Ella POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking sasakyan. Mula sa restaurant hanggang sa maka-upo ako sa driver seat, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Hindi ko namalayang basang basa na pala ang aking magkabilang pisngi dahil sa walang humpay na pagpatak ng aking mga luha. Muling rumehistro sa akin ang magandang relasyong namamagitan kina Miguel at Sofia. Ang lalaking dati ay mahal na mahal ako at nagmamakaawang wag ko siyang iwan, ngayon ay wala na akong makitang init sa mga mata kapag nagsasalubong ang aming paningin. Ni galit ay wala rito, ibig sabihin ay wala na nga talaga ako sa buhay niya. Napahagulhol ako ng malakas at napasubsob sa manibela. Ang sakit! Pero hindi ba’t ito naman talaga ang gustong kong mangyari, ang maka-move on siya sa akin…, ang kalimutan at alisin ako sa buhay niya…., pero napakasakit pala! Naalala ko ang nagmamakaawang mukha ni Miguel noong iwan ko siya. Mapait na lang akong napangiti. Mahal na mahal ko si Miguel. Masakit at parang dinudurog ang aking puso ngunit sa kabila nito ay napagtanto kong deserve ni Miguel ang kasiyahang nararanasan niya ngayon. Dapat ay masaya akong naka-move on na siya. Good job Miguel, you're heading the right direction. Salamat sa Diyos at nakatagpo ka ng maayos na babaeng magmamahal at magbibigay sayo ng masayang pamilya na pinapangarap mo noon pa, na akala ko ay hindi ko kayang ibigay. Muli akong ngumiti, this time ay totoo na sa loob ko. Masaya na sa wakas ang mahal ko. Now, it’s time for me to move on too. Pinatuyo ko ang aking mukha gamit ang panyo. Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at saka ini-start ang sasakyan at nagdrive patungo sa hospital kung nasaan si Macy. Irereport ko sa kanya ang nangyari sa initial consultation at para bisitahin ko na rin si tita Melby, ang kanyang ina. Dumaan muna ako sa groceries para bumili ng mga prutas para pasalubong. Ilang minuto lang ay narating ko na ang hospital. Isinuot ko muna ang aking sunglasses para hindi mahalata ang pamamaga ng aking mga mata. Tulog pa si tita pagdating ko sa loob ng hospital habang nasa laptop naman ang atensyon ni Macy. Kahit nasa hospital ay nagttrabaho pa rin ito. Umangat ang tingin nito nang makita nya ang pagpasok ko. Isang ngiti ang sumilay sa kanya na ginantihan ko naman. “Kumusta si tita, anong lagay nya? Bungad kong tanong. “Tumaas ang dugo niya. Napakatigas ng ulo, hindi kasi iniinom ang maintenance. Mabuti na lang at hindi siya na-stroke.” nakangiwing sagot ni Macy. Medyo nawala na ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mas maaliwalas na ito ngayon kumpara nung nagmamadali itong umalis kaninang umaga sa opisina. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil sa narinig. “Kumusta ang consultation?” ito naman ang nagtanong sa akin. “Okay naman. Mukhang magiging madali itong project mo, maayos kausap ang bride. Mabait hindi maarte.” tugon ko. "That's great. Salamat talaga sa pagsubstitute mo sa akin best." anito. Saka ko pa lang inabot ang consultation packet sa kanya para ipakita ang mga information na nakuha ko kanina. Tinanggap yun ni Macy at sinimulang basahin. Naupo naman ako sa maliit na sofa na nasa sulok ng silid. Isinandal ko ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sanhi ng walang tigil kong pag-iyak kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata, sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Parang sasakit pa nga ang ulo ko. Iinuman ko na lang ito ng gamot. Maya maya pa ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong titig na titig si Macy sa akin habang hawak ang Client Questionnaire na mukhang nabasa na niya. Kahit naka sunglasses ako, pakiramdaman ko ay nababasa na nya