Si Lily ay sanay na maging dominante.Hindi niya kailanman maiiwasan ang ganitong pagkukulang niya.Hindi niya rin naisip kailanman ang pag-iwas dito.Yun ay dahil ang saya ng pagiging mapanghamak at ang pagturing bilang dominante at ang pag-asta sa kahit anong paraan niya gusto ay isang bagay na hindi mararansanan ng iba kahit kailan.Dati nung siya ay nasa ibang bansa pa, kahit nasaan man siya, kahit na siya ay mag-isa, kaya niyang maging ganito kadominante. Madalas niya pang matalo ang mga masasamang loob, na aroganteng inaakala na sila ay mga puwersang dapat isaalang-alang, sa loob ng ilang segundo, sila ay lumuluhod na sa harap niya at tinatawag siyang reyna.Ang ganung klase ng pakiramdam ay hindi maipapaliwanag na kahanga-hang para kay Lily.Pero, sa loob lang ng ilang araw niyang pagbabalik sa bansa, siya ay nabugbog na nila Aino, Ruth, at Yvonne. Kailangan silang bawian agad ni Lily sa mismong oras na ito dahil sa ganung klaseng kahihiyan na nakuha niya.Ang sampal ni L
Sa oras na ito, gustong humingi ng tulong ni Lily kayla Sebastian, Marcus, at Ryan, pero hindi siya makapagsalita dahil siya ay nahihilo sa pag-ikot sa kanya.Saka lang itinapon ng dalawang binata si Lily sa sahig pagkatapos nila sa kanilang street dance collaboration.Si Lily ay nakaramdam lang ng pagkahilo.Ang unang binata ay supladong sinabi kay Lily, "Ako ay nabuhay sa loob ng labing-walong taon, pero ito ang unang beses na nakakilala ako ng napaka aroganteng matandang babaeng tulad mo! Ikaw ay isa talagang masamang babae! Biniro biro mo pa kami na mga menor de edad palang! Dadalhin ka namin sa istasyon ng pulis ngayon!"Si Lily, na kakatayo lang nang maayos matapos na ayusin ang sarili niya nang ilang sandali, ay nagsuka nang marami na ang lahat ng pagkain sa tiyan niya ay lumabas din.Si Lily ay matagal nagsuka hanggang sa nagsuka na rin siya ng bile nung bandang huli, pero hindi pa rin siya nagpapaawat. Tumingala siya nang may galit na titig at tumingin sa dalawang binata.
Nang marinig niya si Marcus na nagsasabi ng ganun, hindi malinaw kung saan nakuha ni Lily ang kanyang lakas ng loob, pero bigla siyang tumayo, kumawala sa grupo ng mga tao nakapalibot sa kanya, at nagmadaling pumunta sa harap ni Marcus. "Master Shaw, ikaw ang magsabi sa kanila kung sino ako!" Nung oras na nagsalita si Lily, isang masangsang na amoy ang lumabas sa bibig niya. Agad namang napapisil si Marcus sa kanyang ilong. Nung oras na yun, si Marcus, na naging mabait at mahinahon, ay hindi rin napigilan ang sarili niya at bigla niyang sinabi, "Ikaw, lumayo ka sa akin. Napakabaho mo! Pinapatay mo ako!" "Haha..." Si Yvonne ay tumawa nang malakas at napatuwad siya. Walang nasabi si Lily. 'Aray!' Kung hindi lang siya nahigitan sa sandaling ito, gusto sana ni Lily na magkaroon ng pinakamatinding parusa ang mga babaeng ito ngayon. Pero, hindi na siya nagtangkang gawin ito. Siya ay talagang natakot matapos na mabugbog. Nanood siya at nanlaki ang kanyang mga mata habang h
Pero, si Lily ay talagang natakot na tagos hanggang buto.Kahit na hindi siya nakabalik sa bansa sa nakaraang ilang taon, narinig niya pa rin talaga si Sebastian.Hindi lang si Sebastian ang Hari ng South City, siya ay may napakahalagang presensya din sa lahat ng parte ng mundo.Parehong sila Sebastian at Alex ay pinupunan lang ang isa't isa.Kung ang isa sa kanila ay sinasabing mas malakas, si Sebastian pa rin ito.Si Alex ay may kapangyarihan lang sa kamay niya. Hindi lang kapangyarihan ang meron si Sebastian, pero ang imperyo ng negosyo niya ay ang pinakamayaman sa ilang mga lugar.Hindi lang yun, si Sebastian ay mas malupit kaysa kay Alex pagdating sa pagiging desidido.Si Sebastian ay walang pakialam sa mga sentimyento niya, at siya ay may isang salita.Kapag sinabi niya na bibigyan niya ng isang kalunus-lunos na kamatayan ang isang tao, hindi talaga siya nagbibiro.Ang dahilan ay hindi talaga nagbiro si Sebastian sa mga tagalabas kahit kailan.Si Lily ay natigilan agad
