Share

Chapter 6

Author: A.N.J
last update Last Updated: 2025-03-20 11:13:11

Chapter 6

Fast Forward

Ilang Buwan Matapos

Sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat — ang araw ng pagtatapos.

Nasa malawak na gymnasium kami, napuno ng mga estudyanteng sabik nang magtapos. Naririnig ko ang masiglang tawanan at mga bulungan ng kasiyahan. Nasa paligid ang mga magulang at mahal sa buhay, proud na proud habang pinagmamasdan ang mga anak nilang magsusuot ng toga at tatanggap ng diploma.

Naramdaman ko ang init ng yakap ni Jane, ang matalik kong kaibigan, na halos tumatalon sa tuwa.

"Akira! Grabe, girl! Graduate na tayo!" sigaw niya habang pilit akong niyayakap.

"Oo nga, Jane! Parang kailan lang, pinag-uusapan lang natin kung paano tayo makakatapos. Ngayon, hawak na natin ‘to." Nginitian ko siya at hindi ko napigilang mapaluha ng bahagya.

Sa likod ng saya, naroon pa rin ang kirot. Alam kong kung andito lang si Papa, siguradong siya ang pinakamalakas na palakpak sa buong gymnasium. Ngunit kahit wala siya, ramdam ko ang kanyang presensya.

Pagkatapos ng seremonya, natanaw ko si Mama sa gitna ng mga tao. Nakatayo siya, hawak ang maliit na bouquet ng mga bulaklak, at bakas sa kanyang mukha ang hindi mapantayang saya at pagmamalaki. Ang kislap sa kanyang mga mata ay sapat na para punan ang kakulangan na nararamdaman ko.

"Anak!" masayang tawag ni Mama habang patakbo akong lumapit sa kanya.

"Ma!" Mahigpit ko siyang niyakap. Ramdam ko ang init ng kanyang yakap — isang yakap na puno ng pagmamahal at suporta.

"Napakagaling mo, Akira. Alam kong proud na proud si Papa sa’yo," bulong niya sa akin.

Nang marinig ko iyon, napatingin ako sa langit, pilit na pinipigil ang mga luha. "Para sa’yo ‘to, Papa," mahina kong sabi sa aking sarili.

Hindi nagtagal ay lumapit si Jane na may dala-dalang cellphone. "Okay, okay! Picture time!"

Nagpa-picture kami ng maraming beses — tawanan, kulitan, at ilang dramatikong poses. Masarap sa pakiramdam na matapos ang lahat ng pagsubok, heto na kami, nakatayo at handa nang harapin ang panibagong yugto ng buhay.

Sa gitna ng kasiyahan, bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses mula sa likod.

"Congratulations, Akira."

Napalingon ako at doon ko nakita si Ninong Axel — gwapong-gwapo sa kanyang suit, may hawak ding bouquet ng mga puting rosas. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito, pero heto siya, nakangiti at nakatingin sa akin.

"Ni-Ninong?" gulat kong tanong.

"Of course, pupunta ako. Hindi ko palalampasin ang araw na ‘to," sagot niya, halatang may pride sa kanyang boses.

At sa sandaling iyon, kahit may bahid pa rin ng mga alaala ng nakaraan, naramdaman ko ang kaunting gaan sa aking puso.

Ito na ang simula ng bagong kabanata — hindi lang bilang isang guro, kundi bilang isang babaeng handa nang humakbang patungo sa mga susunod na pangarap.

"Sige, maghintay kami ni Grace sa may kotse. Liza, congrats sayo din," sabi niya kay mama.

Ngumiti si Mama kay Ninong Axel. "Salamat, Axel. Ingat kayo," sagot niya nang magalang.

Tumango si Ninong bago tumalikod at naglakad pabalik sa parking lot, kung saan naroon si Grace na naghihintay sa loob ng kanyang kotse. Kahit pa anong pilit ko, hindi ko maitatangging may kung anong kirot akong nararamdaman habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Anak," malambing na tawag ni Mama, na para bang nararamdaman ang bumabagabag sa akin. "Okay ka lang ba?"

Napakagat ako ng labi at pilit na ngumiti. "Oo naman, Ma. Masaya lang ako na nandito kayo."