ang nararamdaman ko ngayon kaya wala sa sariling naipikit kong muli ang aking mga mata. Parang gusto ko munang matulog para umiwas sa mapanuri niyang tingin. Nagulat na lang ako nang biglang hilahin ni Macy ang suot kong sunglasses, hindi ko namalayang nakalapit na pala. Titig na titig siya sa akin. Nag-iwas ako nang tingin dahil sigurado akong nakita niya ang pamumugto ng aking mga mata na alam kong namamaga at namumula pa rin. Mabilis siyang naupo sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. Sigurado akong nabasa na nya ang personal information ng ikakasal at paniguradong nabasa na rin niya ang pangalan ng groom. Mahigpit ang yakap na ibinigay ni Macy sa akin. Dahil sa ginawa niya ay napahagulhol na naman ako habang yumuyugyog hindi lang ang aking balikat kundi pati na ang aking buong katawan. “May mahal na siyang iba!” umiiyak akong nagsusumbong kay Macy. Hindi ko na mapigilang ibulalas ang sama ng loob habang pumipiyok na sinasabi sa kanya yun. Hinagod ni Macy ang aking likod upang aluhin ako. “Shhhh…” paulit ulit nitong pagpapatahan sa akin. Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon. Ibinuhos kong muli lahat ng luha ko na akala ko ay naubos na kanina sa loob ng sasakyan. Maya maya pa ay kumalas na ako sa kanya. Agad itong tumayo upang kunin ang box ng facial napkin sa ibabaw ng table at muling lumapit sa akin upang iabot yun. Tinanggap ko yun at mapait na ngumiti sa kanya. “I’m sorry, sana pala ay hindi na lang kita pinapunta dun.” hinging paumanhin sa akin ni Macy. May pag-aalala sa mga salita nito ganun na rin sa kanyang mukha. Alam na alam ni Macy ang nakaraan namin ni Miguel. Naroon siya nang magsimula ang lahat sa amin ni Miguel hanggang sa matapos ito kaya ganun na lang ang pag-aalala niya para sa akin. Nakita at nasaksihan niyang lahat ng sakit na pinagdaanan ko. “Pero ito naman ang gusto mong mangyari, hindi ba? Yung kalimutan ka na niya at maging masaya siya kahit wala ka sa tabi niya.” may pait sa ngiti ni Macy. Marahan akong tumango bilang pagsang-ayon. Tama si Macy. Ito naman talaga ang gusto kong mangyari nung araw na magpasya akong iwan si Miguel, ang makatagpo siya ng babaeng papawi ng sakit na idinulot ko sa kanya at eto na nga ang araw na yun. “Tama ka. Mas masasaktan ako kung makikita kong nahihirapan pa rin siya. Masakit lang talaga na makitang may kasama na siyang ibang sa mga plano nya sa buhay. Deserve niyang maging masaya.” usal ko. Naghahalo ang sakit at pasasalamat na hindi na nagdurusa ang aking mahal. “Matutupad na rin niya ang pangarap niyang magkaroon ng malaking pamilya.” may pait sa bawat salitang binitawan ko. Tahimik akong napaluha muli. Sa narinig ay mabilis na nagsalita si Macy. “Pwede mo nang ibinigay sa kanya yun ngayon—” Agad kong pinutol ang kaniyang sasabihin. “Ikakasal na siya. Ang kapal ko namang bumalik pagkatapos ko siyang saktan. Wala na akong balak guluhin pa ang buhay niya. Masaya na ako sa malayo at nakatanaw sa kanya, at makitang unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niya kasama ang babaeng iingatan siya.” saad ko. “Kung sinabi mo lang sana sa kanya ang totoo, baka masaya pa rin kayo. Hindi sana ganito.” may panghihinayang sa boses ni Macy. Umiling iling naman ako. “Macy, oo magaling na nga ako ngayon pero dati wala akong katiyakan. Paano na lang kung hindi pala ako gumaling? Hindi ko siya mabibigyan ng mga anak na alam kong pangarap niya. Kung ipinagtapat ko sa kanya ang totoo, alam kong tatanggapin pa rin niya ako dahil mahal na mahal niya ako– pero hindi ko kayang maging masaya kung alam kong isasakripisyo ni Miguel ang pangarap niya. Sa nakikita ko, tama lang ang naging desisyon ko dahil nakilala niya si Sofia. Sa nakita ko