Noong nakita ni Garrett kung gaano nakakunot ang noo ng amo niya, lalo siyang napanatag na tama ang desisyong ginawa niya dahil mas naging sigurado siya na sasaktan lang nito si Jane. Wala siya sa posisyon para humusga, pero magkahalong inis at pag hanga ang naramdaman niya. Inis dahil paano nito nakakayang maging ganito kasama sa isang babaeng walang kalaban-laban, at paghanga naman na kahit isang dekada na ang lumipas, hindi pa rin nabago ang pagmamahal nito para kay Lily. ‘Kung sa loob ng mga lumipas na taon at isang babae lang ang minahal niya, ibig sabihin mabuti siyang tao, siguro nasagad lang din talaga siya ni Jane kaya umabot sa ganito…’Habang mas iniisip ni Garrett si Jane, mas lalo siyang naawa rito. “Master Alex, baka nandoon pa sila sa baryo na una nating pinuntahan? Ang sabi kasi ng doktor, imposibleng makalayo sila sa sitwasyon niya. Bumalik kaya tayo?.” Sobrang laki ng tiwala ni Alex kay Garrett at wala siyang naramdaman na bahid ng kahit anong pagdududa. “Tara.
Siguro dahil buntis siya. Pagkatapos nilang kumain, sumakay sila ng isang taxi papunta sa baryo nina Noah. Nakahinga si Jane ng sobrang luwag pagkasakay nila ng sasakyan. Niyakap ni Jane ang braso ni Noah at emosyunal na sinabi, “Noah, sa totoo lang… mabait naman sa akin si Alex. Nakatira ako sakanya bilang kasambahay, at kahit kailan hindi niya ako minaltrato at sa lahat ng mga kasambahay niya, sa akin siya naging pinaka mabait.” Yumuko si Noah at tinignan si Jane, “Mabuti ka kasing tao.” “Ako yung yung may kasalanan. Una palang, alam ko na mali na ako pero pinagpatuloy ko pa rin… Alam ko naman na wala talaga siyang gusto sa akin, pero pinilit ko siya na wag akong iwanan. Pagkatapos, binilhan niya ako ng mga magagandang damit at pinakain ng mga masasarap na pagkain kaya nakalimutan ko na katulong lang pala ako at masyadong tumaas nag tingin ko sa sarili ko. “Pero siyempre, panaginip lang ang lahat. “Isang araw, ginising ako ng katotohanan at ng ganun-ganun nalang, nawa
Nang maalimupngatan si Alex, dali-dali niyang nilabas ang kanyang baril at itinutok kay Garrett. “Gusto mo na bang mamatay?! Nanaginip ako! Bakit mo inistorbo ang panaginip ko?! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo!” Ang panaginip niya. Kung saan niya nalang ulit nakita si Jane…Ang pinaka mabait na babaeng nakilala niya sa buong buhay niya na ngayon ay dinadala ang kanyang anak…Kung hindi dahil kay Garrett, nayakap na sana niya ito… ng sobrang higpit. Ngayon, hindi niya alam kung kailan niya ito ulit makikita o kung makikita niya pa ito ulit…“Ibalik mo ang panaginip ko!” Galit na galit na sigaw ni Alex. Sobrang naguguluhan si Garrett, “Master…Ta..tama ba yung narinig ko? Gu..gusto mong maging asawa si Miss Jane at hi…hindi mo na mahal si Miss Lily?” “Gusto mo na bang mamatay? Ilang taon na kaming magkasama ni Jane, sa tingin mo, hindi ko siya minahal? Isa pa! Noong nanganak ang asawa mo, wala akong planong bisitahin kayo! Si Jane ang may gustong pumunta. Nang marinig yun n
Galit na galit si Alex sa sarili niya. ‘Saang parte ni Jane ang hindi lamang kay Lily? ‘Alex, ang sama mong tao.‘Dapat lang sayo ‘to!’ “Binigyan mo ba siya ng pera?” Biglang tanong ni Alex kay Garrett. Nagulat si Garrett. Nakasuot siya ng pang giyera, paano naman siya makakadala ng pera? Hindi siya sumagot. Hindi siya natatakot mamatay, ang natatakot siya ay baka lalong magalit si Alex sa sarili nito atbigla nalang itong magpakamatay. “Tinatanong kita! Binigyan mo ba siya ng pera?” “Hin…hindi…” “G*g*! Bakit hindi mo siya binigyan ng pera? Bakit hindi mo siya binigyan ng pera? Bakit hindi mo siya binigyan ng pera?” Paulit ulit na sigaw ni Alex habang binubugbog si Garrett. Natumba si Garrett sa sahig, pero hindi siya sumagot.Hinayaan niya lang na bugbugin siya ng master niya. Nang mapagod na si Alex, tinulungan niya si Garrett na tumayo, “Masakit ba?” “Master, wala pong katumbas ang kasalanang ginawa ko sainyo. Ang mahalaga, alam nating buhay si Madam at sa
