Natawa nalang si Marcus. “Ang talino mo talaga, Sabbie..” “Hindi naman kasi yun big deal. Matagal na kayong nagtuturingan na magkakamag anak kaya normal lang na bisitahin niya kayo kasi kayo na ang pamilya niya.. Pero okay lang ba insan na wag mo ng banggitin ‘to kay Mommy?” “Kahit na sinasabi ni Mommy na wala siyang pakielam sa Lolo at sa Daddy mo, sa tingin ko masasaktan pa rin siya kapag naalala niya na mas minahal pa nila yung hindi nila kaano-ano kaysa sakanya.”“Alam ko…Isa ako sa mga nakakita kung gaano naghirap si Aunt Gloria at para sa akin, siya lang ang Auntie ko… wala ng iba at kahit kailan, hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino kaya hindi ko rin siya pipilitin na tanggapin sina Lolo at Daddy.” “Salamat, Insan.”“Tara, tulungan na natin si Auntie na magluto.” “Sige.” Masaya silang kumain ng sabay-sabay at walang humpay ang tawanan at kwentuhan. Pagkatapos, umidlip si Aino, habang si Marcus naman ay inayos ang garden ni Gloria. Tinono rin ni Sebastian an
Masaya si Sabrina para kay Jane. “Dapat lang yun sakanya.” “Oo naman! Haha pagkatapos magpasarap ng babaeng yun sa ibang bansa habang nilulustay ang pera ni Mr. Poole, ang lakas ng loob niya na bumalik dito ng ganun ganun nalang! Anong tingin niya sa mga tao? Tanga? Kaya dapat lang talaga yan sakanya.”Napanatag si Sabrina sa mga nalaman niya kay Marcus at sa loob loob niya ay nagdadasal siya na sana ay nasa maayos na lagay si Jane. ‘Sandali nalang, Jane. Malapit na si Alex at magiging sobrang saya na ng mga susunod mong araw.’Hanggang gabi, hindi talaga maalis sa isip ni Sabrina si Jane kaya hindi siya makatulog. “Kamusta na kaya si Jane at ang baby niya.” Nalulungkot si Sebastian habang pinagmamasdan si Sabrina. Alam niya ang dahilan kung bakit ito nag aalala… Dahil kung ano ang pinag daananan ni Jane ngayon ay yun din mismo ang pinagdaanan nito noon kaya alam nito kung gaano kahirap ang lahat para kay Jane ngayon. Hindi niya rin alam kung anong sasabihin niya kaya niyakap n
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sabrina na nanginginig pa ang boses niya, “Je…Jane? Ikaw ba ‘to?” Nanatiling kalmado ang boses ni Jane, “Gusto ko lang sanang sabihin sayo na baka medyo matagalan bago kita mabayaran sa utang ko sayo.” Noong oras na yun, hindi na napigilan ni Sabrina ang sarili niya at tuluyan na siyang umiyak, “Ha..hayaan mo na yun, Jane.” Noong kapanahunan niya, hindi umiiyak si Sabrina, pero ngayong nakikita niya ang sarili niya kay Jane, hindi niya napigilan ang sarili niya. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon dahil yun eksakto ang ang pinagdaanan niya noon. “A..ayos lang naman ako, Sabrina.” “Jane..umuwi ka na rito… aalagaan kita…”“Sa totoo lang, mas naging tahimik ang buhay ko… sobrang tahimik at ordinaryo…” Totoo ang sinabi ni Jane… Sa kasalukuyan, mas mapayapa na ang buhay niya kasama si Noah. Mula noong Hinayaan sila ni Garrett na makaalis, gumastos sila ng halos tatlong libong dolyar sa byahe nila hanggang sa makarati
Pagkalipas ng isang linggo, natapos ni Noah ang mga pagsasaka at pagtatanim, kaya bumaba na siya sa bayan para maghanap ng trabaho. “Jane, magpahinga ka nalang dito sa bahay. Kapag nainip ka, pwede kayong maglakad-lakad ni Nanay. Alam kong sanay ka sa South City kaya baka manibago ka na wala ka masyadong makikitang tao dito.” Hinawakan ni Jane ang kamay ni Noah, “Hindi ako natatakot na mag isa, Noah.” “Sobrang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya sanay na akong mag isa. Ngayon, gusto ko sanang maghanap ng trabaho na malapit sayo, para sa gabi, sabay na tayong uuwi. Gusto ko lang sanang mag ipon lalo na at malapit na akong manganak.” Base sa mga mata ni Jane, alam ni Noah na sobrang seryoso nito kaya hindi niya nalang din ito kinontra, “Sige, sabay tayong maghanap ng trabaho.” “Mhm. Pero bago yun, may kailangan lang akong gawin.” “Ano yun? Gusto mo bang bumili ng damit? Sasamahan kita.”Umiling si Jane. “Hindi. Yung tungkol sa pera na hiniram ko kay Sabrina. Gusto ko sana s