kanina, mahal nila ang isa't isa., at malapit na nilang mabuo ang pamilyang pinapangarap nya”Ella POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang magkita kaming muli ni Miguel. Wala na akong narinig pang update tungkol sa kasal nito. Alam kong sinasadya ni Macy na wag nang banggitin ang tungkol dito na siyang ipinagpapasalamat ko. Mabuti na rin yun, tanggap ko nang wala talagang pag-asa sa pagitan namin ni Miguel kahit pa mahal na mahal ko pa rin siya. Pilit kong ibinalik sa normal ang aking routine at kinalimutan ang naging pagtatagpo namin. Inabala ko rin ang aking sarili sa mga bagong proyektong ibinigay sa akin ni Macy. “Hulaan mo kung kanino galing to?” masayang sabi ni Dino. Si Dino ay isa sa PR team namin at isang binabae. Bukod sa katrabaho ay naging malapit na kaibigan na rin namin siya ni Macy. Bukod kay Dino ay may walo pa kaming mga katrabaho na narito sa opisina bukod pa sa mga florists at logistic team na mas madalas ay sa venue namin nakikita. Minana ni pa Macy ang kumpanya mula sa kanyang ina na itinayo nitong mag-isa. Kagagaling lang ni Dino sa labas
Ella POV“What?” gulat na sambit ko.“You heard me right. Gusto ni Miguel na ikaw ang maging field assistant nila. Alangan namang tanggapin ko yun. C’mon Ella, hindi ko magagawa sayo yun, kahit pa gipit na gipit na ako, and besides, hindi naman naghihirap ang company natin kaya hindi pa ’ko desperada na tanggapin ang demand niya.” paliwanag ni Macy.Parang ang hirap iprocess sa utak ko ang sinabi niyang gustong mangyari ni Miguel. “Bakit ako? It doesn't make sense at all.” naguguluhan kong tanong. Tanong hindi para kay Macy kundi para sa sarili ko.“I know. Sabi niya, he prefers to work with someone he knows, but i doubt it.” ani Macy. Napaupo na lang ako na pilit iniisip kung ano ba talaga ang nangyayari. “Paano kung may galit pala siya sayo at gusto ka nyang gantihan? Eh di ako pa itong naglagay sayo sa kapahamakan.” mapaklang napatawa si Macy sabay inom ng kape na tinimpla ko.Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na kahit magprinsinta akong ituloy ang project ay hindi pa rin
Ella POV Be my field assistant?!?! Tama ba ang narinig ko? Buong pagtataka akong napatingin kay Miguel. Nagbibiro ba siya? Kilala ko ang tingin na yun. Kilalang kilala ko siya at alam kong seryoso talaga siya sa sinasabi nya. Nilingon ko muna Jerald na tahimik lang na nakayuko. Halatang kinakabahan pa rin sa pwedeng mangyari sa kanya. “Jerald, dito ka lang. Mag-uusap lang kami.” wika ko dito at saka muling hinarap si Miguel. “Mr. dela Vega, pwede bang sa labas tayo mag-usap?” tanong ko dito. Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at walang sabi sabing naglakad palabas ng presinto. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at nang nasa labas na kami ay agad akong nagsalita “Bakit kailangang ako pa? Si Macy na nga ang may hawak sa wedding plans nyo. Siya mismo ang Senior wedding coordinator at pinakamahusay sa kumpanya namin. We are offering you the best person to take care of your dream wedding.” bungad ko. “Ms. Chavez, I'm the client here so I can make demands without needing
San ba kumukuha ng inspirasyon ang mga writers para sa mga kwentong isinusulat? In my case, mostly ay galing sa mga totoong pangyayari. Yung mga linyahan na binibitawan ng mga characters lalo na sa comedy ay ganun din kung paano ako magsalita sa totoong buhay kaya natural na lumalabas kapag isinulat na. Itong story naman ni Ella ay inspired mula sa totoong pangyayari na naganap ilang taon na ang nakaraan. Kaya naman kung mapapansin ninyo, may mga pangyayari or eksena na medyo outdated lalo na pagdating sa usaping teknolohiya. Maraming salamat po at ituloy na natin ang pagbabasa….
