San ba kumukuha ng inspirasyon ang mga writers para sa mga kwentong isinusulat? In my case, mostly ay galing sa mga totoong pangyayari. Yung mga linyahan na binibitawan ng mga characters lalo na sa comedy ay ganun din kung paano ako magsalita sa totoong buhay kaya natural na lumalabas kapag isinulat na.
Itong story naman ni Ella ay inspired mula sa totoong pangyayari na naganap ilang taon na ang nakaraan. Kaya naman kung mapapansin ninyo, may mga pangyayari or eksena na medyo outdated lalo na pagdating sa usaping teknolohiya. Maraming salamat po at ituloy na natin ang pagbabasa….Ella POV 4 years ago…. Silang, Cavite“Wala pang isang bote yang naiinom mo pero namumula ka na agad.” puna ni Macy sa akin.First time ko kasi mag-inom. Napasubo lang ako dahil nagkasiyahan ang mga kasamahan ko sa boarding house. Lima kaming nangungupahan at kaming dalawa lang ng bestfriend kong si Macy ang college students sa grupo. Samantalang nagtatrabaho na ang tatlo pa naming kasama dito sa unit.Dito rin kami unang nagkakilala ni Macy, mas matanda siya sa akin ng ilang buwan pero mas ahead siya ng isang taon sa college. First meeting pa lang naming dalawa ay magkasundo na agad kami hanggang sa maging super close at ngayon nga ay bestfriend na ang turingan namin. Galing ako sa ordinaryong pamilya, parehong OFW ang aking mga magulang. Samantalang si Macy ay medyo mas nakakaangat sa buhay dahil may sariling negosyo ang ina nito na isang single mom. 19 years old ako at ngayon pa lang ang unang beses kong uminom. Wala naman kaming balak na magpakalasing ngayong gabi. After ng
Ella POVPagkarating ko galing sa mall ay dumiretso ako ng uwi sa unit namin na nasa 2nd floor. 4 storey building ang apartment na tinutuluyan ko. Nasa middle ang parking lot kaya tanaw ang ibang unit na nasa kabilang side ng building. Habang naglalakad ako ay natanaw ko sa unit 208 ang gwapong lalaking nakita ko kanina. Nasa sa tapat at medyo right side ng unit namin. May kausap na naman ito sa telepono. Napaurong ako at nagtago sa likod ng malaking poste. Dahan dahan akong sumilip sa pwesto niya. Napakabusy nito sa kausap kaya hindi niya namamalayan na pinagmamasdan ko siya.Ang gwapo niya talaga! At dito siya nakatira? Maya maya pa ay pumasok na ito sa unit niya at saka pa lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Sinaway ko ang aking sarili. Ano ba naman kasi ang ginagawa ko? Para tuloy akong stalker nito, kaya pumasok na lang ako sa aking unit.Naligo muna ako dahil nanlalagkit ang aking katawan. Ilang oras ba naman akong naglakad ng naglakad sa mall pero kahit isa ay wala naman a
Ella POVKahit nakauwi na ako mula sa school ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay pogi. Pagkarating ko sa parking lot ay tanaw ko na agad ang kanyang magarang sasakyan. “Naka-uwi na rin siguro siya” bulong ko sa aking sarili.Nang papalapit na ako sa pintuan ng unit namin ay sinulyapan ko ang unit 208. Natanaw ko si pogi, kausap nito ang isang lalaki na nakatira sa katabing unit. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti, bakit kaya tinitipid niya yun? Hindi muna ako pumasok sa loob. Tumambay muna ako dito sa labas, may bench naman dito. Masarap tumambay dito dahil mahangin at presko. Mula sa aking kinauupuan ay natatanaw ko siya sa pwesto nito. Hindi naman siguro niya ako mapapansin dito at kahit pa makita niya, hindi ako nag-aalala dahil hindi naman niya alam na ako ang nagtetext sa kanya. Gusto ko lang makita kung anong magiging reaksyon niya sa text message ko.TO POGI:Hi, bakit hindi ka na n
