Date
Nagising si Heather sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kaniyang kwarto. “Sandali lang!” she yelled. Umupo siya sa gilid ng kama at sinuklay ang magulong buhok bago nagtungo sa pintuan.
“Yaya, ano pong problema?” tanong ni Heather sa kasambahay habang naghihikab.
“May bisita po kayo, Ma'am,” nangingiti nitong sabi.
This early? “Huh? Sino naman?” Heather almost groaned because she’s still sleepy.
“Si Sir Aidan po, Ma'am,” kinikilig na sagot ng kasambahay.
Pakiramdam ni Heather ay biglang nawala ang lahat ng antok at katamaran niya nang marinig ang sinabi nito. “S-Seryoso ka ba, Yaya?” hindi makapaniwalang tanong ni Heather.
Mabilis siyang tumango. “Opo! Nasa sala po siya, naghihintay sa inyo.”
Mahina siyang napamura saka dali-daling tumakbo papuntang banyo. Heather took a very quick bath. That must be the quickest bath she has ever done in her life. Pagkatapos ay nagbihis siya at mabilis na nagtungo ng hagdan. Huminga muna si Heather ng malalim bago dahan-dahang bumaba.
Walang ibang tao sa sala maliban kay Aidan. He's sitting on the long sofa while tapping his feet and playing with his fingers. May nakalapag na bouquet sa gilid niya at halatang tensyonado ito.
Tumikhim si Heather para tawagin ang atensyon ng kasintahan. Kaagad naman itong tumayo at niyakap siya.
“Hey. Good morning,” bati ni Aidan.
“Morning. Anong ginagawa mo rito?”
“Hindi ako matahimik sa sagutan natin noong isang araw. I really didn't mean to say it like that, Heather. I was just so stressed and all my emotions are pent up at sa iyo ko naibunton iyon. I'm really, really sorry. I tried visiting you yesterday nang magkaroon ako ng free time pero wala ka rito. Nasa trabaho ka raw, I wanted to come to you pero hindi mo pala nasabi sa ‘kin kung saan ka nagtatrabaho,” paliwanag niya. His eyes clearly say that he's very bothered with what happened noong isang araw. Samantalang si Heather, nakalimutan na iyon.
It actually slipped her mind. Ang dami niyang inaalala lalo na kagabi. Ni hindi man lang niya naalalang tawagan si Aidan para tanungin kung bakit siya nagpunta ng bahay nila kahapon.
“Aidan, ayos lang. Naiintindihan ko. Tsaka, napanood ko na ‘yung video na pinadala mo. It enlightened me a bit. And honestly, halos makalimutan ko na nga iyong pag-aaway natin. Masyado akong abala sa trabaho,” sabi ni Heather. Totoo namang hindi na siya galit. Pero hindi trabaho ang dahilan ng pagka-abala niya. It’s not work, it’s someone.
“Y-You're not mad at me anymore?” Aidan was a bit dumbfounded. Matagal mawala ang galit at selos ni Heather. Bakit bigla na lang siyang hindi na galit?
Is it because she has a job now? Must be. Aidan thought.Heather shook her head. “Hindi na. And I’m trying to be more understanding and patient. Tama ka, I become unreasonable sometimes.”
“That’s good.” Para siyang nakahinga ng maluwag nang sabihin iyon ni Heather. “Anyways. . .” Aidan turned around to get the bouquet of flowers and handed it to Heather. “For you. I know you love tulips.” Ngumiti siya ng malapad nang tanggapin ni Heather ang mga bulaklak.
“Thanks.” Heather bit her lower lip to stop herself from smiling from ear to ear. Like what she said before, Aidan is not really the type of boyfriend who gives gifts, chocolates, or flowers. Kaya naman tuwing binibigyan siya nito ng mga ganoon, sobra-sobra ang sayang nararamdaman niya. “Uh, nagbreakfast ka na ba?”
“Yes. Sa biyahe.”
Nagsalubong ang kilay ni Heather. “Ano namang kinain mo?”