Ella POV 4 years ago…. Silang, Cavite“Wala pang isang bote yang naiinom mo pero namumula ka na agad.” puna ni Macy sa akin.First time ko kasi mag-inom. Napasubo lang ako dahil nagkasiyahan ang mga kasamahan ko sa boarding house. Lima kaming nangungupahan at kaming dalawa lang ng bestfriend kong si Macy ang college students sa grupo. Samantalang nagtatrabaho na ang tatlo pa naming kasama dito sa unit.Dito rin kami unang nagkakilala ni Macy, mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero mas ahead siya ng isang taon sa college. First meeting pa lang naming dalawa ay magkasundo na agad kami hanggang sa maging super close at ngayon nga ay bestfriend na ang turingan namin. Galing ako sa ordinaryong pamilya, parehong OFW ang aking mga magulang. Samantalang si Macy ay medyo mas nakakaangat sa buhay dahil may sariling negosyo ang ina nito na isang single mom. 19 years old ako at ngayon pa lang ang unang beses kong uminom. Wala naman kaming balak na magpakalasing ngayong gabi. After ng
Ella POVPagkarating ko galing sa mall ay dumiretso ako ng uwi sa unit namin na nasa 2nd floor. 4 storey building ang apartment na tinutuluyan ko. Nasa middle ang parking lot kaya tanaw ang ibang unit na nasa kabilang side ng building. Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa unit 208 ang gwapong lalaking nakita ko kanina. Nasa sa tapat at medyo right side ng unit namin. May kausap na naman ito sa telepono. Napaurong ako at nagtago sa likod ng malaking poste. Dahan dahan akong sumilip sa pwesto niya. Napakabusy nito sa kausap kaya hindi niya namamalayan na pinagmamasdan ko siya.Ang gwapo niya talaga! At dito siya nakatira? Maya maya pa ay pumasok na ito sa unit niya at saka pa lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Sinaway ko ang aking sarili. Ano ba naman kasi ang ginagawa ko? Para tuloy akong stalker nito, kaya pumasok na lang ako sa aking unit.Naligo muna ako dahil nanlalagkit ang aking katawan. Ilang oras ba naman akong naglakad ng naglakad sa mall pero kahit isa ay wala naman a
Ella POVKahit nakauwi na ako mula sa school ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay pogi. Pagkarating ko sa parking lot ay tanaw ko na agad ang kanyang magarang sasakyan. “Naka-uwi na rin siguro siya” bulong ko sa aking sarili.Nang papalapit na ako sa pintuan ng unit namin ay sinulyapan ko ang unit 208. Natanaw ko si pogi, kausap nito ang isang lalaki na nakatira sa katabing unit. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti, bakit kaya tinitipid niya yun? Hindi muna ako pumasok sa loob. Tumambay muna ako dito sa labas, may bench naman dito. Masarap tumambay dito dahil mahangin at presko. Mula sa aking kinauupuan ay natatanaw ko siya sa pwesto nito. Hindi naman siguro niya ako mapapansin dito at kahit pa makita niya, hindi ako nag-aalala dahil hindi naman niya alam na ako ang nagtetext sa kanya. Gusto ko lang makita kung anong magiging reaksyon niya sa text message ko.TO POGI:Hi, bakit hindi ka na n