Ella POVNagluto ako ng pancit canton at itlog para sa almusal. Tig-isa kami ni Macy. Nakagawian na kasi naming dalawa na kapag nagluto ang isa sa amin ay dodoblehin para share kaming dalawa, para tipid na rin sa gas.Kumakain na ako nang lumabas si Macy. Ready na rin siya para pumasok sa school. Nasa kusina na rin ang iba pa naming mga housemates. Tapos na silang kumain at nagkakape na lang.“Kain na.” alok ko kay Macy. Kahit naman diko sabihin ay kusa na nito yung gagawin. “Kumusta na ang textmate mo?” tanong ni Macy. “Diba sabi ko, talo na nga ako.”“Hindi na siya nagrereply?” pag-uusisa ni Gina.“Hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.” tugon ko.“Oy Ella, 1 month ang usapan. So, hindi pa tapos.” singit ni Belle na nakabungisngis.“Oo nga, daya mo ha.”dugtong pa ni Marian. “Ah, basta ayoko na. Sigurado namang talo na ako.”“Okay, pero sasabihin namin sa kanya kung sino ka.” nakabungisngis na sabi ni Gina.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.“Hoy Gina, wag na wag mo yang g
Ella POV “OMG!!!” Muntik ko nang mabitawan ang tasa ng kapeng hawak ko nang marinig ko ang malakas na tilian ng mga housemates ko. Nakatayo ako malapit sa may lababo at nagtitimpla ng kape habang kumakain naman ang mga kasamahan ko. Paglingon ko sa kanila ay kita kong hawak ng mga ito ang aking cellphone at pinagpapasa-pasahan na. Nanlaki ang aking mata dahil sa ginagawa ng mga ito. Bago kasi ako magtimpla ng kape ay tinitingnan ko ang picture ng abs ni MR. SUNGIT. Nakalimutan ko pa yatang i-off ang screen. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila upang kunin ang aking cellphone. Nabawi ko man ay huli na, dahil nakita na nila ang picture. “Busog na ko.” tumatawang sabi ni Gina. “Ella, kaya naman pala kuntento ka na sa kape. Nakapagpandesal ka na pala.” biro naman ni Macy na nakatingin sa kapeng hawak ko. Naupo ako sa tabi nila matapos kong makuha ang aking cellphone. “Grabe, hindi lang pala siya gwapo, ang yummy pa.” usal ni Belle na kinikilig. “Anong ini-reply mo?” tanong ni M
Ella POVAs usual, kinabukasan ay maaga na naman akong pumasok. Mas inagahan ko ng konti ang alis dahil dadaan muna ako sa tindahan ni ate Minda para magpa-load. Automatic na akong nagsulat sa notebook nito upang ilista ang cellphone number ko.“25 unlitext po, ate Minda.” wika ko. Kinuha ni ate Minda ang notebook niya at tiningnan ang number na isinulat ko. “Okay na.” ani ate Minda.Ilang sandali pa ay tumunog na ang cellphone ko. Binasa ko ang text message at nabasa kong natanggap ko na ang load ko.“Dumating na po. Salamat” wika ko. Matapos kong magbayad ay tumalikod na ako.Muntik na akong mapalundag nang pagtalikod ko ay makita ang taong nakapila rin at naghihintay sa likod ko. Si Pandesal! Mukhang kanina pa siya rito. Nagsalubong ang mga mata namin pero agad akong nag-iwas na parang walang nakita at agad siyang nilagpasan. Dire-diretso akong naglakad papalayo at mabilis na sumakay ng jeep.Ilang minuto pa lang akong nakakasakay sa jeep nang may bigla akong marealized. Oh my G
