Share

Kabanata 1274

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sabrina na nanginginig pa ang boses niya, “Je…Jane? Ikaw ba ‘to?”

Nanatiling kalmado ang boses ni Jane, “Gusto ko lang sanang sabihin sayo na baka medyo matagalan bago kita mabayaran sa utang ko sayo.”

Noong oras na yun, hindi na napigilan ni Sabrina ang sarili niya at tuluyan na siyang umiyak, “Ha..hayaan mo na yun, Jane.”

Noong kapanahunan niya, hindi umiiyak si Sabrina, pero ngayong nakikita niya ang sarili niya kay Jane, hindi niya napigilan ang sarili niya. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon dahil yun eksakto ang ang pinagdaanan niya noon.

“A..ayos lang naman ako, Sabrina.”

“Jane..umuwi ka na rito… aalagaan kita…”

“Sa totoo lang, mas naging tahimik ang buhay ko… sobrang tahimik at ordinaryo…”

Totoo ang sinabi ni Jane… Sa kasalukuyan, mas mapayapa na ang buhay niya kasama si Noah.

Mula noong Hinayaan sila ni Garrett na makaalis, gumastos sila ng halos tatlong libong dolyar sa byahe nila hanggang sa makarati
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status