Sa kabilang linya, sumagot si Alex, na halatang pagod na pagod, “Hindi.” Mula noong tumawag si Jane kay Sabrina kahapon para mangutang, hindi na tumigil si Alex kakahanap kay Jane. Pagkatapos niyang utusan ang mga tao niya na pumunta sa maliit na baryo kung saan huli itong nalocate, dumiretso rin siya kaagad doon. Ang baryo na nireport ng mga tauhan niya ay paakyat na ng bundok kaya buong magdamag na bumyahe si Alex.Habang palapit siya ng palapit, pakitid din ng pakitid ang kalsada kaya naipit siya sa traffic. Hindi naman siya masyadong nag aalala dahil mula kahapon, nakapalibot na ang mga tauhan niya sa labas at loob ng ospital. Pero kagaya nga ng utos niya, hindi nanggulo ang mga ito. “Master, wala pong nasaktan kahit na langgam sa lugar na ‘to mula kahapon.” Ngumiti si Alex. “Good job. Keep up the good work.” Pagkatapos, pumasok siya sa loob ng ospital at siya mismo ang nagitingin-tingin sa paligid. Lumipas ang dalawang oras, kahit anino ni Jane ay hindi niya nakita.
Siyempre wala ng CCTV sa bundok, paano niya masusundan si Jane?Paano kapag may nangyari rito? Hindi ba ito mahihirapan lalo na ngayong buntis ito? Pakiramdam ni Alex ay mababaliw na siya sa sobrang pag aalala. Pero kahit ano pang pag aalala niya, wala ring mangyayari kung hindi siya kikilos. Tinanong siya ng mga tauhan niya kung anong gagawin ng mga ito. “Maghiwa-hiwalay kayo at halughugin niyo ang buong norte- lahat ng siyudad, lahat ng baryo.”“Opo!” Ang unang taong naisipan niyang tawagan ay si Sebastian. Noong oras na tumawag siya, kasalukuyan itong nasa bahay ng biyenan nito, kasama nina Sabrina, Marcus, Yvonne, Ryan, Ruth, Kingston, at Aino, at pinagkakaisahan ng nga ito si Marcus. Hindi niya inaasahan na si Sabrina ang sasagot ng tawag niya. Halata sa boses nito na sobra itong nag aalala kung nahanap niya na ba si Jane. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Sa mga nangyari, isa lang ang masasabi niya… Sobrang swerte ni Jane na may kaibigan ito na kagay
Sa tantsa niya, wala pang dalawampung taong gulang ang mga ito. Kung tama ang pagkakaalala niya, kasama nila ang mga ito noong pinapaalis nila si Lily kanina. Bakit kaya hindi niya painumin ng tubig muna ang dalawang kabataang ito?Nakangiting lumapit si Sabrina sa dalawang binatilyo na nakasuot ng pang hip-hop na damit. “Hello, mga bata.” Kumpara noong nasa loob siya, medyo mas lumamig na ang ulo niya ngayon. Isa sa mga binatilyo ay masayang ngumiti, “Miss, ilang taon lang naman ang agwat mo sa amin diba? Mga nasa apat na taon lang?”Nang marinig ni Sabrina ang papuri nito, lalo ng nawala ang init ng kanyang ulo.‘Totoo nga na kahinaan ng isang babae ang papuri ng iba.’‘Isa pa, sino ba namang hindi bibigay kung ganito ka hot ang ngingiti sayo?!’Pinilit ni Sabrina na wag magpahalatang kinikilig at seryosong sumagot, “Siguro pero may anak na akong mag sisix years old. Para na kayong kuya ng anak ko at higit sa lahat, kung pagsasaka lang ang pag uusapan, di hamak na mas magali
“Pero siyempre kailangan niyo ring tignan kung gaano kainit. Kapag sobrang tirik ng araw, wag na wag niyong didiligan ang tinanim niyo kasi mamatay lang.”Nagpatuloy si Sabrina sa paghuhukay habang nagpapaliwanag sa dalawa. Sobrang kalmado at seryoso ng itsura niya. Walang bakas ng kahit anong yabang na para bang nagtuturo lang talaga siya sa mga nakababata niyang kapatid. Samantalang ang dalawang binatilyo naman ay nakatulala nalang kay Sabrina. Ngayon lang sila nakakita ng ganun kagandang babae na naghuhukay ng lupa! “Miss, bakit ang dami mong alam sa lupa na para bang….” Biglang natigilan ang binatilyo sa pagsasalita dahil nahihiya siyang sabihin ng malakas. Pero biglang ngumiti si Sabrina. “Magsasaka?” Nahihiya namang ngumiti ang isa pang binatilyo, “Magsasaka ka?”“Oo.” Muli, gulat na gulat ang dalawa. “Pinanganak ako sa bundok. Lumpo ang tatay ko at medyo mahina rin ang katawan niya, kaya ang nanay ko lang ang nagtatrabaho para sa amin noon. Noong six years ol
