Ella POV “What? Ella, that's good news!” masayang sambit ni Enzo sa ibinalita ko. Matagal din nung huli kaming magkita ni Enzo kaya ngayon ko lang nasabi sa kanya namng personal ang magandang balita na sinabi ng doktor kong si Mike. Ayoko namang sa text or call ko sabihin sa kanya ang tungkol dito. “So, hindi mo na talaga kailangang uminom ng medication or anything?” paniniguro pa nito. Nakangiti akong tumango at sinagot siya. “Sinabi saken ni Mike na lahat ng indicators ko, yung sleep patterns, PHQ-9 at energy level, lahat nasa normal range na for over six months now so hindi na talaga kailangan ng medication. I’ve fully sustained clinical remission.” “Wow, that’s huge! So wala na talagang relapse yan or kahit ano pang lingering symptoms?” paniniguro ni Enzo. Masaya akong tumango. “Sabi pa ni Mike, malaking factor daw yung consistent na theraphy ko. Malakas na rin yung emotional resilience ko ngayon, enough to handle stress or challenges on my own, pero itutuloy ko pa rin yung
Ella POVNagtataka ako kung ano ang ginagawa ni Miguel dito. May nakalimutan ba siya? Gusto ko sana siyang balewalain pero hindi naman pwede yun dahil ang laking tao niya at nakaharang pa sa mismong pintuan namin.“May nakalimutan ka ba Mr. dela Vega?” kaswal na tanong ko sa kanya.Hindi siya sumagot sa halip ay matiim lang itong nakatingin sa akin. Wala akong balak basahin ang utak niya at makipag titigan sa kanya. Kaya kung mananahimik lang siya at walang balak sumagot bahala siya sa buhay nya.Naiinis pa rin ako dahil sa pamamahiya niya sa akin kanina. Matapos niya akong papuntahin sa bar para sunduin siya, sasabihin niyang wala lang yun. Asumera na kung asumera. Ano bang dapat kong isipin sa ginawa niya? Eh di wag siyang magparamdam kung ayaw niyang pinag-iispan ko siya. “Tabi.” hawi ko sa kanya. Sa halip na tumabi ay hinawakan nito ang braso ko.“Siya ba?” anito.Biglang bumukas ang pintuan at niluwal nun si Jerald.“Tita, andyan ka na pala.” maluwang ang ngiting isinalubong
Ella POV Napalingon ako sa direksyon niya. Hindi ko napansing sumunod na pala ito sa akin. Nandun siya.., ilang dipa ang layo sa akin, seryoso ang kanyang mukha at diretso ang mga mata sa akin. “Yung kasama mo, siya ba ang dahilan?” ulit nito. Sinong kasama? Si Enzo lang naman ang kasama ko kanina. Nakikialam na nga siya sa pamangkin ko, pati ba naman si Enzo pakikialaman niya? “Ano bang pakialam mo?” mataray kong sagot. Bahagya akong nakaramdam ng takot nang makita ang biglang pagdilim ng kanyang mukha habang marahan itong humahakbang papalapit sa akin. Napalunok ako at hindi ko mapigilan ang mapaatras habang patuloy ang paglapit ni Miguel sa akin. Sa pag-atras ko ay tumama ang aking likod sa counter at napahawak ang aking kamay sa gilid ng lababo. Nang wala na akong maatrasan pa ay nasukol na niya ako. Nasa sulok na ako at wala na akong maaatrasan pa hanggang sa makalapit na nga siya sa akin. Sobrang lapit na halos magdikit na ang aming mga katawan. Sinapo ng isang kam
Ella POV Kagaya ng inaasahan ay mas nauna akong dumating sa location ng The Gourmet Table Catering para sa food tasting nina Miguel at Sofia. Mahigit isang oras pa para sa schedule nila ay naririto na ako sa venue. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagkuha ng impormasyon sa mga caterer tungkol sa mga pagkaing ihahain nila. Para naman, may input ako kung sakaling kunin nila ang aking opinion. Kung pwede nga lang sanang wag na munang pumunta dito kaso no choice ako kundi ang harapin na naman si Miguel. Matapos kong magkulong sa silid kagabi ay hindi na ako muling lumabas pa. Inutusan ko na lang si Jerald na estimahin si Miguel hanggang sa makaalis ito. Kaninang umaga ay paulit - ulit kong binilinan ang aking pamangkin na wag na wag na niyang papupuntahin pa ulit sa bahay namin si Miguel kahit kelan. Nagtataka man ay umoo na lang sa akin si Jerald. Malawak at maaliwalas ang venue namin ngayon kaya kahit malayo pa lang ay natatanaw ko na ang dalawang tao na papasok. Nakailang ma
