Chapter 2
Napanguso ako at sinimangutan siya. "Ikaw kaya ang walang tigil na nangangantiyaw." "Hindi ko kasalanan na ikaw ang hopeless romantic na nahulog sa hot ninong mo," biro niya ulit, pero napangiti rin ako. Tahimik na pumasok ang professor namin, si Sir Ramon, bitbit ang isang makapal na notebook at laptop. Isa siyang matandang propesor na kilala sa pagiging mahigpit, pero magaan naman siyang kausap kapag wala nang klase. "Good afternoon, class," bati niya habang sinusuri ang mga pangalan sa attendance sheet. "Good afternoon, Sir!" sabay-sabay naming sagot. "Ngayong araw, pag-uusapan natin ang lesson planning at effective classroom management techniques," aniya, sabay bukas ng laptop. "Since future educators kayo, dapat matutunan ninyo kung paano maging maayos at organisado sa loob ng classroom." Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa lecture, pero sadyang matigas ang ulo ng isip ko. Mula nang magising ako kaninang umaga, ilang beses nang bumabalik sa utak ko ang imahe ni Ninong Axel. Ang paborito niyang itim na suit, ang matipuno niyang katawan, at ang nakakahalinang ngiti niya — para bang may sariling paraan ang utak ko para ipaalala kung sino talaga ang laman ng puso ko. "Miss Quezon?" Natauhan ako nang marinig kong tawagin ako ni Sir Ramon. Lahat ng mata ay nakatingin na sa akin, at pakiramdam ko’y bigla akong nanliit. "Yes, Sir?" "Can you tell us the importance of setting rules and regulations inside the classroom?" Napalunok ako. Sa kabutihang palad, may natandaan naman ako sa lecture niya. "Ah, Sir, setting rules and regulations helps maintain discipline and order in the classroom. It also creates a safe and conducive learning environment for students," sagot ko, pilit na pinapakalma ang kabang nararamdaman. "Very well," tango ni Sir Ramon, at nagpatuloy na siya sa discussion. Napabuntong-hininga ako, sabay naramdaman ang banayad na tapik ni Jane sa aking braso. "Akira, next time, huwag nang lumipad ang isip, ha? Baka si Ninong Axel na naman ang nasa utak mo." Napailing na lang ako, pero hindi ko na napigilan ang isang munting ngiti. Oo, tama si Jane. Malaki ang age gap namin ni Ninong Axel. Pero paano nga ba pipigilan ang puso kapag ito na mismo ang bumubulong ng pangalan niya? Habang tuloy-tuloy ang lecture ni Sir Ramon, pilit kong pinakikinggan ang bawat salitang sinasabi niya. Pero kahit anong gawin ko, tila may bahagi ng utak ko na ayaw mag-focus. "Akira," bulong ni Jane habang kunwari’y nagsusulat ng notes. "Ano bang plano mo? Ganyan ka na lang ba habang buhay? Titingin-tingin at magpapantasya kay Ninong Axel?" Napairap ako. "Hindi ako nagpapantasya, Jane." "Ah, talaga? E bakit parang mas kilig ka pa sa kanya kesa sa mga romance movies na pinapanuod natin?" Napapailing na lang ako. Minsan talaga, parang wala nang preno ang bibig ng kaibigan ko. "Tsaka, Akira," patuloy niya, "isipin mo naman, forty na si Ninong Axel. I mean, oo, hot siya. Pero hindi ka ba naiilang? Parang ang laki ng gap n’yo." "Hindi naman siguro ganoon kalaki," pabulong kong sagot, sinisiguradong hindi maririnig ng mga katabi namin. "Tsaka, mas mature siya. Hindi tulad ng mga ka-age natin na puro laro lang sa buhay." "Tsk. Pero paano kung may girlfriend na siya? O worse, asawa?" Biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ko rin naman alam ang sagot doon. Si Ninong Axel kasi, kahit sobrang close namin sa family gatherings, hindi naman siya madalas magkwento tungkol sa personal niyang buhay. Lagi siyang seryoso at tahimik. "Eh di mas lalo nang wala," mahina kong sagot, pilit na itinatago ang lungkot sa boses ko. "Pero paano kung wala pa?" bumuntong-hininga si Jane. "Akira, aminin mo na. May chance ka pa rin." Napailing ako. "Hindi ganoon kadali, Jane. Hindi ko rin naman alam kung anong nararamdaman niya. Tsaka, hello? Ninong ko siya. Baka isipin niya, baliw ako." "Malay mo, ikaw rin ang weakness niya," biro ni Jane, sabay kindat. "Hindi