Nanatili lamang ako sa library. Hindi ko maiwasang kabahan kahit na mukhang sigurado naman si Nabrel na papayag nga si Sir Deterio. Hindi ako mapakali sa bawat segundong lumilipas.
Ilang sandali lang din nang bumalik si Nabrel. Tumitig lamang ako sakaniya hanggang sa makaupo siya sa aking tabi.
Kinagat niya ang kaniyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Simulan na natin."
Ngumuso ako at nilingon ang mga nabasang papel. "Pumayag siya?" marahan kong sinabi.
"Oo naman. Kaya nasaan na nang masimulan na natin. Hanggang bukas ang binigay niya."
"G-Ganoon ba? Thank you." Kinagat ko ang aking labi. I'm really grateful. Siya talaga ang maituturing kong hulog ng langit. Totoo pala ang ganoon? Ngayon ay naniniwala na ako.
Narinig kong tumunog ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng slacks niya. Hinugot niya iyon at kunot ang noong binabasa ang kung anumang naroon.
"Pumasok ka na, Talianna. Nabanggit ni Sir Deterio na may quiz daw kayo pagkatapos ng presentation kaya kailangan mong pumasok sa klase niya. Ako nang bahala rito," seryoso niyang sinabi habang nagtitipa.
"I'm sorry for this, Nabrel. Naaabala ka pa but thank you talaga. Promise, babawi ako. You don't actually have to do this but–"
"Talianna," mariin niyang pigil sa akin na tila ba unti-unting naiirita. "Tutulungan kita kung kaya ko naman. Hindi ko hahayaang umiyak ka na lang dito nang walang solusyon sa problema mo. Pumasok ka na at tatapusin ko 'to," aniya habang mariin akong tinititigan.
Nag-iwas ako ng tingin at tipid na lamang na tumango.
"Fine..." bulong ko at kinuha ang aking bag.
"I'll go now."
Nakatayo na ako at handa na sa pag-alis nang magsalita siya.
"Sa susunod..." he trailed off. Kumunot ang kaniyang noo at nagbaba ng tingin sa mga blankong papel na iniwan ko. Iniwan ko rin ang aking laptop dahil naroon ang sample ng mga drafting. Nagbuga siya ng hangin bago muling nag-angat ng tingin sa akin. May bahid ng lamig sa kaniyang titig ngunit kitang-kita ko roon ang panghihina.
"Tawagan mo ako kaagad kapag may problema. Kung hindi ako nagpunta rito, hindi ka hihingi ng tulong at iiyak na lang?"
Umawang ang labi ko. Napakurap ako at biglang nakaramdam ng matinding kaba. Kinakabahan ako dahil sa tono niya... sa titig niya... sakaniya. Everything about him makes me nervous... but with a strange tender and warm feeling in my heart. It's crazy. I never thought that this kind of feeling actually exists. What do you call this then? This extreme fondness towards someone...
It feels like a powerful drug that makes you feel comfortable, warm and fuzzy. This is just completely ludicrous. Halos matawa ako sa mga iniisip.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng walang gusto sa'yo ang crush mo? Mas lalong nakakahalina ang pakiramdam. Para bang mas lalong tumitindi. Dala ba ito ng challenge? Ng thrill? Ganoon ba iyon?
I don't know but... this is such a foreign feeling for me.
Napalunok ako at napahigpit ang kapit sa strap ng aking bag. "I... hindi ko na alam ang gagawin kaya... I just cried out of frustration." I bit my lower lip.
Umigting ang kaniyang panga. Naroon pa rin ang lamig sa mga mata niya.
"Tawagan mo lang ako kung may problema, Talianna. Kahit anong oras, tumawag ka lang," napapaos niyang sinabi at nag-iwas ng tingin.
"Pasalamat ka at pumayag si Sir Deterio kung hindi, malalagot ka talaga sa akin, Talianna!" pagdadabog ni Leigh sa mga gamit niya nang matapos ang aming klase.
Hindi na ako kumibo at tinext na lang si Nabrel. Kanina ay nag-text siya na tapos na siya sa presentation namin. Naisipan kong i-treat siya para naman kahit papaano ay makapagpasalamat sakaniya. Malaking tulong ang ginawa niya kung tutuusin. Naisalba niya kami sa posibilidad na pagbagsak namin sa subject na iyon.
I should ask him about his favorite food.
"Hindi ko rin akalain na magbibigay ng konsiderasyon ang panot na iyon," si Camille.
"Baka naman may ipinangako si Talianna kay Sir kaya ganoon? Ano ba iyon, ha?" Ngumisi sa akin si Leigh.