Ella POV Kasalukuyan…. Nakatingala ako ngayon sa napakataas na building ng AltiMed Pharmaceutical Corp. dito sa Ortigas. Ito ang main office ng pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Madali akong pinapasok ng mga guards dahil nasa visitors list na ang aking pangalan. Maayos rin akong inistima ni Ms. Abalos ang sekretarya ni Miguel. Moderno ang loob ng gusali. Sumakay kami sa elevator at nagtungo sa 20th floor. Pinapasok niya ako sa isang silid. Ang sabi niya ay ito daw ang opisina ng CEO. Namangha ako nang masilayan ang loob. Malaki at moderno din ito. “Ma’am dito po muna kayo maghintay. Nagkaroon lang ng emergency meeting ang CEO but you are scheduled to see him right after the meeting.” magalang na wika ng sekretarya. Inalok pa niya ako ng maiinom na hindi ko naman tinanggihan. Binigyan niya ako ng choices at kape na lang ang hiningi ko. Kailangan ko yun habang naghihintay at nag-aalis ng tensyon. Matapos niya akong bigyan ng inumin ay naiwan na akong mag-isa. Inilibo
Ella POV Hindi pa man ako nagtatanong ay nagsalita nang muli si Miguel, tila nababasa niya ang namumuong katanungan sa aking isipan. “I know what you’re thinking right now. We told you that our preference is for minimalist styling and decor at the wedding, including our wedding outfits. Sofia doesn't even want to spend a million for her gown and ring. Pero yung budget na sinasabi ko is for accommodating our VIP guests. We have guests traveling from different parts of the country and some are from overseas. Most of them are family and friends so we want to give them the warmest accommodations from smooth travel arrangements to comfortable hotel stays. You have to work with my secretary pagdating sa bagay na yan. Hindi rin namin titipirin ang catering and food.” Hindi ko na naman maiwasang ikumpara ang mga sinabi niya sa dating pinaplano naming dalawa noong nakaraan. Naalala ko pa, nakayakap siya sa akin habang sinasabi niya na uubusin niya ang budget sa wedding ring namin dahil on
Ella POV“What? Ella, that's good news!” masayang sambit ni Enzo sa ibinalita ko. Matagal din nung huli kaming magkita ni Enzo kaya ngayon ko lang nasabi sa kanya namng personal ang magandang balita na sinabi ng doktor kong si Mike. Ayoko namang sa text or call ko sabihin sa kanya ang tungkol dito. “So, hindi mo na talaga kailangang uminom ng medication or anything?” paniniguro pa nito. Nakangiti akong tumango at sinagot siya.“Sinabi saken ni Mike na lahat ng indicators ko, yung sleep patterns, PHQ-9 at energy level, lahat nasa normal range na for over six months now so hindi na talaga kailangan ng medication. I’ve fully sustained clinical remission.”“Wow, that’s huge! So wala na talagang relapse yan or kahit ano pang lingering symptoms?” paniniguro ni Enzo. Masaya akong tumango.“Sabi pa ni Mike, malaking factor daw yung consistent na theraphy ko. Malakas na rin yung emotional resilience ko ngayon, enough to handle stress or challenges on my own, pero itutuloy ko pa rin yung re
Ella POV“Si Miguel ba naghatid sayo?” bungad ni Macy nang makita ako. Abala ito sa pag-aayos ng mga bulaklak sa mga vase. “Dumaan ba si Enzo dito?” tanong ko sa halip na sagutin siya. Marami na naman kasing bulaklak ngayon dito sa office.“Oo, siya pa mismo ang nagdala ng mga yan. Kung kelan ka wala saka naman siya dumalaw rito.” tugon ni Macy.Napapailing na lang ako. Hindi talaga nagsasawa si Enzo sa pagpaparamdam. Naaawa tuloy ako sa kanya dahil umaasa lang siya sa wala. Sayang lang talaga dahil bukod sa kaibigan lang ang tingin ko sa kanya ay hindi ko pa kayang pumasok ulit sa isang relasyon.“Si Miguel yun noh?” ani Macy na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot. Kilalang kilala na namin ang isat isa. Sa pag-iling ko pa lang ay alam na niya ang sagot ko.“Sinasabi ko na nga ba eh! Baka sa isang araw malaman ko buntis ka na ha.” Bagsak ang aking panga dahil sa sinabi niya. “Anong pinagsasasabi mo dyan!” napapangiwi kong tugon. Tinawanan lang ako ni
