공유

Chapter 4

작가: Kara Nobela
last update 최신 업데이트: 2024-11-02 23:07:15

Ella POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kaming muli ni Miguel. Wala na akong narinig pang update tungkol sa kasal nito. Alam kong sinasadya ni Macy na wag nang banggitin ang tungkol dito na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na rin yun, tanggap ko nang wala talagang pag-asa sa pagitan namin ni Miguel kahit pa mahal na mahal ko pa rin siya.

Pilit kong ibinalik sa normal ang aking routine at kinalimutan ang naging pagtatagpo namin. Inabala ko rin ang aking sarili sa mga bagong proyektong ibinigay sa akin ni Macy.

“Hulaan mo kung kanino galing to?” masayang sabi ni Dino.

Si Dino ay isa sa PR team namin at isang binabae. Bukod sa katrabaho ay naging malapit na kaibigan na rin namin siya ni Macy. Bukod kay Dino ay may walo pa kaming mga katrabaho na narito sa opisina bukod pa sa mga florists at logistic team na mas madalas ay sa venue namin nakikita. Minana ni pa Macy ang kumpanya mula sa kanyang ina na itinayo nitong mag-isa.

Kagagaling lang ni Dino sa labas at siya ang tumanggap ng bulaklak mula sa nagdeliver. Malawak ang ngiting nakapaskil sa mukha nito habang hawak ang bouquet ng bulaklak. Parang ito pa yung kinikilig gayung hindi naman para dito ang bulaklak. Napangiti at napailing na lang ako sa pakembot kembot nitong paglakad habang papalapit sa akin.

“Ayan na ang bulaklak mo. Ikaw na talaga ang may hawak ng korona.” ani Dino at ipinatong ang bulaklak sa lamesa ko.

“Ang sweet talaga ni Dok Enzo. Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin. Sige ka kapag ako nainip, aakitin at aagawin ko siya sayo.” pabiro pang sabi nito. Kumuha ito ng ilang bulaklak at saka tumalikod.

“Magkaibigan lang kami.” tugon ko.

Tumayo ako at dinampot ang bulaklak upang ilagay yun sa flower vase. Normal na eksena na lang ito sa opisina, ang paminsan minsan na nakakatanggap ako ng mga bulaklak mula kay Enzo. Ilang taon na rin siyang nagpapalipad hangin sa akin. This year ay tila mas nagiging obvious siya, pero kahit minsan ay hindi ko siya pinaasa. Alam niya na hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Kaya eto, hindi man siya lantarang nanliligaw, panay naman ang paramdam nito kagaya ng pagpapadala ng bulaklak.

Nakilala ko si Enzo noong panahon na halos mawalan na akong nang pag-asa, dahil yun ay ang pinakamadilim na parte ng buhay ko. Si Enzo ang aking Surgical Oncologist three years ago nang sumailalim ako sa Laparoscopic Ovarian Cystectomy nang madiagnose na may pelvic mass ako or sa madaling salita ay tumor sa pelvic area.

“From Enzo?” tanong ni Macy nang mapadaan siya sa pwesto ko at nakitang inaayos ko ang mga bulaklak. Tinanguan ko siya at itinuloy lang ang aking ginagawa.

“Bakit hindi mo na lang siya bigyan ng chance? Ideal boyfriend naman si Dok Enzo.” muling tanong ni Macy. Umiling iling lang ako sa sinabi nito.

“Mabait siya pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at alam niya yun.” maikling tugon ko.

Lumapit si Macy sa akin at tinulungan ako. Tuwing nagpapadala si Enzo ng mga bulaklak ay isinasalin namin yun sa mga flower vase at dinadala kung saan saan sa dito office.

“Maswerte ka kay Enzo.” ani Macy. Masaya ang pagkakatingin sa mga bulaklak habang sinasalansan ang mga yun.

Kagaya ni Dino ay vocal si Macy na crush din nito ang doktor. Gwapo naman talaga si Enzo at hindi na ako magtataka na maraming nagkakagusto dito. Kahit yung ibang katrabaho kong babae dito sa office ay kinikilig sa tuwing dumadalaw ang binatang doktor. Hindi ko lang talaga type si Enzo. Isa pa, mula noon hanggang ngayon ay walang ibang laman ang puso ko kundi si Miguel at alam kong hinding hindi na siya mapapalitan ng kahit sinong lalaki sa puso ko.