ko na ‘yan iisipin. Tapusin na lang natin itong lecture," sabi ko, pilit na ibinalik ang atensyon ko sa discussion. Pero kahit pa anong pilit kong mag-focus, isang bagay ang malinaw — sa kabila ng lahat ng pangangatwiran ko, ang puso ko ay patuloy na bumubulong ng pangalan niya. "Jane, pwede bang wag ka nang maingay? At isa pa, malapit na tayong makapagtapos ng pag-aaral. Baka dito pa tayo bumagsak!" bulong ko sa kanya, sabay tiningnan siya ng masama. Napailing si Jane, pero hindi na rin siya sumagot. Mukhang alam niyang tama ako. Ilang buwan na lang at finally, makakapagtapos na rin kami ng BSED. Isang hakbang na lang at magiging ganap na kaming mga guro. Habang patuloy ang lecture ni Sir Ramon, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa mga notes ko. Pero kahit anong pilit kong mag-focus, para bang nasa likod ng isipan ko pa rin ang usapan namin ni Jane. Ninong Axel. Bakit nga ba sa dami ng taong puwede kong magustuhan, siya pa? Isang lalaking halos dalawang dekada ang tanda sa akin. Pero kahit anong pigil ko, hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. Hindi lang dahil sa itsura niya — na para bang isang CEO na laging maayos at pormal manamit — kundi dahil sa paraan ng pagtrato niya sa akin. He’s always gentle. Mapanuri ang mga mata niya, laging nagmamasid, pero may lambing at respeto. "Akira," bulong ulit ni Jane, at napansin kong nag-roll call na si Sir Ramon. "Quezon, Akira?" tawag ng professor namin. "Present po, Sir!" sagot ko agad, sabay ng tipid na ngiti. "Good. Make sure you’re listening. Sayang naman kung malalampasan ninyo itong lesson na ‘to." "Opo, Sir," sabay sabing tiningnan ko si Jane na halatang nagtatawa pa rin. "Akira, focus," mahinang sabi ko sa sarili ko. Pero kahit anong pilit kong gawing focus ang lesson, hindi ko pa rin mapigilan ang isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Paano kung may paraan para malaman ko kung may pagtingin din si Ninong Axel sa akin? Pagkatapos ng klase namin kay Sir Ramon, agad kaming nag-ayos ng mga gamit ni Jane. "Finally! Tapos na rin si Sir. Akala ko aabutin na tayo ng siyam-siyam sa dami ng discussion," reklamo niya habang isinusuot ang bag. "Sus, para namang nakinig ka," tukso ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal." "E ikaw rin naman! Kung hindi lang Ninong Axel ang nasa isip mo, baka ikaw pa ang star student ni Sir Ramon," sagot niya na may kasamang kindat. "Hay naku, Jane. Tama na nga 'yan," sagot ko, sabay hinila siya palabas ng classroom. "Next subject na tayo."Chapter 3Dumiretso kami sa kabilang building kung saan ang Educational Psychology namin. Isa ito sa mga paborito kong subject dahil mahilig akong mag-observe ng mga tao at mag-analyze ng behavior nila. Minsan nga, naisip ko rin kung paano ko maiintindihan ang sarili kong nararamdaman — lalo na pagdating kay Ninong Axel.Pagkapasok namin, agad akong naupo sa tabi ng bintana habang si Jane naman ay naupo sa tabi ko. Ilang minuto lang, pumasok na si Ma’am Castillo, ang professor namin."Good afternoon, class," bati niya na may malapad na ngiti."Good afternoon, Ma’am!" sabay-sabay naming sagot."Today, we’ll be discussing the different psychological theories that can be applied in teaching and learning," aniya habang nagsusulat sa whiteboard. "But before that, I want to hear your insights. In your opinion, how important is understanding human behavior for a teacher?"Nagtaas ng kamay ang ilang kaklase ko, at isa-isa silang nagbahagi ng sagot. Tahimik akong nakikinig, sinusubukan ding bu