Ngumiti si Alex. “Sa tapang mong yan, naniniwala ka pala sa multo.” Hindi makapaniwala si Sabrina sa Alex na nakita niya. Sobrang haba na ng balbas nito, hindi maganda ang amoy at sobrang gulo ng buhok. Malayong malayo sa Alex na kilala niya! “Kalahating buwan ka bang hindi naligo?” “Isang linggo lang ata?” Sagot ni Alex. Nagulat si Sabrina. “HIndi pa ako naliligo, natutulog, nagsheshave ng isang linggo…Hin..hindi pa rin ako nag tutooth brush.” Natatawang sagot ni Alex. Kaya biglang tinakpan ni Sabrina ang ilong niya. Kung ikukumpara sa Alex na nakilala niyang mainitin ang ulo at nagsabi sakanya na pumasok sa architectural design field, halos hindi niya makilala ang lalaking nasa harapan niya ngayon dahil sobrang hinahon nito. “Nahanap mo na ba si Jane?” Alam ni Sabrina naman na ni Sabrina ang posibleng sagot, pero hindi talaga siya mapakali. Hindi sinagot ni Alex ang tanong ni Sabrina, “Mapapatawad mo ba ako?” Hindi sumagot si Sabrina. “Kung hindi, hindi na ako pap
“Bilang anak ng isang Sean Ford, lumaki ako sa luho, pero noong nakulong ako, tinalikuran ako ng lahat. “Bukod sa nanay ko, si Sabrina lang yung nag iisang babae na ginawa ang lahat para sa akin, kahit na alam kong labag din yun sa loob niya noong mga panahon na yun.“Mula nun, tumatak na siya sa akin at wala ng kahit sinong babae ang nakapantay sakanya para sa akin.” “Nagbago ang lahat mula noong ako na ang nag take over sa Ford Group. Kaliwa’t kanan ang mga babaeng nag kandarapa sa akin. “Tignan mo nalang si Selene diba? Kung ano-ano ng ginawa kay Sabrina para lang maagaw niya ako. Kaya ang nanay ko at si Sabrina lang talaga yung dalawang babae na minahal at tinanggap ako ng walang kahit anong kundisyon. Sa loob ng anim na taon na yun, hindi ako napagod at nawalan ng pag asa, dahil kahit habambuhay ko pa siyang hanapin, hindi ako titigil.”Nasanay si Alex kay Sebastian na hindi masyadong nagsasalita, pero ngayon, halos hindi ito maawat sa pagkwekwento ng mga pinagdaanan nit
Sabi ni Kelvin, "Ako ay nasa dulo na, kaya malamang mauuna kong malaman ang balita kumpara sa inyong lahat. Nito lang, may isang baliw na nagpakita sa ilang mga bansa sa Easter Osone."Si Sebastian ay natigilan nang saglit. "Anong ibig mong sabihin?""Ang ilang mga bansa kung saan nagpakita ang baliw na ito ay ang mga pinagtitipunan natin sa ibang bansa. Ang ikatlong bahagi ng ating yaman at ari-arian ay nasa mga lugar na iyon. Kahit papaano, ang g*gong lalaking ito ay nagpakita sa mga lugar na yun kamakailan lang." Halata sa tono ni Kelvin ang pag-aalala niya.Si Sebastian ay nagsalita ng kahit ano.Hinihintay na na magpatuloy si Kelvin. Nagbuntong-hininga si Kelvin. "Ang baliw ay hindi ganun kabata. Narinig ko sa mga taong nakakita sa kanya na siya ay mahigit tatlumpung taong gulang na. Siya ay napakagaling, pero hindi rin siya, nagsusunog, pumapatay o nananakit ng mga mahihirap doon; nagnanakaw lang siya!"Siya ay lantarang nagnanakaw. Kapag nakita mo ang paraan ng pagnanakaw n
Si Sebastian ay isang lalaki na may malupit na katangian na kailanman ay hindi nagsasabi ng nararamdaman niya.Siya ay bihira lang din magsalita tungkol sa nakaraan ng kanyang ina sa ilan sa mga matalik niyang kaibigan, na kapatid niya talaga. Pero, sa oras na ito, nagsasalita si Sebastian tungkol dito nang may walang kapantay na kalungkutan."Ang nanay ko ay kakatapos lang sa kolehiyo nung oras na yun at kakamatay lang ng parehong magulang niya. Nung oras na kailangan niya ng pagmamahal at malasakit sa mundong ito, nagpakita ang tatay ko. Ang nanay ko naman ay agad na nahulog sa kanya. Simula nun, ang pagmamahal niya para sa kanya ay tumagal ng habambuhay, at hindi kailanman nagbago.”Natahimik ang tatlo pang lalaking nandoon dahil sa sinabi ni Sebastian.Nagpatuloy si Sebastian, "Pero, ang tatay ko ay wala talagang intesyong pakasalan ang nanay ko. Ang rason kung bakit nagkaroon siya ng ganitong klaseng relasyon sa nanay ko ay dahil ito ay parte ng plano ng pamilya Ford para magp