Chapter 7
"So, kailangan mo pang mag take exam para sa teacher license mo, Akira!" biglang basag sa katahimikan ni Ninong Axel sa aming lahat. "Oo, Ninong," sagot ko nang bahagyang pilit ang ngiti. "Pero pinag-iisipan ko pa kung kailan ako mag-eexam. Gusto ko sanang magpahinga muna saglit." "Hindi masama 'yan," sabat ni Grace habang nakatingin sa akin mula sa passenger seat. "Deserve mo rin namang mag-relax pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo sa pag-aaral." Tumango lang ako, pero ramdam ko pa rin ang bahagyang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako ka-conscious tuwing nandito si Grace. Siguro dahil alam ko kung anong nararamdaman ko para kay Ninong Axel, kahit gaano ko pa pilit itanggi. "Pero huwag ka masyadong magtagal, ha," muling sabi ni Ninong Axel, at sinulyapan ako sa rearview mirror. "Sayang naman ang momentum mo. Magaling kang estudyante, Akira. Malayo ang mararating mo." May kung anong init na dumaloy sa puso ko sa sinabi niya. Simpleng papuri lang, pero sapat na para mapasaya ako — kahit na alam kong wala itong ibig sabihin. "Salamat po, Ninong," sagot ko nang mahina, pilit na pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Tahimik na dumaan ang ilang minuto. Si Mama ay nakatingin lamang sa labas ng bintana, tila nag-iisip, habang si Grace naman ay abala sa kanyang cellphone. Si Ninong Axel naman ay nakatutok sa pagmamaneho, ngunit paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako sa salamin. Bakit ba kahit isang simpleng pagtingin niya ay nagagawa pa rin akong guluhin? Napahinga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Kailangan ko na talagang matutong mag-move on." "Anak, mukhang sa susunod na linggo ay pupunta tayo sa Manila para doon ka mag-review sa exam mo," biglang sabi ni Mama, puno ng excitement sa boses niya. "Pero ngayon ay mag-celebrate muna tayo. Mag-join na din kayong dalawa, Axel. Isa pa, pagsasalamat na rin ito sa paghatid mo sa amin sa bahay!" Nagkatinginan kami ni Ninong Axel. Bahagyang napakunot ang noo niya, pero agad rin siyang ngumiti. "Aba, mukhang hindi kami makakatanggi ni Grace niyan," biro niya. "Salamat sa imbitasyon, Liza." "Of course, Tita Liza," dagdag ni Grace, na ngayon ay masiglang nakangiti. "It would be nice to celebrate with you and Akira." Pilit akong ngumiti bilang sagot. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ideya o mas lalo lang akong mahihirapan. Pero ayaw ko rin namang biguin si Mama. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ngayon, at ayaw kong sirain ang moment na ito. "Sige po, Ma," mahina kong sabi. "Maghanda na lang tayo ng simple." "Perfect!" bulalas ni Mama. "Magluluto ako ng paborito mong adobo at pancit." "Tutulungan kita, Tita," agad na alok ni Grace. Nakangiti akong tumango. "Salamat." Habang bumabaybay ang kotse sa daan, naramdaman ko ang kakaibang atmosphere sa loob. May kasiyahan, pero may bahagyang bigat na ako lang ang nakakaramdam. Isang gabi ng celebration. Isang gabi kung saan kailangan kong itago ang tunay kong nararamdaman. Pagdating namin sa bahay, agad kaming bumaba ng sasakyan. Si Mama ay nagmamadaling pumasok upang maghanda ng mga sangkap para sa pagluluto. Ako naman ay tumulong magdala ng ilang bitbitin habang sina Ninong Axel at Grace ay nasa likuran ko. "Anak, kunin mo na lang ang mga plato at baso sa cabinet, ha?" sigaw ni Mama mula sa kusina. "Sige po, Ma!" sagot ko bago mabilis na tumungo sa dining area. Habang inaayos ko ang mga plato, naramdaman ko ang presensya ni Ninong Axel malapit sa akin. Bahagya akong napatigil nang marinig ko ang mababang boses niya. "Akira," tawag niya, halos pabulong. