Paki-skip na lang po kung ayaw nyong mabasa ang pagmamarites ko :)
Kung nabasa nyo na ang iba ko pang mga stories, malamang ay pamilyar sa inyo ang linyang... “Kapag lumabas ka sa pintuang ‘yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Hindi po yan nagkataon at hindi rin ako basta nag-uulit ng mga linyahan sa aking mga akda. Nagkataon po na isa sa mga readers ko ay nagbahagi sa akin na may pangyayari sa buhay niya na kung saan ay nag-iwan sa kanya ng mapait na ala-ala dahil sa kaparehong linya. Kung paano ko siya nakilala ay ibabahagi ko sa inyo nang pahapyaw– kagaya ng naipangako ko sa mga readers na ka-Marites ko sa chat. *********************** Username_143 POV After nang mahabang araw sa trabaho ay libangan ko na ang manood ng telenovela at magbasa ng mga sinusubaybayan kong mga nobela. Isa-isa kong tiningnan kung may mga authors na nag-update ng story nila. “Uy, apat yung nag-update ah.” nangingiti kong bulong sa sarili. Isa-isa kong binasa ang mga updated stories. Tatayo na sana ako ng makita kong kaa-update lang ni Kara Nobela. Isa sa mga sinusubaybayan ko ay ang story niya Nakakatuwa yung mga bida, puro pakilig na lang simula Chapter 1, ngunit habang tumatagal ay parang nag-iiba yata ang takbo ng storya. Bakit parang nagkakaroon ng change of heart si guy? Kahit alam kong kathang-isip lang ito ay naiinis ako, pero parang nanuyo bigla ang aking lalamunan nang mabasa ang sumunod na linyang binitawan ng bidang babae “Kapag lumabas ka sa pintuang yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Isang pamilyar na pakiramdam ang biglang nanumbalik sa aking dibdib. Unti-unting namuo ang luha sa loob ng aking mga mata, hindi lang dahil sa nabasa ko, kundi isang alaala ang bigla na lang nanumbalik sa aking isipan– ang aking masakit na nakaraan. Hindi ko na napigilan nang pumatak ang aking mga luha. Matapos kong basahin ang chapter na yun ay hindi ko mapigilang magcomment. Username_143: Yung umiiyak ako. Yang linya mo Ms. A na "Kapag lumabas ka sa pintuan na yan, hindi mo na ako makikita kahit kailan", naranasan ko yan. Maya maya pa ay nakita kong nagreply si Miss A. Kara Nobela: Sorry to hear that. Sana po ay okay ka na! Napangiti naman ako. Username_143: Been 10 years Ms. A. I am totally healed living with the happiness I deserved. Ilang saglit lang ay nagreply muli si Miss A. Kara Nobela: Dapat po pala ikaw ang pinagkakausap ko, baka marami akong ideyang makuha sayo :) Muli na naman akong napangiti. Teka, check ko na lang ang F**** account niya. Mas maganda siguro kung dun kami magchat. Hinanap ko ang kanyang account at mabilis ko namang nakita. Nagmessage agad ako sa kanya. Ella: Hi Miss Kara, I was the one who commented on that last update sa story mo regarding the line "Kapag lumabas ka sa pintuan na yan, hindi mo na ako makikita kahit kailan." Ibinaba ko ang aking cellphone at muling itinuloy ang iba ko pang gagawin. Bago matulog ay sinilip ko muna ang aking messenger. Nakita kong nagreply si Miss A. Kara Nobela: Ah.. Nice meeting you po. Ella: Same here Ms. A. Keep writing ang gaganda ng stories mo. Kara Nobela: Salamat po! :) Ella: Anyway, thanks, dahil sa last update mo, nalinisan ang mata ko :) Kara Nobela: Karamihan po kasi sa mga pinagsususulat ko ay galing sa totoong linyahan sa buhay.... Kaya share naman dyan lahat ng mga pighati nyo. Joke