Ngumiti si Mama, ngunit hindi niya na rin kinulit pa. Hinawakan niya ang kamay ko, isang tahimik na paalala na hindi ko kailangang ipilit ang pagiging matatag sa harap niya.

"Halika na, anak. Uuwi na tayo. Alam kong pagod ka na rin," aya niya.

Habang papalayo kami, hindi ko maiwasang lingunin muli sina Ninong Axel at Grace. Nakita kong binuksan ni Ninong ang pinto ng kotse para kay Grace, laging gentleman tulad ng nakasanayan. Pero may kung anong lungkot sa mga mata ko habang pinagmamasdan sila.

"Sige, Akira," bulong ko sa sarili. "Panahon na para tanggapin na hanggang dito ka na lang. Si Ninong Axel at si Grace ang para sa isa’t isa."

Pinilit kong itaboy ang bigat sa dibdib ko. Ngayong graduate na ako, isang bagong yugto ng buhay ang naghihintay. At kahit anong sakit ang nararamdaman ko, kailangan kong magpatuloy.

'Let’s move on,' usal ko sa aking sarili.

"Jane, mauna na kami sa inyo!"

"Bye, move on na ha. Sige na baka mainip pa silang maghintay sa inyo sa parking lot," pabirong sagot ni Jane sabay kindat.

Napailing na lang ako. "Oo na, sige na. Ingat ka rin."

Naglakad na kami ni Mama papunta sa direksyon ng parking lot. Ramdam ko ang kaba at kaunting pag-aalangan habang papalapit kami. Pangalawang pagkakataon ko na itong makita si Grace, pero parang hindi pa rin ako handa.

Pagkarating namin, agad kong nakita ang pamilyar na kotse ni Ninong Axel. Nakatayo siya sa tabi nito, nakasandal at mukhang may inaayos sa phone. Si Grace naman ay nasa loob, abala sa kung anong ginagawa. Sa kabila ng lahat, hindi ko maitanggi na maganda talaga siya — elegante at may kakaibang dating.

"Axel!" tawag ni Mama, dahilan para itaas niya ang tingin at ngumiti.

"Kanina pa kami naghihintay," biro ni Ninong Axel, pero may lambing sa tono niya.

"Sorry naman, nagpaalam pa kasi kami kina Jane." Sagot ko nang pilit na ngumingiti.

Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba si Grace. Diretso ang tingin niya sa akin, ngunit may malumanay na ngiti sa kanyang mga labi.

"Hi, Akira," bati niya. "Congrats, graduate ka na rin. I'm sure proud na proud si Tita Liza sa'yo."

"Salamat," sagot ko, sinusubukan ang best kong maging magalang. "At salamat din sa pagpunta niyo ni Ninong."

"Of course," sagot niya habang mahinhing tumango. "Axel wouldn’t miss it for the world."

Naramdaman ko ang bahagyang kirot sa mga salitang iyon, pero pinilit kong hindi ipakita.

"Halika na, Liza. Ihahatid na namin kayo," sabi ni Ninong Axel habang binubuksan ang pinto ng kotse para kay Mama.

Tumango ako at walang imik na sumakay sa backseat. Sa loob ng kotse, ramdam ko ang bigat ng hangin. Sa harap ko, magkasama si Ninong Axel at si Grace — dalawang tao na tila perpekto para sa isa’t isa.

At ako? Ako ang taong pilit na nagtatago ng nararamdaman.

"Kaya mo ‘to, Akira," bulong ko sa sarili. "Pangalawang pagkakataon mo na. Dapat mas madali na ‘to."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 7

    Chapter 7 "So, kailangan mo pang mag take exam para sa teacher license mo, Akira!" biglang basag sa katahimikan ni Ninong Axel sa aming lahat. "Oo, Ninong," sagot ko nang bahagyang pilit ang ngiti. "Pero pinag-iisipan ko pa kung kailan ako mag-eexam. Gusto ko sanang magpahinga muna saglit." "Hindi masama 'yan," sabat ni Grace habang nakatingin sa akin mula sa passenger seat. "Deserve mo rin namang mag-relax pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo sa pag-aaral." Tumango lang ako, pero ramdam ko pa rin ang bahagyang kaba sa dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ako ka-conscious tuwing nandito si Grace. Siguro dahil alam ko kung anong nararamdaman ko para kay Ninong Axel, kahit gaano ko pa pilit itanggi. "Pero huwag ka masyadong magtagal, ha," muling sabi ni Ninong Axel, at sinulyapan ako sa rearview mirror. "Sayang naman ang momentum mo. Magaling kang estudyante, Akira. Malayo ang mararating mo." May kung anong init na dumaloy sa puso ko sa sinabi niya. Simple