Nang maalala ko ang pangalan niya ay muli na naman akong nakaramdam nang kirot kaya mabilis ko itong isinantabi sa aking isip. Hindi makakatulong kung palagi ko na lang siyang maalala .

“Mukhang hindi ka yata busy ah.” pansin ko kay Macy.

Kahit boss ko siya ay nakasanayan na naming mag-usap ng kaswal kahit nasa trabaho pa kami. Dun kami mas komportable at maganda naman ang resulta nun sa trabaho namin.

“Hindi masyado.” simpleng sagot nito habang sinisipat sipat kung maganda ang pagkaka-arrange nya ng mga bulaklak sa tatlong flower vase.

“Akala ko ba may big project ka?” tanong ko sa kanya.

Alam kong malaking project ang kasal nina Miguel. Malaking personlidad si Miguel dahil CEO ito ng pinakamalaking pharmaceautical company sa bansa. Big opportunity ito para sa company ni Macy. Hindi lang sa promotion kundi pati na rin sa kikitain. Ayaw ko mang banggitin ang tungkol dito dahil alam kong ayaw din ni Macy na pag-usapan pa ngunit nagtataka lang ako na parang relax lang ito ngayon. Kilalang kilala ko si Macy, kapag may malaking project ay aligaga na dapat ito ngayon.

Tumingin ako sa kanya nang hindi ito sumagot. Nagsalubong ang tingin namin ngunit nag-iwas ito nang tingin.

“Inirerelax ko lang ang isip ko bago sumalang sa malaking proyekto.” anito at ngumiti sa akin at dinampot ang isang flower vase na may mga bulaklak.

“Ikaw ba talaga yan bestie? Ang workaholic kong kaibigan, marunong na ring magrelax?” pabiro kong tanong na naninibago sa ikinikilos niya.

“Ngayon lang ‘to.” natatawang sagot ni Macy at tumalikod na, dala ang flower vase at saka nagtungo sa kanyang opisina.

Hinabol ko siya nang tingin. Alam kong stress ito dahil sa pagkakahospital ng kaniyang ina kahit pa sinasabi nito na okay lang siya. Kaya naman, naisip kong ipagtimpla siya ng kape. Kape ang stress reliever ni Macy. Pareho kami ng gustong timpla ng kape kaya gumawa ako para sa aming dalawa. Nang matapos ako ay ipinatong ko muna sa table ko ang para sa akin at saka nagtuloy ako sa paglalakad upang dalhin ang kape na para sa aking kaibigan.

Medyo nakaawang ang pintuan ng opisina ni Macy nang makalapit ako. Magkausap sina Macy at Dino. Dinig na dinig ko ang kanilang mga boses dito sa labas. Papasok na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni Dino.

“Sayang naman yung project with Mr. Dela Vega. Ang laki pa naman sana ng potential budget na iaalok nila.” ramdam ko ang panghihinayang sa boses nito.

“I know, but I have my personal reasons at hindi ako nanghihinayang kahit malaki pa ang i-offer nila.”

“Pero kung matutuloy ito, baka mareach na agad natin ang target profit this year.” dugtong pa ni dino na tila kinukumbinsi talaga si Macy.

Nang sumilip ako ay nakita ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Macy.

“There are more important things than business, Dino. Like I said It's very personal.” tugon ni Macy.

Saka ako pumasok ng opisina at sabay silang napatingin sa akin.

“Okay Macy, pero sana pag-isipan mong mabuti. Sige na babalik na ako sa pwesto ko. ” ani Dino at saka tumayo.

Tumingin siya sa hawak kong kape nang mapatapat sa akin. Lumabi pa ito sa akin.

“Ako kaya kelan mo ipagtitimpla ng kape.” biro ni Dino. Natawa na lang ako.

“Kapag gusto mo na ang lasa ng kape.” pabirong sagot ko.

Alam kong nagbibiro lang ito dahil hindi naman talaga siya umiinom ng kape. Naglakad itong muli at tuluyan nang lumabas ng silid. Binalingan ko ng tingin si Macy. Nagsalubong ang tingin namin. Nabalisa ito at naglumikot ang mga mata. Ipinatong ko sa table niya ang tasa ng kape na para sa kanya.

“Dahil ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at humigop lang ng kape.