Chapter 4Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko agad nagawang kumilos o magsalita. Nakatitig lang ako kay Ninong Axel, ngunit mabilis niyang ibinaling ang tingin niya kay Grace.Ang babae sa front seat ay napakaganda — may mahahabang buhok na bumagay sa makinis niyang balat. Suot niya ang isang eleganteng white dress at minimal makeup na mas lalong nagpatingkad sa kanyang natural na kagandahan. Isang klase ng kagandahang parang hindi ko kayang pantayan."Hi," bati ni Grace na may matamis na ngiti. "Ikaw siguro si Akira?""Ah… o-opo," sagot ko, halos hindi matignan ang mga mata niya."Nice to meet you," aniya, at kita ko ang bakas ng kabaitan sa kanyang mukha. Pero sa kabila ng kanyang magandang ngiti, naramdaman ko ang mabigat na kirot sa dibdib ko."Akira," malamig na wika ni Ninong Axel, na tila wala ni bahid ng emosyon. "Sumakay ka na sa likod. Hindi tayo dapat magtagal.""Oo nga, Akira!" singit ni Jane, sabay marahang pagtulak muli sa akin. "Sayang naman
Chapter 5Ramdam ko ang bigat sa likod ng kanyang mga salita. Para bang alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman, pero pinili niyang huwag na lang tanungin pa."Anak," malumanay na dagdag niya, "ang mahalaga ay masaya ka rin, ha? Hindi lang dapat ibang tao ang masaya."Napayuko ako, pilit na ikinukubli ang nangingilid kong luha. "Opo, Ma.""Hala, sige na’t magpahinga ka na sa kwarto mo. Ako nang bahala rito.""Salamat po, Ma," sagot ko bago tuluyang umakyat ng hagdan.Pagpasok ko sa kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Sa wakas, wala nang nakakakita. Doon ko na pinalaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.Tahimik akong humikbi, hinayaan ang bawat kirot na lumabas.Si Ninong Axel… may iba na.At wala akong magagawa kundi tanggapin iyon."Let's move on," bulong ko na lang sa aking sarili, pilit na pinapalakas ang loob ko.Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at huminga nang malalim. Hindi pwedeng habambuhay akong magpakalunod sa sakit. Kailangan kong ipakita na kaya k
Chapter 6Fast ForwardIlang Buwan MataposSa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat — ang araw ng pagtatapos.Nasa malawak na gymnasium kami, napuno ng mga estudyanteng sabik nang magtapos. Naririnig ko ang masiglang tawanan at mga bulungan ng kasiyahan. Nasa paligid ang mga magulang at mahal sa buhay, proud na proud habang pinagmamasdan ang mga anak nilang magsusuot ng toga at tatanggap ng diploma.Naramdaman ko ang init ng yakap ni Jane, ang matalik kong kaibigan, na halos tumatalon sa tuwa."Akira! Grabe, girl! Graduate na tayo!" sigaw niya habang pilit akong niyayakap."Oo nga, Jane! Parang kailan lang, pinag-uusapan lang natin kung paano tayo makakatapos. Ngayon, hawak na natin ‘to." Nginitian ko siya at hindi ko napigilang mapaluha ng bahagya.Sa likod ng saya, naroon pa rin ang kirot. Alam kong kung andito lang si Papa, siguradong siya ang pinakamalakas na palakpak sa buong gymnasium. Ngunit kahit wala siya, ramdam ko ang kanyang presensya.Pagkatapos n
Chapter 7 "So, kailangan mo pang mag take exam para sa teacher license mo, Akira!" biglang basag sa katahimikan ni Ninong Axel sa aming lahat. "Oo, Ninong," sagot ko nang bahagyang pilit ang ngiti. "Pero pinag-iisipan ko pa kung kailan ako mag-eexam. Gusto ko sanang magpahinga muna saglit." "Hindi masama 'yan," sabat ni Grace habang nakatingin sa akin mula sa passenger seat. "Deserve mo rin namang mag-relax pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo sa pag-aaral." Tumango lang ako, pero ramdam ko pa rin ang bahagyang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako ka-conscious tuwing nandito si Grace. Siguro dahil alam ko kung anong nararamdaman ko para kay Ninong Axel, kahit gaano ko pa pilit itanggi. "Pero huwag ka masyadong magtagal, ha," muling sabi ni Ninong Axel, at sinulyapan ako sa rearview mirror. "Sayang naman ang momentum mo. Magaling kang estudyante, Akira. Malayo ang mararating mo." May kung anong init na dumaloy sa puso ko sa sinabi niya. Simple