“A sandwich and coffee,” sagot ni Aidan. Tumalim ang tingin ni Heather kay Aidan. Nilapag niya ang bouquet sa sofa at hinila ito patungong hapag.
Good thing her parents are not here. Nasa Batangas sila. Ngayon iyong Doctor's Convention na pinangako ni Dad kila Mom at Ate. But she thinks they'll be home tonight. Kung nandito pa ang mga ito, paniguradong kung ano-ano lang ang sasabihin ng mga ‘yon kay Aidan at sa kaniya.
Kung sa kaniya lang sila may sasabihin, puwede pa. Pero ayaw niyang naririnig ni Aidan ang mga sinasabi ng pamilya niya tungkol sa kaniya at sa relasyon silang dalawa. It would affect him, for sure.
“Maupo ka riyan,” utos ni Heather sabay muwestra sa upuang nasa tapat niya. “Hindi ba, sabi ko sa ‘yo, kumain ka ng marami. Ang dami mong ginagawa sa isang araw tapos sandwich at kape lang ang agahan mo? Take care of your health, Aidan. Pa'no na lang kung magkasakit ka gaya noon? Avoid being burnt out, okay? Lalo na ngayon. I have a job and I won't be there to take care of you twenty-four, seven unlike before,” nag-aalala niya wika.
A soft smile stretched on Aidan’s lips na para bang siyang-siya siya sa pag-aalala ni Heather. This is one of the reasons kung bakit hindio niya mabitaw-bitawan si Heather. “Yes, baby.”
“’Wag mo ‘kong ma-yes baby, yes baby, diyan. Tapos hindi mo gagawin? Malilintikan ka talaga sa ‘kin, Aidan Marcus.”
Malakas na natawa si Aidan nang banggitin niya ang pangalan nito. Inirapan niya na lang ang boyfriend at nagsimula ng kumain.
“By the way, baby. It's my free day, today. Saan mo gustong pumunta? Date tayo.”
Natigilan si Heather. Day off niya? For real? Gosh, akala ko never na siyang magkaka-day off. Heather suddenly became excited.
Umakto siyang nag-iisip. “Wala akong maisip eh.” She pouted. I want to go to the beach and dive pero dapat pagplanuhan muna namin iyon. Tsaka, diving would take almost three days dahil hindi lang naman pagda-diving ang pupwedeng gawin sa beach. That would be considered as a vacation.
“How about to your favorite mall na lang?”
“But it's Saturday. Hindi kaya maraming tao ro'n?” Heather pointed out.
“Kahit naman Sabado, kakaunti lang lagi ang mga tao sa Evia,” aniya.
“Hmm, okay. Are we hitting the road right after this?” She asked, pertaining to our breakfast.
“Whatever you want, baby. Ngayong araw, ikaw ang masusunod.”
Heather gasped and looked at him funny. “Gusto mo talagang bumawi ah?”
Aidan nodded. “Yep.”
Nakarating sila ng Evia in about an hour. Medyo ma-traffic dahil Sabado. Mabuti naman at tama ang hinala ni Aidan. Wala ngang masyadong tao sa loob ng Mall.
Doon sila madalas magpunta ni Aidan everytime they want to hang out. Maliban sa kakaunti ang mga tao, wala rin silang pakialam sa iyo.
Naguguluhang napatingin skay Aidan si Heather nang isuot niya rito ang isang kulay itim na bucket hat.
“Huh? Para sa'n ‘to?”
Tipid siyang ngumiti. “Sakaling may makakilala sa ‘kin, ‘di nila makikita ang kabuuan ng mukha mo. It's for your safety.”
Heather took off the hat while furrowing her eyebrows. Ayaw na ayaw niyang nagtatago ng mukha. “Ayaw ko nga. I don't care kung makikilala nila ako.”
“But I do,” Aidan insisted saka isinuot ulit ang sumbrero sa ulo ni Heather. “Isipin mo na lang ang mga posibleng problema at gulo na maidudulot niyon sa ‘yo at sa pamilya mo. It will cause chaos, baby. Alam mo namang ayaw kitang madamay sa gulo ng trabaho ko. Kaya nga ganito ang sitwasyon natin, ‘di ba? Para ‘di ka madamay.”