“Hindi mo ba tinanggap ang project with Miguel dahil sa akin?” muli kong tanong sa kanya sa mas seryosong boses.

Tumingin siya sa akin at saka huminga nang malalim. Halatang sukol na ito at hindi na magagawa pang tumanggi.

“Tama lang ang desisyon ko na hindi tanggapin ang wedding plan nila.” pag-amin nito.

“Sana tinanggap mo na lang, sayang naman yung profit. Hindi naman ako magpapa-apekto dahil hindi ako sasali sa project na yun.” wika ko.

“Hindi ko kayang tanggapin ang demand nya.” ani Macy. Tiningnan ko siya at saka ako nagsalita.

“Ganun naman talaga ang mga client’s natin may mga request kahit na hindi natin gusto pero nagagawan naman natin ng paraan ang—”

Pinutol ni Macy ang aking sasabihin nang magsalita ito.

“Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Naiintindihan mo naman siguro ang ibig sabihin nun. Ikaw ang sasama sa lahat ng activities nila for wedding preparation, at kung hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari, hindi niya itutuloy ang project.”

댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Marla Poral
May bago kaming aabangan na kwento mo Ms.A! Happy New Year
goodnovel comment avatar
Mrs.Kim❤
Thanks Author .Mukhang patibayan ng puso ito pahinga muna sa tawanan iyakan naman.Pero I trust you Author I believe na maganda ang kwento na ito. Happy New Year!
goodnovel comment avatar
Nhaya15
......... Ang sakitttt nito!
댓글 모두 보기

관련 챕터

  • Planning His Wedding   Chapter 5

    Ella POV“What?” gulat na sambit ko.“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperada na tanggapin ang demand niya.” paliwanag ni Macy.Parang ang hirap iprocess sa utak ko ang sinabi niyang gustong mangyari ni Miguel. “Bakit ako? It doesn't make sense at all.” naguguluhan kong tanong. Tanong hindi para kay Macy kundi para sa sarili ko.“I know. Sabi niya, he prefers to work with someone he knows, but i doubt it.” ani Macy. Napaupo na lang ako na pilit iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. “Paano kung may galit pala siya sayo at gusto ka nyang gantihan? Eh di ako pa itong naglagay sayo sa kapahamakan.” mapaklang napatawa si Macy sabay inom ng kape na tinimpla ko.Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit magprinsinta akong ituloy ang project ay hindi pa rin

    최신 업데이트 : 2025-01-01
  • Planning His Wedding   Chapter 6

    Ella POV Be my field assistant?!?! Tama ba ang narinig ko? Buong pagtataka akong napatingin kay Miguel. Nagbibiro ba siya? Kilala ko ang tingin na yun. Kilalang kilala ko siya at alam kong seryoso talaga siya sa sinasabi nya. Nilingon ko muna Jerald na tahimik lang na nakayuko. Halatang kinakabahan pa rin sa pwedeng mangyari sa kanya. “Jerald, dito ka lang. Mag-uusap lang kami.” wika ko dito at saka muling hinarap si Miguel. “Mr. dela Vega, pwede bang sa labas tayo mag-usap?” tanong ko dito. Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at walang sabi sabing naglakad palabas ng presinto. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at nang nasa labas na kami ay agad akong nagsalita “Bakit kailangang ako pa? Si Macy na nga ang may hawak sa wedding plans nyo. Siya mismo ang Senior wedding coordinator at pinakamahusay sa kumpanya namin. We are offering you the best person to take care of your dream wedding.” bungad ko. “Ms. Chavez, I'm the client here so I can make demands without needing

    최신 업데이트 : 2025-01-01
  • Planning His Wedding   Patalastas Muna....

    San ba kumukuha ng inspirasyon ang mga writers para sa mga kwentong isinusulat? In my case, mostly ay galing sa mga totoong pangyayari. Yung mga linyahan na binibitawan ng mga characters lalo na sa comedy ay ganun din kung paano ako magsalita sa totoong buhay kaya natural na lumalabas kapag isinulat na. Itong story naman ni Ella ay inspired mula sa totoong pangyayari na naganap ilang taon na ang nakaraan. Kaya naman kung mapapansin ninyo, may mga pangyayari or eksena na medyo outdated lalo na pagdating sa usaping teknolohiya. Maraming salamat po at ituloy na natin ang pagbabasa….