Chapter 8 Mabilis na lumipas ang mga araw, at dumating na rin ang araw ng pag-alis namin ni Mama papuntang Manila. Sa kabila ng pilit kong pag-focus sa exam, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang mga sandaling naiwan ko sa aming bayan — lalo na ang mga titig at salitang hindi naipahayag. "Anak, handa na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga maleta. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, Ma. Wala na akong nakalimutan." Alam kong sinusubukan ni Mama na magpakasaya para sa akin. Gusto niyang maramdaman ko ang suporta niya, at nagpapasalamat ako roon. Pero sa likod ng ngiting iyon, alam kong nababasa rin niya ang bigat sa aking mga mata. Nang dumating si Ninong Axel at Grace upang ihatid kami sa terminal, hindi ko maiwasang mapansin kung paano sila parang mas naging malapit. Mas marami silang napag-uusapan, mas marami rin silang mga ngiti na binibitawan sa isa’t isa. Hindi ko naman dapat pansinin, pero bakit gano’n? Parang ang hirap. "Good luck sa exam mo
Chapter 9 Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa tapat ng salamin ako, pinagmamasdan ang sarili ko. "Akira, kaya mo 'to," mahina kong bulong sa sarili ko. "Para sa sarili mo. Para sa kinabukasan mo." Sa araw na iyon, nagpasya akong magsimula muli — bitbit ang lahat ng aral na natutunan ko, pati na rin ang pagmamahal sa sarili na matagal ko nang ipinagkait. At kahit pa may kirot na natitira, alam kong darating ang araw na magiging mas magaan ang lahat. "Anak, dalhin mo ito," wika ni Mama saka inabot sa akin ang isang rosary. "Para gabayan ka ni Mama Mary!" Kinuha ko ang rosaryo mula sa kamay ni Mama at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa simpleng bagay na iyon. "Salamat po, Ma," mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang puting mga butil ng rosaryo. "Ipagdadasal ko na sana maging maayos ang lahat." Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Laging nandiyan si Mama Mary para gabayan ka, anak. Basta maniwala ka lang sa sarili mo." Tumango ako,
Chapter 10Nilingon ko si Jane at nagkatitigan kami, parehong puno ng determinasyon. Alam naming pareho na malaking hamon ang darating, pero sa mga oras na ito, mas gumaan ang loob ko. "Kaya natin ‘to, best friend," sabi ni Jane, hawak ang kamay ko. "Kaya natin ‘to," sagot ko pabalik, may ngiti sa labi. At sa mga oras na -yon, alam ko na hindi lang ako may kasama sa laban na ito — may best friend akong laging nandiyan para sa akin.Pagkatapos ng maikling kwentuhan namin ni Jane at ng kanyang pamilya, nagpaalam na rin kami ni Mama."Best, good luck ulit!" ani Jane, mahigpit akong niyakap. "Basta laban lang, ha?""Ikaw rin, best! Balitaan mo ako!" sagot ko, ramdam ang init ng suporta niya."Akira, ingat kayo ni Mama mo," dagdag pa niya, habang kumakaway."Salamat! Kayo rin!"Pagkatapos ng ilang sandali, sumakay na kami ni Mama sa tricycle na naghihintay."Anak, diretso na tayo sa simbahan, ha?" sabi ni Mama habang inaayos ang bag niya. "Gusto kong magdasal kasama ka bago tayo bumalik
Chapter 11 Habang sinasagutan ko ang mga tanong, naramdaman ko ang bahagyang kaba na humalo sa determinasyon. Pero sa tuwing napapaisip ako, naaalala ko ang mga gabing ginugol ko sa pag-aaral, ang mga encouragement ni Mama, at ang walang sawang suporta ni Jane.“Focus, Akira,” bulong ko sa sarili ko.Halos lahat ng mga pinag-aralan namin at itinuro ng professor namin ay lumabas. Pati na rin ang mga nireview namin kahapon ni Jane ay nandoon. Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Para bang lahat ng paghihirap ko ay nagbunga sa sandaling ito.Sa tuwing may tanong na medyo komplikado, huminga lang ako ng malalim at inalala ang mga diskusyon sa klase. Ipinagpapasa-Diyos ko ang bawat sagot, umaasang tama ang mga pinipili ko.Pagdating sa essay part, isinulat ko ang lahat ng aking naiintindihan, ipinaliwanag nang maayos ang mga konsepto, at siniguradong malinaw ang aking punto. Parang dumadaloy na lang ang mga salita sa papel.Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan. Hanggang sa marin