    Last Updated : 2025-03-21
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 8

    Chapter 8 Mabilis na lumipas ang mga araw, at dumating na rin ang araw ng pag-alis namin ni Mama papuntang Manila. Sa kabila ng pilit kong pag-focus sa exam, hindi ko pa rin maiwasang balikan ang mga sandaling naiwan ko sa aming bayan — lalo na ang mga titig at salitang hindi naipahayag. "Anak, handa na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Mama habang inaayos ang mga maleta. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, Ma. Wala na akong nakalimutan." Alam kong sinusubukan ni Mama na magpakasaya para sa akin. Gusto niyang maramdaman ko ang suporta niya, at nagpapasalamat ako roon. Pero sa likod ng ngiting iyon, alam kong nababasa rin niya ang bigat sa aking mga mata. Nang dumating si Ninong Axel at Grace upang ihatid kami sa terminal, hindi ko maiwasang mapansin kung paano sila parang mas naging malapit. Mas marami silang napag-uusapan, mas marami rin silang mga ngiti na binibitawan sa isa’t isa. Hindi ko naman dapat pansinin, pero bakit gano’n? Parang ang hirap. "Good luck sa exam mo

    Last Updated : 2025-03-21
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 9

    Chapter 9 Kinabukasan, maaga akong nagising. Nasa tapat ng salamin ako, pinagmamasdan ang sarili ko. "Akira, kaya mo 'to," mahina kong bulong sa sarili ko. "Para sa sarili mo. Para sa kinabukasan mo." Sa araw na iyon, nagpasya akong magsimula muli — bitbit ang lahat ng aral na natutunan ko, pati na rin ang pagmamahal sa sarili na matagal ko nang ipinagkait. At kahit pa may kirot na natitira, alam kong darating ang araw na magiging mas magaan ang lahat. "Anak, dalhin mo ito," wika ni Mama saka inabot sa akin ang isang rosary. "Para gabayan ka ni Mama Mary!" Kinuha ko ang rosaryo mula sa kamay ni Mama at mahigpit itong hinawakan. Ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa simpleng bagay na iyon. "Salamat po, Ma," mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang puting mga butil ng rosaryo. "Ipagdadasal ko na sana maging maayos ang lahat." Ngumiti si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Laging nandiyan si Mama Mary para gabayan ka, anak. Basta maniwala ka lang sa sarili mo." Tumango ako,

    Last Updated : 2025-03-21
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 10

    Chapter 10Nilingon ko si Jane at nagkatitigan kami, parehong puno ng determinasyon. Alam naming pareho na malaking hamon ang darating, pero sa mga oras na ito, mas gumaan ang loob ko. "Kaya natin ‘to, best friend," sabi ni Jane, hawak ang kamay ko. "Kaya natin ‘to," sagot ko pabalik, may ngiti sa labi. At sa mga oras na -yon, alam ko na hindi lang ako may kasama sa laban na ito — may best friend akong laging nandiyan para sa akin.Pagkatapos ng maikling kwentuhan namin ni Jane at ng kanyang pamilya, nagpaalam na rin kami ni Mama."Best, good luck ulit!" ani Jane, mahigpit akong niyakap. "Basta laban lang, ha?""Ikaw rin, best! Balitaan mo ako!" sagot ko, ramdam ang init ng suporta niya."Akira, ingat kayo ni Mama mo," dagdag pa niya, habang kumakaway."Salamat! Kayo rin!"Pagkatapos ng ilang sandali, sumakay na kami ni Mama sa tricycle na naghihintay."Anak, diretso na tayo sa simbahan, ha?" sabi ni Mama habang inaayos ang bag niya. "Gusto kong magdasal kasama ka bago tayo bumalik

    Last Updated : 2025-03-21
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 11