Bahagya akong natigilan sakaniyang sinabi. Dinig na dinig sakaniyang tono na may ipinaparating siya.
"Are you implying something, Leigh?" May iritasyon sa boses ko. Hindi ako makapaniwalang baluktot na naman ang pag-iisip niya tungkol sa akin ngayon.
"Bakit? May kailangan ba akong i-imply? Bakit parang guilty ka, Talianna? Mayroon ba?"
"Hoy, Leigh! Tama na iyan, ah! Hindi na maganda iyan. Dahan-dahan sa pananalita," suway ni Camille na inirapan lamang ni Leigh.
I pursed my lips disapprovingly.
Isang hirit pa talaga ng babaeng ito at baka hindi na ako makapagpigil at hampasin ko sa pagmumukha niya ang bitbit niyang laptop.
Hinablot ko na ang aking bag at lumabas na ng room. Wala na akong panahon pa para gatungan pa ang pang-iinis ni Leigh. Kailangan ko na lang sigurong intindihan na inggit na inggit lang siya sa akin dahil araw-araw kong nakakasama ang crush niya... na hindi ko akalaing magiging crush ko rin!
Hindi ko napansin na naroon na pala sa labas si Nabrel. Ang isang strap ng kaniyang bag ay nakasabit sa balikat niya at bitbit niya ang aking laptop. I smiled at him but he didn't.
Sumimangot na lang tuloy ako. Nilahad niya ang kaniyang kamay, kinukuha ang aking bag kaya binigay ko na sakaniya at hinayaan siyang bitbitin iyon.
Inabot niya sa akin ang mga bond papers. Sinuri ko ang bawat papel at habang tinititigan ang mga 'yon, natutulala na lamang ako sakaniyang pulidong gawa. Napakalinis ng kaniyang drawing! Wala akong makitang maipipintas.
"Nabrel!"
Natigil lamang ang pagkamangha ko nang marinig ang isang boses. Napa-angat ako ng tingin sa paparating na si Lily. Hindi ko na tuloy magawang suriin ang mga papel dahil sa biglaang pagsulpot niya. Nakuha niya ang buong atensiyon ko.
Tipid siyang ngumiti sa akin bago lumingon kay Nabrel.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumait ang pakiramdam ko dahil sa pagdating niya.
"Lily," si Nabrel.
"Paano na iyong hindi mo na-take na quiz kanina? Naku! Siguradong malaki ang impact niyon sa grades mo. Bakit kasi hindi ka na bumalik kanina? Ang sabi mo manghihiram ka lang ng book sa library."
Kumunot ang noo ko. Sumulyap ako kay Nabrel na seryoso lamang habang nakatingin kay Lily. He looked a bit annoyed.
"Ayos lang iyon, Lily," malamig niyang tugon.
"Anong ayos? Hindi ayos iyon! Paano na iyong pagiging Summa Cum Laude mo? Baka maungusan ka ni Bradley! Hala! Huwag naman sana." She bit her finger. Mukhang bigla siyang namroblema sa sitwasyon na hindi ko naman maintindihan.
"Huwag mo nang isipin iyon, Lily. Hindi ko nga pinoproblema, e." He chuckled a bit and looked at me.
"Para naman kasing hindi sinabi ni Sir Fred kahapon na hindi siya magbibigay ng consideration kapag wala tayo sa klase niya! Pero ikaw naman, parang wala lang sa'yo! Ang lakas ng loob mong mag-cutting! Hindi mo naman gawain 'yan, ah!"
I looked at them with confused look. Ano bang pinag-uusapan nila? Si Nabrel? Nag-cutting daw? Nag-cu-cutting pala siya?
"Ayos lang talaga, Lily. Hindi naman iyon malaking bagay. Mas importante ang pinuntahan ko kanina kaysa riyan. Halika na, Talianna. Umuwi na tayo. Mauna na kami, Lily." Nabrel took my hand and started walking. Nilingon ko si Lily na naiwang nakaawang ang mga labi habang tinatanaw kami. Binalewala ko na lang siya at wala sa sariling napangiti.
Pagdating sa parking lot ay natanaw ko si Blair na nakatayo sa tabi ng Alphard.
What?! Pati ba sa pag-uwi kasama siya? Sabihin ko na lang kaya kay Dad na ibili ito ng sariling sasakyan nang hindi na sumasabay pa sa amin! I really hate this idea of my Dad! Biglang nagka-service ang babaeng ito! Tiyak na tuwang-tuwa naman ito dahil palaging nakakasama si Nabrel. Kasama na sa klase, pagpasok at hanggang sa pag-uwi!