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin. Pero bago pa man siya makapagpatuloy, biglang sumulpot si Grace mula sa likod niya, may dalang isang tray ng prutas. "Axel, saan ako pwedeng maglagay nito?" tanong ni Grace na may matamis na ngiti. Agad namang nagbawi ng tingin si Ninong Axel at tumikhim. "Ah, doon na lang sa lamesa, Grace." Tahimik akong nagpatuloy sa pag-aayos, pilit na binabalewala ang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may kirot akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko silang dalawa na magkasama. Pagkalipas ng ilang sandali, sabay-sabay kaming naupo sa hapag-kainan. Masarap ang luto ni Mama — ang paborito kong adobo at pancit. Masayang nagtatawanan sina Mama, Grace, at Ninong Axel habang nagkukuwento tungkol sa mga nakaraan nilang pagkikita at mga plano nila sa hinaharap. "Akira," biglang tawag ni Grace, dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Excited ka na bang pumunta ng Manila para sa review mo?" Ngumiti ako, pilit na itinatago ang kaba at lungkot na nararamdaman ko. "Oo naman. Isa ‘to sa mga pangarap ko, kaya gagawin ko ang lahat para makapasa." "Good," sabi niya, tila may sinseridad. "Alam ko namang matalino ka. Axel always talks highly of you." Napatingin ako kay Ninong Axel na ngayon ay tahimik lang na nakikinig. Ngunit nang magtama ang mga mata namin, agad siyang nag-iwas ng tingin. "Salamat," tanging nasabi ko. Habang nagpapatuloy ang gabi, isang bagay lang ang sigurado ko — mas magiging mahirap ang mga susunod na araw. At hindi lang dahil sa exam, kundi dahil sa mga damdaming pilit kong itinatago.Chapter 8 Mabilis na lumipas ang mga araw, at dumating na rin ang araw ng pag-alis namin ni Mama papuntang Manila. Sa kabila ng pilit kong pag-focus sa exam, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang mga sandaling naiwan ko sa aming bayan — lalo na ang mga titig at salitang hindi naipahayag. "Anak, handa na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga maleta. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, Ma. Wala na akong nakalimutan." Alam kong sinusubukan ni Mama na magpakasaya para sa akin. Gusto niyang maramdaman ko ang suporta niya, at nagpapasalamat ako roon. Pero sa likod ng ngiting iyon, alam kong nababasa rin niya ang bigat sa aking mga mata. Nang dumating si Ninong Axel at Grace upang ihatid kami sa terminal, hindi ko maiwasang mapansin kung paano sila parang mas naging malapit. Mas marami silang napag-uusapan, mas marami rin silang mga ngiti na binibitawan sa isa’t isa. Hindi ko naman dapat pansinin, pero bakit gano’n? Parang ang hirap. "Good luck sa exam mo
Chapter 9 Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa tapat ng salamin ako, pinagmamasdan ang sarili ko. "Akira, kaya mo 'to," mahina kong bulong sa sarili ko. "Para sa sarili mo. Para sa kinabukasan mo." Sa araw na iyon, nagpasya akong magsimula muli — bitbit ang lahat ng aral na natutunan ko, pati na rin ang pagmamahal sa sarili na matagal ko nang ipinagkait. At kahit pa may kirot na natitira, alam kong darating ang araw na magiging mas magaan ang lahat. "Anak, dalhin mo ito," wika ni Mama saka inabot sa akin ang isang rosary. "Para gabayan ka ni Mama Mary!" Kinuha ko ang rosaryo mula sa kamay ni Mama at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa simpleng bagay na iyon. "Salamat po, Ma," mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang puting mga butil ng rosaryo. "Ipagdadasal ko na sana maging maayos ang lahat." Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Laging nandiyan si Mama Mary para gabayan ka, anak. Basta maniwala ka lang sa sarili mo." Tumango ako,