    Chapter 11 Habang sinasagutan ko ang mga tanong, naramdaman ko ang bahagyang kaba na humalo sa determinasyon. Pero sa tuwing napapaisip ako, naaalala ko ang mga gabing ginugol ko sa pag-aaral, ang mga encouragement ni Mama, at ang walang sawang suporta ni Jane.“Focus, Akira,” bulong ko sa sarili ko.Halos lahat ng mga pinag-aralan namin at itinuro ng professor namin ay lumabas. Pati na rin ang mga nireview namin kahapon ni Jane ay nandoon. Hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Para bang lahat ng paghihirap ko ay nagbunga sa sandaling ito.Sa tuwing may tanong na medyo komplikado, huminga lang ako ng malalim at inalala ang mga diskusyon sa klase. Ipinagpapasa-Diyos ko ang bawat sagot, umaasang tama ang mga pinipili ko.Pagdating sa essay part, isinulat ko ang lahat ng aking naiintindihan, ipinaliwanag nang maayos ang mga konsepto, at siniguradong malinaw ang aking punto. Parang dumadaloy na lang ang mga salita sa papel.Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan. Hanggang sa marin

    Last Updated : 2025-03-22
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 12

    Chapter 12Axel POVHabang naka tanaw ako sa malayo kasama ang kaibigan ko na si Grace."Hanggang kaylan mo hindi sasabihin ang totoong nararamdaman mo kay Akira, Axel?" tanong niya sa akin. "Hanggang kaylan ako magpanggap na fiencee mo?"Napalunok ako, hindi agad nakasagot. Malayo ang tingin ko sa karagatan, tila ba hinahabol ng alon ang mga alaalang pilit kong itinatago. Si Grace, ang matalik kong kaibigan, laging naroon para sa akin — pero sa kabila ng lahat, alam kong pagod na rin siya."Grace..." mahina kong bulong, pilit na ngumiti pero ramdam ko ang bigat ng mga salitang bumabara sa lalamunan ko. "Alam kong hindi ko dapat hinayaan na umabot tayo sa ganito. Pero natatakot ako.""Natatakot kang ano, Axel?" Hinawakan niya ang braso ko, pinipilit akong magtapat. "Natatakot kang malaman ni Akira? O natatakot kang malaman niya na ako ang kasabwat mo sa kasinungalingang 'to?"Napalunok ako. Alam kong may punto si Grace. Mula pa noon, siya na ang nagkukubli ng mga sikreto ko. Pumayag s

    Last Updated : 2025-03-23
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 13

    Chapter 13 Umiling ako, bumibigat ang dibdib ko. "Pero iba ‘to, Grace. Mula pagkabata, nandiyan na ako sa buhay niya. Paano kung makita niya ‘to bilang isang bagay na mali? Baka isipin niyang... sinamantala ko ang pagiging malapit ko sa kanya." "Pero ginawa mo ba?" putol ni Grace, ang boses niya ay puno ng paninindigan. "Axel, kailan ka ba nagpakita ng masamang intensyon? Kailan mo ba siya nilapitan nang may maling hangarin? Hindi mo siya minanipula. Hindi mo siya pinilit. Nagmahal ka — at walang kasalanan sa pagmamahal." Napalunok ako, pinilit lunurin ang takot na patuloy na bumabalot sa akin. "Pero paano kung hindi niya maintindihan?" tanong ko ulit, halos pabulong. Ngumiti si Grace, ngunit bakas sa mga mata niya ang sinseridad. "Akira is not a child anymore, Axel. She's a grown woman. She can understand more than you think. At kung mahalaga ka rin sa kanya, she will listen." Huminga ako nang malalim, pilit na binibigyan ng lakas ang sarili ko. Alam kong tama si Grace. Hindi k

    Last Updated : 2025-03-28
  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 14

    Chapter 14 Pagdating ko sa kumpanya, mabilis akong pumasok sa building, binati ng mga empleyadong tila sanay na sa presensya ko. Hindi ko na ininda ang mga nakangiting pagbati at diretso akong nagtungo sa elevator. Isang mabilis na pindot sa pindutan ng penthouse floor, at agad na nagsara ang mga pinto. Sa loob ng ilang segundo ng katahimikan, bumalik sa akin ang mga salitang binitiwan ni Grace. "Sabihin mo ‘to dahil deserve niyang malaman ang totoo. At deserve mo ring mailabas ‘yang nararamdaman mo." Napailing ako. Para bang kahit anong pilit kong ituon ang isip ko sa trabaho, bumabalik at bumabalik pa rin ang boses ni Grace. Pagdating sa opisina, agad akong sinalubong ng assistant kong si Mia, dala-dala ang clipboard na puno ng mga dokumento. "Good morning, Sir Axel. Nasa meeting room na po ang mga investors. Handa na rin po ang lahat ng materials para sa presentation." "Good. I'll be there in five minutes," sagot ko, diretso at walang pag-aalinlangan. Tumango siya at agad n