Nakangiti siya nang matanaw kami ngunit kaagad iyon nabura nang bumagsak ang tingin niya sa kamay namin ni Nabrel. Nang tignan niya ako ay kitang-kita ko ang lamig sakaniyang mga mata.
Nabrel let go of my hand when he opened the front seat for me. Tahimik akong sumakay at humalukipkip na lamang sa upuan.
I suddenly remembered something. Ano kayang pinag-usapan ng dalawang ito kanina? Tungkol saan naman kaya at bakit may paiyak-iyak pa ang babaeng iyan?
"Uhm, Nabrel." I turned to him. Sumulyap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"I just want to say thank you again para rito." Inangat ko ang mga papel. He just shrugged his shoulders.
"Let's have lunch! Libre ko. Bilang pasasalamat na rin." Malapad akong ngumiti.
Kumunot ang noo niya at umiling. "Hindi na kailangan. Ayos lang, Talianna," aniya sa marahan na tono.
I rolled my eyes. "Pwede bang pumayag ka na lang? Annoying nito! Just please, Nabrel? Pupunitin ko ito kapag hindi ka pumayag," pagbabanta ko pa.
Humalakhak siya at tinignan ako na tila ba hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.
"Punitin mo. Sige lang. Sa'yo naman iyan kaya ano bang pakialam ko. Hindi ko na iyan uulitin para sa'yo." May bahid pa rin ng tawa ang kaniyang boses.
I glared at him kahit pa na natatawa na rin ako.
"Ano iyan, Talianna? Drafting?" Biglang sumingit si Blair mula sa backseat.
"Yeah." I shrugged.
"Pwedeng patingin ako?"
Inabot ko sakaniya ang mga papel. Inisa-isa niya ang mga iyon hanggang sa nakita ko ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo. Seryoso ang kaniyang mukha nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
"Si Nabrel ang may gawa nito," aniya sa malamig na boses. Tila ba siguradung-sigurado siya at kilalang-kilala niya ang gawa ni Nabrel.
I nodded. "Yup. Kanina lang iyan. Uhm, he helped me." I smiled awkwardly.
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo at natulala sa papel.
"Kaya ba wala ka kanina kay Sir Fred, Nabrel? Ginawa mo ito? Inuna mo pa ito kaysa roon?" Nahimigan ko ang tensiyon sakaniyang tono.
Bigla akong nakaramdam ng munting kaba. I bit my lower lip and glanced at Nabrel. Diretso lamang ang tingin sa kalsada, para bang walang narinig kay Blair.
"W-What do you mean?" Gulung-gulo ako habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
Blair pursed her lips while looking at me. Kitang-kita sakaniya ang matinding iritasyon.
"Huwag mo nang alalahanin pa iyon, Blair." Nabrel said with a hint of laziness in his tone na tila ba napapagod na siyang marinig ang tungkol doon.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Nabrel? Babagsak ka kay Sir Fred dahil sa ginawa mo! Nagpabaya ka! Nagpabaya ka ng dahil lang..." Nanginig ang kamay niya nang iangat ang mga bond papers. "Dito!"
Nalaglag ang panga ko nang matanto ang nangyayari. Nabrel sighed and shook his head.
"Hindi niya ako ibabagsak," mariin niyang sinabi.
Marahas na iniabot sa akin ni Blair ang mga papel. Tulala pa rin ako nang tanggapin ang mga iyon.
He ditched his class just to... help me? Pero ang sinabi niya ay wala na siyang klase kanina!
Blair shook her head disappointedly and chose to remained silent while staring at the window. Wala nang nagsalita pa sa amin.
Nakaramdam ako ng matinding panlalamig ng aking tiyan. Nahiya ako bigla. Hindi mapakali ang mga daliri ko. Pakiramdam ko ay nagawa ako ng malaking kasalanan.
Natulala ako habang nakatitig kay Nabrel. Hindi niya ako nilingon at seryoso lamang sa pagmamaneho.
Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono."No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!Hindi ko alam kung makakatulo
Blair was pregnant. I don't know why but that thought occupied my mind hanggang sa matapos ang klase ko. She was pregnant and... who might be the father of her child?Nabrel...Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala kay Blair. Itanggi niya man na walang namamagitan sakanila ngunit hindi iyon ang nakikita ko sakanilang mga aksiyon. They were more than that. Sigurado ako roon.Posibleng wala silang relasyon ngunit posible rin na may nangyayari sakanila even they were not in a relationship. Ganoon naman sa panahon ngayon, hindi ba?But who am I to judge them?Could it be? Si Nabrel kaya ang ama? Anumang gawin kong pagpipilit na burahin ang iniisip, mas lalo lang ito nagmamarka sa utak ko. Do I have to ask Nabrel about this? If he's the father? Hindi yata ako patatahimikin ng iniisip ko hangga't hindi ko nalalaman ang kasagutan. They are both of legal age. Graduating na
"What?" Wala sa sarili kong tugon."Kumusta ang pakiramdam mo? Nasabi ni Kaloy na hindi ka nakadalo dahil may sakit ka," dinig ko ang pag-iingat sakaniyang tono.I pursed my lips. Hindi ko alam ang sasabihin. Nagagalit pa rin ako... hindi ko maintindihan ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon."N-Nagustuhan ni Linella iyong binigay mo. Gusto ka niyang makilala kaso... hindi ka naman dumalo." Humina ang boses niya sa dulo."Glad she liked it," I whispered."Nakauwi na ang lahat. Katatapos ko lang magligpit, kasama si Senyel.""How's Blair?" I said slowly."Maayos na siya. Pinauwi rin siya kanina ng doktor. Kulang sa pahinga kaya siya nawalan ng malay."I smiled a bit."The baby... how's the baby?" napapaos kong sinabi. Tumindi ang kalabog ng pus
"Kayo ba ni Nabrel, Talianna? Nakita ko kayong nag-uusap kanina. Mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan niyo, ah?"Nag-angat ako ng tingin kay Leigh. Suot niya na ang kaniyang bag at handa nang lumabas habang ako ay iniipon pa ang mga gamit. Seryoso lamang siya habang nakatitig sa akin.Dahan-dahan akong umayos ng tayo."No," tanging sagot ko."Weh? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka ?" malamig niyang sinabi at humalukipkip.Sandali nga. Akala ko ba maayos na siya sa akin? Bakit ganito na naman siya ulit? Si Nabrel na naman ang problema niya!"Bakit naman ako magsisinungaling? Driver ko lang si Nabrel. Huwag kang praning, Leigh." I chuckled.Nagtagal ang titig niya sa akin bago unti-unting tumango."Buti naman kung ganoon. Magkakasundo tayo." She smiled widely.Tanging pagkunot lamang ng noo ang
I cried myself to sleep that night. Walang mapaglagyan ang pagkadismayang nararamdaman ko para sa sarili. Gusto kong kalimutan na lang ang nangyari at magsimula ulit dahil pakiramdam ko, nawalan ako ng gana sa lahat. Hiyang-hiya ako... at durog na durog.Ang tanga ko para maisipan ang umamin sakaniya. At anong nangyari? Ganito ang kinahantungan ng bwisit na pag-amin na iyon.Nang hinatid niya ako pauwi kahapon, walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko magawang magpanggap na maayos lang ang lahat. Para akong lutang hanggang sa makauwi. I didn't even look at him nang magpaalam upang pumasok na sa mansiyon.Nanliliit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakanakakapangliit na bagay na ginawa ko. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi iyon. Kung sana ay napigilan ko ang sarili ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa sitwasyon. Nasabi ko naman na gusto ko siya bilang isang tao, hindi ba? Hindi bilang isang
"Talianna! Huwag ka nang tumanggi. Oh. Umiinom ka naman, 'di ba?" Leigh offered me a bottle of beer.Tinapon ko sa loob ng aking bag ang phone ko. Sandali kong tinitigan ang inaalok niyang alak bago iyon hablutin. This will be the first time na makakatikim ako ng ganitong alak. Madalas ay puro red wine lamang ang iniinom ko. I've never tried hard liquors.Wala naman sigurong masama kung tikman ko ito ngayon, hindi ba? I also think that this would help me a lot para kahit papaano ay makalimutan ko ang bwisit na atraksiyon na ito para kay Nabrel na alam kong kahit kailan ay hindi masusuklian.Ngunit nang akmang ihahatid ko na sa aking bibig ang bote nang may biglang marahas na humablot nito mula sa akin. Napasinghap ako at laglag ang pangang nilingon ang walang hiyang may gawa niyon ngunit natigilan na lamang nang makita kung sino.Sumalubong sa akin ang madilim na mukha ni Nabrel. Umigting ang k
I don't know what the hell has gotten into me but I just found myself holding a bottle of hard liquor that I got from Dad's collection. It says Captain Morgan. Pinuslit ko lamang ito at siniguradong walang nakakita dahil tiyak na hindi magugustuhan ni Dad sa oras na malaman niyang umiinom ako.Hindi niya naman siguro mapapansin na kumuha ako ng isang bote? Napakarami niyang koleksiyon and I doubt if he remembers each bottle that he has.It was already 9 pm and I'm wide awake while thinking if I should open this bottle and surrender myself to the world.Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at mabilis nang binuksan ang bote. I'm just gonna taste it. Hindi ko hahayaang malasing ako. Patay ako kay Dad kung sakali. Sa kwarto ako uminom at kinandado ang pintuan. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Unang pagdaloy ng alak sa lalamunan ko.Pikit-mata kong dinala sa aking bibig ang shot glass. 
