Si Sebastian ay agad na tumango. "Sige."Hinila ni Gloria sila Sebastian at Sabrina sa isang gilid, at sinabi nang masigasig, "Sabrina at Sebastian, si Aino ay halos anim na taong gulang na. Oras na para kayong dalawa ay magkaroon na ng pangalawang anak, at pangatlong anak naman pagkatapos nun.Sila Sebastian at Sabrina ay parehong walang nasabi.Si Sabrina ay agad namang namula. "Ma! Ano bang sinasabi mo dyan?"Sabi ni Gloria, "Ano bang bagay ang hindi ko pwedeng sabihin sa sarili kong anak? Hindi ko naman binalak na makipagkita ulit sa inyo dahil takot ako na maging pabigat pa ako sa inyo at makagulo pa ako sa buhay niyo. Pero, kayong dalawa ay napakabuti at trinato niyo ako nang maayos. Kaya, iniisip ko na kaya ko pa palang tumulong sa pag-alaga ng mga anak niyo dahil hindi pa naman ako ganun katanda."Hindi ko nabigyan si Sabrina ng magandang buhay sa buong buhay ko, at hindi rin ako makatulong sa kanya. Dinala ko si Sabrina sa bahay ng totoo niyang ama dahil gusto ko talagang
"Sabrina, anong problema? Meron ka pa bang iniisip? O hindi pa sapat sayo ang pagpunta mo sa lugar ng nanay mo kahapon?" Tinanong ni Ruth si Sabrina habang nagtatanghalian.Si Yvonne, na kakasubo palang ng pagkain niya, ay agad na sinabi, "Sabrina, ito ba ay dahil pinalungkot ka ni Old Master Shaw?"Umiling si Sabrina at sinabi, "Si Jane... iniisip ko kung kumusta na kaya si Jane ngayon. Ako ay isang buntis na tumatakas dati. Alam ko kung gaano kahirap ang mga ganong klaseng araw. Pero, nung oras na yun, andyan si Zayn para alagaan ako, pero paano naman si Jane?"Dahil minsan niya nang naranasan ang ganung kapalaran, kaya ni Sabrina na ilagay ang sarili niya sa sitwasyon ni Jane at siya ay nag-aalala para sa kanya.Ang dalawa niyang matalik na kaibigan ay nanatili ding tahimik at hindi nagsabi ng kahit ano.Si Sabrina ang unang ngumiti at sinabi niya, "Kalimutan niyo na. Walang ring kwenta, kahit pa gaano akong mag-aalala kay Jane. Kailangan muna nating alagaan maigi ang mga saril
'Siguro nandito siya para hulihin ako.'Tumungo naman si Jane at sinabi sa mababa at kalmadong tono, "Noah, siya yun."Walang nasabi si Noah.Nung dalawang araw na nakalipas, si Jane, Noah at ang kanyang ina at umalis sa siyudad sakay ng isang iligal na taxi, matapos nilang makalayo ng ilang daang kilometro, ang drayber ng iligal na taxi ay sumagot ng tawag.Ang tumawag pala ay ang bayaw ng drayber. "Anong ginagawa mo? Diba dapat nasa siyudad ka? Narinig ko na ang binatang namamahala ay nandito galing sa Kidon City. Ang apelyido niya ay Poole, parang Poole. Siya ay talagang makapangyariham, at siya ay naghahanap sa buong siyudad ngayon. Walang sinuman ang pinapayagang maglabas pasok sa siyudad. Ang kapatid ko ay malapit nang manganak, kaya hindi ka na pwedeng bumiyahe nang malayo sa panahon ngayon." Agad na hininto ng drayber ang sasakyan at ibinalik ang lahat ng kanilang pera kay Noah at Jane. "Pasensya na, ang... Ang perang ito, hindi ko na kukunin ang perang ito. Kailangan ko
Sabi ni Noah, "Wag na natin pag-usapan ang tungkol dyan. Magmadali na tayo at tingnan natin kung makakarating tayo sa susunod na bayan bago dumilim.""Noah, makinig ka sa akin," si Jane, na nasa likod ni Noah, ay mahinahong sinabi, "Makinig ka sa akin, Noah. Magtago tayo sa kabundukan. Mas mabuti kung mas malalim ang bundok."Si Noah ay agad namang umiling. "Hindi, Jane, hindi pwede yun. Kailangan mo ng sustansya ngayon, kaya paano tayo makakapagtago sa bundok?"Tumawa si Jane. "Dati sa South City, hindi ba nanirahan din tayo sa kabundukan? Ang hangin sa bundok ay maganda, at meron ding mga ligaw na prutas at ligaw na manok. Sa araw, pwede kang gumala gala sa paligid at mangaso sa malapit. Kaya nating mabuhay."Walang nasabi si Noah.Habang naglalakad at nagsasalita, silang dalawa ay nakarating na sa harap ng nanay ni Noah, na sang-ayon din naman sa balak ni Jane.Pagkatapos nun, silang tatlo ay nagtago na naman sa kabundukan.Pero, ang mga bundok sa norte ay iba sa mga nandoon
Nang maisip ito, si Jane ay biglang ngumiti nang miserable.Naramdaman niya na ang kanyang kapalaran ay tulad ng kay Sabrina.Nung nakalipas na anim na taon, si Sabrina ay tumakas sa South City. Narinig ni Jane kay Sabrina na gumulong siya sa burol at muntik na siyang mamatay dati. Nung oras na yun, si Sabrina ay buntis din.Napakahirap siguro ng pakiramdam na yun.Sa nakaraan, naramdaman ni Jane na si Sabrina ay hindi sumusuko, at hindi rin naman mapagkumbaba o arogante.Ngayon, matapos na personal na naransan ni Jane ang ganitong pakiramdam at ang ganitong klaseng buhay, naramdaman niya na ang hindi pagsuko ay hindi sapat.Kailangan niya rin magkaroon ng napakatatag na pag-iisip para matiis ang lahat ng klase ng paghihirap. Saka lang niya mararating ang kaligtasan sa sarili niya.Dati, si Sabrina ay tumatakas lang sa lahat dahil maraming tao sa South City ang gusto siyang patayin. Bukod dito, hindi talaga siya hinabol ni Sebastian.Pero, paano naman ang sitwasyon niya ngayon?
