EliezahNILAPAG niya ako sa kama. Umayos ako ng upo at humilig sa headboard. Sumampa rin siya sa kama at tumabi sa'kin. Kinabig niya ako para sa dibdib niya ako humilig. Hinahaplos niya ang buhok ko. "Bukas, babalik na ako sa trabaho," saad ko. "Pero hindi ka pa magaling." Sagot niya. "Kaya ko na ang sarili ko. Ayokong samantalahin ang binigay ng agency na pahinga knowing na iba ang sitwasyon ng agency ngayon." Tumahimik siya. "Hindi biro ang nangyari, Zykiel. Marami ang nasugatan at may namatay na mga kasamahan natin. Kahit pa pinanumpaan nila ang kanilang trabaho ay hindi parin sapat na mawalang saysay ang pagkamatay nila. Kailangan managot ang may sala." He sighed. "Yeah. If that's your decision, then we'll go back to our work tomorrow." Tumingala ako sa kanya. "Teka, bakit hindi ka nagre-report sa HQ habang nagre-recover ako?" "Through phone call lang ako nag-re-report. Do you think kaya kong iwanan ang fiancee ko rito na walang kasama." Umismid ako ng marinig ko ang sali
EliezahPAUWI na kami pero hindi parin mawala sa'kin ang isipin kung sino ang texter na iyon. "Hey! Huwag ka ng mag-alala. Sooner or later, malalaman natin ang texter na to." He assured at hinawakan ang kamay ko na nakayakap sa bewang niya habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela ng motor. "I can't help it, Zykiel. Nababagabag ako sa message niya." Sagot ko at nagbuntong hininga. Pinisil niya ang kamay ko at hindi na nagsalita. Alas tres na ng hapon at medyo maambon at di naglaon ay umambon na nga hanggang sa bumilis na ito kaya napagpasyahan namin na huminto muna sa isang inn na nakita namin katabi ang isang convenient store na 5 metro yata ang layo mula sa inn. Sumilong kami sa inn at mabuti nalang at hindi kami masyadong nabasa. Pinunasan ko ang mukha ko ng panyo. Ganun rin si Zykiel. Pinunasan niya rin ako ng matapos siyang magpunas. "Should we check in?" Tanong niya habang pinunasan ang leeg ko. Lumingon ako sa loob ng inn. May ilang tao sa loob. "Kapag hindi tum
Eliezah"KAPAG nagka-anak na tayo, ayoko nang magtrabaho ka pa bilang agent." Napalingon ako kay Zykiel. "Huh?" Lumingon siya sa'kin. "I don't want to risk your life especially when you're already pregnant." Seryoso siya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Bumundol ang kaba sa dibdib ko pero tinabunan ko iyon sa pamamagitan ng pagtawa. "Napaka-futuristic mo naman. Malayo pa iyon." Natatawang sagot ko. Napawi ang tawa ko ng hindi siya tumawa o ngumiti man lang. He just watched me laughing. "I'm not joking, babe. I'm serious here." He said. "Alright. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nag-stay na maging agent. Hindi ko pa nakamtan ang hustisya ng mga magulang ko. After that, I'll retire." Sagot ko.Huminga siya ng mahaba at malalim na hininga. "Let's go. Pupuntahan pa natin ang presinto." Sabi niya at naunang naglakad. Sumunod ako at namulsa. Nakasalubong namin si agent 00015 na may dalang folder. Binati niya si Zykiel pero hindi siya pinansin ng lalaki. Nagtataka