Chapter 10Nilingon ko si Jane at nagkatitigan kami, parehong puno ng determinasyon. Alam naming pareho na malaking hamon ang darating, pero sa mga oras na ito, mas gumaan ang loob ko. "Kaya natin ‘to, best friend," sabi ni Jane, hawak ang kamay ko. "Kaya natin ‘to," sagot ko pabalik, may ngiti sa labi. At sa mga oras na -yon, alam ko na hindi lang ako may kasama sa laban na ito — may best friend akong laging nandiyan para sa akin.Pagkatapos ng maikling kwentuhan namin ni Jane at ng kanyang pamilya, nagpaalam na rin kami ni Mama."Best, good luck ulit!" ani Jane, mahigpit akong niyakap. "Basta laban lang, ha?""Ikaw rin, best! Balitaan mo ako!" sagot ko, ramdam ang init ng suporta niya."Akira, ingat kayo ni Mama mo," dagdag pa niya, habang kumakaway."Salamat! Kayo rin!"Pagkatapos ng ilang sandali, sumakay na kami ni Mama sa tricycle na naghihintay."Anak, diretso na tayo sa simbahan, ha?" sabi ni Mama habang inaayos ang bag niya. "Gusto kong magdasal kasama ka bago tayo bumalik
Chapter 9 Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa tapat ng salamin ako, pinagmamasdan ang sarili ko. "Akira, kaya mo 'to," mahina kong bulong sa sarili ko. "Para sa sarili mo. Para sa kinabukasan mo." Sa araw na iyon, nagpasya akong magsimula muli — bitbit ang lahat ng aral na natutunan ko, pati na rin ang pagmamahal sa sarili na matagal ko nang ipinagkait. At kahit pa may kirot na natitira, alam kong darating ang araw na magiging mas magaan ang lahat. "Anak, dalhin mo ito," wika ni Mama saka inabot sa akin ang isang rosary. "Para gabayan ka ni Mama Mary!" Kinuha ko ang rosaryo mula sa kamay ni Mama at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa simpleng bagay na iyon. "Salamat po, Ma," mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang puting mga butil ng rosaryo. "Ipagdadasal ko na sana maging maayos ang lahat." Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Laging nandiyan si Mama Mary para gabayan ka, anak. Basta maniwala ka lang sa sarili mo." Tumango ako,
Chapter 8 Mabilis na lumipas ang mga araw, at dumating na rin ang araw ng pag-alis namin ni Mama papuntang Manila. Sa kabila ng pilit kong pag-focus sa exam, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang mga sandaling naiwan ko sa aming bayan — lalo na ang mga titig at salitang hindi naipahayag. "Anak, handa na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga maleta. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, Ma. Wala na akong nakalimutan." Alam kong sinusubukan ni Mama na magpakasaya para sa akin. Gusto niyang maramdaman ko ang suporta niya, at nagpapasalamat ako roon. Pero sa likod ng ngiting iyon, alam kong nababasa rin niya ang bigat sa aking mga mata. Nang dumating si Ninong Axel at Grace upang ihatid kami sa terminal, hindi ko maiwasang mapansin kung paano sila parang mas naging malapit. Mas marami silang napag-uusapan, mas marami rin silang mga ngiti na binibitawan sa isa’t isa. Hindi ko naman dapat pansinin, pero bakit gano’n? Parang ang hirap. "Good luck sa exam mo
Chapter 7 "So, kailangan mo pang mag take exam para sa teacher license mo, Akira!" biglang basag sa katahimikan ni Ninong Axel sa aming lahat. "Oo, Ninong," sagot ko nang bahagyang pilit ang ngiti. "Pero pinag-iisipan ko pa kung kailan ako mag-eexam. Gusto ko sanang magpahinga muna saglit." "Hindi masama 'yan," sabat ni Grace habang nakatingin sa akin mula sa passenger seat. "Deserve mo rin namang mag-relax pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo sa pag-aaral." Tumango lang ako, pero ramdam ko pa rin ang bahagyang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako ka-conscious tuwing nandito si Grace. Siguro dahil alam ko kung anong nararamdaman ko para kay Ninong Axel, kahit gaano ko pa pilit itanggi. "Pero huwag ka masyadong magtagal, ha," muling sabi ni Ninong Axel, at sinulyapan ako sa rearview mirror. "Sayang naman ang momentum mo. Magaling kang estudyante, Akira. Malayo ang mararating mo." May kung anong init na dumaloy sa puso ko sa sinabi niya. Simple
