Ang apat na lalaki ay tumingin sa pinto nang sabay-sabay, at nakita nila ang isang mahinahon at eleganteng babae na naglalakad, at may hawak siyang bata."Sebastian." ngumiti si Sabrina. "Akala ko makakapunta ako dito nang mas maaga pagkatapos kong sunduin si Aino, pero may kinailangan akong ayusin sa eskwelahan, kaya nahuli ako ng dating."Si Sabrina ay nakipagkasundo kay Sebastian na mauuna siyang pumunta sa clubhouse, at si Sabrina ay susunod nalang pagkatapos niyang sunduin si Aino pagkatapos ng trabaho. Kahit na siya ay dumiretso na sa eskwelahan pagkatapos ng trabaho, siya ay medyo nahuli padin at siya nakasabay naman sa oras na lahat ay sinusundo ang mga anak nila. Si Sabrina ay napalibutan naman ng ilang magulang."Mrs Ford, matagal kitang hindi nakita dito. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" Ang nanay ni Susan, si Mrs Sear, ay ang pinaka interesado kay Sabrina. Pakiramdam niya lagi ay napakalapit niya kay Sabrina. Sa katunayan, simula nung naipaalam sa publiko ang pagka
Siguro dahil naranasan din ni Sabrina ang hirap at hindi niya rin naman talaga kilala ang babae, ayaw niyang magsalita. Pero noong paalis na sila ni Aino, bigla itong lumapit sakanila, kasama ang umiiyak nitong anak. “Pasensya na kayo, Mrs. Sear. Alam ko naman na pinag uusapan niyo ako at ilang beses ko na kayong hinayaan pero sumusobra na kayo eh. Wag kayong mag alala, hindi rin naman ako interesadong sumama sa grupo niyo. “Alam ko! Mayayaman kayong lahat at baka nga mas mahal pa yang mga bag niyo kaysa sa isang taon kong sahod, pero taas noo kong sasabihin sainyo na wala kaming inaapakang kahit sino ng anak ko kaya hindi namin kailangan ng charity niyo. Hindi nagustuhan ni Mrs. Sear ang sinabi ng babae kaya galit na galit siyang sumagot, “Ang kapal naman ng mukha mo! Gusto ka na nga naming tulungan, ikaw pa ang mayabang? Ha ha! Pare-parehas talaga kayong mga mahihirap na tao!” “Pasensya na pero hindi ko kailangan ng tulong niyo!” Wala ng intensyon ang babae na makipag dis
Nagulat si Sabrina. Noong oras na yun, biglang tumahimik ang lahat, kaya kahit na hindi siya naka loudspeaker, rinig na rinig ng lahat ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Tinignan ng masama ni Sebastian si Sabrina habang sina Kelvin at Martin naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. Mahigit dalawampung taon nilang magkakasama, normal lang sakanila ang magkaroon ng kaliwa’t-kanang mga babae, pero kahit kailan, hindi pa nila nakita si Sebastian na mainlove ng ganito! “Sino ‘to?” Tanong ni Sabrina. “Hindi talaga kita makalimutan at alam ko sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi kita makakalimutan. Ikaw at si Aino. Sabrina, bakit parang ang sama sama ng langit sa akin?” “Ito ba si…” Muntik ng masabi ni Sabrina ang hula niya, pero muling nagsalita ang lalaki, “Sabrina, alam mo ba? Galit na galit ako sa sarili ko na para bang gusto kong ibuhos sa lahat ng taong makikita ko.” Hindi pa man din napoproseso ni Sabrina ang nangyayari, biglang ibinaba ng lalaki ang tawag.
