EliezahNAGISING ako na sobrang sakit ang likod ko at ang balikat ko. Mabigat ang pakiramdam ko. Iminulat ko ang mata ko at unang nakita ko ang puting kisame. Inaaninaw ko ang paligid. Akmang hahawakan ko ang ulo ko ng mapaigik ako sa sakit. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko. Nakacast ang kamay ko. Gumala ang tingin ko sa paligid. Walang tao sa loob ng kwarto. Inalala ko ang nangyari. Nabaril nga pala ako at nahimatay ako sa bisig ni Mr. Willis. Lumipad ang tingin ko sa pinto ng biglang bumukas ito. Mula roon ay pumasok si Mr. Willis kasama ang doktor. Nang makita ako ni Mr. Willis na gising na ay agad siyang dumalo sa'kin. "Elie! Oh God! Thank God you're finally awake!" Napaigik ako ng niyakap niya ako. "Zykiel, masakit..." Bulong ko. "Ow sorry! Masaya lang ako na nagising ka na!" Sagot niya. "Doc," bumaling siya sa doctor. Lumapit ang doctor at sinuri ako at wala na naman daw akong iba pang injury maliban sa natamo ko pero kailangan pa nila akong i-undergo ng iilan pang
Eliezah"Z-ZYKIEL..." saway ko pero naging iba ang tunog niyon. Inilayo ko ang mukha ko pero hinabol niya ang labi ko at mas pinalalim pa ang halik na sinimulan niya. "Zykiel, s-stop it..." Saway ko ng sandaling nagkahiwalay ang labi namin. "Your lips is like a heroin. I can't get enough with it." Mahina niyang sambit habang namumungay ang mga matang nakatingin sa'kin. "T-tumigil ka n-na..." iniwas ko ang mukha ko ng akma na naman siyang lalapit. Ngumiti siya at tumango tango. "Okay, di na." Dumistansya na siya sa'kin pero nanatili ang kamay niya sa bewang. Bahagya siyang tumayo at sinapo ang dalawang hita ko at marahan na ini-angat ulit. Medyo naka-slant na kasi ang pagkakasandal ko sa headboard. Matapos niya akong i-angat ay inayos niya ang kumot ko tapos ay umupo siya sa gilid ng kama. "Namamanhid parin ba ang balikat mo?" Tanong niya kapagkuwan."Hindi na masyado." Tumango siya. "Magpahinga ka na muna. Don't worry, hindi ako pupunta kay Nayla." Ngumisi siya pagkatapos. Si
EliezahMATAPOS akong kunan ng blood tests ay naghintay kami ng isang araw para sa results ng tests at ng wala na naman daw na dapat pang ipag-alala. Kinabukasan ay lumabas na kami sa hospital. At dumiretso kami sa bahay ko. "Are you sure kaya mong maglakad?" Tanong ni Zykiel habang inalalayan akong makababa sa sasakyan. Inirapan ko siya. "Kaya ko, Zykiel. Hindi ako lumpo.""Alright." Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Sa bukana ng pinto ay naroon ang pamangkin ni Manong Jorgie na binubuksan ang pinto. "Hello po ate Elie! Welcome back po!" Nakangiti na bati niya. Ngumiti ako. "Hello din."Lumabas si Manong Jorgie mula sa kusina. "Elie! Ngayon na pala ang labas mo? Bakit di ka tumawag, nasundo ko sana kayo sa hospital." Sabi niya at inalalayan akong makapasok sa bahay. "Okay lang po. May sasakyan naman si Zykiel kaya hindi na namin kayo inabala. Alam ko pong busy kayo rito." Sagot ko. "Hay, ikaw talagang bata ka!" sabi nalang ni Manong Jorgie. Ngumiti lang ak
EliezahMATAPOS kung hugasan ang pinagkainan ko ay lumabas na ako sa kusina at pinatay ang ilaw roon. Humugot ako ng hininga at malumanay na ibinuga ito. Umakyat ako sa hagdanan at bumalik sa kwarto ko. Tahimik ang buong bahay at ang tanging maririnig ay ang aircon na mahinang bumubuga ng malamig na hangin. Binuksan ko ang pinto ng verandah. Alas otso pasado na ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin lalo pa't Ber Months na. Preskong presko ang hangin na umiihip. Mayamaya pa ay pumasok ako at kinuha ang first aid kit ko na nasa drawer at pagkatapos ay pumasok sa banyo. Nahirapan akong hubarin ang t-shirt ko at ilang segundo din akong nag-struggle sa pagtanggal nito. Nang sa wakas ay natanggal na. Tiningnan ko ang sugat ko sa likod na nakabenda paikot sa katawan ko. Puno na ng dugo ang benda sa likod ko at umabot pa nga ito sa pantalon na suot ko. Pati ang brassier na kulay violet ay naging kulay itim na. "Shit!" Nagsimula kong tanggalin ang benda. May narinig akong kumatok. Kinuha
