Share

Chapter 28

Eliezah

NAGISING ako bandang mga alas tres ng madaling araw. Inikot ko ang paningin ko at nandito na ako sa kwarto ko. Naalala ko ang nangayari kagabi. Bumangon ako at nakita ko si Mr. Willis na nakaupo sa love seat sa may malapit sa bintana habang nakapikit ang mga mata. Nakatulog yata siya sa pagbabantay sa'kin matapos akong mahimatay sa bisig niya kagabi. Nagtataka rin ako kung bakit ako nahimatay kagabi.

Kumuha ako ng kumot sa tokador ko at marahan na kinumutan si Mr. Willis na naka-cross-arms.

Matapos ko siyang kumutan ay inikot ko ang paningin ko. Nagugutom ako dahil wala akong dinner kagabi at sigurado akong wala nang bukas na tindahan ngayon kasi madaling araw pa. Nahagip ng mata ko ang isang paper bag na may tatak ng MCDONALD.

Linapitan ko ang paper bag at tiningnan ang laman niyon at ng makitang may pagkain sa loob ay nilabas ko ang mga ito at kinain. Gutom na gutom na ako. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko at itinapon ang basura sa trashbin.

U
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status