Chapter 6Fast ForwardIlang Buwan MataposSa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat — ang araw ng pagtatapos.Nasa malawak na gymnasium kami, napuno ng mga estudyanteng sabik nang magtapos. Naririnig ko ang masiglang tawanan at mga bulungan ng kasiyahan. Nasa paligid ang mga magulang at mahal sa buhay, proud na proud habang pinagmamasdan ang mga anak nilang magsusuot ng toga at tatanggap ng diploma.Naramdaman ko ang init ng yakap ni Jane, ang matalik kong kaibigan, na halos tumatalon sa tuwa."Akira! Grabe, girl! Graduate na tayo!" sigaw niya habang pilit akong niyayakap."Oo nga, Jane! Parang kailan lang, pinag-uusapan lang natin kung paano tayo makakatapos. Ngayon, hawak na natin ‘to." Nginitian ko siya at hindi ko napigilang mapaluha ng bahagya.Sa likod ng saya, naroon pa rin ang kirot. Alam kong kung andito lang si Papa, siguradong siya ang pinakamalakas na palakpak sa buong gymnasium. Ngunit kahit wala siya, ramdam ko ang kanyang presensya.Pagkatapos n
Chapter 5Ramdam ko ang bigat sa likod ng kanyang mga salita. Para bang alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman, pero pinili niyang huwag na lang tanungin pa."Anak," malumanay na dagdag niya, "ang mahalaga ay masaya ka rin, ha? Hindi lang dapat ibang tao ang masaya."Napayuko ako, pilit na ikinukubli ang nangingilid kong luha. "Opo, Ma.""Hala, sige na’t magpahinga ka na sa kwarto mo. Ako nang bahala rito.""Salamat po, Ma," sagot ko bago tuluyang umakyat ng hagdan.Pagpasok ko sa kwarto, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Sa wakas, wala nang nakakakita. Doon ko na pinalaya ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.Tahimik akong humikbi, hinayaan ang bawat kirot na lumabas.Si Ninong Axel… may iba na.At wala akong magagawa kundi tanggapin iyon."Let's move on," bulong ko na lang sa aking sarili, pilit na pinapalakas ang loob ko.Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi at huminga nang malalim. Hindi pwedeng habambuhay akong magpakalunod sa sakit. Kailangan kong ipakita na kaya k
Chapter 4Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko agad nagawang kumilos o magsalita. Nakatitig lang ako kay Ninong Axel, ngunit mabilis niyang ibinaling ang tingin niya kay Grace.Ang babae sa front seat ay napakaganda — may mahahabang buhok na bumagay sa makinis niyang balat. Suot niya ang isang eleganteng white dress at minimal makeup na mas lalong nagpatingkad sa kanyang natural na kagandahan. Isang klase ng kagandahang parang hindi ko kayang pantayan."Hi," bati ni Grace na may matamis na ngiti. "Ikaw siguro si Akira?""Ah… o-opo," sagot ko, halos hindi matignan ang mga mata niya."Nice to meet you," aniya, at kita ko ang bakas ng kabaitan sa kanyang mukha. Pero sa kabila ng kanyang magandang ngiti, naramdaman ko ang mabigat na kirot sa dibdib ko."Akira," malamig na wika ni Ninong Axel, na tila wala ni bahid ng emosyon. "Sumakay ka na sa likod. Hindi tayo dapat magtagal.""Oo nga, Akira!" singit ni Jane, sabay marahang pagtulak muli sa akin. "Sayang naman
Chapter 3Dumiretso kami sa kabilang building kung saan ang Educational Psychology namin. Isa ito sa mga paborito kong subject dahil mahilig akong mag-observe ng mga tao at mag-analyze ng behavior nila. Minsan nga, naisip ko rin kung paano ko maiintindihan ang sarili kong nararamdaman — lalo na pagdating kay Ninong Axel.Pagkapasok namin, agad akong naupo sa tabi ng bintana habang si Jane naman ay naupo sa tabi ko. Ilang minuto lang, pumasok na si Ma’am Castillo, ang professor namin."Good afternoon, class," bati niya na may malapad na ngiti."Good afternoon, Ma’am!" sabay-sabay naming sagot."Today, we’ll be discussing the different psychological theories that can be applied in teaching and learning," aniya habang nagsusulat sa whiteboard. "But before that, I want to hear your insights. In your opinion, how important is understanding human behavior for a teacher?"Nagtaas ng kamay ang ilang kaklase ko, at isa-isa silang nagbahagi ng sagot. Tahimik akong nakikinig, sinusubukan ding bu