Chapter 10Nilingon ko si Jane at nagkatitigan kami, parehong puno ng determinasyon. Alam naming pareho na malaking hamon ang darating, pero sa mga oras na ito, mas gumaan ang loob ko. "Kaya natin ‘to, best friend," sabi ni Jane, hawak ang kamay ko. "Kaya natin ‘to," sagot ko pabalik, may ngiti sa labi. At sa mga oras na -yon, alam ko na hindi lang ako may kasama sa laban na ito — may best friend akong laging nandiyan para sa akin.Pagkatapos ng maikling kwentuhan namin ni Jane at ng kanyang pamilya, nagpaalam na rin kami ni Mama."Best, good luck ulit!" ani Jane, mahigpit akong niyakap. "Basta laban lang, ha?""Ikaw rin, best! Balitaan mo ako!" sagot ko, ramdam ang init ng suporta niya."Akira, ingat kayo ni Mama mo," dagdag pa niya, habang kumakaway."Salamat! Kayo rin!"Pagkatapos ng ilang sandali, sumakay na kami ni Mama sa tricycle na naghihintay."Anak, diretso na tayo sa simbahan, ha?" sabi ni Mama habang inaayos ang bag niya. "Gusto kong magdasal kasama ka bago tayo bumalik
Chapter 11 Habang sinasagutan ko ang mga tanong, naramdaman ko ang bahagyang kaba na humalo sa determinasyon. Pero sa tuwing napapaisip ako, naaalala ko ang mga gabing ginugol ko sa pag-aaral, ang mga encouragement ni Mama, at ang walang sawang suporta ni Jane.“Focus, Akira,” bulong ko sa sarili ko.Halos lahat ng mga pinag-aralan namin at itinuro ng professor namin ay lumabas. Pati na rin ang mga nireview namin kahapon ni Jane ay nandoon. Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Para bang lahat ng paghihirap ko ay nagbunga sa sandaling ito.Sa tuwing may tanong na medyo komplikado, huminga lang ako ng malalim at inalala ang mga diskusyon sa klase. Ipinagpapasa-Diyos ko ang bawat sagot, umaasang tama ang mga pinipili ko.Pagdating sa essay part, isinulat ko ang lahat ng aking naiintindihan, ipinaliwanag nang maayos ang mga konsepto, at siniguradong malinaw ang aking punto. Parang dumadaloy na lang ang mga salita sa papel.Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan. Hanggang sa marin
Chapter 12Axel POVHabang naka tanaw ako sa malayo kasama ang kaibigan ko na si Grace."Hanggang kaylan mo hindi sasabihin ang totoong nararamdaman mo kay Akira, Axel?" tanong niya sa akin. "Hanggang kaylan ako magpanggap na fiencee mo?"Napalunok ako, hindi agad nakasagot. Malayo ang tingin ko sa karagatan, tila ba hinahabol ng alon ang mga alaalang pilit kong itinatago. Si Grace, ang matalik kong kaibigan, laging naroon para sa akin — pero sa kabila ng lahat, alam kong pagod na rin siya."Grace..." mahina kong bulong, pilit na ngumiti pero ramdam ko ang bigat ng mga salitang bumabara sa lalamunan ko. "Alam kong hindi ko dapat hinayaan na umabot tayo sa ganito. Pero natatakot ako.""Natatakot kang ano, Axel?" Hinawakan niya ang braso ko, pinipilit akong magtapat. "Natatakot kang malaman ni Akira? O natatakot kang malaman niya na ako ang kasabwat mo sa kasinungalingang 'to?"Napalunok ako. Alam kong may punto si Grace. Mula pa noon, siya na ang nagkukubli ng mga sikreto ko. Pumayag s