EliezahPAULIT ulit kong pinapakinggan ang message na natanggap ko. His voice was so lively na parang hindi siya patay. Walang bakas ng kahit ano kundi pagkasabik. Sino ang misteryosong texter na ito? Paano siya nagkaroon ng kaparehong boses ng Papa ko. Hindi ako naniniwalang si Papa ito dahil kitang kita ko noong araw na ilibing si Papa at si Mama. Nakaukit pa sa isipan ko ang pangyayaring nadatnan namin noong araw na inambush ang sinasakyan nila sa isang daan papunta sa venue ng birthday ni Mama. Pinahid ko ang luha ko na kanina pa naglalandas sa pisngi ko. Sumiklab ang panibagong galit sa puso ko sa isiping baka isa na naman ito sa pakulo ni Fergie Morgan. Hindi na ako makakapayag na pati ang mga magulang kong nananahimik na ay guguluhin niya pa. Hinding hindi!"Elie?... Let's eat. Dinner is ready." Sumungaw si Zykiel sa pinto ng kwarto ko rito sa bahay. "Hindi ako gutom. Kumain ka nalang." Sagot ko habang sinusuot ang leather jacket ko. Pumasok siya. "Saan ka pupunta?" "Sa HQ
EliezahWALA kaming imik habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay na pinuntahan namin dati. Pagdating namin sa lugar ay sumalubong samin ang nakakabinging katahimikan. Ang bahay ay walang ilaw at ang tanging tumatanglaw sa bahay ay ang maliliit na sinag ng buwan. Bumaba ako sa kotse at ganun din si Zykiel. Lumapit kami sa bahay na walang ilaw na nakabukas at walang sinyales na may nakatira roon. Nasaan siya? "Wala siya rito, Elie. You must be wrong. Baka ginamit lang ng kung sino ang boses ng... Papa mo, " malalim niyang sabi. Umiling ako. "Hindi. Alam kong siya iyon, Zykiel. Hindi ako maaaring magkamali dahil kilala ko ang boses ni Papa!" Bahagyang tumaas ang tinig ko. Hindi ko siya maintindihan. "Elie,..." Nagtangka siyang lapitan ako pero umataras ako. Nagsimula ng mabuo ang luha ko na nagbabadya sa sulok ng mga mata ko. Hindi ko na yata kakayanin pang mawala siya ulit sa'kin. Umasa na ako. Alam kong matagal ng panahon ang lumipas pero naroon parin ang kaunting pag-as
EliezahNAGISING ako sa mumunting haplos sa buhok ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at una kong nakita ang nakangiti na labi ni Zykiel. "Good afternoon, sleepyhead!" I closed my eyes when he kissed my forehead. "Afternoon," paos kong sagot at naghikab. Pumikit ako ulit ng ilang sandali bago ko tuluyang iminulat ang mga mata. Inilinga ko ang mga mata ko at papalubog na rin ang araw. Wala na sina Kieran sa paligid pati si Kieffer. "Nasaan na sina Kieran?" Tanong ko at bumangon. "Nandoon sa harap. Sa may lawn," sagot niya at bumangon. Pinagpag ang sarili at nag-inat. Nangalay yata siya sa pagkakahiga namin. "Ganun ba, magbibihis lang ako. Ikaw din," sabi ko at tuluyan ng tumayo. Binitbit ko ang libro na hindi ko na naman natapos basahin dahil sa antok ko kanina. "Sige." Tumayo siya at sinabit sa balikat ang towel. Sabay kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pumasok siya sa guest room kung saan siya natutulog. PAGKATAPOS kung maligo at magbihis ng pormal ay nag-ayo
EliezahHALOS mag-uumaga na nang matapos ang party. Tanging kami nalang tatlo ni Zykiel at ni agent 00050 ang natira na nasa katinuan pero medyo may tama na ng alak. Bagsak na ang mga kasamahan namin sa mga mesa nila. "Inaantok ka na?" Tanong ni Zykiel habang hinahaplos ang buhok ko. Nakahilig ako sa balikat niya kasi parang umiikot na ang paningin ko. Ilang shots narin naman ang nainom ko. "Oo. Medyo umiikot na nga ang paningin ko." Sagot ko at naghikab."Akyat na tayo? Alas cuatro narin naman ng madaling araw. Bahala na sila rito, " umikot ang paningin niya. "Sige." Binuhat niya ako at ikinawit ko naman ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinikit ang mga mata. Nang makarating sa kwarto ay nilapag niya ako sa kama at kinumutan. Half-open nalang ang nagagawa ng mga mata ko. "Magpahinga ka na. It's been a long and tiring day for you." Sambit niya at hinalikan ako sa noo. Bahagya lang akong tumango at nagpatangay na sa antok pero bago ako tulyang
