Biglang natawa si Sabrina habang tinatakpan ang kanyang bibig. Hindi niya na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita, boses palang ay kabisadong-kabisado niya na. Hay naku! Habang patagal ng patagal, mas nagiging seloso ang asawa niya…Talaga? Kahit sa mga binatilyo nagseselos siya?!Natigilian ang dalawa, “Mister…”“Bumalik na kayo sa school niyo!” “Yung… yung may ari ng bahay, ininvite niya kasi kami.” Sagot ng isa sa mga binatilyo“Inuulit ko, bumalik na kayo sa school niyo!” “Mister, na…nakapangako na kasi kami sa may ari ng bahay. Ininvite niya kami dito at nangako kami na sasayaw kami ng streetdance para aliwin yung iba niya pang mga bisita.” “Gusto ko ng street dance!” Masayang sabat ni Aino. Tinignan ni Aino si Sebastia, “Daddy, wag mo na silang paalisin. Gusto kong matutong sumayaw ng streetdance. Nagulat si Sebastian. Kayang kaya niyang sinadakin ang dalawang binatilyo, at kahit papaano kaya niya ring sungit-singitan kunwari si Sabrin
Hindi makapaniwala si Sabrina. ‘Talaga?! Lahat nalang pinagseselosan niya?’‘HA!!!’Sa dami ng mga pinagdaanan nila, natatawa nalang si Sabrina kay Sebastian. Malayong malayo sa mood niya kanina, sobrang laki ng ginaan ng pakiramdam niya. Maswerte siya na hindi si Alex ang nakatuluyan niya dahil sigurado siya na kung sakanya mangyayari yung nangyari kay Jane, hindi naman siguro siya iiwanan ni Sebastian ng basta-basta. “Sebastian,” Biglang sabi ni Sabrina. “Hmm?” “Mahal kita!” Natatawang sabi ni Sabrina. Nagulat si Sebastian. Bigla tuloy naalala ni Sebastian noong mga panahong sobrang depressed siya dahil namatay ang Mommy niya, hindi siya iniwanan ni Sabrina. Hindi alam ni Sebastian kung paano siya sasagot, “Pumasok ka na nga at tapusin mo na yung ravioli mo! Malilipasan na tayo ng gutom!” Pagkatapos magsalita, biglang tumalikod si Sebastian at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nagulat si Sabrina. Tama ba yung nakita niya? Na nagbublush ang asawa niya?!
Halos hindi makatingin si Old Master Shaw kay Gloria, na may dalang ravioli, “Gloria, Gloria…”Hindi makapag salita si Gloria. Noong oras na yun, galit ang naramdaman niya na para bang gusto niyang ibato sa mukha ni Old Master Shaw ang hawak niyang ravioli. Pero pinigilan niya ang sarili niya, “Paano ka nakapasok dito?” Pinunasan ni Old Master Shaw ang pawis sa noo niya at sumagot, “Ka..kanina pa ako sa labas…Naririnig ko kayong nagtatawanan kaya bandang huli, hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumasok. “Wala naman akong planong manggulo, nasa loob lang ako ng sasakyan ko… Hindi ako bumaba kasi alam kong magagalit ka… Nakalayo na nga ako kanina eh…” “Bakit bumalik ka pa?” Noong nakita ni Old Master Shaw kung gaano kagalit si Gloria, hindi na siya nakapag salita. “Sumagot ka! Bakit bumalik ka pa?” Galit na sigaw ni Gloria. Dahil dito, sila Sabrina na nagtatawanan sa loob, ay biglang napatakbo palabas. Noong nakita nila si Old Master Shaw, kagaya ng naramdaman ni G
Sabi ni Old Master Shaw, "Gloria... Gloria, hindi... hindi ko man lang naranasan ang saya ng pagkakaroon ng pamilya sa loob ng maraming taon. Ako...""Lumayas ka!" Si Gloria ay biglang sumigaw sa galit.Si Old Master Shaw ay ngumiti nang sobrang nahihiya pero hindi siya nagsabi ng kahit ano.Sa oras niya, si Marcus ay lumabas galing sa loob nang may mahabang mukha. Nung nakita niya si Old Master Shaw, sinabi niya sa galit na tono, "Lolo, kanina mo pa ako sinusundan papunta dito, di ba?"Ang lolo niya ay walang alam sa lugar na ito, at lalong hindi niya alam na dito nakatira ang tita niya.Inamin din naman nang diretso ni Old Master Shaw. "Oo, sinusundan nga kita.""Marcus, simula nung naibalik mo ang tita mo, wala ka na halos mga araw na tinigil sa bahay. Hindi ka na rin masyado nagsasalita nung inaalagaan mo ako sa ospital. At saka, ang mga magulang mo ay talagang nakaramdam na nakagawa sila ng kasalanan dahil sa bagay na ito tungkol sa tita mo, kaya sila ay nagbubuntong-hininga