Ella POV Cake ang pinakahuling inihain ni Maricel sa dalawa. “Ella.” tawag ni Sofia sa pangalan ko. Inalis ko ang tingin sa clipboard na hawak ko at nilingon si Sofia. “Halika tikman mo ‘to.” aniya at marahang itinulak ang platito ng isang slice ng red velvet cake. Ito ang flavor na pinaka nagustuhan ni Sofia. Hindi man ako mahilig sa cake ay wala ako sa posisyon para tumanggi sa mga ganitong pagkakataon dahil trabaho ko ang ibigay ang aking opinyon. Nagbigay muna ako ng konting info tungkol sa cake na nasa harapan ko. “Most requested talaga ng mga nagiging clients namin itong red velvet cake ng The Gourmet Table Catering. Perfect ito dyan sa Pinot Noir wine which has subtle notes of cherry and berries kaya magiging balance ang sweetness nito with red velvet cake.” salaysay ko habang nakatingin kay Sofia. Matama naman itong nakikinig sa akin. Umupo muna ako sa tapat nila at dinampot ang tinidor saka kumuha ng konting cake para tikman, kahit alam ko na kung anong lasa nito dahil
Ella POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko na saglit akong napaidlip dahil medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Naroon pa rin ang tama ng alak pero hindi na ito kasing lakas ng impact kanina. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon, basta ang gusto ko lang ay mailabas ang laman ng aking pantog. Nakita ako ang isang nakaawang ng pinto na nasisiguro kong banyo. Hawak ang sintido ay tinungo ko yun na pagewang gewang sa paglakad at saka pinakawalan ang tawag ng kalikasan nang makarating ako sa loob. Kahit lasing ay nakuha ko pa ring humanga sa nakikita. Maganda at moderno ang loob ng banyo. Parang hotel, yung bowl may videt na siyang ginamit ko pang panlinis sa aking ibaba. Sosyal talaga ang lugar na’to. Maging mga towel na nakasampay ay makakapal at halatang mamahalin. Nagtungo ako sa sink at nagmumog. Naghilamos na rin ako at baka mawala kahit paano ang aking kalasingan pero nang maglakad ako ay parang hindi naman nabawasan.
Paki-Skip na lang po para sa mga hindi nagbabasa ng ganitong eksena…Ella POVHindi ako tumutol at buong puso kong tinanggap ang kanyang mga halik, banayad at punong puno ng pag-iingat. Tila nanumbalik sa akin ang aming nakaraan, kung paano buong ingat na inaangkin ni Miguel ang aking mga labi sa tuwing pagsasaluhan namin ang maiinit na halik.Ang banayad niyang halik ay unti-unti napalitan ng kasabikan nang sabayan ko ang bawat pagalaw ng kanyang mga labi . Parang may sariling isip ang aking mga kamay na pumulupot sa kanyang batok habang gumaganti sa kanyang mapusok na halik. Pinagsawaan niyang angkinin ang aking ibabang labi bago niya tinangkang ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Hindi ko na matandaan kung gaano katagal na magkahinang ang aming mga labi. Hindi pa sana kami titigil kung hindi pa kami kinapos ng hininga. Sabay kaming kumalas sa isa’t isa subalit ang mga mata naming punong puno ng emosyon ay patuloy pa rin na magkahinang habang pareho kaming humihingal
Paki-skip na lang po kung ayaw nyong mabasa ang pagmamarites ko :) Kung nabasa nyo na ang iba ko pang mga stories, malamang ay pamilyar sa inyo ang linyang... “Kapag lumabas ka sa pintuang ‘yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Hindi po yan nagkataon at hindi rin ako basta nag-uulit ng mga linyahan sa aking mga akda. Nagkataon po na isa sa mga readers ko ay nagbahagi sa akin na may pangyayari sa buhay niya na kung saan ay nag-iwan sa kanya ng mapait na ala-ala dahil sa kaparehong linya. Kung paano ko siya nakilala ay ibabahagi ko sa inyo nang pahapyaw– kagaya ng naipangako ko sa mga readers na ka-Marites ko sa chat. *********************** Username_143 POV After nang mahabang araw sa trabaho ay libangan ko na ang manood ng telenovela at magbasa ng mga sinusubaybayan kong mga nobela. Isa-isa kong tiningnan kung may mga authors na nag-update ng story nila. “Uy, apat yung nag-update ah.” nangingiti kong bulong sa sarili. Isa-isa kong binasa ang mga updated storie
Ella POVParang nakaramdam ako ng disappointment ng wala akong makitang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin pag-uwi ng hapon yun. Mabigat ang aking paa na pumasok sa bahay. Nadatnan ko si kuya at Jerald na nanonood ng basketball. “Mukhang hindi ka nag-iinom ngayon ah.” puna ko, pero ang totoo nakikiramdam lang ako kung darating ba si Miguel ngayon.“Bakit gusto mo ba, tawagan ko?” sarkastikong ani kuya. Bigla akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. Ganun ba ako ka-transparent? Hindi ko na lang siya sinagot, baka sabihin pa niya defensive ako.Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko sa kwarto. Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame at sandali pumikit………... ……..naalimpungatan ako sa sunod sunod na pagkatok at naririnig ko ang boses ni kuya. Nakatulog pala ako. Mumukat mukat akong bumangon at binuksan ang pintuan. “Kanina ka pa tinatawag ni Jerald ayaw mong gumising. Kala ko hindi ka na humihinga.” bungad nito“Hindi mo na sana ako ginising para mahaba ang tu
