Share

Chapter 27

Eliezah

ILANG araw ang nagdaan magmula ng mamatay ang lalaking impostor ay naglabas na ng resulta ang mga taga Forensic affairs. At base sa resulta sa isinagawang pagsusuri ay lason ang ikinamatay nito. May nakuha sila mula sa katawan ng bangkay na parang isang karayom na isang pulgada lang taas at sadyang napakaliit nito na maihahalintulad sa buhok. Kung hindi susuriing mabuti ay hindi makikita ang naturang bagay na sadyang nakakapagtaka.

Bakit siya may ganon? At sino ang gumawa no'n sa kanya?

Ayon sa Forensic ay inilubog sa lason ang naturang bagay at maaring ibinaril iyon ng suspek sa biktima.

At ang spekulasyon na iyon ang labis na nakakapagtaka dahil sino ang maaring gumawa ng bagay na iyon gayong mahigpit ang security sa building ng NBI. Paano nakalusot ang suspek sa mga security na nagbabantay?

Isa kaya sa tauhan ni Fergie Morgan ang pumatay sa biktima? O isa sa kasamahan namin sa ahensya? Pero bakit naman gagawin ng kasamahan namin ang krimen na iyon? Anong makukuha niya?
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status