Share

Kabanata 1225

“Bilang anak ng isang Sean Ford, lumaki ako sa luho, pero noong nakulong ako, tinalikuran ako ng lahat.

“Bukod sa nanay ko, si Sabrina lang yung nag iisang babae na ginawa ang lahat para sa akin, kahit na alam kong labag din yun sa loob niya noong mga panahon na yun.

“Mula nun, tumatak na siya sa akin at wala ng kahit sinong babae ang nakapantay sakanya para sa akin.”

“Nagbago ang lahat mula noong ako na ang nag take over sa Ford Group. Kaliwa’t kanan ang mga babaeng nag kandarapa sa akin.

“Tignan mo nalang si Selene diba? Kung ano-ano ng ginawa kay Sabrina para lang maagaw niya ako.

Kaya ang nanay ko at si Sabrina lang talaga yung dalawang babae na minahal at tinanggap ako ng walang kahit anong kundisyon. Sa loob ng anim na taon na yun, hindi ako napagod at nawalan ng pag asa, dahil kahit habambuhay ko pa siyang hanapin, hindi ako titigil.”

Nasanay si Alex kay Sebastian na hindi masyadong nagsasalita, pero ngayon, halos hindi ito maawat sa pagkwekwento ng mga pinagdaanan nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status