EliezahNAGISING ako sa mumunting haplos sa buhok ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at una kong nakita ang nakangiti na labi ni Zykiel. "Good afternoon, sleepyhead!" I closed my eyes when he kissed my forehead. "Afternoon," paos kong sagot at naghikab. Pumikit ako ulit ng ilang sandali bago ko tuluyang iminulat ang mga mata. Inilinga ko ang mga mata ko at papalubog na rin ang araw. Wala na sina Kieran sa paligid pati si Kieffer. "Nasaan na sina Kieran?" Tanong ko at bumangon. "Nandoon sa harap. Sa may lawn," sagot niya at bumangon. Pinagpag ang sarili at nag-inat. Nangalay yata siya sa pagkakahiga namin. "Ganun ba, magbibihis lang ako. Ikaw din," sabi ko at tuluyan ng tumayo. Binitbit ko ang libro na hindi ko na naman natapos basahin dahil sa antok ko kanina. "Sige." Tumayo siya at sinabit sa balikat ang towel. Sabay kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Pumasok siya sa guest room kung saan siya natutulog. PAGKATAPOS kung maligo at magbihis ng pormal ay nag-ayo
EliezahHALOS mag-uumaga na nang matapos ang party. Tanging kami nalang tatlo ni Zykiel at ni agent 00050 ang natira na nasa katinuan pero medyo may tama na ng alak. Bagsak na ang mga kasamahan namin sa mga mesa nila. "Inaantok ka na?" Tanong ni Zykiel habang hinahaplos ang buhok ko. Nakahilig ako sa balikat niya kasi parang umiikot na ang paningin ko. Ilang shots narin naman ang nainom ko. "Oo. Medyo umiikot na nga ang paningin ko." Sagot ko at naghikab."Akyat na tayo? Alas cuatro narin naman ng madaling araw. Bahala na sila rito, " umikot ang paningin niya. "Sige." Binuhat niya ako at ikinawit ko naman ang mga kamay ko sa leeg niya. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinikit ang mga mata. Nang makarating sa kwarto ay nilapag niya ako sa kama at kinumutan. Half-open nalang ang nagagawa ng mga mata ko. "Magpahinga ka na. It's been a long and tiring day for you." Sambit niya at hinalikan ako sa noo. Bahagya lang akong tumango at nagpatangay na sa antok pero bago ako tulyang
EliezahDAHIL sa pagdating ni Papa ay nagising ang mga kasamahan namin na natutulog. Gulat pa sila ng makita ang Papa ko. Sa pagkaka-alam nila ay patay na ang mga magulang ko at ako nalang ang sa pamilya namin. "Ipaliwanag niyo po sa'kin kung papano nangyari ang..." Huminga ng malalim si Papa at saka nagsalita. " Nong araw na inambush ang sasakyan namin noong birthday ng Mama mo ay may nagligtas sa'kin. Noong dumating na tayo sa hospital ay may kumuha sa'kin na hindi ko alam. Hindi ko kilala ang kumuha sa'kin. Isang taon akong comatose sa hindi ko kilalang bahay. Ang tanging nakikita ko lang ay ang dalawang nurse na salitan sa pagbabantay sa'kin at isang Doctor na hindi ko makita ang mukha bukod sa mga mata niya. Wala akong maalala nang magising ako kahit ang sarili kong pangalan ay hindi ko maalala. Tumakas ako sa bahay na tinutuluyan ko at nagbakasakali na may maalala ako kahit papano pero mas lalo lang nagulo ang utak ko. Palaboy laboy ako hanggang sa may tumulong sa'kin na lalaki
EliezahNAPATINGIN ako sa pinto ng may kumatok roon. "Elie? Babe?" Tawag ni Zykiel habang kinakatok ang pintoan ko. Tumalim ang mga mata ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto ko. Kung tumagos lang yung masamang tingin ko sa pinto ay baka nakabulagta na siguro si Zykiel sa labas. "Babe, are you awake? Kakain na tayo. Dinner is ready na." Usal niya. Sarkastiko akong ngumiti. Ang kapal niya naman. Parang wala siyang ginawa sa'kin. Parang wala siyang kinitil na buhay. Parang hindi niya ako niloko. Kung hindi pa siguro nagpakita si Papa ay baka patuloy niya lang akong lolokohin. At binalak niya pa akong pakasalan. Foolish. "Lalabas na ako." Malamig kong tugon at bumaba sa kama. Tinungo ko ang vanity ko at nilagyan ng concealer ang ilalim ng mga mata ko para hindi masyadong halata. Gusto niya pala ng laro, pwes bibigyan ko siya ng tunay na laro. Kung inaakala niya na patay na patay ako sa kanya ay nagkakamali siya. Matapos kung lagyan ng concealer ang ilalim ng mga mata ko ay tinung