Ngumuso si Heather at hinayaan na lang ang sumbrerong isinuot ni Aidan sa kaniya. Pinagmasdan niya ang kasntahan habang isinusuot ang kulay itim na surgical mask at puting baseball cap. Heather suddenly thought how sad this part of their relationship is. Laging ganito ang get up niya tuwing pupunta sila ng public places. Kung hindi lang sana naging aktor si Aidan, hindi magiging ganito ang sitwasyon nila. But that don’t matter now. Iyon ang gusto niya and as his girlfriend, susuportahan niya ito. Kahit pa nga sobrang hirap.
The things we do for our loved ones…
“Tara?” inilahad ni Aidan ang kamay sa kasintahan at inalalayan itong makalabas ng kotse.
They decided na manood muna ng movie bago maglibot-libot sa buong mall. Si Heather ang pumila para bumili ng tickets habang nasa gilid lang si Aidan at nakayuko. She can't help but feel a little sad seeing her boyfriend hide himself to the people. For sure, doble sa lungkot na nararamdaman niya ang nararamdaman ni Aidan ngayon.
“I got ‘em.” Iwinagayway ni Heather sa kaniya ang tickets para sa movie. Tumuwid siya ng tayo at hinawakan si Heather sa beywang. Sabay silang naglakad papasok ng sinehan.
Heather chose a romance movie because it's her favorite genre. Hindi naman nagreklamo si Aidan at hinayaan lang siya. Kahit nang magsimula na ang pelikula, nanatili itong tahimik na tila malalim ang iniisip.
“Hey, you okay?” Mahina niya itong siniko. Just enough to catch his attention.
“Ha? Yes, I'm okay. Don’t mind me,” sagot ni Aidan saka tumingin sa malaking screen sa harap nila. Nagkibit-balikat na lang si Heather at naglalambing na sumandal sa balikat nito. Aidan chuckled lightly at sinubuan siya ng popcorn.
Napalingon-lingon si Heather sa paligid nang may marinig siyang tunog ng camera.
“Heather, may problema ba?”
“I think I heard a camera shutter,” pabulong niyang sabi habang nakatingin sa likod.
Madilim ang buong pakigid kaya mahirap makakita. The only thing she’s seeing are the eyes of the people watching the movie. Kung hindi kumakain, nagkukwentuhan naman ang iba. She doesn’t see anyone using their phones or cameras.
“Baka naman may nagselfie. Calm down, baby. Nakasuot ka ng sumbrero. At sa dilim nitong sinehan, ‘di ka nila mamumukhaan,” pagpapakalma ni Aidan sa kaniya. But still, Heather didn't listen. She still kept on looking around, hoping to find someone suspicious. Inakbayan siya ni Aidan at pinasandal sa balikat niya. “Chill, baby. Walang makakakilala sa ‘tin.”
“Pa’no kung meron nga?” nababagabag niyang wika.
“Saka na natin problemahin iyon kapag nangyari na nga. But for now, let's just watch and enjoy the movie.” Sumandal si Aidan sa upuan at inakbayan siya.
While in the far corner of the movie theater, stands a man with his grim face on. Stalking celebrities is what he’s good at. Trabaho niyang hanapin ang baho ng bawat artista at isiwalat iyon sa lahat. This job of his is what kept him and his family live a better life.
Kahit pa nga ang pagkasira ng buhay ng isang tao ang pinakamalalang dulot ng trabaho niya.
After the movie, Aidan bought himself and Heather some frappes habang nag-iikot. Taking pictures here and there, just like what normal couples do. And when it’s lunch time, kumain sila sa isang steakhouse bago nagshopping saglit si Heather at umuwi.
“Malapit na ang anniversary natin. Anong gusto mong gawin?” tanong ni Aidan habang nagda-drive pauwi.
“I really want to go to the beach. Na-miss ko ng mag-diving eh.” When was the last time they went to the beach together? Last year?