EliezahDAHIL sa pagdating ni Papa ay nagising ang mga kasamahan namin na natutulog. Gulat pa sila ng makita ang Papa ko. Sa pagkaka-alam nila ay patay na ang mga magulang ko at ako nalang ang sa pamilya namin. "Ipaliwanag niyo po sa'kin kung papano nangyari ang..." Huminga ng malalim si Papa at saka nagsalita. " Nong araw na inambush ang sasakyan namin noong birthday ng Mama mo ay may nagligtas sa'kin. Noong dumating na tayo sa hospital ay may kumuha sa'kin na hindi ko alam. Hindi ko kilala ang kumuha sa'kin. Isang taon akong comatose sa hindi ko kilalang bahay. Ang tanging nakikita ko lang ay ang dalawang nurse na salitan sa pagbabantay sa'kin at isang Doctor na hindi ko makita ang mukha bukod sa mga mata niya. Wala akong maalala nang magising ako kahit ang sarili kong pangalan ay hindi ko maalala. Tumakas ako sa bahay na tinutuluyan ko at nagbakasakali na may maalala ako kahit papano pero mas lalo lang nagulo ang utak ko. Palaboy laboy ako hanggang sa may tumulong sa'kin na lalaki
Eliezah"EZEKIEL!" napasigaw ako dahil sa sobrang gulat. Nagdidilig ako ng mga halaman nang bigla nalang akong nabasa. Nanggigil akong humarap sa anak ko na may hawak na water gun. Ayoko pa sanang maligo dahil malamig ang klima pero heto ako at basang basa na dahil sa kagagawan ng dalawa. Mukhang nagba-baril barilan na naman sila ng kakambal niya at ako ang natamaan dahil nakita ko si Ace na dumaan sa harap ko kanina bago ako mabasa. Namilog ang mata niya at nakangiwi. Nag-peace sign pa siya pero nanggigil talaga ako dahil sobrang lamig ng tubig na bumasa sa'kin. "Sorry Mommy!" Sigaw niya at mabilis na tumakbo dahil handa na akong itutok sa kaniya ang hose ng tubig. "Grrrr!!" Hinabol ko siya pero bago pa ako makalayo ay may kamay na yumakap sa bewang ko at binuhat ako. "Zykiel! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko dahil hinalik-halikan niya ako. "Hmm... Bakit parang galit na galit ka?" Tanong niya habang pinapaliguan parin ako ng halik."Yung mga anak mo! Binasa ako! Ayoko pa naman sanang ma
EliezahISANG LINGGO pagkatapos ay nakalabas narin ako sa hospital. At tuwang tuwa ang mga kapatid ko sa dalawang anghel sa bahay namin. Salitan nga sila sa pagbabantay kaya gabi ko na masisilayan ang mga anak ko dahil busy rin naman ako sa preparations para sa nalalapit na kasal namin ni Zykiel. It is just a simple garden wedding with our closed relatives on. Since narito na ang kambal ay saka nalang kami magpapakasal ni Zykiel sa simbahan kapag medyo malaki na ang mga anak namin. I want them to be the ring bearer for us when we get married. "Hello little Ace!" hinawakan ko ang maliit na kamay ni Ace na tulog na tulog. Ngumisi ako at hinalik-halikan ang kamay nito pati ang matambok nitong pisngi. Nang marinig ko ang mahinang hikbi ni Ezekiel ay lumipat ako sa crib nito. Natutulog naman ito pero humihikbi ang maliit at mapulang labi nito. "Shh!!" Tinapik tapik ko ang gilid nito at hinalikan sa noo. Mukhang naramdaman yata niya ang presence ko at agad naman itong bumalik sa banayad n