Ella POVNagluto ako ng pancit canton at itlog para sa almusal. Tig-isa kami ni Macy. Nakagawian na kasi naming dalawa na kapag nagluto ang isa sa amin ay dodoblehin para share kaming dalawa, para tipid na rin sa gas.Kumakain na ako nang lumabas si Macy. Ready na rin siya para pumasok sa school. Nasa kusina na rin ang iba pa naming mga housemates. Tapos na silang kumain at nagkakape na lang.“Kain na.” alok ko kay Macy. Kahit naman diko sabihin ay kusa na nito yung gagawin. “Kumusta na ang textmate mo?” tanong ni Macy. “Diba sabi ko, talo na nga ako.”“Hindi na siya nagrereply?” pag-uusisa ni Gina.“Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.” tugon ko.“Oy Ella, 1 month ang usapan. So, hindi pa tapos.” singit ni Belle na nakabungisngis.“Oo nga, daya mo ha.”dugtong pa ni Marian. “Ah, basta ayoko na. Sigurado namang talo na ako.”“Okay, pero sasabihin namin sa kanya kung sino ka.” nakabungisngis na sabi ni Gina.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.“Hoy Gina, wag na wag mo yang g
Ella POV“What? Ella, that's good news!” masayang sambit ni Enzo sa ibinalita ko. Matagal din nung huli kaming magkita ni Enzo kaya ngayon ko lang nasabi sa kanya namng personal ang magandang balita na sinabi ng doktor kong si Mike. Ayoko namang sa text or call ko sabihin sa kanya ang tungkol dito. “So, hindi mo na talaga kailangang uminom ng medication or anything?” paniniguro pa nito. Nakangiti akong tumango at sinagot siya.“Sinabi saken ni Mike na lahat ng indicators ko, yung sleep patterns, PHQ-9 at energy level, lahat nasa normal range na for over six months now so hindi na talaga kailangan ng medication. I’ve fully sustained clinical remission.”“Wow, that’s huge! So wala na talagang relapse yan or kahit ano pang lingering symptoms?” paniniguro ni Enzo. Masaya akong tumango.“Sabi pa ni Mike, malaking factor daw yung consistent na theraphy ko. Malakas na rin yung emotional resilience ko ngayon, enough to handle stress or challenges on my own, pero itutuloy ko pa rin yung re
Ella POV“Si Miguel ba naghatid sayo?” bungad ni Macy nang makita ako. Abala ito sa pag-aayos ng mga bulaklak sa mga vase. “Dumaan ba si Enzo dito?” tanong ko sa halip na sagutin siya. Marami na naman kasing bulaklak ngayon dito sa office.“Oo, siya pa mismo ang nagdala ng mga yan. Kung kelan ka wala saka naman siya dumalaw rito.” tugon ni Macy.Napapailing na lang ako. Hindi talaga nagsasawa si Enzo sa pagpaparamdam. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil umaasa lang siya sa wala. Sayang lang talaga dahil bukod sa kaibigan lang ang tingin ko sa kanya ay hindi ko pa kayang pumasok ulit sa isang relasyon.“Si Miguel yun noh?” ani Macy na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot. Kilalang kilala na namin ang isat isa. Sa pag-iling ko pa lang ay alam na niya ang sagot ko.“Sinasabi ko na nga ba eh! Baka sa isang araw malaman ko buntis ka na ha.” Bagsak ang aking panga dahil sa sinabi niya. “Anong pinagsasasabi mo dyan!” napapangiwi kong tugon. Tinawanan lang ako ni
Ella POVNapabuga na lang ako ng malakas nang makabalik na akong muli sa wisyo. “Ella, ano ka ba! Wag ka ngang mag-isip ng kung anu ano. Inabot lang niya yung lababo. Wag ka masyadong affected!” panenermon ko sa aking sarili. Nang matapos ako sa kusina at nagtungo na ako sa salas para tingnan kung anong ginagawa ni Jerald. Kahit wala siyang pasok dapat ay nagrereview ito kahit paano. Umaasa rin ako na nakaalis na si Miguel. Wala naman siyang dahilan para magstay pa dito sa bahay, ngunit mali ako dahil nasa salas pa rin si Miguel at magkausap sila ni Jerald. Hawak nito ang folder ni Jerald at binabasa yun. Napansin naman ni Jerald ang aking presensya at ngumiti ito sa akin nang makita ako.