Chapter 13 Umiling ako, bumibigat ang dibdib ko. "Pero iba ‘to, Grace. Mula pagkabata, nandiyan na ako sa buhay niya. Paano kung makita niya ‘to bilang isang bagay na mali? Baka isipin niyang... sinamantala ko ang pagiging malapit ko sa kanya." "Pero ginawa mo ba?" putol ni Grace, ang boses niya ay puno ng paninindigan. "Axel, kailan ka ba nagpakita ng masamang intensyon? Kailan mo ba siya nilapitan nang may maling hangarin? Hindi mo siya minanipula. Hindi mo siya pinilit. Nagmahal ka — at walang kasalanan sa pagmamahal." Napalunok ako, pinilit lunurin ang takot na patuloy na bumabalot sa akin. "Pero paano kung hindi niya maintindihan?" tanong ko ulit, halos pabulong. Ngumiti si Grace, ngunit bakas sa mga mata niya ang sinseridad. "Akira is not a child anymore, Axel. She's a grown woman. She can understand more than you think. At kung mahalaga ka rin sa kanya, she will listen." Huminga ako nang malalim, pilit na binibigyan ng lakas ang sarili ko. Alam kong tama si Grace. Hindi k
Chapter 14 Pagdating ko sa kumpanya, mabilis akong pumasok sa building, binati ng mga empleyadong tila sanay na sa presensya ko. Hindi ko na ininda ang mga nakangiting pagbati at diretso akong nagtungo sa elevator. Isang mabilis na pindot sa pindutan ng penthouse floor, at agad na nagsara ang mga pinto. Sa loob ng ilang segundo ng katahimikan, bumalik sa akin ang mga salitang binitiwan ni Grace. "Sabihin mo ‘to dahil deserve niyang malaman ang totoo. At deserve mo ring mailabas ‘yang nararamdaman mo." Napailing ako. Para bang kahit anong pilit kong ituon ang isip ko sa trabaho, bumabalik at bumabalik pa rin ang boses ni Grace. Pagdating sa opisina, agad akong sinalubong ng assistant kong si Mia, dala-dala ang clipboard na puno ng mga dokumento. "Good morning, Sir Axel. Nasa meeting room na po ang mga investors. Handa na rin po ang lahat ng materials para sa presentation." "Good. I'll be there in five minutes," sagot ko, diretso at walang pag-aalinlangan. Tumango siya at agad n
Chapter 15Pagdating ng gabi, dumating ako sa isang high-end na restaurant sa gitna ng siyudad. Ang ambiance ay elegante, may mga chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Sa bawat mesa, may mga negosyanteng katulad ko, abala sa mga usapan tungkol sa negosyo at investments.Paglapit ko sa private dining area, sinalubong ako ng manager ng restaurant at agad akong inihatid sa loob. Nandoon na sina Mr. Chan, Mrs. Lim, at ilan pang investors na bahagi ng aming proyekto. Isang malaking mesa ang naghihintay, puno ng masasarap na putahe at mamahaling alak."Good evening, Mr. Santiago," bati ni Mr. Chan habang inaabot ang kamay ko para sa isang masiglang handshake. "Congratulations once again for the successful presentation.""Good evening. Maraming salamat," sagot ko, nginitian sila ng pormal."Please, have a seat," sabat ni Mrs. Lim, na tila laging composed at eleganteng babae.Umupo ako sa gitna, malinaw na nasa sentro ng atensyon. Habang inihahain ang mga appetizer, nags
Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya
Chapter 21 Napakagat ako sa labi habang pinipilit huwag magpahiwatig ng kaba. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit nakaipit lang sa hita ko. Ang mata ni Ninong Axel—tahimik, malalim, at para bang tinatagos ang kaluluwa ko—ay hindi umaalis sa akin. “Wala naman po,” sagot ko, pilit na may ngiti. “Talagang nagkataon lang, kaya kami napadaan.” Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung naniniwala siya o alam niyang nagsisinungaling ako. Tumikhim siya, saka sumandal sa sofa, pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Matagal na tayong hindi nagkikita, Akira. Pero ngayong nandito ka… hindi ko maiwasang mapansin na parang may gustong sabihin ang mga mata mo.” Napalingon ako sa gilid, pilit na iwas sa tingin niya. “Siguro po pagod lang talaga ako.” Tumango siya. “Baka nga.” Tahimik ulit. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding at mahinang ugong ng aircon ang naririnig. Kung may sumigaw man ng ‘umamin ka na,’ baka hindi ko na rin kinaya. “Pero kung sakaling may gusto kang sabihin…” patuloy
Author note Hi all..... Maari n'yo ba akong tuluyang na makapasok sa ranking. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVAL
Chapter 20Akira POV"Jane, pumunta muna tayo sa mansion ni Ninong Axel," wika ko sa aking kaibigan."Sus, sabihin mo lang ma gusto mo lang siya makita. Hay naku Kira, wag ako. Sa edad nating 25 ay alam ko na ang tumatakbo d'yan sa kukuti mo," irap niyang sabi."Shhhh..... Himaan mo yang boses mo," bulong ko dito."Ay, sorry!" hinging paumanhin niya sa akin. "Sabagay, sino ba namang hindi ma in love sa mala adones nito at parang isang Greek god na bumaba sa langit kahit na 40's na ito ay parang masa 30's pa," ngising bulong niya sa akin.Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Jane na parang kilig na kilig pa kaysa sa akin.“Grabe ka talaga, Jane. Ako na nga ‘tong may gusto, ikaw pa ang mas gigil,” bulong ko habang tinatakpan ang mukha ko sa hiya.“Hoy, huwag ka na mahiya. Kung ako sayo, e ‘di sulitin mo na habang andyan pa si Ninong Axel. Malay mo, ikaw pala ang type n’ya sa lahat ng pamangkin sa kaibigan,” sabay kindat pa niya.Napahinga ako nang malalim at saka tumingin sa sa
Chapter 19Pagdating ko sa mansion, diretsong pumasok ako sa loob—walang lingon-lingon, walang salitang binigkas. Tahimik ang buong bahay, gaya ng nakasanayan. Walang maingay na pagbati, walang presensya ng taong nag-aabang sa aking pag-uwi.Walang kahit anong damdamin ang laman ng lugar na ito—maliban sa lamig at katahimikan.Tinungo ko ang hagdanan, paakyat sa aking kwarto. Pagpasok ko, agad kong hinubad ang coat at inilagay sa upuan. Binuksan ko ang maleta sa tabi ng kama at sinimulan kong ayusin ang mga gamit para sa business trip bukas.Lahat ng isusuot ko, maayos kong tinupi at inayos—pormal, itim, eksaktong akma sa imahe kong gustong panatilihin. Hindi ako pupunta roon bilang isang simpleng negosyante. Pupunta ako bilang Axel Villaraza —isang taong hindi puwedeng maliitin.Habang pinupuno ko ang maleta, saglit akong napahinto. Natanaw ko ang sarili sa salamin—matigas ang mga mata, walang emosyon sa mukha.Ito na ba talaga ako ngayon?Walang pamilya. Walang pag-ibig. Walang kahi
Chapter 18 "Wala akong oras, Fatima!" madiin kong sabi, ramdam ang pag-init ng dugo ko. "Mag-focus ka na lang sa asawa mong pinagpalit mo sa’kin." Tahimik siya sa kabilang linya. Ilang saglit ang lumipas, pero hindi ako nagdalawang-isip na putulin ang tawag kung wala rin lang siyang sasabihin. Ngunit bago ko pa iyon magawa, narinig ko ang mahinang boses niya. "Wala na siya, Axel…" Napahinto ako. Naramdaman ko ang bigat sa tinig niya, isang uri ng lungkot na hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya. "Wala na ang asawa ko," mahina niyang ulit, parang pilit na pinipigilan ang sariling hindi humikbi. Napatikom ang kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maawa? Dapat ba akong makiramay? O dapat ba akong matuwa dahil ito ang kapalit ng sakit na idinulot niya sa akin noon? "At ano'ng gusto mong gawin ko?" malamig kong tanong. "Mag-sympathize? Magbigay ng comfort? Hindi ako gano'ng klase ng tao, Fatima." "Alam ko," sagot niya. "Hindi ko rin naman