lang po. Ella: Ahahaha! Pighati talaga? Kara Nobela: Pag galit yung bidang babae, iisipin ko lang yung ex ko para mas maganda ang bitaw ng mga linya. Ella: Yun talaga pinaka effective na hugutan Ms. A. One of these days Ms.A, I'll share my story, yung pighati ko 10 years ago :) Kara Nobela: Sige po. Maraming salamat sa tiwala. Ikaw na ang next victim ko. I mean, next na female lead character. Kahit kanina pa kami tapos mag-usap ni author ay nakatingin pa rin ako sa kawalan. Masaya na ang buhay ko ngayon ngunit sa tuwing maaalala ko ang nakaraan ay muling nanunumbalik ang mapapait at mga masasayang ala-ala. ************** KARA NOBELA: Ang buong kabuuan ng libro ay hindi ang eksaktong nangyari sa totoong buhay pero ito ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng PLANNING HIS WEDDING (although ang health condition ni Ella at kung paano sila nagkakilala ay totoo pong nangyari) Wag po kayong mag-alala, happy ending po lahat ng isinusulat ko. Challenge po para sa akin ito dahil medyo drama ito, at alam ninyong pangcomedy po ako. Isa pang challenge ay ang “Girl na iniwan si Guy dahil nagkasakit siya” – ay sobrang gasgas na sa mga nobela, pero na-touch talaga ako sa story ni Ella kaya ko ito gustong isulat. Hindi ko kasi akalain na nangyayari nga talaga ito sa totoong buhay. Kahit po marami itong katulad ay pipilitin kong gawan ng paraan para magkaroon ito ng sarili niyang identity. Pasensya na po kung 2 chapters a day lang ang update ko. May kontrata na po kasi akong sinusunod ngayon. Promise may ending po ito :) Kung hindi po kayo fan ng putol putol na update, paki-hintay na lang po na ma-complete ito para mas ma-enjoy ninyo ang story. My Books: 1. YOUR HERO YOUR LOVER (Completed) 2. CHASING DR. BILLIONAIRE (Completed) 3. BOOK 3 (after kong matapos ang Planning His Wedding) . 1. MY CEO’S REGRETS (Completed) 2. BOOK 2 (Soon!) My books are rated 18+ which means hindi siya appropriate for younger audiences dahil mayroon itong nilalaman na sekswal o karahasan, kaya ito ay para sa may edad 18+. I also expect readers to be matured enough to understand that the themes and situations presented are intended for an audience capable of handling mature subjects. Hinihingi lang po ito ng sitwasyon. Para may options lahat ng readers. Natry ko na rin pong magsulat ng walang SPG, kaso marami pong nagalit, lol. So, paki-skip na lang kung di nyo bet ang chapters na may SPG. Sa mga hindi naman nagustuhan ang ending ng mga stories ko at takbo ng mga kwento, pasensya na po, I'll do better next time. Baguhan pa lang ako at ilang months pa lang na nag-susulat, but I'm taking notes from all your feedback. I fully understand that readers invested their time and money in my stories.., and you have the right to express your thoughts. Whether your comments are positive or negative, I'm taking them as constructive critism to learn and improve for my future stories. Thank you for understanding and patience as I grow as a writer. ---KARA NOBELA---Ella POVNaalimpungatan ako dahil sa sobrang bigat ng nakapatong sa aking katawan. Muntik na akong atakihin sa gulat nang makita ang matipunong braso na nakayakap sa akin.Natutop ko ang aking bibig nang agad ko ring naalala ang nangyari sa aming dalawa ni Miguel. Parang panaginip lang ang lahat pero alam kong totoo lahat yun lalo na at masakit ang