EliezahWALA akong ginawa sa buong recovery ko kundi ang manatili sa bahay. Tulog, kain lang dahil hindi ako pinapayagan ni Zykiel. Ultimo pagligo ko nga ay naroon siya. Nauuna niyang basain ang buhok ko at pagkatapos ay ang braso at binti ko. Subalit hanggang roon lang siya, hindi ko na siya pinahihintulutan na lumagpas pa sa pag-shampoo sa buhok ko ang gagawin niya. Iyon ang routine namin araw-araw. Sa pagdadamit naman ay yung mga maluluwang lang ang pinagsusuot ko para hindi ako mahirapan na isuot. Ilang linggo ang dumaan at unang naghilom ang sugat ko sa balikat kaya tinanggal na ang cast dito. Habang yung sa likod ko naman ay malapit na din namang maghilom though kapag magbubuhat ako or ma-pwersa talaga akong kumilos ay nagdurugo talaga. "Babe! Come here!" Rinig kong sigaw ni Zykiel mula sa sala. Narito kasi ako sa kusina at nagluluto ng pananghalian namin. Hininaan ko ang apoy sa stove at tinakpan ang kaserola at lumabas sa kusina. Tinungo ko ang sala. May narinig akong bos
EliezahNILAPAG niya ako sa kama. Umayos ako ng upo at humilig sa headboard. Sumampa rin siya sa kama at tumabi sa'kin. Kinabig niya ako para sa dibdib niya ako humilig. Hinahaplos niya ang buhok ko. "Bukas, babalik na ako sa trabaho," saad ko. "Pero hindi ka pa magaling." Sagot niya. "Kaya ko na ang sarili ko. Ayokong samantalahin ang binigay ng agency na pahinga knowing na iba ang sitwasyon ng agency ngayon." Tumahimik siya. "Hindi biro ang nangyari, Zykiel. Marami ang nasugatan at may namatay na mga kasamahan natin. Kahit pa pinanumpaan nila ang kanilang trabaho ay hindi parin sapat na mawalang saysay ang pagkamatay nila. Kailangan managot ang may sala." He sighed. "Yeah. If that's your decision, then we'll go back to our work tomorrow." Tumingala ako sa kanya. "Teka, bakit hindi ka nagre-report sa HQ habang nagre-recover ako?" "Through phone call lang ako nag-re-report. Do you think kaya kong iwanan ang fiancee ko rito na walang kasama." Umismid ako ng marinig ko ang sali
EliezahPAUWI na kami pero hindi parin mawala sa'kin ang isipin kung sino ang texter na iyon. "Hey! Huwag ka ng mag-alala. Sooner or later, malalaman natin ang texter na to." He assured at hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa bewang niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela ng motor. "I can't help it, Zykiel. Nababagabag ako sa message niya." Sagot ko at nagbuntong hininga. Pinisil niya ang kamay ko at hindi na nagsalita. Alas tres na ng hapon at medyo maambon at di naglaon ay umambon na nga hanggang sa bumilis na ito kaya napagpasyahan namin na huminto muna sa isang inn na nakita namin katabi ang isang convenient store na 5 metro yata ang layo mula sa inn. Sumilong kami sa inn at mabuti nalang at hindi kami masyadong nabasa. Pinunasan ko ang mukha ko ng panyo. Ganun rin si Zykiel. Pinunasan niya rin ako ng matapos siyang magpunas. "Should we check in?" Tanong niya habang pinunasan ang leeg ko. Lumingon ako sa loob ng inn. May ilang tao sa loob. "Kapag hindi tum
Eliezah"KAPAG nagka-anak na tayo, ayoko nang magtrabaho ka pa bilang agent." Napalingon ako kay Zykiel. "Huh?" Lumingon siya sa'kin. "I don't want to risk your life especially when you're already pregnant." Seryoso siya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Bumundol ang kaba sa dibdib ko pero tinabunan ko iyon sa pamamagitan ng pagtawa. "Napaka-futuristic mo naman. Malayo pa iyon." Natatawang sagot ko. Napawi ang tawa ko ng hindi siya tumawa o ngumiti man lang. He just watched me laughing. "I'm not joking, babe. I'm serious here." He said. "Alright. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nag-stay na maging agent. Hindi ko pa nakamtan ang hustisya ng mga magulang ko. After that, I'll retire." Sagot ko.Huminga siya ng mahaba at malalim na hininga. "Let's go. Pupuntahan pa natin ang presinto." Sabi niya at naunang naglakad. Sumunod ako at namulsa. Nakasalubong namin si agent 00015 na may dalang folder. Binati niya si Zykiel pero hindi siya pinansin ng lalaki. Nagtataka