Sa mga matalik na kaibigan ni Sebastian, si Alex ang pinakamadalas na pumunta sa South City. Si Alex din ang madalas na pumupunta sa kumpanya ni Sebastian, kaya sa oras na ito, si Alex ang pinakaunang nagsalita.Agad naman niyang tinawag, "Mr. Ford... Mr. Ford, anong... Anong ginagawa mo dito?"Nang marinig na sinabi ito ni Alex, ang dalawa pang tao ay biglang bumalik sa sarili nila. Si Kelvin at Martin ay nagsalita nang sabay, "Hello, Mr Ford! Kamusta po kayo?"Kahit na gaano pa katindi ang pagkamuhi ni Sebastian sa sarili niyang ama, siya pa rin ang tatay niya pagkatapos ng lahat.Kaya, ang tatlong matalik na kaibigan ni Sebastian ay laging magalang sa tuwing makikita nila si Sean.Ang mukha ni Sean ay may galit na ekspresyon, at ang tono niya ay may hindi maitatagong galit. "Sebastian! Alam ko na ikaw ay naging sobrang abala nung mga nakaraang araw! Naging abala ka sa pag-aalaga ng bago mong biyenan! Abala sa pag-aalaga ng mga emosyon ng biyenan mo at pati na rin ni Sabrina!
Sa bandang huli, diretsong sinabi ni Sean na ang rason kung bakit siya ay nabantaan nang dalawang beses ng parehing tao ay kasalanan lahat ni Sabrina.Si Sean ay tumingin sa sarili niyang anak nang may kumpiyansa dahil naniniwala siya na ang sinabi niya ay may katwiran.Sa oras na ito, si Sebastian, na malamig at kalmado tulad ng dati, ay sobrang ginalit ng kanyang tatay na halos matawa na siya!"Daddy!" Ang mga salitang sinigaw niya ay sobrang sama. "Kapag nagkokomento kay kay Sabrina, isipin mo muna kung anong klase ng ugalo ang meron ka sa buhay mo!""Kahit na ano pang klase ng ugali ang meron ako, nasa lugar ka ba, bilang anak, na kuwestyunin ako, bilang tatay mo?" Si Sean ay talagang nayamot.Sa nakaraang isang buwan, siya ay nagkasakit, at ang natitira niyang anak ay umalis na matapos siyang dalhin sa ospital. Simula nun, hindi na pumunta ang anak niya para bisitahin siya.Sa nakaraang isang buwan, sila ng asawa niya, si Rose, at inatake na ng parehong lalaki nang dalawang
Si Sebastian ay biglang natigilan. Tapos ay tinanong niya ito, "Anong itsura niya?"Ang tagapamahala ay naglarawan habang nagpapanic, "Payat at matangkad, meron siyang suot na shades..."Ang ilan sa kanila ay nagtinginan sa isa't isa, tapos ay bumaba nang sabay-sabay. Nung sila ay nakababa na, nakita nila na may ilang mga tao sa sulok ng lugar, at sila ay binugbog na hanggang bumagsak sa sahig. Ang ilan ay may dugong tumutulo sa gilid ng bibig nila, at ang ilan naman ay may magang mata dahil sa pagkabugbog.May isang tao rin na natuklapan ng balat sa kamay niya."Nasaan ang gumagawa ng gulo ngayon?" tanong ng tagapamahala habang tinutulungan tumayo ang isa sa mga waiter.Mahinang sinabi ng waiter, "Tumakbo... Tumakbo na palayo."Ang tagapamahala ay walang nasabi.Ang taong yun ay mabilis sumuntok. Ang ilan sa mga waiter ay hindi talaga makakita nang malinaw. At saka, ang taong yun ay hindi talaga nagmabagal. Sa ilang mabilisang galaw, nabugbog niya na sila, tapos ay tumalikod at
Si Kelvin ay walang nasabi. Matapos ang ilang sandali, saka lang niya tinanong, "Ikaw...Alex, ano bang problema mo?""Nawawala ang asawa ko! Nawawala ang asawa ko! Ipinagbubuntis niya pa nga ang anak ko, pero siya ay nawawala!" Si Alex ay halos malapit nang mapaiyak.Siya ay gulong gulo nitong mga nakaraang araw. Bahagya lang siyang napabangon ngayong araw. Ito ay dahil rin naisip niya na baka kailangan niyang makipaglabanan nang matagal sa hinaharap. Kailangan niyang gamitin ang buong buhay niya para hanapin ang asawa at anak niya. Kaya, hindi niya na pwede masangkot ang sarili niya sa gulo.May isa pang rason kung bakit mas maigi ang pakiramdam niya. Ito ay dahil ang dalawa niyang matalik na kaibigan ay bumiyahe nang mahaba papuntang South City para samahan siya. Pero, hindi inasahan ni Alex na parehong sila Kelvin at Martin ay naririto para sa problema ni Sebastian. Sa oras na ito, ang napakahinang si Alex ay partikular na umaasa na ang parehong matalik niyang kaibigan ay kayang