katawan ko, ganun na rin ang pagitan ng aking mga hita. Dahan dahan kong inalis ang kanyang brasong nakayakap sa akin, maingat upang hindi siya magising. Marahan akong lumabas ng kumot at tumayo sa kama. Ganun na lang ang aking hiya nang marealized na hubőt hubad pala akong kayakap si Miguel nang magdamag.Maingat ngunit mabilis akong nagsuot ng damit at hinagilap ang aking mga gamit saka nagmamadaling lumabas ng silid. Sa tingin ko ay nasa loob ako ng isang condominium at walang ibang tao rito ngayon bukod sa aming dalawa lang ni Miguel. Laking pasasalamat ko na nakalabas ako nang hindi niya namamalayan, dahil kung nagkataon ay hindi ko a
Ella POV “Ano to, nag-sesenti?” tanong ni Macy. Nakatayo ito sa tapat ng bintana ng kwarto ko at tinatanaw ang waterview sa harapan ng hotel. Pinuntahan niya ako dito pagkagaling sa trabaho nang sabihin kong nasa hotel ako. “Gusto ko sanang mag-emote mag-isa kaso SentiBomber ka.” pagbibiro ko kahit pa mabigat ang dibdib ko. Nilingon ako ni Macy. Naningkit ang mga mata nito at saka mabilis na umupo sa tabi ko. “Pustahan, si papa Miguel yan noh?” anito at mapanuring tumingin sa mukha ko. Inirapan ko siya dahil tsismosang tsimosa ang dating nito. “Siya lang naman itong kayang magpawindang ng mundo mo.” parang siguradong sigurado na ani Macy at saka humiga sa kama. Ginaya ko siya at humiga rin ako. Ilang sandli rin kaming nakatitig sa kisame. “May nangyari samin.” usal ko sabay pakawala ng mahinang buntong hininga. Biglang napabalikwas si Macy. Nilingon niya ako at namimilog ang mga mata nito. Hinihintay ko ang mga exagerated na salitang ibubuga nito, ngunit ilang sandali
Hello po,Sa mga nagtatanong tungkol sa Book 2 ng Chasing Dr. Billionaire, kagaya po nang nasabi ko ay tatapusin ko lang muna itong Planning His Wedding.Hindi ko po siya ilalagay sa panibagong story. Tuloy tuloy lang po siya after nung last Chapter nung kina Andrew.Kung nagtataka kayo bakit biglang naglocked, hindi po kontrolado naming mga writers pagdating sa mga technical problems. Ang pagkakaalam ko lang ay inayos ni GN ang mga chapters kaya nagkaganun. Kung nalilito kayo kung saan chapter ko sisimulan ang Book 2, sa KABANATA 0128 po. Yung huling post ko po dun ay KABANATA 0127. Free chapter yun dahil patalastas lang din yun.Pakitingnan tingnan nyo na lang po sa inyong mga library para makita nyo kapag sinimulan ko na. Ipopost ko rin dito kapag may balita na, para makita nyo agad.Sa mga sumusunod naman sakin sa ħ , ipopost ko rin dun ang update ko kapag nasimulan na. Anong pong say nyo sa pa-trailer ko kina Gigi, pogi ni Dr. Gray diba? lol :)Bago pa humaba ang usapan, ipagpat
Ella POVMahigit isang linggo na mula nung may nangyari sa amin ni Miguel ay hindi na ulit kami nagkita. Nabanggit ni kuya na nagtungo daw ito sa bahay habang nasa hotel ako. Magkakilala ang dalawa dahil ilang beses na rin ang mga itong nagkita noong kami pa.Hinahanap daw ako ni Miguel at si kuya ang naabutan nito sa bahay bandang tanghali. Bumalik daw ito kinagabihan pero hindi pa ako umuuwi noong oras na yun. Napa-isip tuloy ako na baka nga sasakyan niya ang nakita ko noong ihatid ako ni Enzo. Si Macy na rin ang nag-aasikaso ng kasal nina Miguel at nakikipagkita sa mga ito. Tumutulong pa rin naman ako pero behind the scene na nga lang. Anything basta walang direct interaction sa dalawa. According kay Macy ay okay naman daw kapag nakikipagmeet siya sa dalawa, wala akong naririnig na problema. Very cooperative daw ang dalawa. Wala na akong narinig pa mula kay Miguel at hindi na rin siya nagparamdaman pa at kahit umurong ako sa kasunduan namin ay hindi nito binalikan ang kaso ni Je