Si Jane ay sumiksik sa yakap ni Noah at sinabi habang umiiyak, "Oo, Noah. Tayo ay nakatadhana talaga. Ang pangalan mong Noah, ang ibig sabihin ay 'magpahinga', at ang pangalan kong Jane, ay dinadala ang kahulugan na 'ang Diyos ay mapagbiyaya'. Ganito tayo nakatadhana. Hindi na tayo aalis dito. Magtatago nalang tayo at magpapahinga dito. Ang Diyos ay magiging mapagbiyaya sa atin. Kung tayo ay magtagumpay na maiwasan ito, magiging matagumpay tayo!"Habang sinasabi niya yun, silang tatlo ay pumasok na ulit sa kweba.Sa loob ng makipot na kweba, silang tatlo ay nakasandal sa isa't isa at nagpalipas ng isa pang gabi.Si Jane ay dalawang araw nang hindi kumakain.Siya ay sobrang gutom na ang mga labi ay tuyot na at natanggal na ang balat nito. Siya ay nahihilo na din. Ang nanay ni Noah ay nakahiga nang hindi gumagalaw sa isang tumpok ng damo nang nakapikit ang mata.Si Noah ay natakot na baka may masamang mangyari sa kanyang ina, kaya maya't maya niya itong tinatawag, "Ma..."Ang nanay
Nang tumalikod si Jane, gulat na gulat siya. Dahil tumambad sakanya ang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng kweba at nakasuot ng pang sundalong uniporma na para bang nanggaling sa giyera. Kahit si Noah, na walang ideya sa anumang konektado sa pagiging sundalo, ay masasabing mukhang hindi basta-bastahin ang lalaki. “Siya….siya ba yan?” Tanong ni Noah. Gulat na gulat si Jane pero sumagot pa rin siya. “Hi…hindi siya si Alex…. Pero siya ang personal bodyguard ni Alex.” Hindi nakasagot si Noah. Sa tindig palang ng lalaki ay halatang sobrang lakas at hindi sila basta-bastang palalampasin nito. Ano ba namang laban nila? Halos tatlong araw na silang hindi kumakain kaya nanghihina na ang mga katawan nila pero kahit naman siguro nasa kundisyon ang mga katawan nila, mag isa lang siyang lalaki at isang matanda at isang buntis ang kasama niya kaya wala pa rin silang kawala. Kilalang kilala ni Jane ang lalaki. Yun ay si Garrett Zandra. Alam niya kung gaano ito katinik at kal
Sobra yung babaeng yun…. Pero mahal na mahal yun ni Master Alex. Siguro kasi sabay silang lumaki kaya kahit si Jane ay hindi kayang pantayan si Lily. Kahit na nalungkot si Garrett para kay Jane, hindi naman siya pwedeng magsalita. Dahil sino ba naman siya? Bodyguard lang siya ni Master Alex at ang kung ano lang ang iutos nito ay yun lang ang dapat niyang gawin. Nakatayo lang si Garrett sa labas ng kweba at nakatingin kay Jane. Nakatingin ito sakanya at halatang nanginginig ang buong katawan. May nakayakap dito na lalaki at may kasama din ang mga ito na matandang babae, na nakasuot gutay-gutay na damit. Tumayo ang matanda at paika-ikang lumapit kay Garret, “Ako nalang ang kunin mo. Sa akin niyo ibuhos ang galit niyo.” Hindi alam nio Garrett kung anong isasagot niya. Nakatitig lang siya kay Jane, na umiiyak sa sobrang takot. “Wa…wala akong utang kay Mr. Poole. Hindi ko kinuha ang pera niya. Yung isang milyon… kinuha na sa akin ng fiance niya… Dalawang beses niya akon