Tumango siya. “Okay. Gusto mo bang ikaw na ang pumili ng beach na pupuntahan natin? Or you want me to take care of everything?”
“Ako na lang ang bahala sa lahat. I want you to just enjoy our anniversary. Let me do the preparations,” excited na sabini Heather. It was always Aidan preparing for their anniversary kaya naisip niyang siya naman.
“Can you handle everything just fine? Baka mahirapan ka.”
“I’ll ask for help then. I have a friend now, remember?”
He sighed. “Is that Primo really good to you?”
“Oo naman. Mabait siya at alam niyang may boyfriend ako kaya tiwala akong he knows his limits. Every time we do something, lagi niyang sinasabing, paano ka raw. Kung magagalit ka ba o ano. He's a good person, Aidan.”
“If you say so, then fine with me. I trust your instincts. Though, I would like to meet him.”
I froze. “Sigurado ka ba? Hindi ko sinabi sa kaniya ang tunay mong pangalan because I thought you'd be uncomfortable.”
“Tama ang ginawa mo. Don’t tell him anything about me or your family first. Make sure he really is trustworthy before you tell personal informations,” paalala niya.
“He is trustworthy,” Heather pointed out.
“We can’t be so sure with that. Ilang linggo mo pa lang siyang kakilala.”
“Does being trustworthy varies kung ilang araw na kayong magkakilala? Hindi ba puwedeng he did something that's why he earned my trust?” tanong niya. Primo opened up to her. From his parents to his past relationships, lahat sinabi niya. At iyon ang dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan niya si Primo. At iyon din ang dahilan kung bakit siya nagi-guilty sa pagsisinungaling niya.
He was true to her, baring and showing his true self to her. But she can’t completely do the same. That’s why she felt awful, because Primo was a real friend.
“We can't fully know a person. And trusting them easily just because they did something to appease you makes you gullible.”
“So, I'm gullible?” Turo ni Heather sa sarili.
“Realistically speaking at walang halong mamumulaklak na salita. Sa sinabi mong ‘yon, oo. I know I'm your boyfriend and I should support whatever you want but I really feel something different with that Primo. At hindi lang naman sa kaniya ka dapat mag-ingat. Sa lahat din ng nakakasalamuha mo.”
“I'm no kid, Aidan. Kaya ko ang sarili ko,” naiinis na turan ni Heather.
“But that doesn't mean you'll be carefree.”
Nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa bintana. Heather can't deny the fact na tama siya. What she doesn't understand is what he feels towards Primo. Mabait naman ito at mabuting kaibigan. Why would he doubt him?
Nang dumating ang Lunes, maagang nagising si Heather para maghanda sa trabaho. Wala na naman ang Daddy niya. Maaga itong umalis para sa duty. At dahil mahal na mahal siya ng Mommy at Ate niya, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng hapag ay nagsitayuan ang mga ito at umalis na lang bigla. Not to mention Driana's piercing eyes. Heather would bet na galit pa rin siya sa nangyari noong Biyernes. Pinagsabihan kasi siya ng Dad nila dahil hindi nila sinabi ng Mommy niya kay Heather ang pagpunta nila ng Tagaytay.
Pinilit ni Heather ang sariling ‘wag maapektuhan sa ginawa nila. Kumain na lang siya at pumasok sa trabaho.
Pagkapasok niya, tahimik ang lahat. Pinagtitinginan siya ng mga tao but she guess it's normal since bago lang siya sa trabaho.
Kaagad siyang nagtungo sa opisina ni Ms. Georgia Lemin at kaagad itong may iniutos sa kaniya. One of them was to go to the Finance Department upang magpapirma ng papeles.
Heather was about to go to the Head's office when someone grabbed her arm. Napunta sila sa isang masikip na pasilyo. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa salarin, kay Primo.
“Primo, what the hell—” napatigil si Heather sa pagsasalita when he signaled her to not talk.
“Nabasa mo na ba ‘to?” he asked in a low voice. Hininaan niya ang boses sa takot na may makarinig sa kanila. It was strictly prohibited for Limelight employees to talk about the news the company publishes during office hours. Hindi nila alam kung bakit pero ayaw iyon ng boss nila.