Ella POVNakatayo akong naghihintay na matapos ang dalawa sa kung ano mang kulitang ginagawa ng mga ito. Matama ko silang pinagmasdan. May parte ng puso ko na may konti pa rin kirot ngunit mas malaking parte ng utak ko ang nagsasabing panoorin sila. Kailangan ko itong makita at isáksak sa aking kukote na ang dalawang ito ang may karapatang maging masaya. Tama lang na may kirot akong maramdaman. Sa ganitong paraan, hindi man nababatid ni Sofia ay unti-unti kong pinagbabayaran ang aking kasalanan sa kanya. Huminto ang dalawa ng makita nila pinapanood ko sila. Parang nagulat pa nga ang mga ito nang malamang may audience na pala sila. Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Sofia at naglakad sila palapit sa akin.“Pwede na tayong pumunta sa visitor lounge.” wika ko nang makalapit na sila.Umuna na ako sa paglalakad para sundan nila. Pagdating namin sa loob ay agad naman kaming inistima kami ni Mr. Tobias na hindi masyadong pamilyar sa akin.Bata pa at parang kagagraduate lang nito sa college. N
Ella POV “Maswerte din sila sayo.” may sinseridad na saad ko dahil nakikita ko kung gaano kagenuine si Sofia. Swerte ni Miguel dahil mukhang matinong babae ang mapapangasawa niya. Napahinto kami sa pag-uusap ng bigla itong nadulas dahil naapakan nito ang basa at malambot na buhangin. “AW!!” malakas na daing nito. Napahiga ito sa buhanginan, mabilis din itong bumawi at naupo. Napakabilis ng pangyayari at hindi ko agad siya napigilan. Agad akong lumapit upang alalayan siya , pero dahil sa pagmamadali ako naman itong napayapak din sa malambot na buhangin kaya natapilok ako. Agad kong naramdaman ang kirot sa aking bukong bukong pero mabilis ko ring inayos ang aking sarili para tulungan si Sofia. “Sofia, okay ka lang?” Yumuko ako at tinulungan siyang magpagpag ng buhangin sa katawan. “Okay lang.” tumatawa pang ani Sofia habang pinapagpagan ang damit. Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Miguel at nadaluhan agad nito ang nobya. Hindi niya sinasadyang matabig ako dahil
Ella POVTatlong araw na mula nang huli kong makita sina Sofia, balik na muli ako sa daily routine. Okay rin na agad ang paa ko, nung isang araw pa.Nang dumating ako sa trabaho ay tsinek ko muna lahat ng list ng mga tatawagan ko ngayong araw na ito. Nang mabasa ko nang lahat ay nagtungo muna ako sa breakroom para magtimpla ng kape. Ipagtitimpla ko na rin si Macy, ganito naman palagi ang routine ko dahil gusto ko siyang kasabay palagi, at kahit nga nakainom na siya ay iinumin pa rin niya ang itinimpla ko.Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang text message ni Enzo..FROM ENZO:Wish me luck. Ngayon na ang presentation ko..Nung huli kaming magkita 3 days ago ay kinausap niya ako tungkol sa kanyang gagawing presentation ngayong araw na ito. Isang malaking event daw ito na may kinalaman sa medical field at taon taon kung ginaganap. Napili si Enzo na maging isa sa mga presenter ng event. Proud na proud si Enzo na ibinalita sa akin yun. Syemp