Mukhang wala talaga silang balak na tigilan si Sebastian. “Huy, Sebastian, ano na ang nangyari sa reputasyon mong mailap at suplado?” “Ha ha ha! Hindi ko alam pare pero naawa ako sayo!” Hindi makapaniwala si Sabrina. Gustong gusto niyang magalit. ‘Eh anong tawag sainyong tatlo? Ikaw, Alex, akala ko ba hinahanap mo si Jane? Bakit nandito ka?’Pero hindi nalang nagsalita si Sabrina, lalo na noong nakita niyang kalmado lang naman si Sebastian. Ganun naman talaga ang asawa niya…Kahit gaano pa kabigat ang pinagdadaanan nito, sobrang kalmado lang nito palagi. “Naawa kayo sakin?” Tanong ni Sebastian. “Mhm.” Sagot nina Kelvin at Martin.“Kaunti lang naman.”“Edi ibigay mo nalang sa akin yung fifty percent na share mo para hindi ka na maawa sa akin.”Hindi makapaniwala si Kelvin. “Ikaw din, Martin. Ibigay mo nalang sa akin yung mga lupain mo. Sakto, gusto ko sanang gumawa ng man-made lake.”‘Pft! Itong lalaking ‘to! Dapat lang talaga sakanya na mabugbog sa ugali niyang yan e
Natawa si Sabrina. “Hmmm depende kung paano mo ako maakit!” Nagulat si Sebastian. Hindi siya makapaniwala sa sobrang laki ng pinagbago ni Sabrina! Kung noong nakaraang taon siguro ito nangyari, baka inis na inis na ito sakanya ngayon.Pagkalipas ng dalawang oras, niyakap ni Sabrina si Sebastian, “Ano ng nangyari sa pinaka matapang na lalaki sa buong South City? Bakit ka nagseselos?” ‘Tsk!’ Ayaw naman talaga ni Sebastian na maging seloso, pero paano niya naman gagawin yun kung si Sabrina ang asawa niya?! Sobrang daming babae ang nagkakandarapa sakanya, pero si Sabrina lang ang nagustuhan niya kaya nga umabot pa sa balita ang confession niya eh! Pero hindi niya rin talaga maintindihan ang mga kapwa niya lalaki! May asawa’t anak na nga yung tao, pero pinagkakaguluhan pa rin, kaya paano naman siya hindi magseselos?!Humarap si Sebastian kay Sabrina at niyakap ito ng mahigpit, “Sa susunod, hindi ka na talaga pwedeng makipag usap sa kahit sinong lalaki!” “A….Grabe ka naman!” Sagot
Sa kalagitnaan ng pag aasaran, biglang tumunog ang doorbell. “Ha? Sinong maghahanap sa atin ng weekend? Baka sina Yvonne at Ruth yan.” “Mamaya lalaki nanaman yan!” Nagseselos na sagot ni Sebastian, sabay irap. “Bukod kay KIngston, sino pa ba ang ibang lalaking pumupunta dito, sir?” Pagkatapos magsalita, tumayo si Sabrina para pagbuksan ang nag doorbell. “Sabrina, may pabor sana ako.” Salubong ni Marcus. Halata sa boses ni Marcus na sobrang nagpapanic ito kaya kahit na sina Sebastian at Aino na nasa dining room ay natigilan din. Tumingin si Sabrina sa mag ama niya bago siya muling tumingin kay Marcus, “I…insan, anong nangyari?” “Sabrina, pwe…pwede mo ba akong tulungan kay Yvonne?” Gulat na gulat si Sabrina. “Hindi kasi ako pinapansin ni Yvonne.. Gusto niya na raw makipag hiwalay sa akin…”Ngumiti si Sabrina at kalmadong sumagot, “Insan, hindi pa naman kayo kasal ni Yvonne kaya marami pa talagang pwedeng mangyari. Isa pa, sa tingin ko napepressure siya kasi masyadong may
Aino, Aino!Pati sina Ruth at Yvonne ay sobrang nataranta rin, Saan pumunta si Aino? Walang anu-anong tumayo si Sabrina at nagsisigaw kaya nakuha niya ang atensyon ng lahat. “Ano ba namang klaseng nanay yan! Inuna kasi ang pagpapasarap kaysa ang magbantay ng anak.” Sabi ng isang usisera. Sa sobrang pagkadesperado ni Sabrina, hindi niya na napigilang umiayk. “Aino!” Sakto, biglang lumabas si Aino mula sa isang specialty store na may hila-hilang batang babae na kaedaran nito. “Mommy, bakit ka umiiyak? Nandito lang ako. Nakita ko kasi yung kaklase ko.” Sabi ni Aino. Gulat na gulat si Sabrina, pagkatapos, bigla siyang umupo para yakapin si Aino. Noong medyo kumalma na siya, pinalo niya ng malakas ang pwet nito, “Ikaw talagang bata ka! Saan ka ba pumunta? Sobrang pinag aalala mo ako! Kapag nawala ka sa akin, mababaliw ako! Aino, bakit hindi ka nagpaalam sa akin na makikipag laro ka pala sa kaklase mo?” Dahil nakita ni Aino na sobrang umiiyak na si Sabrina, sobrang natarant
Tinawag ng babae ang anak. “Jennifer Gibson, tara na.” Pagkatapos, tumingin siya kay Aino at ngumiti, “Aino, pwede kang makipag laro sa anak ko anytime ha?” “Bye, Aunt Gibson. Bye, Jennifer.” Nakangiting paalam ni Aino. Habang naglalakad palayo ang mag ina, biglang humabol si Sabrina, “Anong gusto mong itawag ko sayo?” Hindi na sumagot ang babae kaya natawa nalang si Sabrina. “Kakaiba talaga siyang babae. Bigla ko tuloy naalala yung sarili ko noong bumalik ako sa South City last year. Naiintindihan ko siya kasi naranasan ko rin na maliitin ng ibang tao.”“Pft!” Inirapan ni Ruth si Sabrina. “Hoy Ruth! Parang mas lalo kang nagiging maldita ha? Ano bang nagawa sayo ng Mommy ni Jennifer para mainis ka ng ganyan sakanya?” “Yung ginawa niya kanna! Kahit naman ako, naiirita din na makita siya!” Sabat ni Yvonne. Hindi alam ni Sabrina kung paano siya sasagot kaya tumingin siya kay Aino para magsumbong, “May umaaway sa mommy mo.” “Haha! Bahala kayo jan! Wala akong kinakampihan s