Nang maisip ito, si Jane ay biglang ngumiti nang miserable.Naramdaman niya na ang kanyang kapalaran ay tulad ng kay Sabrina.Nung nakalipas na anim na taon, si Sabrina ay tumakas sa South City. Narinig ni Jane kay Sabrina na gumulong siya sa burol at muntik na siyang mamatay dati. Nung oras na yun, si Sabrina ay buntis din.Napakahirap siguro ng pakiramdam na yun.Sa nakaraan, naramdaman ni Jane na si Sabrina ay hindi sumusuko, at hindi rin naman mapagkumbaba o arogante.Ngayon, matapos na personal na naransan ni Jane ang ganitong pakiramdam at ang ganitong klaseng buhay, naramdaman niya na ang hindi pagsuko ay hindi sapat.Kailangan niya rin magkaroon ng napakatatag na pag-iisip para matiis ang lahat ng klase ng paghihirap. Saka lang niya mararating ang kaligtasan sa sarili niya.Dati, si Sabrina ay tumatakas lang sa lahat dahil maraming tao sa South City ang gusto siyang patayin. Bukod dito, hindi talaga siya hinabol ni Sebastian.Pero, paano naman ang sitwasyon niya ngayon?
Si Jane ay sumiksik sa yakap ni Noah at sinabi habang umiiyak, "Oo, Noah. Tayo ay nakatadhana talaga. Ang pangalan mong Noah, ang ibig sabihin ay 'magpahinga', at ang pangalan kong Jane, ay dinadala ang kahulugan na 'ang Diyos ay mapagbiyaya'. Ganito tayo nakatadhana. Hindi na tayo aalis dito. Magtatago nalang tayo at magpapahinga dito. Ang Diyos ay magiging mapagbiyaya sa atin. Kung tayo ay magtagumpay na maiwasan ito, magiging matagumpay tayo!"Habang sinasabi niya yun, silang tatlo ay pumasok na ulit sa kweba.Sa loob ng makipot na kweba, silang tatlo ay nakasandal sa isa't isa at nagpalipas ng isa pang gabi.Si Jane ay dalawang araw nang hindi kumakain.Siya ay sobrang gutom na ang mga labi ay tuyot na at natanggal na ang balat nito. Siya ay nahihilo na din. Ang nanay ni Noah ay nakahiga nang hindi gumagalaw sa isang tumpok ng damo nang nakapikit ang mata.Si Noah ay natakot na baka may masamang mangyari sa kanyang ina, kaya maya't maya niya itong tinatawag, "Ma..."Ang nanay
Nang tumalikod si Jane, gulat na gulat siya. Dahil tumambad sakanya ang matangkad na lalaking nakatayo sa labas ng kweba at nakasuot ng pang sundalong uniporma na para bang nanggaling sa giyera. Kahit si Noah, na walang ideya sa anumang konektado sa pagiging sundalo, ay masasabing mukhang hindi basta-bastahin ang lalaki. “Siya….siya ba yan?” Tanong ni Noah. Gulat na gulat si Jane pero sumagot pa rin siya. “Hi…hindi siya si Alex…. Pero siya ang personal bodyguard ni Alex.” Hindi nakasagot si Noah. Sa tindig palang ng lalaki ay halatang sobrang lakas at hindi sila basta-bastang palalampasin nito. Ano ba namang laban nila? Halos tatlong araw na silang hindi kumakain kaya nanghihina na ang mga katawan nila pero kahit naman siguro nasa kundisyon ang mga katawan nila, mag isa lang siyang lalaki at isang matanda at isang buntis ang kasama niya kaya wala pa rin silang kawala. Kilalang kilala ni Jane ang lalaki. Yun ay si Garrett Zandra. Alam niya kung gaano ito katinik at kal
Sobra yung babaeng yun…. Pero mahal na mahal yun ni Master Alex. Siguro kasi sabay silang lumaki kaya kahit si Jane ay hindi kayang pantayan si Lily. Kahit na nalungkot si Garrett para kay Jane, hindi naman siya pwedeng magsalita. Dahil sino ba naman siya? Bodyguard lang siya ni Master Alex at ang kung ano lang ang iutos nito ay yun lang ang dapat niyang gawin. Nakatayo lang si Garrett sa labas ng kweba at nakatingin kay Jane. Nakatingin ito sakanya at halatang nanginginig ang buong katawan. May nakayakap dito na lalaki at may kasama din ang mga ito na matandang babae, na nakasuot gutay-gutay na damit. Tumayo ang matanda at paika-ikang lumapit kay Garret, “Ako nalang ang kunin mo. Sa akin niyo ibuhos ang galit niyo.” Hindi alam nio Garrett kung anong isasagot niya. Nakatitig lang siya kay Jane, na umiiyak sa sobrang takot. “Wa…wala akong utang kay Mr. Poole. Hindi ko kinuha ang pera niya. Yung isang milyon… kinuha na sa akin ng fiance niya… Dalawang beses niya akon
Noong nakita ni Garrett kung gaano nakakunot ang noo ng amo niya, lalo siyang napanatag na tama ang desisyong ginawa niya dahil mas naging sigurado siya na sasaktan lang nito si Jane. Wala siya sa posisyon para humusga, pero magkahalong inis at pag hanga ang naramdaman niya. Inis dahil paano nito nakakayang maging ganito kasama sa isang babaeng walang kalaban-laban, at paghanga naman na kahit isang dekada na ang lumipas, hindi pa rin nabago ang pagmamahal nito para kay Lily. ‘Kung sa loob ng mga lumipas na taon at isang babae lang ang minahal niya, ibig sabihin mabuti siyang tao, siguro nasagad lang din talaga siya ni Jane kaya umabot sa ganito…’Habang mas iniisip ni Garrett si Jane, mas lalo siyang naawa rito. “Master Alex, baka nandoon pa sila sa baryo na una nating pinuntahan? Ang sabi kasi ng doktor, imposibleng makalayo sila sa sitwasyon niya. Bumalik kaya tayo?.” Sobrang laki ng tiwala ni Alex kay Garrett at wala siyang naramdaman na bahid ng kahit anong pagdududa. “Tara.