3rd person POVSa isang napaka-eleganteng conference hall sa Makati ay nagtipon tipon ang mga nangungunang eksperto sa larangan ng medisina at mga kilalang personalidad sa Pharmaceutical Industry. Ang layunin ng pagtitipon ay upang ipakita ang successful collaboration ng mga pharmaceutical companies sa larangan ng Minimally Invasive Surgery– isang game-changing step para mapababa ang panganib at pagpapabilis sa paggaling ng mga pasyente gamit ang ang makabagong teknolohiya. Sa pagtitipong ito, isa ang AltiMed Pharmaceutical Corp. sa mga primary sponsors. Abala ang mga bisita sa pakikipag-usap, pagkuha ng mga litrato at pagtikim ng mga elegant appetizers na nakahain. Si Miguel dela Vega na may pinakamahalagang papel sa pagtitipon na ito ay pasimpleng puwesto medyo malayo sa karamihan. Sinadya nitong huwag dumating ng masyadong maaga dahil alam niyang pupuntiryahin agad siya ng mga negosyanteng gustong makipag sosyo at magpropose ng kung ano-anong proyekto sa kanyang kumpanya. Ka
Ella POVPalibhasa’y kabisado ko ang lugar na ito kaya mabilis akong nakalayo. Oo, tinakbuhan ko na naman si Miguel nang bigla kong maalala na pag-aari na siya ng iba. Nang nasa tapat na akong bahay namin ay lumingon ako at sa di kalayuan ay tanaw ko si Miguel na nagmamadaling nakasunod sa akin.Nagulat naman si kuya nang makita niya akong humahangos papasok ng bahay. Hindi na siya nagtanong. Malamang ay may kutob na siya. Kung kanina pa wala si Miguel sa tabi niya, malamang nahuhulaan na nito kung saan ito nagpunta. Nagmamadali akong pumasok sa aking silid at ini-lock yun. Dumiretso ako ng higa sa kama at kusa nang nagsibagsakan ang aking mga luha. Iba’t ibang emosyon ang bumabalot sa dibdib ko, bittersweet dahil pinaghalong saya at lungkot ang aking nararamdaman. Hindi ko pwedeng itanggi na masaya ang puso ko dahil sa mga narinig ko mula kay Miguel. Ni hindi ko na nga naisip kung sincere ba siya o hindi sa mga sinabi niya…, pero may ibang bagay akong mas inaalala. Pinapatay
Ella POV“Tita sabi po ni papa–”Para akong nakuryente at biglang napatalon palayo kay Miguel dahil sa biglaang pagsulpot ni Jerald.“Ooops..” parang kidlat sa bilis na tumalikod Jerald at lumabas ng kusina matapos niya kaming maabutan sa ganung posisyon.Inabot na rin ako ng hiya at dali-dali akong lumabas ng kusina para bumalik sa silid ko. Hindi ko na pinansin sina kuya na alam kong nakatingin sa akin, maging si Jerald na nagkakamot ng ulo.Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok sa silid. Hindi mawala wala sa utak ko ang mga sinabi at ginawa ni Miguel. Hindi naman sila uminom pero bakit para siyang lasing na hindi alam ang pinagsasasabi? Hindi kasi yun ang inaasahan kong maririnig sa kanya. Maghapon kong inihanda ang aking sarili para sa pag-uusap namin ngayon. Akala ko ay magpapaliwanag lang ako sa kanya at hihingi ng kapatawaran. At pagkatapos ang magmomove-on na kami sa kanya kanyang buhay.Ganun pa man ay may parte ng puso ko ang natutuwa. May konting pag-asa na namumuo s