“Tita, si kuya Miguel pala dapat ang tinatanong sa project ko. Andami niyang alam tungkol sa drugs.”Nais ko matawa sa term na ginamit niya sa halip na gamot or medicine ang sabihin. Waring hindi nagustuhan ni Miguel nang makita ang mahinang pagtawa ko at matiim ang tingin na ipinukol niya sa aki
Ella POVHindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. 3pm na nang dalawin ako ng antok. Dahil dun ay nagmessage ako kay Macy at sinabi ang nangyari para wag na itong magtaka kung male-late ako ngayon umaga. Tutal ay natapos ko naman kahapon lahat ng documents na tinatrabaho ko at naisend ko na sa email ni Macy kaya okay lang kahit medyo late na akong pumasok.Medyo tanghali na ng magising ako. Wala naman akong problema kay Jerald dahil independent naman ito at alam nitong asikasuhin ang sarili. Siguradong nasa school na ito ngayon.At si Miguel— napabuntonghininga ako nang maalala siya. Siguradong umuwi na ito, dahil alas dyes na ng umaga at siguradong nabasa nito ang note na iniwan ko sa ibabaw ng kanyang bag. Ang bigat ng ulo ko pagbangon ng kama. Napasabunot tuloy ako ng buhok. Lumabas ako ng aking silid para magtungo sa banyo habang kinukusot at nililinis ko ang aking mata. Napadaan pa ako sa silid ni kuya June, bukas ang pinto at malinis na ang kama. Mukhang nakaalis na
Ella POV Pasado alas onse na ng gabi pero gising na gising pa rin ako. Samantalang kanina pa himbing sa pagtulog si Jerald. Dalawa lang kami ngayon dito sa bahay, si kuya ay out of town pa rin. Hindi ko ugaling dinadala sa bahay ang trabaho. Hanggat maari ay pahinga lang ang gagawin ko kapag nasa bahay na ako. Pero dahil panaka naka ay naalala ko ang nangyari kanina sa bridal boutique, mas pinili kong abalahin ang aking utak sa pagrereview ng mga detalye tungkol sa iba pang projects na nakasave sa documents ko. Naabala ako ng magring ang aking cellphone. Hindi ko na pinagkaabalahan tingnan kung sino ang tumatawag dahil nasa laptop ang atensyon ko. Sinagot ko agad ito, hindi naman siguro ito tatawag ng ganitong oras kung hindi importante. “Good evening po, eto po ba si Ella?” boses ng lalaki sa kabilang linya. Halos hindi ko siya maintidihan dahil parang maingay kung nasaan man ang tumatawag. Hindi pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya kaya inalis ko ang tingin sa laptop
Ella POVNagulat man ako sa sinabi ni Miguel ay nakuha ko pa rin ngumiti at panatilihin ang pagiging professional.“Mr. dela Vega, ang trabaho ko ay para masigurong magiging maayos ang lahat para sa kasal niyo. My suggestion is entirely based on the theme of your dream wedding.” kalmado man ang aking pagkakasabi, nilagyan ko pa rin ito ng diin.Agad na sumingit si Sofia. Tila nararamdaman niya na may nagsisimulang tensyon sa pagitan namin ni Miguel. “Migs, nanghihingi lang ako ng idea sa kanya. Alam mo namang wala akong alam sa mga ganito.” anito na tila siguradong mapapakalma niya ang lalaki.Lumamlam ang mukha ni Miguel nang tingnan nito sa mukha si Sofia.“Hindi mo dapat pinoproblema yan. Anything you wear will always suit you.” ani Miguel. Kiming pagngiti ang itinugon ni Sofia. Sabay sabay kaming napalingon nang marinig naming nagsalita si Ms. Martina. “Baka gusto nyong tingnan ang iba pang options para sa wedding gown ni Ms. Sofia. May mga sketches ako na baka magustuhan ni