Heather’s eyes popped out seeing the photo on the screen. Nakatalikod ang babae pero sigurado siyang siya ‘yon! That's what she was wearing noong nagdate sila ni Aidan! She was holding a frappe on her left hand habang nakatingin kay Aidan na nasa itaas niya. They were riding an escalator.
“This girl in the photo was suspected to have a romantic relationship with Aidan Ledesma. Kani-kanina lang nai-post ang balita sa social media,” kuwento ni Primo.
Fake it“W-Why are you telling me this?” nauutal na tanong ni Heather. Hindi kaya, alam na ni Primo na siya iyong nasa picture? Kahit kinakabahan, sinalubong niya ang tingin nito. He looked innocent.Primo swiped again and Heather saw the next picture. This time, she was waving the tickets on Aidan who's leaning on the cinema's wall. Suot niya pa rin ang bucket hat pero halata ang pagngiti niya.He swiped again and another picture came out. Iyon iyong sa sinehan. Nakasandal si Heather sa balikat ni Aidan. Ang sumunod naman ay no'ng tumalikod siya at nakahawak sa upuan. The last picture is when Aidan wrapped his arms around Heather and made her lean on him. Nalaglag ang panga niya sa nakita.“Hinila kita rito para walang makarinig sa atin. Mahigpit na ipinagbabawal sa Limelight nap ag-usuapan ang balitang nilalabas nila during office hours. Nadidistract ang mga empleyado.” Ibin
Upset “Can I ask something?” pukaw ni Primo sa atensiyon ni Heather. Heather nodded. “Sure, what is it?” She’s hoping it has nothing to do with Aidan. “Why is Marcus somewhat covering his face earlier?” Nagdadalawang-isip talaga si Primo na itanong ito pero nagtataka lang talaga siya. “Naka-hoodie siya tapos may suot pa siyang face mask.” Heather stopped eating and looked up to Primo who’s eyeing her innocently. “Sorry, maybe I misunderstood his fashion.” Primo laughed to lighten up the mood. Napansin kasi niyang naging tensyonado si Heather sa naging tanong niya. Heather bit her lower lip when she felt the urge to say something. “It’s not his…fashion. S-Sadyang pinili niya lang ang magsuot ng gano’n.” Seeing Heather trying hard to explain, Primo smiled softly. “Hindi mo naman kailangan magkuwento kung hindi ka komportable,”
CryNapakurap-kurap si Heather nang hindi siya pansinin ni Primo. Sa halip, ay nilagpasan lang siya nito pagkatapos magtama ng mga mata nila.One second, he looked lke he was struck by lightning and the next, he acted like he did not see her and just walk pass her.Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang sinabi niya kanina. But what part of her story upsets him? Nagkuwento lang naman siya tungkol sa nakaraan niya. Sa buhay niya.Hindi niya ba nagustuhan ang life story ko? Didn’t he liked my past? Hindi niya ba iyon nagustuhan kaya naman ayaw niya na siyang maging kaibigan?Heather suddenly felt somber. Akala niya, ikasisiya ni Primo ang pagkukwento niya. It really bothered her, the fact that she didn’t have any story to tell. Kaya naman naglakas loob na siyang magkwento. Para kahit papa’no, makilala siya nito.Yet, it seems lik
Patience“Here, eat,” aniya saka naglapag ng isang plato na puno ng pagkain.Nasa cafeteria sila ngayon ng Limelight. Heather went to work early to avoid Julia and Driana. Paniguradong galit pa ang dalawa sa nangyari kagabi. Mabuti nga at ‘di sinabi ng Mommy niya ang ginawa niya sa Dad niya. Pati si Driana ay tahimik rin.“Thanks.” Heather forced a smile before eating.“Bakit ba kasi pumasok ka nang hindi nag-aalmusal? Mabuti na lang at bukas na ang cafeteria. Sarado pa naman ang café sa tapat,” sabi ni Primo habang pinagmamasdan siyang kumakain. “And it's very unusual for you to go to work this early,” dagdag niya pa.“My Mom and I had an argument yesterday. Paniguradong galit pa rin siya. Umiiwas lang ako sa gulo,” pagkukwento ni Heather. She’s actually thankful that Primo wasn’t avoiding him a