Ella POVNapabuga na lang ako ng malakas nang makabalik na akong muli sa wisyo. “Ella, ano ka ba! Wag ka ngang mag-isip ng kung anu ano. Inabot lang niya yung lababo. Wag ka masyadong affected!” panenermon ko sa aking sarili. Nang matapos ako sa kusina at nagtungo na ako sa salas para tingnan kung anong ginagawa ni Jerald. Kahit wala siyang pasok dapat ay nagrereview ito kahit paano. Umaasa rin ako na nakaalis na si Miguel. Wala naman siyang dahilan para magstay pa dito sa bahay, ngunit mali ako dahil nasa salas pa rin si Miguel at magkausap sila ni Jerald. Hawak nito ang folder ni Jerald at binabasa yun. Napansin naman ni Jerald ang aking presensya at ngumiti ito sa akin nang makita ako.“Tita, si kuya Miguel pala dapat ang tinatanong sa project ko. Andami niyang alam tungkol sa drugs.”Nais ko matawa sa term na ginamit niya sa halip na gamot or medicine ang sabihin. Waring hindi nagustuhan ni Miguel nang makita ang mahinang pagtawa ko at matiim ang tingin na ipinukol niya sa aki
Ella POVHindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. 3pm na nang dalawin ako ng antok. Dahil dun ay nagmessage ako kay Macy at sinabi ang nangyari para wag na itong magtaka kung male-late ako ngayon umaga. Tutal ay natapos ko naman kahapon lahat ng documents na tinatrabaho ko at naisend ko na sa email ni Macy kaya okay lang kahit medyo late na akong pumasok.Medyo tanghali na ng magising ako. Wala naman akong problema kay Jerald dahil independent naman ito at alam nitong asikasuhin ang sarili. Siguradong nasa school na ito ngayon.At si Miguel— napabuntonghininga ako nang maalala siya. Siguradong umuwi na ito, dahil alas dyes na ng umaga at siguradong nabasa nito ang note na iniwan ko sa ibabaw ng kanyang bag. Ang bigat ng ulo ko pagbangon ng kama. Napasabunot tuloy ako ng buhok. Lumabas ako ng aking silid para magtungo sa banyo habang kinukusot at nililinis ko ang aking mata. Napadaan pa ako sa silid ni kuya June, bukas ang pinto at malinis na ang kama. Mukhang nakaalis na
Ella POV Pasado alas onse na ng gabi pero gising na gising pa rin ako. Samantalang kanina pa himbing sa pagtulog si Jerald. Dalawa lang kami ngayon dito sa bahay, si kuya ay out of town pa rin. Hindi ko ugaling dinadala sa bahay ang trabaho. Hanggat maari ay pahinga lang ang gagawin ko kapag nasa bahay na ako. Pero dahil panaka naka ay naalala ko ang nangyari kanina sa bridal boutique, mas pinili kong abalahin ang aking utak sa pagrereview ng mga detalye tungkol sa iba pang projects na nakasave sa documents ko. Naabala ako ng magring ang aking cellphone. Hindi ko na pinagkaabalahan tingnan kung sino ang tumatawag dahil nasa laptop ang atensyon ko. Sinagot ko agad ito, hindi naman siguro ito tatawag ng ganitong oras kung hindi importante. “Good evening po, eto po ba si Ella?” boses ng lalaki sa kabilang linya. Halos hindi ko siya maintidihan dahil parang maingay kung nasaan man ang tumatawag. Hindi pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya kaya inalis ko ang tingin sa laptop