Ella POVParang nakaramdam ako ng disappointment ng wala akong makitang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin pag-uwi ng hapon yun. Mabigat ang aking paa na pumasok sa bahay. Nadatnan ko si kuya at Jerald na nanonood ng basketball. “Mukhang hindi ka nag-iinom ngayon ah.” puna ko, pero ang totoo nakikiramdam lang ako kung darating ba si Miguel ngayon.“Bakit gusto mo ba, tawagan ko?” sarkastikong ani kuya. Bigla akong pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya. Ganun ba ako ka-transparent? Hindi ko na lang siya sinagot, baka sabihin pa niya defensive ako.Agad akong nagpalit ng damit pagkapasok ko sa kwarto. Ilang minuto na akong nakatitig sa kisame at sandali pumikit………... ……..naalimpungatan ako sa sunod sunod na pagkatok at naririnig ko ang boses ni kuya. Nakatulog pala ako. Mumukat mukat akong bumangon at binuksan ang pintuan. “Kanina ka pa tinatawag ni Jerald ayaw mong gumising. Kala ko hindi ka na humihinga.” bungad nito“Hindi mo na sana ako ginising para mahaba ang tu
Ella POVNalilito ako sa ginawa at sinabi ni Miguel. Wala rin akong nararamdamang pamumwersa mula sa kanya kagaya ng lagi nitong ginagawa. Ilang sandali rin akong nakakulong sa mga bisig niya hanggang lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa akin.Inaantok na rin ako pero ayokong abutin ng pagtulog dito na katabi siya. Siya lang naman ang lasing at hindi ako. Hinayaan ko mang may nangyari samin nung nakaraan, pero nagsimula naman yun sa pwersahan, at nadala lang ako kalaunan– pero ayoko nang yung maulit pa. Ayoko na ring humaba pa ang listahan ng mga kasalanan ko kay Sofia. Kung may kasintahan din ako, ayokong makita na may ibang babae itong katabi sa higaan.Dahan dahan kong inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin para hindi siya magising. Nang makatayo ako sa kama ay dinampot ko ang unan at kumot saka maingat na lumabas ng silid. Dumiretso ako sa sofa at doon nahiga hanggang sa tuluyan ng makatulog.Kusa na akong nagising kahit hindi pa tumutunog ang alarm. Ilang minuto pa sigu
Ella POVPagkatapos naming kumain ng desserts ay napagpasiyahan na naming umuwi. As usual ay napakagentleman pa rin nito sa kung paano niya ako alalayan hanggang sa makasakay ako sa loob ng sasakyan. Sa biyahe ay tuloy pa rin ang kwentuhan namin. Bigla kong naalala yung sinabi ni Mike na sa isang araw ay magyayaya itong lumabas kami. Magpinsan sila ni Enzo kaya natural lang na isasama namin siya sa lakad namin.“Wag mong sabihing pinopormahan ka rin niya.” ani Enzo na may himig pagseselos. Natawa lang ako. Hindi pa man, seloso na.“Gusto niyang isama ko rin si Macy. Tingin ko type niya ang kaibigan ko.” saad ko.“Wala namang masama dun, binata yung pinsan ko, dalaga naman ang kaibigan mo. Swerte na niya kay Mike, napakabait nun. Masiyahin palagi.” wika pa ni Enzo na mukhang boto naman sa loveteam ng dalawa.“Bakit, swerte din naman si Mike sa kaibigan ko ah, maganda kaya si Macy.” pagbubuhat ko ng bangko para sa bestfriend ko. Hindi nagsalita si Enzo, medyo nagkibit balikat lang ito
Ella POVHabang papalapit ang sasakyan ni Miguel ay agad na akong pumasok sa loob ng kotse ni Enzo. Samantalang si Enzo naman ay sumakay na rin sa driver's seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Parang slow mo nang makasalubong namin ang kotse ni Miguel. Dinig ko ang kabog ng aking dibdib habang nilalagpasan na namin ito. “Okay ka lang?” tanong ni Enzo nang mapansin yatang balisa ako. “H-ha? Oo ayos lang.” pagsisinungalin ko at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.Hindi na nagtanong pa si Enzo at ipinagpatuloy lang nito ang pagmamaneho. Hindi naman sa pag-aasume pero in-off ko ang aking cellphone. Baka kung sino pa kasi ang bigla na lang tumawag, mabuti na rin yung nag-iingat. Ayoko ng abala dahil ngayong gabi ay magfo-focus ako kay Enzo. Pagtutuunan ko na siya ng pansin, baka nga may makita akong spark kagaya ng sabi ni Macy.Wala akong masabi kay Enzo. Napaka-gentleman niya talaga, mula sa pagbaba ko ng sasakyan hanggang sa makapasok at maupo kami dito sa loob ng restauran