    Last Updated : 2025-03-28

Latest chapter

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 23

    Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 22

    Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 21

    Chapter 21 Napakagat ako sa labi habang pinipilit huwag magpahiwatig ng kaba. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit nakaipit lang sa hita ko. Ang mata ni Ninong Axel—tahimik, malalim, at para bang tinatagos ang kaluluwa ko—ay hindi umaalis sa akin. “Wala naman po,” sagot ko, pilit na may ngiti. “Talagang nagkataon lang, kaya kami napadaan.” Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung naniniwala siya o alam niyang nagsisinungaling ako. Tumikhim siya, saka sumandal sa sofa, pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Matagal na tayong hindi nagkikita, Akira. Pero ngayong nandito ka… hindi ko maiwasang mapansin na parang may gustong sabihin ang mga mata mo.” Napalingon ako sa gilid, pilit na iwas sa tingin niya. “Siguro po pagod lang talaga ako.” Tumango siya. “Baka nga.” Tahimik ulit. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding at mahinang ugong ng aircon ang naririnig. Kung may sumigaw man ng ‘umamin ka na,’ baka hindi ko na rin kinaya. “Pero kung sakaling may gusto kang sabihin…” patuloy

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 20

    Chapter 20Akira POV"Jane, pumunta muna tayo sa mansion ni Ninong Axel," wika ko sa aking kaibigan."Sus, sabihin mo lang ma gusto mo lang siya makita. Hay naku Kira, wag ako. Sa edad nating 25 ay alam ko na ang tumatakbo d'yan sa kukuti mo," irap niyang sabi."Shhhh..... Himaan mo yang boses mo," bulong ko dito."Ay, sorry!" hinging paumanhin niya sa akin. "Sabagay, sino ba namang hindi ma in love sa mala adones nito at parang isang Greek god na bumaba sa langit kahit na 40's na ito ay parang masa 30's pa," ngising bulong niya sa akin.Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Jane na parang kilig na kilig pa kaysa sa akin.“Grabe ka talaga, Jane. Ako na nga ‘tong may gusto, ikaw pa ang mas gigil,” bulong ko habang tinatakpan ang mukha ko sa hiya.“Hoy, huwag ka na mahiya. Kung ako sayo, e ‘di sulitin mo na habang andyan pa si Ninong Axel. Malay mo, ikaw pala ang type n’ya sa lahat ng pamangkin sa kaibigan,” sabay kindat pa niya.Napahinga ako nang malalim at saka tumingin sa sa

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 19

    Chapter 19Pagdating ko sa mansion, diretsong pumasok ako sa loob—walang lingon-lingon, walang salitang binigkas. Tahimik ang buong bahay, gaya ng nakasanayan. Walang maingay na pagbati, walang presensya ng taong nag-aabang sa aking pag-uwi.Walang kahit anong damdamin ang laman ng lugar na ito—maliban sa lamig at katahimikan.Tinungo ko ang hagdanan, paakyat sa aking kwarto. Pagpasok ko, agad kong hinubad ang coat at inilagay sa upuan. Binuksan ko ang maleta sa tabi ng kama at sinimulan kong ayusin ang mga gamit para sa business trip bukas.Lahat ng isusuot ko, maayos kong tinupi at inayos—pormal, itim, eksaktong akma sa imahe kong gustong panatilihin. Hindi ako pupunta roon bilang isang simpleng negosyante. Pupunta ako bilang Axel Villaraza —isang taong hindi puwedeng maliitin.Habang pinupuno ko ang maleta, saglit akong napahinto. Natanaw ko ang sarili sa salamin—matigas ang mga mata, walang emosyon sa mukha.Ito na ba talaga ako ngayon?Walang pamilya. Walang pag-ibig. Walang kahi