    최신 업데이트 : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Chapter 7

    Ella POV 4 years ago…. Silang, Cavite“Wala pang isang bote yang naiinom mo pero namumula ka na agad.” puna ni Macy sa akin.First time ko kasi mag-inom. Napasubo lang ako dahil nagkasiyahan ang mga kasamahan ko sa boarding house. Lima kaming nangungupahan at kaming dalawa lang ng bestfriend kong si Macy ang college students sa grupo. Samantalang nagtatrabaho na ang tatlo pa naming kasama dito sa unit.Dito rin kami unang nagkakilala ni Macy, mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero mas ahead siya ng isang taon sa college. First meeting pa lang naming dalawa ay magkasundo na agad kami hanggang sa maging super close at ngayon nga ay bestfriend na ang turingan namin. Galing ako sa ordinaryong pamilya, parehong OFW ang aking mga magulang. Samantalang si Macy ay medyo mas nakakaangat sa buhay dahil may sariling negosyo ang ina nito na isang single mom. 19 years old ako at ngayon pa lang ang unang beses kong uminom. Wala naman kaming balak na magpakalasing ngayong gabi. After ng

    최신 업데이트 : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Chapter 8

    Ella POVPagkarating ko galing sa mall ay dumiretso ako ng uwi sa unit namin na nasa 2nd floor. 4 storey building ang apartment na tinutuluyan ko. Nasa middle ang parking lot kaya tanaw ang ibang unit na nasa kabilang side ng building. Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa unit 208 ang gwapong lalaking nakita ko kanina. Nasa sa tapat at medyo right side ng unit namin. May kausap na naman ito sa telepono. Napaurong ako at nagtago sa likod ng malaking poste. Dahan dahan akong sumilip sa pwesto niya. Napakabusy nito sa kausap kaya hindi niya namamalayan na pinagmamasdan ko siya.Ang gwapo niya talaga! At dito siya nakatira? Maya maya pa ay pumasok na ito sa unit niya at saka pa lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Sinaway ko ang aking sarili. Ano ba naman kasi ang ginagawa ko? Para tuloy akong stalker nito, kaya pumasok na lang ako sa aking unit.Naligo muna ako dahil nanlalagkit ang aking katawan. Ilang oras ba naman akong naglakad ng naglakad sa mall pero kahit isa ay wala naman a

    최신 업데이트 : 2025-01-02
  • Planning His Wedding   Chapter 9

    Ella POVKahit nakauwi na ako mula sa school ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay pogi. Pagkarating ko sa parking lot ay tanaw ko na agad ang kanyang magarang sasakyan. “Naka-uwi na rin siguro siya” bulong ko sa aking sarili.Nang papalapit na ako sa pintuan ng unit namin ay sinulyapan ko ang unit 208. Natanaw ko si pogi, kausap nito ang isang lalaki na nakatira sa katabing unit. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti, bakit kaya tinitipid niya yun? Hindi muna ako pumasok sa loob. Tumambay muna ako dito sa labas, may bench naman dito. Masarap tumambay dito dahil mahangin at presko. Mula sa aking kinauupuan ay natatanaw ko siya sa pwesto nito. Hindi naman siguro niya ako mapapansin dito at kahit pa makita niya, hindi ako nag-aalala dahil hindi naman niya alam na ako ang nagtetext sa kanya. Gusto ko lang makita kung anong magiging reaksyon niya sa text message ko.TO POGI:Hi, bakit hindi ka na n

    최신 업데이트 : 2025-01-03
  • Planning His Wedding   Chapter 10

    Ella POVNagluto ako ng pancit canton at itlog para sa almusal. Tig-isa kami ni Macy. Nakagawian na kasi naming dalawa na kapag nagluto ang isa sa amin ay dodoblehin para share kaming dalawa, para tipid na rin sa gas.Kumakain na ako nang lumabas si Macy. Ready na rin siya para pumasok sa school. Nasa kusina na rin ang iba pa naming mga housemates. Tapos na silang kumain at nagkakape na lang.“Kain na.” alok ko kay Macy. Kahit naman diko sabihin ay kusa na nito yung gagawin. “Kumusta na ang textmate mo?” tanong ni Macy. “Diba sabi ko, talo na nga ako.”“Hindi na siya nagrereply?” pag-uusisa ni Gina.“Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.” tugon ko.“Oy Ella, 1 month ang usapan. So, hindi pa tapos.” singit ni Belle na nakabungisngis.“Oo nga, daya mo ha.”dugtong pa ni Marian. “Ah, basta ayoko na. Sigurado namang talo na ako.”“Okay, pero sasabihin namin sa kanya kung sino ka.” nakabungisngis na sabi ni Gina.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.“Hoy Gina, wag na wag mo yang g