Ang guwardya sa likod niya ay walang nasabi.Si Old Master Shaw ay nasanay nang maghari sa buong buhay na ito. Kahit na umalis siya ng militar para pumasok sa negosyo sa nakalipas na dalawampung taon matapos niyang mag animnapu, nagkaroon pa rin siya ng malakas at mabisang paraan ng pagharap sa mga bagay.Pero, ang ilang mga guwardya, na nakasunod sa kanya sa loob ng mahigit isang dekada, ay hindi rin inasahan na si Old Master Shaw ay magiging malupit sa kanyang sariling laman at dugo nung bata pa siya.Ito ay isang kinaugalian na kailanman ay hindi maintindihan ng ilang mga guwardya sa likod niya, na nasa mga tatlumpung taong gulang.Ang mga taong madalas na nasa tabi ni Old Master Shaw ay ang apat na guwardyang ito.Dahil nakasunod sila kay Old Master Shaw sa loob ng higit sa isang dekada, sila ay halos naimpluwensyahan na din ng ilan sa mga ugali ng old master at ang kanyang matuwid na personalidad.Ang isa sa mga guwardya ay isang babaero at madalas siyang naghahanap ng mga b
Old Master Shaw, bakit kaya hindi ka pumasok? Nasa loob naman si Marcus…” Tanong ng bodyguard. Umiling si Old Master Shaw. “Wag na. Maiistorbo ko lang sila. Sigurado ako na hindi matutuwa sina Gloria at Sabrina kapag nakita nila ako. Pagkatapos, ngumiti si Old Master Shaw at nagpatuloy, “Tignan mo yung batang yun, ang liit liit niya pa pero halatang matapang na.” Nang makita ng bodyguard na nakangiti si Old Master Shaw, hindi nito napigilang mapangiti rin. Pero sa likod ng mga ngiting ito ay nakakawasak pusong damdamin. Pero sino nga bang dapat sisihin?Malayong-malayo sa nararamdaman nila, nagingibabaw ang baliktarang hagikhikan sa loob ng bahay ni Gloria. “Marcus, hindi naman sa sinisisi kita ha, pero ako nga alam ko na kailangan kong iwasan yung demonyong Lily na yun. Paanong hindi mo alam?” Wala talagang kaalam-alam si Marcus, “Hin..hindi naman kasi kami close ni Mr. Poole kaya hindi ko alam….”Tumingin si Marcus kay Yvonne, “Tsaka hindi rin sinabi sa akin ni Yvonne
Sa kabilang linya, sumagot si Alex, na halatang pagod na pagod, “Hindi.” Mula noong tumawag si Jane kay Sabrina kahapon para mangutang, hindi na tumigil si Alex kakahanap kay Jane. Pagkatapos niyang utusan ang mga tao niya na pumunta sa maliit na baryo kung saan huli itong nalocate, dumiretso rin siya kaagad doon. Ang baryo na nireport ng mga tauhan niya ay paakyat na ng bundok kaya buong magdamag na bumyahe si Alex.Habang palapit siya ng palapit, pakitid din ng pakitid ang kalsada kaya naipit siya sa traffic. Hindi naman siya masyadong nag aalala dahil mula kahapon, nakapalibot na ang mga tauhan niya sa labas at loob ng ospital. Pero kagaya nga ng utos niya, hindi nanggulo ang mga ito. “Master, wala pong nasaktan kahit na langgam sa lugar na ‘to mula kahapon.” Ngumiti si Alex. “Good job. Keep up the good work.” Pagkatapos, pumasok siya sa loob ng ospital at siya mismo ang nagitingin-tingin sa paligid. Lumipas ang dalawang oras, kahit anino ni Jane ay hindi niya nakita.
Siyempre wala ng CCTV sa bundok, paano niya masusundan si Jane?Paano kapag may nangyari rito? Hindi ba ito mahihirapan lalo na ngayong buntis ito? Pakiramdam ni Alex ay mababaliw na siya sa sobrang pag aalala. Pero kahit ano pang pag aalala niya, wala ring mangyayari kung hindi siya kikilos. Tinanong siya ng mga tauhan niya kung anong gagawin ng mga ito. “Maghiwa-hiwalay kayo at halughugin niyo ang buong norte- lahat ng siyudad, lahat ng baryo.”“Opo!” Ang unang taong naisipan niyang tawagan ay si Sebastian. Noong oras na tumawag siya, kasalukuyan itong nasa bahay ng biyenan nito, kasama nina Sabrina, Marcus, Yvonne, Ryan, Ruth, Kingston, at Aino, at pinagkakaisahan ng nga ito si Marcus. Hindi niya inaasahan na si Sabrina ang sasagot ng tawag niya. Halata sa boses nito na sobra itong nag aalala kung nahanap niya na ba si Jane. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Sa mga nangyari, isa lang ang masasabi niya… Sobrang swerte ni Jane na may kaibigan ito na kagay