Si Sebastian ay agad na tumango. "Sige."Hinila ni Gloria sila Sebastian at Sabrina sa isang gilid, at sinabi nang masigasig, "Sabrina at Sebastian, si Aino ay halos anim na taong gulang na. Oras na para kayong dalawa ay magkaroon na ng pangalawang anak, at pangatlong anak naman pagkatapos nun.Sila Sebastian at Sabrina ay parehong walang nasabi.Si Sabrina ay agad namang namula. "Ma! Ano bang sinasabi mo dyan?"Sabi ni Gloria, "Ano bang bagay ang hindi ko pwedeng sabihin sa sarili kong anak? Hindi ko naman binalak na makipagkita ulit sa inyo dahil takot ako na maging pabigat pa ako sa inyo at makagulo pa ako sa buhay niyo. Pero, kayong dalawa ay napakabuti at trinato niyo ako nang maayos. Kaya, iniisip ko na kaya ko pa palang tumulong sa pag-alaga ng mga anak niyo dahil hindi pa naman ako ganun katanda."Hindi ko nabigyan si Sabrina ng magandang buhay sa buong buhay ko, at hindi rin ako makatulong sa kanya. Dinala ko si Sabrina sa bahay ng totoo niyang ama dahil gusto ko talagang
"Sabrina, anong problema? Meron ka pa bang iniisip? O hindi pa sapat sayo ang pagpunta mo sa lugar ng nanay mo kahapon?" Tinanong ni Ruth si Sabrina habang nagtatanghalian.Si Yvonne, na kakasubo palang ng pagkain niya, ay agad na sinabi, "Sabrina, ito ba ay dahil pinalungkot ka ni Old Master Shaw?"Umiling si Sabrina at sinabi, "Si Jane... iniisip ko kung kumusta na kaya si Jane ngayon. Ako ay isang buntis na tumatakas dati. Alam ko kung gaano kahirap ang mga ganong klaseng araw. Pero, nung oras na yun, andyan si Zayn para alagaan ako, pero paano naman si Jane?"Dahil minsan niya nang naranasan ang ganung kapalaran, kaya ni Sabrina na ilagay ang sarili niya sa sitwasyon ni Jane at siya ay nag-aalala para sa kanya.Ang dalawa niyang matalik na kaibigan ay nanatili ding tahimik at hindi nagsabi ng kahit ano.Si Sabrina ang unang ngumiti at sinabi niya, "Kalimutan niyo na. Walang ring kwenta, kahit pa gaano akong mag-aalala kay Jane. Kailangan muna nating alagaan maigi ang mga saril
'Siguro nandito siya para hulihin ako.'Tumungo naman si Jane at sinabi sa mababa at kalmadong tono, "Noah, siya yun."Walang nasabi si Noah.Nung dalawang araw na nakalipas, si Jane, Noah at ang kanyang ina at umalis sa siyudad sakay ng isang iligal na taxi, matapos nilang makalayo ng ilang daang kilometro, ang drayber ng iligal na taxi ay sumagot ng tawag.Ang tumawag pala ay ang bayaw ng drayber. "Anong ginagawa mo? Diba dapat nasa siyudad ka? Narinig ko na ang binatang namamahala ay nandito galing sa Kidon City. Ang apelyido niya ay Poole, parang Poole. Siya ay talagang makapangyariham, at siya ay naghahanap sa buong siyudad ngayon. Walang sinuman ang pinapayagang maglabas pasok sa siyudad. Ang kapatid ko ay malapit nang manganak, kaya hindi ka na pwedeng bumiyahe nang malayo sa panahon ngayon." Agad na hininto ng drayber ang sasakyan at ibinalik ang lahat ng kanilang pera kay Noah at Jane. "Pasensya na, ang... Ang perang ito, hindi ko na kukunin ang perang ito. Kailangan ko
Sabi ni Noah, "Wag na natin pag-usapan ang tungkol dyan. Magmadali na tayo at tingnan natin kung makakarating tayo sa susunod na bayan bago dumilim.""Noah, makinig ka sa akin," si Jane, na nasa likod ni Noah, ay mahinahong sinabi, "Makinig ka sa akin, Noah. Magtago tayo sa kabundukan. Mas mabuti kung mas malalim ang bundok."Si Noah ay agad namang umiling. "Hindi, Jane, hindi pwede yun. Kailangan mo ng sustansya ngayon, kaya paano tayo makakapagtago sa bundok?"Tumawa si Jane. "Dati sa South City, hindi ba nanirahan din tayo sa kabundukan? Ang hangin sa bundok ay maganda, at meron ding mga ligaw na prutas at ligaw na manok. Sa araw, pwede kang gumala gala sa paligid at mangaso sa malapit. Kaya nating mabuhay."Walang nasabi si Noah.Habang naglalakad at nagsasalita, silang dalawa ay nakarating na sa harap ng nanay ni Noah, na sang-ayon din naman sa balak ni Jane.Pagkatapos nun, silang tatlo ay nagtago na naman sa kabundukan.Pero, ang mga bundok sa norte ay iba sa mga nandoon