    최신 업데이트 : 2025-01-03
  • Planning His Wedding   Chapter 11

    Ella POV “OMG!!!” Muntik ko nang mabitawan ang tasa ng kapeng hawak ko nang marinig ko ang malakas na tilian ng mga housemates ko. Nakatayo ako malapit sa may lababo at nagtitimpla ng kape habang kumakain naman ang mga kasamahan ko. Paglingon ko sa kanila ay kita kong hawak ng mga ito ang aking cellphone at pinagpapasa-pasahan na. Nanlaki ang aking mata dahil sa ginagawa ng mga ito. Bago kasi ako magtimpla ng kape ay tinitingnan ko ang picture ng abs ni MR. SUNGIT. Nakalimutan ko pa yatang i-off ang screen. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila upang kunin ang aking cellphone. Nabawi ko man ay huli na, dahil nakita na nila ang picture. “Busog na ko.” tumatawang sabi ni Gina. “Ella, kaya naman pala kuntento ka na sa kape. Nakapagpandesal ka na pala.” biro naman ni Macy na nakatingin sa kapeng hawak ko. Naupo ako sa tabi nila matapos kong makuha ang aking cellphone. “Grabe, hindi lang pala siya gwapo, ang yummy pa.” usal ni Belle na kinikilig. “Anong ini-reply mo?” tanong ni M

    최신 업데이트 : 2025-01-04

최신 챕터

  • Planning His Wedding   Chapter 26

    Ella POV“What? Ella, that's good news!” masayang sambit ni Enzo sa ibinalita ko. Matagal din nung huli kaming magkita ni Enzo kaya ngayon ko lang nasabi sa kanya namng personal ang magandang balita na sinabi ng doktor kong si Mike. Ayoko namang sa text or call ko sabihin sa kanya ang tungkol dito. “So, hindi mo na talaga kailangang uminom ng medication or anything?” paniniguro pa nito. Nakangiti akong tumango at sinagot siya.“Sinabi saken ni Mike na lahat ng indicators ko, yung sleep patterns, PHQ-9 at energy level, lahat nasa normal range na for over six months now so hindi na talaga kailangan ng medication. I’ve fully sustained clinical remission.”“Wow, that’s huge! So wala na talagang relapse yan or kahit ano pang lingering symptoms?” paniniguro ni Enzo. Masaya akong tumango.“Sabi pa ni Mike, malaking factor daw yung consistent na theraphy ko. Malakas na rin yung emotional resilience ko ngayon, enough to handle stress or challenges on my own, pero itutuloy ko pa rin yung re

  • Planning His Wedding   Chapter 25

    Ella POV“Si Miguel ba naghatid sayo?” bungad ni Macy nang makita ako. Abala ito sa pag-aayos ng mga bulaklak sa mga vase. “Dumaan ba si Enzo dito?” tanong ko sa halip na sagutin siya. Marami na naman kasing bulaklak ngayon dito sa office.“Oo, siya pa mismo ang nagdala ng mga yan. Kung kelan ka wala saka naman siya dumalaw rito.” tugon ni Macy.Napapailing na lang ako. Hindi talaga nagsasawa si Enzo sa pagpaparamdam. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil umaasa lang siya sa wala. Sayang lang talaga dahil bukod sa kaibigan lang ang tingin ko sa kanya ay hindi ko pa kayang pumasok ulit sa isang relasyon.“Si Miguel yun noh?” ani Macy na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot. Kilalang kilala na namin ang isat isa. Sa pag-iling ko pa lang ay alam na niya ang sagot ko.“Sinasabi ko na nga ba eh! Baka sa isang araw malaman ko buntis ka na ha.” Bagsak ang aking panga dahil sa sinabi niya. “Anong pinagsasasabi mo dyan!” napapangiwi kong tugon. Tinawanan lang ako ni

