukipkip.Sandali nga. Akala ko ba maayos na siya sa akin? Bakit ganito na naman siya ulit? Si Nabrel na naman ang problema niya!"Bakit naman ako magsisinungaling? Driver ko lang si Nabrel. Huwag kang praning, Leigh." I chuckled.Nagtagal ang titig niya sa akin bago unti-unting tumango."Buti naman kung ganoon. Magkakasundo tayo." She smiled widely.Tanging pagkunot lamang ng noo ang

  • Plenitude of the Soul   Chapter 32

    I cried myself to sleep that night. Walang mapaglagyan ang pagkadismayang nararamdaman ko para sa sarili. Gusto kong kalimutan na lang ang nangyari at magsimula ulit dahil pakiramdam ko, nawalan ako ng gana sa lahat. Hiyang-hiya ako... at durog na durog.Ang tanga ko para maisipan ang umamin sakaniya. At anong nangyari? Ganito ang kinahantungan ng bwisit na pag-amin na iyon.Nang hinatid niya ako pauwi kahapon, walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko magawang magpanggap na maayos lang ang lahat. Para akong lutang hanggang sa makauwi. I didn't even look at him nang magpaalam upang pumasok na sa mansiyon.Nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakanakakapangliit na bagay na ginawa ko. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon. Kung sana ay napigilan ko ang sarili ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa sitwasyon. Nasabi ko naman na gusto ko siya bilang isang tao, hindi ba? Hindi bilang isang

  • Plenitude of the Soul   Chapter 33

    "Talianna! Huwag ka nang tumanggi. Oh. Umiinom ka naman, 'di ba?" Leigh offered me a bottle of beer.Tinapon ko sa loob ng aking bag ang phone ko. Sandali kong tinitigan ang inaalok niyang alak bago iyon hablutin. This will be the first time na makakatikim ako ng ganitong alak. Madalas ay puro red wine lamang ang iniinom ko. I've never tried hard liquors.Wala naman sigurong masama kung tikman ko ito ngayon, hindi ba? I also think that this would help me a lot para kahit papaano ay makalimutan ko ang bwisit na atraksiyon na ito para kay Nabrel na alam kong kahit kailan ay hindi masusuklian.Ngunit nang akmang ihahatid ko na sa aking bibig ang bote nang may biglang marahas na humablot nito mula sa akin. Napasinghap ako at laglag ang pangang nilingon ang walang hiyang may gawa niyon ngunit natigilan na lamang nang makita kung sino.Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Nabrel. Umigting ang k

  • Plenitude of the Soul   Chapter 34

    I don't know what the hell has gotten into me but I just found myself holding a bottle of hard liquor that I got from Dad's collection. It says Captain Morgan. Pinuslit ko lamang ito at siniguradong walang nakakita dahil tiyak na hindi magugustuhan ni Dad sa oras na malaman niyang umiinom ako.Hindi niya naman siguro mapapansin na kumuha ako ng isang bote? Napakarami niyang koleksiyon and I doubt if he remembers each bottle that he has.It was already 9 pm and I'm wide awake while thinking if I should open this bottle and surrender myself to the world.Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at mabilis nang binuksan ang bote. I'm just gonna taste it. Hindi ko hahayaang malasing ako. Patay ako kay Dad kung sakali. Sa kwarto ako uminom at kinandado ang pintuan. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Unang pagdaloy ng alak sa lalamunan ko.Pikit-mata kong dinala sa aking bibig ang shot glass. 

Latest chapter

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 4

    Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 3

    May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 2

    Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong

DMCA.com Protection Status