Ella POVKagaya nga ng sabi ni Macy, puputaktihin ako ng tanong ng mga katrabaho ko, lalo na si Dino. Walang naniwala na loan shark si Miguel at sinisingil lang ako ng utang. Di nagtagal ay nagsawa na rin ang mga ito sa katatanong dahil wala rin naman silang napala sa akin.Nag-uusap kami ni Macy sa office niya nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Kapag ganitong may tumatawag ay medyo kinakabahan na ako, dahil baka si Miguel na naman yun. Napansin din ni Macy ang naging reaksyon ko kaya inalis nito ang tingin sa desktop at tumingin muna sa akin. Nawala bigla ang kaba ko nang makitang si Enzo ang tumatawag.“Si Enzo..” nakangiting ani ko. Ngumiti at tumango si Macy saka ibinalik sa desktop ang mga mata.“Can I invite you to dinner after work?” alok ni Enzo sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita ay naiimagine ko na ang pagsusumamo sa mga mata nito. Naka loud speaker ang cellphone ko kaya dinig ni Macy ang usapan namin. Tatanggihan ko pa sana si Enzo pero nakita ko s
Ella POVNagmamadali akong pumasok sa kusina upang makalayo sa dalawa lalo na kay Miguel. Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito, tumakas na nga ako dahil ikinukulong niya ako sa condo niya. At bakit kainuman niya si kuya? Si kuya pa naman sana ang inaasahan kong shield laban kay Miguel, kaso parang ang close nila sa isa’t isa at nagtatawanan pa.Hay, mababaliw na talaga ako sa lalaking yun.Nadatnan ko si Jerald na kumakain sa kusina. “Tita, kain na po.” alok nito sa akin at punong puno ng pagkain ang kanyang pinggan.Tama si kuya, andami ngang pagkain. May kimchi pa, mukhang korean foods ang mga ito ah. Ayaw ko sana dahil galing daw kay Miguel ito pero gutom na ako kaya hindi na ako magpapakipot pa. Kumuha ako ng pinggan at nagsimula na akong magsalin ng pagkain para sa sa sarili ko.Nakakailang nguya na ako nang pumasok sa kuya sa kusina para kumuha ng ice sa freezer. Itinigil ko ang pag nguya. Tumayo ako at nilapitan siya.“Kuya, anong ginagawa ng lalaking yan dito?” pabulong
You can skip or continue reading this free chapter. This is an Open Letter to real "Miguel" from real "Ella". Wala po akong binago rito kahit isang word.Everytime kasi na mag-uupdate ako ng bagong chapters, kung hindi kinikilig ay umiiyak si "Ella." Yesterday she was emotional after my last update. Although matagal na raw yung nangyari, naiiyak pa rin siya kapag naaalala niya yung darkest part ng buhay nila ni "Miguel." So I asked her to express her feelings through an open letter. —---*****-------Dearest Miguel, When I think of the future we once dreamed of, the home we’d build, children we’d raise and the life we’d share, that moment I was already broken—battling a war inside me that no one else could see. I can’t bear the thought of watching you slowly fade in the shadows of my own shortcomings, that’s why I walked out that room that day. At kasabay ng paglabas ko ng pintuan na iyon ay ang pagbubukas ng isang makabagong yugto ng buhay mo sa piling ng babaeng akala ko ay par