Ella POVNalilito ako sa ginawa at sinabi ni Miguel. Wala rin akong nararamdamang pamumwersa mula sa kanya kagaya ng lagi nitong ginagawa. Ilang sandali rin akong nakakulong sa mga bisig niya hanggang lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa akin.Inaantok na rin ako pero ayokong abutin ng pagtulog dito na katabi siya. Siya lang naman ang lasing at hindi ako. Hinayaan ko mang may nangyari samin nung nakaraan, pero nagsimula naman yun sa pwersahan, at nadala lang ako kalaunan– pero ayoko nang yung maulit pa. Ayoko na ring humaba pa ang listahan ng mga kasalanan ko kay Sofia. Kung may kasintahan din ako, ayokong makita na may ibang babae itong katabi sa higaan.Dahan dahan kong inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin para hindi siya magising. Nang makatayo ako sa kama ay dinampot ko ang unan at kumot saka maingat na lumabas ng silid. Dumiretso ako sa sofa at doon nahiga hanggang sa tuluyan ng makatulog.Kusa na akong nagising kahit hindi pa tumutunog ang alarm. Ilang minuto pa sigu
Ella POVPagkatapos naming kumain ng desserts ay napagpasiyahan na naming umuwi. As usual ay napakagentleman pa rin nito sa kung paano niya ako alalayan hanggang sa makasakay ako sa loob ng sasakyan. Sa biyahe ay tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Bigla kong naalala yung sinabi ni Mike na sa isang araw ay magyayaya itong lumabas kami. Magpinsan sila ni Enzo kaya natural lang na isasama namin siya sa lakad namin.“Wag mong sabihing pinopormahan ka rin niya.” ani Enzo na may himig pagseselos. Natawa lang ako. Hindi pa man, seloso na.“Gusto niyang isama ko rin si Macy. Tingin ko type niya ang kaibigan ko.” saad ko.“Wala namang masama dun, binata yung pinsan ko, dalaga naman ang kaibigan mo. Swerte na niya kay Mike, napakabait nun. Masiyahin palagi.” wika pa ni Enzo na mukhang boto naman sa loveteam ng dalawa.“Bakit, swerte din naman si Mike sa kaibigan ko ah, maganda kaya si Macy.” pagbubuhat ko ng bangko para sa bestfriend ko. Hindi nagsalita si Enzo, medyo nagkibit balikat lang ito
Ella POVHabang papalapit ang sasakyan ni Miguel ay agad na akong pumasok sa loob ng kotse ni Enzo. Samantalang si Enzo naman ay sumakay na rin sa driver's seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Parang slow mo nang makasalubong namin ang kotse ni Miguel. Dinig ko ang kabog ng aking dibdib habang nilalagpasan na namin ito. “Okay ka lang?” tanong ni Enzo nang mapansin yatang balisa ako. “H-ha? Oo ayos lang.” pagsisinungalin ko at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.Hindi na nagtanong pa si Enzo at ipinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho. Hindi naman sa pag-aasume pero in-off ko ang aking cellphone. Baka kung sino pa kasi ang bigla na lang tumawag, mabuti na rin yung nag-iingat. Ayoko ng abala dahil ngayong gabi ay magfo-focus ako kay Enzo. Pagtutuunan ko na siya ng pansin, baka nga may makita akong spark kagaya ng sabi ni Macy.Wala akong masabi kay Enzo. Napaka-gentleman niya talaga, mula sa pagbaba ko ng sasakyan hanggang sa makapasok at maupo kami dito sa loob ng restauran
Ella POVKagaya nga ng sabi ni Macy, puputaktihin ako ng tanong ng mga katrabaho ko, lalo na si Dino. Walang naniwala na loan shark si Miguel at sinisingil lang ako ng utang. Di nagtagal ay nagsawa na rin ang mga ito sa katatanong dahil wala rin naman silang napala sa akin.Nag-uusap kami ni Macy sa office niya nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Kapag ganitong may tumatawag ay medyo kinakabahan na ako, dahil baka si Miguel na naman yun. Napansin din ni Macy ang naging reaksyon ko kaya inalis nito ang tingin sa desktop at tumingin muna sa akin. Nawala bigla ang kaba ko nang makitang si Enzo ang tumatawag.“Si Enzo..” nakangiting ani ko. Ngumiti at tumango si Macy saka ibinalik sa desktop ang mga mata.“Can I invite you to dinner after work?” alok ni Enzo sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko na ang pagsusumamo sa mga mata nito. Naka loud speaker ang cellphone ko kaya dinig ni Macy ang usapan namin. Tatanggihan ko pa sana si Enzo pero nakita ko s