EliezahNAGISING ako sa isang puting silid. Iginala ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ito sa lalaking nakayuko sa gilid ng kama ko. "Steve," malat na boses kung tawag sa kanya. Nag-angat ng tingin si Steve. "May kailangan ka ba? Nauuhaw ka?" Umiling ako. "Anong nangyari?" "Nahimatay ka kanina dahil sa stress. Siguro hindi na kinaya ng katawan mo ang mga pangyayari kaya nag-collapse ang katawan mo. I'm sorry kung alam ko lang sana na... " Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng bumukas ang pinto at pumasok si Papa roon. Nang makita niya akong gising na ay mabilis siyang lumapit at hinalikan ako sa noo. "Mabuti naman at gising ka na, anak." Tumingin ako kay Steve at nakuha niya naman ang ibig kung sabihin. Ngumiti siya at tumango saka tumalikod at lumabas. "Anak, mau nararamdaman ka bang masakit? Or..." Pinigilan ko si Papa. "Okay lang ako Pa." Sagot ko at bumangon. Inalalayan niya akong bumangon. Humilig ako sa headboard ng kama at tumingin sa kanya. "Totoo ba Pa?" Tanong
EliezahISANG linggo na akong nakalabas sa hospital at isang linggo ko naring hindi nakikita si Zykiel. Pagkauwi ko galing ng hospital ay kinabukasan ay umalis agad si Zykiel dahil ipinagtulakan ko na siyang umalis agad pero humiling siya that before he leave, he want to feel me again and I agreed. He took me many times till I drop out beacuse of tiredness. When I woke the next day, he already left leaving a single note with his handwritten on it. My dearest babe, I leave early because I don't want to see you see me leaving. I can't afford to see you while I'm walking away from you. I love you so much babe. Mahal na mahal kita. Uuwi ako sa amin like you wanted me to. I will clear all the things and I will try to fix the sin I've done to you. When I'm done, I will be back and we will get married. I love you babe, I hope you will finish your matters early. I already miss you, babe. Till we see again, babe. I love you.Love, ZykielIbinalik ko ang papel na huling alaala kay Zykiel.
EliezahNAGISING ako sa sobrang sama ng tiyan ko. Parang hinahalungkat na ewan. Nasusuka ako pero puro laway lang naman ang sinusuka ko. Pinunasan ko ang malamig na pawis sa noo ko. Nagmumog ako saka nagpahid ng labi. Lumabas ako sa banyo saka tiningnan ang oras. Alas singko y media na pala. Nag-ayos nalang ako ng sarili at bumaba. Nasa punong hagdan na ako ng marinig ko ang mahinang kanta ni Papa na nagmula sa kusina. Napangiti ako. Medyo matagal na nooong huli kong marinig na kumanta si Papa. Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Papa na nakasuot ng apron habang nakaharap sa kalan. "Good morning Papa!" Masiglang bati ko. Humarap si Papa habang may hawak na sandok. "Good morning din naman! May pasok ka ngayon sa HQ?" Tanong niya. "Opo. Sabi ni General kagabi ay ngayon darating si Tito Gaell at lahat ng special ops ay nakahanda na para sa pag-aresto sa kanya. Gusto ko na talagang makulong siya para makuha na natin ang hustisya para kay Mama." Kumuyom ang kamay ko. "Ako rin nam
EliezahTUMAKBO ako deretso sa comfort room ng restaurant not minding the stares of the customers inside. I cried hard inside the cubicle I occupied. Umiyak ako hanggang sa nakontento ako. Pinahid ko ang luha ko saka ako lumabas sa cubicle. Mabuti nalang at walang taong pumasok dahil baka magtaka sila. Naghilamos ako tapos ay lumabas na ako sa comfort room. Umupo ako sa medyo walang tao at tinawag ang waiter. Nag-order ako ng light meal. Nawala ang gana kong kumain pero kailangan kong kumain. Tumunog ang phone ko. Hinugot ko ito sa mula sa bulsa at tiningnan ang caller. Si Raziell. "Hello?" Sagot ko. "Elie, where are you?" Sagot niya sa kabilang linya. "Nandito ako sa V's restaurant. Lunch. Why?" Takang tanong ko. "Alright. Give me five minutes." Sabi niya saka namatay ang linya. Nagtataka kong binaba ang phone ko. Dumating ang order ko kaya nagsimula na akong kumain habang hinihintay si Raziell. Mayamaya pa ay natanaw ko siyang pumasok sa bukana ng restaurant. Tinaas ko ang ka