Hindi niya na kita ito ng mga ilang araw. Ang kilay nito ay magkasalubong at nakakunot ang noo, halata sa tono ng boses nito kung gaano siya kapagod. “ Sabrina, hindi ko gustong magstay sa Kidon Cuty kaya bumalik ako dito sa South City. Hindi pa ako nakakabalik sa tinutuluyan ko. Gusto ko lang ikumpirma sayo kung si Jane ay…”Hindi naman mukhang naghihinala si Alex sa kung sino ang kausap ni Sabrina sa phone kanina. Simple lang naman ang kanyang gusto, na puntahan si Sabrina dahil alam niya na tatawagan ni Jane si Sabrina kapag wala na itong choice. Si sabrina ang isa sa mga babae na pinakagusto ni Jane dati.“Mr. Poole.” Nagtanong si Sabrina, “ Nakita.. nakita mo ba si Lily noong mga nakaraang araw na nasa Kidon City ka?”Tumango siya. “Nakita ko siya, pero tuluyan ko ng pinutol lahat ng koneksyon ko sa kanya Sabrina. Sa totoo lang, sampung taon na kaming hiwalay sa ngayon, hindi ba? Wala na siyang kinalaman sa akin.Tumango si Sabrina, “Alam ko, Mr.Poole, Alam ko.” Huminto siya
Nanginginig siya sa takot kahit buhay na sugpo lang ang nasa harapan niya. Subalit, alam niya na mahilig ito sa sauteed shrimp na may broccoli at alam niya kung gaano ito kapili sa pagkain. Nag aalala siya na baka hindi tanggalin ng mga restaurant ang bituka sa hipon bago ito lutuin o kaya naman ay baka gumamit sila ng mga frozen na hipon, pumunta siya sa palengke upang kumuha ng pinakamalaman na hipon doon. Binili niya ang mga ito ng buhay at nilinis niya ito isa isa at tinanggalan ng bituka habang pinipigilan ang takot niya sa mga ito. Marami na siyang nagawang walang pag-iimbot sa sarili noong mga nakalipas na taon kaya paanong hindi niya magiging mahal ito?Malamang ay kailanman hindi ito maririnig ng iba, pero narinig ni Alex na sinabi ni Jane “ Mahal kita, Alex” ng ilang beses na sa dulo ay nara,daman niyang normal lang itong marinig.Ang rason kung bakit iniisip niyang hindi ito importante ay dahil palagi nitong sinasabi, “ Wag mong ubligahin ang iyong sarili, Alex, okay lang
“Hindi ako halimaw! Tao ako!” Sigaw ng madilim na imahe. Nang lumapit si Sabrina para mas makita niya ito, napagtanto niya na isa itong tao na nakabihis ng itim, itim na shirt, itim na trousers, at nakakurba sa may pintuan. Sa kanyang position, walang makakapagsabi kung siya ay halimaw o tao sa unang tingin.Tumingin pataas ang tao na may sobrang pagod na pagmumukha. “Namiss ko ulit iyun, Sabrina.”"Alex?"Tumawa siya na parang baliw. “Hindi mo naisip na magpapakita ako sayong pintuan ng dalawang beses na magkasunod na araw, hindi ba?Natulala si Sabrina. “Natuto si Jane kung paano maging malihim. Yung lugar na kung saan ka niya tinawagan nung nakaraang beses ay dinala ako sa isang sementeryo. Naghanap ako sa loob ng bawat talahib at likod ng mga puno sa bundok na iyun, ngunit bukod sa mga libingan at damo, wala kahit mga mababangis na hayop, kahit mga tao.”Nahimasmasan si Sabrina. Nag aalala siya dahil baka mas lalong lumalala ang mga bagay bagay kapag nahanap ni Alex si Ja
Ngunit, ang buntis na babae ay mabilis mapagod at may posibilidad na makaramdam ng pananakit ng likod at paa, ano ang dapat niyang gawin kung ganon?“Tiyo Alex, isa kang dirt ball! Dinumihan mo yung sofa namin! Hmph!” ang sabi ni Aino. Madalas siyang galit kay Alex nitong mga nakaraan away kaya mabilis siyang mainis dito sa kahit anong bagay. Kung ibang tao lang ang may sakit at nagdumi sa kanilang sofa, hindi ito sisisihin ni Aino. Sa katunayan ay maaawa pa siya rito at ikukuha pa ito ng isang basong tubig. Pero hindi kung ang taong iyon ay si Alex.Simula nung pinalayas niya si Jane, sinumpa na siya ni Aino. “Bilisan mo at umalis ka na sa bahay ko, kung hindi, bubugbugin kita!” Gigil na sabi ni Aino habang ang kanyang kamay ay nasa kanyang balakang. Kagigising lang ng batang babae suot ang kanyang onesie pajama at ang buhok niya ay nakatali ng messy bun. Ang partikular na matamis na amoy ang umaalingasaw sa batang katulad lang niya. Malambing ang kanyang boses pero matalim ang kan