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 18

    Chapter 18 "Wala akong oras, Fatima!" madiin kong sabi, ramdam ang pag-init ng dugo ko. "Mag-focus ka na lang sa asawa mong pinagpalit mo sa’kin." Tahimik siya sa kabilang linya. Ilang saglit ang lumipas, pero hindi ako nagdalawang-isip na putulin ang tawag kung wala rin lang siyang sasabihin. Ngunit bago ko pa iyon magawa, narinig ko ang mahinang boses niya. "Wala na siya, Axel…" Napahinto ako. Naramdaman ko ang bigat sa tinig niya, isang uri ng lungkot na hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya. "Wala na ang asawa ko," mahina niyang ulit, parang pilit na pinipigilan ang sariling hindi humikbi. Napatikom ang kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maawa? Dapat ba akong makiramay? O dapat ba akong matuwa dahil ito ang kapalit ng sakit na idinulot niya sa akin noon? "At ano'ng gusto mong gawin ko?" malamig kong tanong. "Mag-sympathize? Magbigay ng comfort? Hindi ako gano'ng klase ng tao, Fatima." "Alam ko," sagot niya. "Hindi ko rin naman

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 17

    Chapter 17Pagsapit ng hapon, pinauwi ko nang maaga si Jhanna. Kailangan niyang magpahinga dahil maaga kaming aalis bukas papunta sa ibang bansa para sa isang business trip. Hindi ko gusto ang mga abala, at mas lalong ayaw ko ng mga pagkukulang sa trabaho. Kailangan kong siguraduhin na magiging maayos ang lahat.Naiwan akong mag-isa sa opisina, nakatingin sa malawak na lungsod sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng mga gusali ay kumikislap na parang mga bituin sa lupa, pero sa akin, isa lang itong paalala na sa mundong ginagalawan ko, walang puwang ang pagpapabaya.Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang schedule para bukas. Maaga ang flight namin, at kailangang sigurado akong walang magiging problema sa mga detalye ng trip na ito.Ngunit sa kabila ng pagiging abala ko sa trabaho, may isang bagay na hindi ko matakasan—ang pangalan niya. Isang pangalang pilit kong iniiwasan, pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko.Napailing ako. Hindi ko dapat hinahayaang guluhin ako nito

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 16

    Chapter 16Naging abala ako sa aking negosyo kaya nawala ang mga ibang nagpagulo sa aking isipan. Ilang araw na rin akong halos hindi natutulog, inuuna ang trabaho kaysa sa sarili kong pahinga. Hindi ko alam kung ito’y isang paraan para takasan ang mga gumugulo sa isipan ko o sadyang ganito na lang ako—mas pipiliin pang lunurin ang sarili sa trabaho kaysa harapin ang realidad.Ang tunog ng keyboard at ang liwanag mula sa screen ng laptop ko ang tanging kasama ko sa mga oras na ito. May mga papel na nakakalat sa mesa, mga kontrata at proposal na kailangan kong aprubahan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko maitatangging may isang bagay—o isang tao—na paulit-ulit bumabalik sa isip ko.Mabigat ang bawat buntong-hininga ko. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata, umaasang kahit sa ilang segundo lang, mawawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit nang idilat ko ito, bumalik ang realidad—at ang pangalan niya, isang pangalang pilit kong iniiwasan ngunit hindi ko magawang kalimu

  • Pinikot Ko Si Ninong Axel    Chapter 15

    Chapter 15Pagdating ng gabi, dumating ako sa isang high-end na restaurant sa gitna ng siyudad. Ang ambiance ay elegante, may mga chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Sa bawat mesa, may mga negosyanteng katulad ko, abala sa mga usapan tungkol sa negosyo at investments.Paglapit ko sa private dining area, sinalubong ako ng manager ng restaurant at agad akong inihatid sa loob. Nandoon na sina Mr. Chan, Mrs. Lim, at ilan pang investors na bahagi ng aming proyekto. Isang malaking mesa ang naghihintay, puno ng masasarap na putahe at mamahaling alak."Good evening, Mr. Santiago," bati ni Mr. Chan habang inaabot ang kamay ko para sa isang masiglang handshake. "Congratulations once again for the successful presentation.""Good evening. Maraming salamat," sagot ko, nginitian sila ng pormal."Please, have a seat," sabat ni Mrs. Lim, na tila laging composed at eleganteng babae.Umupo ako sa gitna, malinaw na nasa sentro ng atensyon. Habang inihahain ang mga appetizer, nags

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status