Ella POV Ngayong araw nakaschedule ang pagpunta sa Amour Couture ang designer brand na gagawa ng susuotin sa kasal nina Miguel at Sofia. Nagkataong nagkaroon ng problema sa pagpapabook ng venue ng mga ito. Sa aming lahat dito ay ako pinaka eksperto pagdating sa mga ganitong booking kaya naman napadesisyunan naming ako na lang ang pupunta sa mismong office ng mga ito para mas mabilis na maayos ang problema. Samantalang si Macy na lang muna ang siyang mag-aasist kina Miguel at Sofia para maipakilala na sa kanila ang designer sa unang pagkakataon. “Ako na ang mag-aayos ng booking para sa venue.” ani Macy. Nakatayo ito ngayon sa tapat ng aking table habang isinasalansan ko ang aking mga gamit dahil paalis na ako. Taka akong napatingin sa kanya. “Yung ex mo, ayaw pumayag kung hindi ikaw ang kasama nila sa Amour Couture.” anito. Para namang nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. “Hindi mo ba ipinaliwanag na nagkaproblema sa venue nila?” tanong ko. “Sinabi ko na pero ang sagot la
Ella POV“Ano? Nagpahalik ka?!?!” hindi makapaniwalang tanong ni Macy matapos kong ikuwento sa kanya ang buong pangyayari.“Hindi naman ako gumanti. Hindi ko lang siya pinigilan.” pangangatwiran ko.“Pumikit ka ba?” tanong nito na titig na titig sa akin.Napatingin ako kay Macy nang marinig ang tanong niya. Napakagat ako ng labi at saka marahang tumango. Kita ko ang pagbuka ng bibig nito na tila hindi makapaniwala. Napahilot pa ito ng sintido.“You’re doomed!” anito at exaggerated na pumaling ang mukha.“Kung paghihiganti ang purpose niya, naka first base na siya.” sabay tungga nito ng juice na akala mo ay alak ang iniinom.“Hindi na mauulit yun, nabigla lang ako. Diko kasi inexpect na gagawin niya yun.”“Pano kung ulitin niya? Hindi mo pa rin ba ine-expect kaya magpapahalik ka ulit?”Napabuntong hininga ako.“4 years ko siyang hindi nakita, syempre namiss ko siya–”“Hay naku, naalala ko na naman kung paano kayo maglampungan sa harapan namin noon. Grabe para kayong lalanggamin, nahiya
Ella POV Napatayo ako nang marinig ang malalim na boses ni Miguel. Shoot talaga, nakatulog ako! Dahil sa pagkagulat ay nagising yata maging ang kaliit liitang kalamnan ko. Inabot na ko ng gabi dito. Ibig sabihin, napakatagal kong nakatulog sa sofa. Kanina pa ba siya dito? Bakit hinayaan lang niya ako? “Bakit dimo ako ginising?” wala sa sariling nasabi ko. Kita ko ang sarkastikong pagtawa ni Miguel at umiling iling pa habang nasa laptop na ulit ang paningin. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili at sinalikop ang aking mga gamit. Gabi na, kailangan ko nang umuwi. “Pasensya na Mr. dela vega, sige po aalis na ako.” tuliro kong sabi at aktong aalis na. “I thought you were here to have me sign the contract?” anito na ikinatigil ko. Haisst! Oo nga pala. Parang gusto kong tampalin ang sarili ko dahil parang lutang pa rin ako. Ang haba ba naman kasi ng tulog ko. Hoy Ella, gising!! Muli kong ibinaba ang mga gamit ko at tanging ang documents na kailangan lang ni Miguel ang