Sandali pa akong natulala nang bumungad sa akin ang nakatayong si Nabrel sa tabi ko.I was only aware about how my heart reacted just by looking at him... right here beside me."What are you doing here?" bulong ko habang tulala sakaniyang madilim na mukha.Nakatitig lamang siya sa akin. Kitang-kita ko ang pag-ihip ng hangin sakaniyang buhok."Pumasok ka na, Talianna. Kailangan mo nang magpahinga." 'Yon lamang ang kaniyang naging tugon.I pursed my lips. Nanatili lamang akong nakaupo habang tinitingala siya."No. If you want to leave, then leave. Bakit ka pa nagpunta rito kung aalis ka rin naman pala kaagad?" matalim ang aking tono.Hinaplos niya ang kaniyang buhok at tumingin sa dagat. I noticed that he was wearing a dark green plain t-shirt and gray shorts. Kitang-kita ko ang pag-alon ng kaniyang dibdi
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Anong ginagawa ng dalawang lalaki? Bakit hindi nila tulungan ang Papa ko? Bakit nanonood lang sila habang sinasaktan ang Papa ko?"Papa..." nanginginig kong bulong habang nakatago."Kung nasa akin pa rin hanggang ngayon si Louisiana, masaya kaming dalawa ngayon! Bakit mo siya pinabayaan?! Huh?! Tinanggap ko! Natuto ko nang tanggapin na hindi ako ang mahal niya! Nagpakasal ako sa iba at bumuo ng pamilya pero siya pa rin! Dapat ay ibinalik mo nalang siya sa'kin kung hindi mo siya kayang alagaan!" kahit punung-puno iyon ng galit, hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag ng boses nito.Hindi ko maintindihan. Sino ang lalaking 'yon? Bakit niya kilala si Mama? Anong sinasabi niya?Nagimbal na lamang buong pagkatao ko nang makitang tinulak ng lalaki ang Papa ko. Mabilis niyang hinablot ang isang bagay na hindi ko maaninag na inabot ng lalaking nasa tabi nito.
May parte sa akin na nagdiwang nang masilayan ang mukha niya. Kahit may bahid ng iritasyon doon..."What?" maarte niyang untag at bahagyang nakasimangot. Pansin ko ang pamumula niya. Madali iyon mapansin lalo pa't ang kaniyang puti ay nasa ibang lebel.Ngumuso ako, pinipigilan ang malawak na ngisi. Bakit ang dali niyang mairita? Ganito ba talaga ang mga anak-mayaman?"May gusto pa po ba kayo?" kaswal kong tugon matapos maiabot ang baso.Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin at kaagad binalik ang atensyon sa kausap."You can leave now. Thanks," sumulyap siya ulit sa akin ngunit mabilis lamang iyon. Hindi man lang marunong magbigay ng kahit maliit na ngiti.Hindi nagtagal sa isip ko ang maiksing interaksyon na iyon. Marami akong ginagawa at hindi ko na kailangan pa ng karagdagang iisipin. Binuhos ko ang lahat ng oras sa mahahalaga
Ang tanging gusto ko lang noon ay maging kumportable ang mga kapatid ko. Hindi ko na inalala ang sarili. Madalas akong hindi pumasok sa eskwelahan dahil hindi ang pakikinig sa guro ang kailangan ko, kundi ang magtrabaho at kumita para sa amin. I grew up with a lot of responsibilities. Halos patayin ko ang sarili sa pagtratrabaho. Pagpasok palang ng panibagong araw, nasa laot na ako kasama ang mga mangingisda. Hindi ko kilala ang pahinga."Limang daan. Pasensya na, Nabrel. Alam mo naman, tumaas ang presyo ng pinagkukunan ko ng mga gulay,"Tumango ako at binigyan ng isang maliit na ngiti si Aling Nora."Naiintindihan ko po," pinunasan ko ang aking noo gamit ang dalang panyo.Mataas ang tirik ng araw. Naisip ko ang kapatid kong si Senyel. Patapos na ang klase nun. Nakapagdala kaya iyon ng payong? Matigas pa naman ang ulo ng isang 'yon at ayaw na nagdadala ng kung ano kaya madalas kong