Biglang natawa si Sabrina habang tinatakpan ang kanyang bibig. Hindi niya na kailangan pang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita, boses palang ay kabisadong-kabisado niya na. Hay naku! Habang patagal ng patagal, mas nagiging seloso ang asawa niya…Talaga? Kahit sa mga binatilyo nagseselos siya?!Natigilian ang dalawa, “Mister…”“Bumalik na kayo sa school niyo!” “Yung… yung may ari ng bahay, ininvite niya kasi kami.” Sagot ng isa sa mga binatilyo“Inuulit ko, bumalik na kayo sa school niyo!” “Mister, na…nakapangako na kasi kami sa may ari ng bahay. Ininvite niya kami dito at nangako kami na sasayaw kami ng streetdance para aliwin yung iba niya pang mga bisita.” “Gusto ko ng street dance!” Masayang sabat ni Aino. Tinignan ni Aino si Sebastia, “Daddy, wag mo na silang paalisin. Gusto kong matutong sumayaw ng streetdance. Nagulat si Sebastian. Kayang kaya niyang sinadakin ang dalawang binatilyo, at kahit papaano kaya niya ring sungit-singitan kunwari si Sabrin
Hindi makapaniwala si Sabrina. ‘Talaga?! Lahat nalang pinagseselosan niya?’‘HA!!!’Sa dami ng mga pinagdaanan nila, natatawa nalang si Sabrina kay Sebastian. Malayong malayo sa mood niya kanina, sobrang laki ng ginaan ng pakiramdam niya. Maswerte siya na hindi si Alex ang nakatuluyan niya dahil sigurado siya na kung sakanya mangyayari yung nangyari kay Jane, hindi naman siguro siya iiwanan ni Sebastian ng basta-basta. “Sebastian,” Biglang sabi ni Sabrina. “Hmm?” “Mahal kita!” Natatawang sabi ni Sabrina. Nagulat si Sebastian. Bigla tuloy naalala ni Sebastian noong mga panahong sobrang depressed siya dahil namatay ang Mommy niya, hindi siya iniwanan ni Sabrina. Hindi alam ni Sebastian kung paano siya sasagot, “Pumasok ka na nga at tapusin mo na yung ravioli mo! Malilipasan na tayo ng gutom!” Pagkatapos magsalita, biglang tumalikod si Sebastian at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nagulat si Sabrina. Tama ba yung nakita niya? Na nagbublush ang asawa niya?!
Halos hindi makatingin si Old Master Shaw kay Gloria, na may dalang ravioli, “Gloria, Gloria…”Hindi makapag salita si Gloria. Noong oras na yun, galit ang naramdaman niya na para bang gusto niyang ibato sa mukha ni Old Master Shaw ang hawak niyang ravioli. Pero pinigilan niya ang sarili niya, “Paano ka nakapasok dito?” Pinunasan ni Old Master Shaw ang pawis sa noo niya at sumagot, “Ka..kanina pa ako sa labas…Naririnig ko kayong nagtatawanan kaya bandang huli, hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumasok. “Wala naman akong planong manggulo, nasa loob lang ako ng sasakyan ko… Hindi ako bumaba kasi alam kong magagalit ka… Nakalayo na nga ako kanina eh…” “Bakit bumalik ka pa?” Noong nakita ni Old Master Shaw kung gaano kagalit si Gloria, hindi na siya nakapag salita. “Sumagot ka! Bakit bumalik ka pa?” Galit na sigaw ni Gloria. Dahil dito, sila Sabrina na nagtatawanan sa loob, ay biglang napatakbo palabas. Noong nakita nila si Old Master Shaw, kagaya ng naramdaman ni G
Sabi ni Old Master Shaw, "Gloria... Gloria, hindi... hindi ko man lang naranasan ang saya ng pagkakaroon ng pamilya sa loob ng maraming taon. Ako...""Lumayas ka!" Si Gloria ay biglang sumigaw sa galit.Si Old Master Shaw ay ngumiti nang sobrang nahihiya pero hindi siya nagsabi ng kahit ano.Sa oras niya, si Marcus ay lumabas galing sa loob nang may mahabang mukha. Nung nakita niya si Old Master Shaw, sinabi niya sa galit na tono, "Lolo, kanina mo pa ako sinusundan papunta dito, di ba?"Ang lolo niya ay walang alam sa lugar na ito, at lalong hindi niya alam na dito nakatira ang tita niya.Inamin din naman nang diretso ni Old Master Shaw. "Oo, sinusundan nga kita.""Marcus, simula nung naibalik mo ang tita mo, wala ka na halos mga araw na tinigil sa bahay. Hindi ka na rin masyado nagsasalita nung inaalagaan mo ako sa ospital. At saka, ang mga magulang mo ay talagang nakaramdam na nakagawa sila ng kasalanan dahil sa bagay na ito tungkol sa tita mo, kaya sila ay nagbubuntong-hininga