Ella POVNagulat man ako sa sinabi ni Miguel ay nakuha ko pa rin ngumiti at panatilihin ang pagiging professional.“Mr. dela Vega, ang trabaho ko ay para masigurong magiging maayos ang lahat para sa kasal niyo. My suggestion is entirely based on the theme of your dream wedding.” kalmado man ang aking pagkakasabi, nilagyan ko pa rin ito ng diin.Agad na sumingit si Sofia. Tila nararamdaman niya na may nagsisimulang tensyon sa pagitan namin ni Miguel. “Migs, nanghihingi lang ako ng idea sa kanya. Alam mo namang wala akong alam sa mga ganito.” anito na tila siguradong mapapakalma niya ang lalaki.Lumamlam ang mukha ni Miguel nang tingnan nito sa mukha si Sofia.“Hindi mo dapat pinoproblema yan. Anything you wear will always suit you.” ani Miguel. Kiming pagngiti ang itinugon ni Sofia. Sabay sabay kaming napalingon nang marinig naming nagsalita si Ms. Martina. “Baka gusto nyong tingnan ang iba pang options para sa wedding gown ni Ms. Sofia. May mga sketches ako na baka magustuhan ni
Ella POV Ngayong araw nakaschedule ang pagpunta sa Amour Couture ang designer brand na gagawa ng susuotin sa kasal nina Miguel at Sofia. Nagkataong nagkaroon ng problema sa pagpapabook ng venue ng mga ito. Sa aming lahat dito ay ako pinaka eksperto pagdating sa mga ganitong booking kaya naman napadesisyunan naming ako na lang ang pupunta sa mismong office ng mga ito para mas mabilis na maayos ang problema. Samantalang si Macy na lang muna ang siyang mag-aasist kina Miguel at Sofia para maipakilala na sa kanila ang designer sa unang pagkakataon. “Ako na ang mag-aayos ng booking para sa venue.” ani Macy. Nakatayo ito ngayon sa tapat ng aking table habang isinasalansan ko ang aking mga gamit dahil paalis na ako. Taka akong napatingin sa kanya. “Yung ex mo, ayaw pumayag kung hindi ikaw ang kasama nila sa Amour Couture.” anito. Para namang nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. “Hindi mo ba ipinaliwanag na nagkaproblema sa venue nila?” tanong ko. “Sinabi ko na pero ang sagot la
Ella POV“Ano? Nagpahalik ka?!?!” hindi makapaniwalang tanong ni Macy matapos kong ikuwento sa kanya ang buong pangyayari.“Hindi naman ako gumanti. Hindi ko lang siya pinigilan.” pangangatwiran ko.“Pumikit ka ba?” tanong nito na titig na titig sa akin.Napatingin ako kay Macy nang marinig ang tanong niya. Napakagat ako ng labi at saka marahang tumango. Kita ko ang pagbuka ng bibig nito na tila hindi makapaniwala. Napahilot pa ito ng sintido.“You’re doomed!” anito at exaggerated na pumaling ang mukha.“Kung paghihiganti ang purpose niya, naka first base na siya.” sabay tungga nito ng juice na akala mo ay alak ang iniinom.“Hindi na mauulit yun, nabigla lang ako. Diko kasi inexpect na gagawin niya yun.”“Pano kung ulitin niya? Hindi mo pa rin ba ine-expect kaya magpapahalik ka ulit?”Napabuntong hininga ako.“4 years ko siyang hindi nakita, syempre namiss ko siya–”“Hay naku, naalala ko na naman kung paano kayo maglampungan sa harapan namin noon. Grabe para kayong lalanggamin, nahiya
Ella POV Napatayo ako nang marinig ang malalim na boses ni Miguel. Shoot talaga, nakatulog ako! Dahil sa pagkagulat ay nagising yata maging ang kaliit liitang kalamnan ko. Inabot na ko ng gabi dito. Ibig sabihin, napakatagal kong nakatulog sa sofa. Kanina pa ba siya dito? Bakit hinayaan lang niya ako? “Bakit dimo ako ginising?” wala sa sariling nasabi ko. Kita ko ang sarkastikong pagtawa ni Miguel at umiling iling pa habang nasa laptop na ulit ang paningin. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili at sinalikop ang aking mga gamit. Gabi na, kailangan ko nang umuwi. “Pasensya na Mr. dela vega, sige po aalis na ako.” tuliro kong sabi at aktong aalis na. “I thought you were here to have me sign the contract?” anito na ikinatigil ko. Haisst! Oo nga pala. Parang gusto kong tampalin ang sarili ko dahil parang lutang pa rin ako. Ang haba ba naman kasi ng tulog ko. Hoy Ella, gising!! Muli kong ibinaba ang mga gamit ko at tanging ang documents na kailangan lang ni Miguel ang