EliezahILANG BUWAN ang lumipas at dumating na ang araw ng kabuwanan ko. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla nalang itong humilab. Ang sabi ng doctor ko ay isa sa mga araw na ito ay manganganak na ako lalo pa at lumagpas na ako sa due date ko. Dalawang araw na ang lumipas. Ngumiwi ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko. Owshit! Hindi ko maintindihan ang sakit. Parang kumakalat na ewan. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kama ko para doon maupo. Kakaligo ko lang at marahil nagkakabag ako. Inabot ko ang Alcamporado oil sa ibabaw ng nightstand at saka naglagay sa kamay bago ipinahid sa tiyan.Pero ilang saglit pa ay mas lalo lang itong sumakit at parang hindi ko na kaya. Tumayo ako pero natigilan rin ng bigla nalang may bumasa sa ibaba ko. Ano 'to? Naihi ako? Kahit masakit ay pinilit kong lakarin ang distansya ng pinto at ng kama ko. Katabi lang naman ng kwarto ko ang kwarto ni Stephanie. "Stephanie!" namimilipit na sigaw ko. Humawak ako sa hamba ng pinto bilang suporta. Nang wa
EliezahHINDI ko rin natiis si Zykiel at kinabukasan ay umaga palang ay naroon na ako. Maaga akong nagluto at nagpahatid sa kulungan. Sabay kami na nag-agahan roon. Umalis rin naman ako kaagad kasi sinundo na ako ni Stephanie at ni Steve. Halos ganun ang routine ko araw araw sa loob ng ilang buwan. Natigil lang noong magsimula na ang hearing ni Fergie Morgan. Nakalabas narin naman siya sa hospital at medyo maayos na naman siya. Ipinagpapasalamat ko nalang na inamin niya na ang mga kasalanan niya. Sa dami ng kasalanan niya. Pati si Tito Gaell at ang kambal. Naawa ako kanila. "Anong ginagawa mo rito, Elie? You shouldn't be here. It's dangerous." Sabi ni Kieron ng lapitan ko siya sa mesa niya. Hindi pa nagsisimula ang hearing at hinihintay pa si Fergie Morgan at si Zykiel. "I have my bodyguards, Kieron." Nginitian ko siya. "How are you?""Ok lang. Repenting my mistakes." Nagkibit siya ng balikat ang nag-iwas ng tingin.I pursed my lips before I spoke. "How I wish, it didn't came this
ELIEZAH"GENERAL?" Natigilan ako at dahan dahang napalingon sa likod ko. Katulad ko ay namilog rin ang mga mata niya at tumigil sa paghakbang. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Nakaposas. Kumurap siya ng ilang beses bago nagpatuloy sa paghakbang. Tumayo ako and meet him halfway. I immediately wrap my hands around him. I miss him so much. I miss him. I felt him stiffened."E-elie...""I miss you. We miss you very much..." I whispered and hugged him even more kahit pa hindi siya makagalaw dahil nakaposas siya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I miss you too, babe. Miss na miss na kita." Bulong niya. Narinig ko ang paghikbi niya dahilan para mapahikbi rin ako. Suminghot singhot ako nang bahagya siyang lumayo kaya bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. I cupped his face and looked at him painfully. A lot of emotion showed up in his face while our gaze are locked to each other. "Your plan always hurt me..." mahinang sambit ko habang nakatingin parin sa kanya. Nagbaba siya ng tin
ELIEZAHNAPAHAWAK ako sa balakang ko ng biglang sumakit ito. Marahan akong naglakad palapit sa couch at doon naupo. Hinimas ko ang tiyan ko na halata na. Nang magising ako ay sinabi ng doktor na kambal ang ipinagbubuntis ko. Sobrang saya ko nong mga oras na iyon pero naglaho ang saya ko ng hanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hindi ko siya makita. Kahit anong tanong ko sa mga taong nasa paligid ko ay wala silang sinasabi sa akin. Hindi nila ako sinasagot. Tikom lahat ang bibig nila na sobra kong ikina-inis. Kinakabahan ako kung ano na kaya ang nangyari sa kanya pero noong nagkaroon ako ng hint na maaaring nakulong siya ay hindi na ako nagtanong pa. Kung ayaw niyang ipa-alam sa akin ay hindi ko siya pipilitin. Alam kong pinoprotektahan niya ako at idagdag pa na hindi pa natuluyan ang matandang demonyo! Hayun at humihinga parin sa tulong ng makinarya. This must be crazy to think that he is the father of the father of my children but what he did to me is beyond forgivable. I don't know if