  • Planning His Wedding   Chapter 24

    Ella POVNapabuga na lang ako ng malakas nang makabalik na akong muli sa wisyo. “Ella, ano ka ba! Wag ka ngang mag-isip ng kung anu ano. Inabot lang niya yung lababo. Wag ka masyadong affected!” panenermon ko sa aking sarili. Nang matapos ako sa kusina at nagtungo na ako sa salas para tingnan kung anong ginagawa ni Jerald. Kahit wala siyang pasok dapat ay nagrereview ito kahit paano. Umaasa rin ako na nakaalis na si Miguel. Wala naman siyang dahilan para magstay pa dito sa bahay, ngunit mali ako dahil nasa salas pa rin si Miguel at magkausap sila ni Jerald. Hawak nito ang folder ni Jerald at binabasa yun. Napansin naman ni Jerald ang aking presensya at ngumiti ito sa akin nang makita ako.“Tita, si kuya Miguel pala dapat ang tinatanong sa project ko. Andami niyang alam tungkol sa drugs.”Nais ko matawa sa term na ginamit niya sa halip na gamot or medicine ang sabihin. Waring hindi nagustuhan ni Miguel nang makita ang mahinang pagtawa ko at matiim ang tingin na ipinukol niya sa aki

  • Planning His Wedding   Chapter 23

    Ella POVHindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. 3pm na nang dalawin ako ng antok. Dahil dun ay nagmessage ako kay Macy at sinabi ang nangyari para wag na itong magtaka kung male-late ako ngayon umaga. Tutal ay natapos ko naman kahapon lahat ng documents na tinatrabaho ko at naisend ko na sa email ni Macy kaya okay lang kahit medyo late na akong pumasok.Medyo tanghali na ng magising ako. Wala naman akong problema kay Jerald dahil independent naman ito at alam nitong asikasuhin ang sarili. Siguradong nasa school na ito ngayon.At si Miguel— napabuntonghininga ako nang maalala siya. Siguradong umuwi na ito, dahil alas dyes na ng umaga at siguradong nabasa nito ang note na iniwan ko sa ibabaw ng kanyang bag. Ang bigat ng ulo ko pagbangon ng kama. Napasabunot tuloy ako ng buhok. Lumabas ako ng aking silid para magtungo sa banyo habang kinukusot at nililinis ko ang aking mata. Napadaan pa ako sa silid ni kuya June, bukas ang pinto at malinis na ang kama. Mukhang nakaalis na

  • Planning His Wedding   Chapter 22

    Ella POV Pasado alas onse na ng gabi pero gising na gising pa rin ako. Samantalang kanina pa himbing sa pagtulog si Jerald. Dalawa lang kami ngayon dito sa bahay, si kuya ay out of town pa rin. Hindi ko ugaling dinadala sa bahay ang trabaho. Hanggat maari ay pahinga lang ang gagawin ko kapag nasa bahay na ako. Pero dahil panaka naka ay naalala ko ang nangyari kanina sa bridal boutique, mas pinili kong abalahin ang aking utak sa pagrereview ng mga detalye tungkol sa iba pang projects na nakasave sa documents ko. Naabala ako ng magring ang aking cellphone. Hindi ko na pinagkaabalahan tingnan kung sino ang tumatawag dahil nasa laptop ang atensyon ko. Sinagot ko agad ito, hindi naman siguro ito tatawag ng ganitong oras kung hindi importante. “Good evening po, eto po ba si Ella?” boses ng lalaki sa kabilang linya. Halos hindi ko siya maintidihan dahil parang maingay kung nasaan man ang tumatawag. Hindi pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya kaya inalis ko ang tingin sa laptop

  • Planning His Wedding   Chapter 21

    Ella POVNagulat man ako sa sinabi ni Miguel ay nakuha ko pa rin ngumiti at panatilihin ang pagiging professional.“Mr. dela Vega, ang trabaho ko ay para masigurong magiging maayos ang lahat para sa kasal niyo. My suggestion is entirely based on the theme of your dream wedding.” kalmado man ang aking pagkakasabi, nilagyan ko pa rin ito ng diin.Agad na sumingit si Sofia. Tila nararamdaman niya na may nagsisimulang tensyon sa pagitan namin ni Miguel. “Migs, nanghihingi lang ako ng idea sa kanya. Alam mo namang wala akong alam sa mga ganito.” anito na tila siguradong mapapakalma niya ang lalaki.Lumamlam ang mukha ni Miguel nang tingnan nito sa mukha si Sofia.“Hindi mo dapat pinoproblema yan. Anything you wear will always suit you.” ani Miguel. Kiming pagngiti ang itinugon ni Sofia. Sabay sabay kaming napalingon nang marinig naming nagsalita si Ms. Martina. “Baka gusto nyong tingnan ang iba pang options para sa wedding gown ni Ms. Sofia. May mga sketches ako na baka magustuhan ni