Siguro dahil buntis siya. Pagkatapos nilang kumain, sumakay sila ng isang taxi papunta sa baryo nina Noah. Nakahinga si Jane ng sobrang luwag pagkasakay nila ng sasakyan. Niyakap ni Jane ang braso ni Noah at emosyunal na sinabi, “Noah, sa totoo lang… mabait naman sa akin si Alex. Nakatira ako sakanya bilang kasambahay, at kahit kailan hindi niya ako minaltrato at sa lahat ng mga kasambahay niya, sa akin siya naging pinaka mabait.” Yumuko si Noah at tinignan si Jane, “Mabuti ka kasing tao.” “Ako yung yung may kasalanan. Una palang, alam ko na mali na ako pero pinagpatuloy ko pa rin… Alam ko naman na wala talaga siyang gusto sa akin, pero pinilit ko siya na wag akong iwanan. Pagkatapos, binilhan niya ako ng mga magagandang damit at pinakain ng mga masasarap na pagkain kaya nakalimutan ko na katulong lang pala ako at masyadong tumaas nag tingin ko sa sarili ko. “Pero siyempre, panaginip lang ang lahat. “Isang araw, ginising ako ng katotohanan at ng ganun-ganun nalang, nawa
Nang maalimupngatan si Alex, dali-dali niyang nilabas ang kanyang baril at itinutok kay Garrett. “Gusto mo na bang mamatay?! Nanaginip ako! Bakit mo inistorbo ang panaginip ko?! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo!” Ang panaginip niya. Kung saan niya nalang ulit nakita si Jane…Ang pinaka mabait na babaeng nakilala niya sa buong buhay niya na ngayon ay dinadala ang kanyang anak…Kung hindi dahil kay Garrett, nayakap na sana niya ito… ng sobrang higpit. Ngayon, hindi niya alam kung kailan niya ito ulit makikita o kung makikita niya pa ito ulit…“Ibalik mo ang panaginip ko!” Galit na galit na sigaw ni Alex. Sobrang naguguluhan si Garrett, “Master…Ta..tama ba yung narinig ko? Gu..gusto mong maging asawa si Miss Jane at hi…hindi mo na mahal si Miss Lily?” “Gusto mo na bang mamatay? Ilang taon na kaming magkasama ni Jane, sa tingin mo, hindi ko siya minahal? Isa pa! Noong nanganak ang asawa mo, wala akong planong bisitahin kayo! Si Jane ang may gustong pumunta. Nang marinig yun n
Galit na galit si Alex sa sarili niya. ‘Saang parte ni Jane ang hindi lamang kay Lily? ‘Alex, ang sama mong tao.‘Dapat lang sayo ‘to!’ “Binigyan mo ba siya ng pera?” Biglang tanong ni Alex kay Garrett. Nagulat si Garrett. Nakasuot siya ng pang giyera, paano naman siya makakadala ng pera? Hindi siya sumagot. Hindi siya natatakot mamatay, ang natatakot siya ay baka lalong magalit si Alex sa sarili nito atbigla nalang itong magpakamatay. “Tinatanong kita! Binigyan mo ba siya ng pera?” “Hin…hindi…” “G*g*! Bakit hindi mo siya binigyan ng pera? Bakit hindi mo siya binigyan ng pera? Bakit hindi mo siya binigyan ng pera?” Paulit ulit na sigaw ni Alex habang binubugbog si Garrett. Natumba si Garrett sa sahig, pero hindi siya sumagot.Hinayaan niya lang na bugbugin siya ng master niya. Nang mapagod na si Alex, tinulungan niya si Garrett na tumayo, “Masakit ba?” “Master, wala pong katumbas ang kasalanang ginawa ko sainyo. Ang mahalaga, alam nating buhay si Madam at sa