Zykiel"I DON'T CARE." sagot ko kay Steve. Nabuhay pa pala talaga siya. Tunay ngang matagal mamatay ang masamang damo. "But...the doctor still couldn't determine when will he wake up... it's seems like, without the machine, he'll be dead." dagdag ni Steve. Masama ko siyang tiningnan. "Why are you saying these to me?" Namulsa siya at yumuko pagkatapos ay tumanaw ulit sa kwarto ng kapatid. "Because he's still your father?" I smiled without humor. "Like what I've said, I don't care. If possible, pull that fucking machine out of him!" Hindi na nagsalita si Steve. Si Stephanie naman ay nagpa-alam na pupuntahan ang ama ni Elie sa ika-pitong palapag. "Anong nangyari kay General Gaell? At sa mga anak niya?" Tanong ko matapos pakalmahin ang sariling galit. "Their on jail. General Constantine personally put handcuffs to him. I've heard that their case were unbailable. Well, they deserve it, anyway." Tugon ni Steve at huminga ng malalim. Tapos na. Tapos na ang paghihirap ni Elie mula s
Zykiel"No! No! No!" Sigaw ko habang inaalalayan si Elie sa bisig ko na unti unting nanghihina. Sumuka siya ng dugo. No! Hindi! Hindi maaari! May nakapa akong basa sa likod niya at parang nawalan ng kulay ang mukha ko ng makita ang kulay pulang likido sa palad ko. Nanginig ang buong katawan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang biglang tumigil sa paggana ang utak ko. . Ang mahal ko! Galit akong tumingin sa ama ko na nagulat rin sa nangyari. Pati ang mga kapatid ni Elie ay hindi rin makagalaw dahil sa gulat Pare-pareho silang nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Ang bilis ng pangyayari! "Ha!!!!" Sigaw ko at kinalabit ang gatilyo ng baril ko at binaril siya ng ilang beses. Hinagis ko ang baril ko at binuhat si Elie. "Babe! Hold on! Please! Maawa ka sa anak natin! Please hindi ko kaya!" Paulit ulit kong sambit habang nagmamadaling tinatahak ang daan palabas ng bodega. Narinig ko ang tawag nina Steve at Stephanie pero hindi ko na sila pinansin. Paglabas ko ay siya ring
EliezahPAGAPANG akong sumunod sa matanda. Huminga ako ng malalim bago ako bumulusok pababa sa mismong harap niya. Dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko ay nagulat siya at hindi nakakilos agad kaya inatake ko agad siya. Mabilis naman niyang nasangga ang mga atake ko. Nagtagisan kami ng nalalaman hanggang sa nakarating kami sa mismong ground ng bodega. Sa bawat atake niya ay siya namang iwas ko at ganun rin siya sa atake ko. Gusto ko siyang bugbugin at pahirapan. Gustuhin ko man siyang patayin na agad ay parang napakadali naman niyon. Gusto ko iyong mahihirapan muna siya hanggang sa siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. "Hindi mo ako kaya, agent 00013! You're too weak for me!" Sabi niya at humalakhak. Pinatayan ko rin ang halakhak niya. "Talaga ba? Tingnan lang natin." Sa isang kilos ko ay nahagip ng suot kong stilettos na may maliit na kutsilyo sa dulo ang tiyan niya dahilan para magkaroon iyon ng malaking tabas at umagos ang sariwang dugo roon. Nginisihan ko s