  • Planning His Wedding   Chapter 20

    Ella POV Ngayong araw nakaschedule ang pagpunta sa Amour Couture ang designer brand na gagawa ng susuotin sa kasal nina Miguel at Sofia. Nagkataong nagkaroon ng problema sa pagpapabook ng venue ng mga ito. Sa aming lahat dito ay ako pinaka eksperto pagdating sa mga ganitong booking kaya naman napadesisyunan naming ako na lang ang pupunta sa mismong office ng mga ito para mas mabilis na maayos ang problema. Samantalang si Macy na lang muna ang siyang mag-aasist kina Miguel at Sofia para maipakilala na sa kanila ang designer sa unang pagkakataon. “Ako na ang mag-aayos ng booking para sa venue.” ani Macy. Nakatayo ito ngayon sa tapat ng aking table habang isinasalansan ko ang aking mga gamit dahil paalis na ako. Taka akong napatingin sa kanya. “Yung ex mo, ayaw pumayag kung hindi ikaw ang kasama nila sa Amour Couture.” anito. Para namang nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. “Hindi mo ba ipinaliwanag na nagkaproblema sa venue nila?” tanong ko. “Sinabi ko na pero ang sagot la

  • Planning His Wedding   Chapter 19

    Ella POV“Ano? Nagpahalik ka?!?!” hindi makapaniwalang tanong ni Macy matapos kong ikuwento sa kanya ang buong pangyayari.“Hindi naman ako gumanti. Hindi ko lang siya pinigilan.” pangangatwiran ko.“Pumikit ka ba?” tanong nito na titig na titig sa akin.Napatingin ako kay Macy nang marinig ang tanong niya. Napakagat ako ng labi at saka marahang tumango. Kita ko ang pagbuka ng bibig nito na tila hindi makapaniwala. Napahilot pa ito ng sintido.“You’re doomed!” anito at exaggerated na pumaling ang mukha.“Kung paghihiganti ang purpose niya, naka first base na siya.” sabay tungga nito ng juice na akala mo ay alak ang iniinom.“Hindi na mauulit yun, nabigla lang ako. Diko kasi inexpect na gagawin niya yun.”“Pano kung ulitin niya? Hindi mo pa rin ba ine-expect kaya magpapahalik ka ulit?”Napabuntong hininga ako.“4 years ko siyang hindi nakita, syempre namiss ko siya–”“Hay naku, naalala ko na naman kung paano kayo maglampungan sa harapan namin noon. Grabe para kayong lalanggamin, nahiya

  • Planning His Wedding   Chapter 18

    Ella POV Napatayo ako nang marinig ang malalim na boses ni Miguel. Shoot talaga, nakatulog ako! Dahil sa pagkagulat ay nagising yata maging ang kaliit liitang kalamnan ko. Inabot na ko ng gabi dito. Ibig sabihin, napakatagal kong nakatulog sa sofa. Kanina pa ba siya dito? Bakit hinayaan lang niya ako? “Bakit dimo ako ginising?” wala sa sariling nasabi ko. Kita ko ang sarkastikong pagtawa ni Miguel at umiling iling pa habang nasa laptop na ulit ang paningin. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili at sinalikop ang aking mga gamit. Gabi na, kailangan ko nang umuwi. “Pasensya na Mr. dela vega, sige po aalis na ako.” tuliro kong sabi at aktong aalis na. “I thought you were here to have me sign the contract?” anito na ikinatigil ko. Haisst! Oo nga pala. Parang gusto kong tampalin ang sarili ko dahil parang lutang pa rin ako. Ang haba ba naman kasi ng tulog ko. Hoy Ella, gising!! Muli kong ibinaba ang mga gamit ko at tanging ang documents na kailangan lang ni Miguel ang

DMCA.com Protection Status