Ang apat na lalaki ay tumingin sa pinto nang sabay-sabay, at nakita nila ang isang mahinahon at eleganteng babae na naglalakad, at may hawak siyang bata."Sebastian." ngumiti si Sabrina. "Akala ko makakapunta ako dito nang mas maaga pagkatapos kong sunduin si Aino, pero may kinailangan akong ayusin sa eskwelahan, kaya nahuli ako ng dating."Si Sabrina ay nakipagkasundo kay Sebastian na mauuna siyang pumunta sa clubhouse, at si Sabrina ay susunod nalang pagkatapos niyang sunduin si Aino pagkatapos ng trabaho. Kahit na siya ay dumiretso na sa eskwelahan pagkatapos ng trabaho, siya ay medyo nahuli padin at siya nakasabay naman sa oras na lahat ay sinusundo ang mga anak nila. Si Sabrina ay napalibutan naman ng ilang magulang."Mrs Ford, matagal kitang hindi nakita dito. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Ang nanay ni Susan, si Mrs Sear, ay ang pinaka interesado kay Sabrina. Pakiramdam niya lagi ay napakalapit niya kay Sabrina. Sa katunayan, simula nung naipaalam sa publiko ang pagka
Siguro dahil naranasan din ni Sabrina ang hirap at hindi niya rin naman talaga kilala ang babae, ayaw niyang magsalita. Pero noong paalis na sila ni Aino, bigla itong lumapit sakanila, kasama ang umiiyak nitong anak. “Pasensya na kayo, Mrs. Sear. Alam ko naman na pinag uusapan niyo ako at ilang beses ko na kayong hinayaan pero sumusobra na kayo eh. Wag kayong mag alala, hindi rin naman ako interesadong sumama sa grupo niyo. “Alam ko! Mayayaman kayong lahat at baka nga mas mahal pa yang mga bag niyo kaysa sa isang taon kong sahod, pero taas noo kong sasabihin sainyo na wala kaming inaapakang kahit sino ng anak ko kaya hindi namin kailangan ng charity niyo. Hindi nagustuhan ni Mrs. Sear ang sinabi ng babae kaya galit na galit siyang sumagot, “Ang kapal naman ng mukha mo! Gusto ka na nga naming tulungan, ikaw pa ang mayabang? Ha ha! Pare-parehas talaga kayong mga mahihirap na tao!” “Pasensya na pero hindi ko kailangan ng tulong niyo!” Wala ng intensyon ang babae na makipag dis
Nagulat si Sabrina. Noong oras na yun, biglang tumahimik ang lahat, kaya kahit na hindi siya naka loudspeaker, rinig na rinig ng lahat ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Tinignan ng masama ni Sebastian si Sabrina habang sina Kelvin at Martin naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Mahigit dalawampung taon nilang magkakasama, normal lang sakanila ang magkaroon ng kaliwa’t-kanang mga babae, pero kahit kailan, hindi pa nila nakita si Sebastian na mainlove ng ganito! “Sino ‘to?” Tanong ni Sabrina. “Hindi talaga kita makalimutan at alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi kita makakalimutan. Ikaw at si Aino. Sabrina, bakit parang ang sama sama ng langit sa akin?” “Ito ba si…” Muntik ng masabi ni Sabrina ang hula niya, pero muling nagsalita ang lalaki, “Sabrina, alam mo ba? Galit na galit ako sa sarili ko na para bang gusto kong ibuhos sa lahat ng taong makikita ko.” Hindi pa man din napoproseso ni Sabrina ang nangyayari, biglang ibinaba ng lalaki ang tawag.
Mukhang wala talaga silang balak na tigilan si Sebastian. “Huy, Sebastian, ano na ang nangyari sa reputasyon mong mailap at suplado?” “Ha ha ha! Hindi ko alam pare pero naawa ako sayo!” Hindi makapaniwala si Sabrina. Gustong gusto niyang magalit. ‘Eh anong tawag sainyong tatlo? Ikaw, Alex, akala ko ba hinahanap mo si Jane? Bakit nandito ka?’Pero hindi nalang nagsalita si Sabrina, lalo na noong nakita niyang kalmado lang naman si Sebastian. Ganun naman talaga ang asawa niya…Kahit gaano pa kabigat ang pinagdadaanan nito, sobrang kalmado lang nito palagi. “Naawa kayo sakin?” Tanong ni Sebastian. “Mhm.” Sagot nina Kelvin at Martin.“Kaunti lang naman.”“Edi ibigay mo nalang sa akin yung fifty percent na share mo para hindi ka na maawa sa akin.”Hindi makapaniwala si Kelvin. “Ikaw din, Martin. Ibigay mo nalang sa akin yung mga lupain mo. Sakto, gusto ko sanang gumawa ng man-made lake.”‘Pft! Itong lalaking ‘to! Dapat lang talaga sakanya na mabugbog sa ugali niyang yan e