Ella POVNagmamadali akong pumasok sa kusina upang makalayo sa dalawa lalo na kay Miguel. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito, tumakas na nga ako dahil ikinukulong niya ako sa condo niya. At bakit kainuman niya si kuya? Si kuya pa naman sana ang inaasahan kong shield laban kay Miguel, kaso parang ang close nila sa isa’t isa at nagtatawanan pa.Hay, mababaliw na talaga ako sa lalaking yun.Nadatnan ko si Jerald na kumakain sa kusina. “Tita, kain na po.” alok nito sa akin at punong puno ng pagkain ang kanyang pinggan.Tama si kuya, andami ngang pagkain. May kimchi pa, mukhang korean foods ang mga ito ah. Ayaw ko sana dahil galing daw kay Miguel ito pero gutom na ako kaya hindi na ako magpapakipot pa. Kumuha ako ng pinggan at nagsimula na akong magsalin ng pagkain para sa sa sarili ko.Nakakailang nguya na ako nang pumasok sa kuya sa kusina para kumuha ng ice sa freezer. Itinigil ko ang pag nguya. Tumayo ako at nilapitan siya.“Kuya, anong ginagawa ng lalaking yan dito?” pabulong
You can skip or continue reading this free chapter. This is an Open Letter to real "Miguel" from real "Ella". Wala po akong binago rito kahit isang word.Everytime kasi na mag-uupdate ako ng bagong chapters, kung hindi kinikilig ay umiiyak si "Ella." Yesterday she was emotional after my last update. Although matagal na raw yung nangyari, naiiyak pa rin siya kapag naaalala niya yung darkest part ng buhay nila ni "Miguel." So I asked her to express her feelings through an open letter. —---*****-------Dearest Miguel, When I think of the future we once dreamed of, the home we’d build, children we’d raise and the life we’d share, that moment I was already broken—battling a war inside me that no one else could see. I can’t bear the thought of watching you slowly fade in the shadows of my own shortcomings, that’s why I walked out that room that day. At kasabay ng paglabas ko ng pintuan na iyon ay ang pagbubukas ng isang makabagong yugto ng buhay mo sa piling ng babaeng akala ko ay par
3rd Person POV Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago muling nagsalita si Mike. “Muntik nang masira ang ovary niya.” panimula nito. “Alam ko!” mabilis na tugon ni Miguel. Sumiklab na naman ang galit sa kanyang dibdib ng muling maalala ang kung paano ipinagkait ni Ella ang katotohanan sa kanya. “I just found out recently….., Narinig mo? RE-CENT-LY! Sa lahat ng tao, ako pa ang pinakahuling nakaalam ng tungkol sa sakit niya. Táng ina!” kuyom ang kamao ni Miguel at nagpipigil ng emosyon. “Paano kung ikinamatay niya yun? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ko? Lalo na kung malalaman kong ako lang pala ang makakapagsalba ng buhay niya… ….,but by the time I realized the truth, it’ll be too late, she’ll be gone by then. At buong buhay ko yung dadalhin sa konsensya ko, na nawala siya pero marami naman pala akong pwedeng magawa. Baka nga wala pang isang buwan, sumunod na rin ako sa kanya.” emosyonal na saad ni Miguel. Hindi niya sigurado kung gaano kalala ang s
3rd Person POV“Pasyente ko si Ella!” ani Mike. Napabuntong hininga na lang siya matapos niyang sabihin yun at gustong tuktukan ang sariling ulo. What he did just now was a clear violation of the oath he took as past of his duty. Never niyang binanggit kanino ang tungkol kay Ella o kahit sino pa sa mga pasyente niya dahil kailangan niyang protektahan ang identity ng mga ito bilang parte ng sinumpaan niyang tungkulin.Bigla siyang napaamin sa takot na baka kung anong gawin ni Miguel sa labas. Kilala niya ang kaibigan at sigurado siyang hindi ito nagbibiro. Kita niya kung gaano kaseryoso si Miguel. Kapag hinayaan niya itong magwala sa labas, siguradong maya maya lang ay may mga pulis nang susulpot sa labas at napakalaki nitong abala sa kanilang dalawa. Agad na napahinto si Miguel nang marinig ang sinabi ni Mike. Dahan dahan siyang humarap dito.“What did you say?” kunot noong tanong niya kay Mike. Magkasalubong ang mga kilay nito at ang mga mata ay nagtatanong.Hindi agad sumagot si