Chapter 17Pagsapit ng hapon, pinauwi ko nang maaga si Jhanna. Kailangan niyang magpahinga dahil maaga kaming aalis bukas papunta sa ibang bansa para sa isang business trip. Hindi ko gusto ang mga abala, at mas lalong ayaw ko ng mga pagkukulang sa trabaho. Kailangan kong siguraduhin na magiging maayos ang lahat.Naiwan akong mag-isa sa opisina, nakatingin sa malawak na lungsod sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng mga gusali ay kumikislap na parang mga bituin sa lupa, pero sa akin, isa lang itong paalala na sa mundong ginagalawan ko, walang puwang ang pagpapabaya.Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang schedule para bukas. Maaga ang flight namin, at kailangang sigurado akong walang magiging problema sa mga detalye ng trip na ito.Ngunit sa kabila ng pagiging abala ko sa trabaho, may isang bagay na hindi ko matakasan—ang pangalan niya. Isang pangalang pilit kong iniiwasan, pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko.Napailing ako. Hindi ko dapat hinahayaang guluhin ako nito
Chapter 16Naging abala ako sa aking negosyo kaya nawala ang mga ibang nagpagulo sa aking isipan. Ilang araw na rin akong halos hindi natutulog, inuuna ang trabaho kaysa sa sarili kong pahinga. Hindi ko alam kung ito’y isang paraan para takasan ang mga gumugulo sa isipan ko o sadyang ganito na lang ako—mas pipiliin pang lunurin ang sarili sa trabaho kaysa harapin ang realidad.Ang tunog ng keyboard at ang liwanag mula sa screen ng laptop ko ang tanging kasama ko sa mga oras na ito. May mga papel na nakakalat sa mesa, mga kontrata at proposal na kailangan kong aprubahan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko maitatangging may isang bagay—o isang tao—na paulit-ulit bumabalik sa isip ko.Mabigat ang bawat buntong-hininga ko. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata, umaasang kahit sa ilang segundo lang, mawawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit nang idilat ko ito, bumalik ang realidad—at ang pangalan niya, isang pangalang pilit kong iniiwasan ngunit hindi ko magawang kalimu
Chapter 15Pagdating ng gabi, dumating ako sa isang high-end na restaurant sa gitna ng siyudad. Ang ambiance ay elegante, may mga chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Sa bawat mesa, may mga negosyanteng katulad ko, abala sa mga usapan tungkol sa negosyo at investments.Paglapit ko sa private dining area, sinalubong ako ng manager ng restaurant at agad akong inihatid sa loob. Nandoon na sina Mr. Chan, Mrs. Lim, at ilan pang investors na bahagi ng aming proyekto. Isang malaking mesa ang naghihintay, puno ng masasarap na putahe at mamahaling alak."Good evening, Mr. Santiago," bati ni Mr. Chan habang inaabot ang kamay ko para sa isang masiglang handshake. "Congratulations once again for the successful presentation.""Good evening. Maraming salamat," sagot ko, nginitian sila ng pormal."Please, have a seat," sabat ni Mrs. Lim, na tila laging composed at eleganteng babae.Umupo ako sa gitna, malinaw na nasa sentro ng atensyon. Habang inihahain ang mga appetizer, nags