No place to go“Encode these.” Halos mapaigtad si Heather nang ilapag ni Miss Lemin and dalawang expanded envelope na puno ng mga papel. Pagkatapos ay naglapag rin siya ng tatlo pang envelope. “Then, ihatid mo ‘to sa Editor in Chief. Iyan ang mga nakapasang junior writers. He already knows what to do with that.”“Yes, Ma'am.” Kahit pilit na napupunta sa ibang bagay ang utak niya, Heather forced herself to focus on work. Iniisip niya na lang, na mas importante ang trabaho kaysa sa mga naiisip.“Have you read the article about Aidan Ledesma yesterday? Sino kaya iyong babae ano?” tanong ng isang empleyado mula sa katabing cubicle.Napatigil si Heather sa pagtitipa nang marinig ang sinabi ng babae.“Hindi ko alam pero tiwala akong hindi ‘yon girlfriend ni Aidan.”H
Stay“Go get your filthy things and leave my house. You are not welcome anymore.”Parang namingi si Heather sa narinig. Halos takbuhin niya ang distansiya nila ng ina saka kumapit sa braso nito.“M-Mom, baka pupwede nating pag-usapan 'to—“Iwinaksi ni Julia ang kamay ni Heather na nakakapit sa kaniya. “I have made up my mind. At tigil-tigilan mo na ang pagtawag sa 'kin ng Mommy. Hindi kita anak, and you will never be my child!” singhal nito kay Heather. “Now go get that trash belongings of yours. Matagal na akong nagtitimpi sa 'yong bata ka. And what you did last night was the last straw!”Hilam ang luhang tumingin siya sa ina. “I told you! I didn't mean it, Mommy! I just snapped. Pinagsisisihan ko na po iyon!” pilit niyang pagpapaliwanag. Heather’s doesn’t care if she looks so desperate. Ang mahalaga,
Scandalous“Aalis ka?”Heather stopped packing her clothes and faced Aidan. It has been a week after their fight. She did not move in Primo’s apartment as soon as possible dahil naisip niyang sobrang nakakahiya naman kung biglaan. At isa pa, she spent the entire week looking for an affordable renting place. Pero sadyang hindi talaga aabot ang pocket money niya. Kaya nagdesisiyon na lang siya na tanggapin ang alok ni Primo.“You wanted me to leave, right? Oh heto, aalis na ‘ko.” Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa.“Have you found a place to rent? Kasya sa pera mo? Saan ‘yon? Ihahatid na kita.”“No, thanks. May maghahatid na sa ‘kin.” Nilagpasan niya si Aidan at dinala sa sala ang isang maleta.“Heather, galit ka ba?” Sinundan siya nito.“Ayaw kon
Almost“Good morning, Roxanne. What can I do for you?” Heather gave her a very fake smile the moment she turned her chair around.“You can’t do anything for me but you could definitely do something for Primo.” Umuklo siya para magpantay ang tingin nila saka nagbabantang nagsalita, “Stay away from him. I know you’re just using him as a passing fancy dahil hindi kayo magkaayos ng boyfriend mo. That, or namamangka ka sa dalawang ilog,” nang-aakusa nitong turan.“What the hell are you talking about?” Naguguluhan at natatawa si Heather sa mga pinagsasasabi nito.“Oh, don’t use that innocent face on me. That’s never going to work.” Dinuro siya nito. “Alam ko ang kilos ng mga gaya mo—““You mean…gaya mo?” pagtatama niya rito.Roxanne’s eyes
Heather doesn’t know where to go. Pagkatapos niyang ihatid si Natty sa orihinal nitong pupuntahan, nagmaneho na siya nang walang destinasyon.Natty invited her to spend the night at her Aunt’s house but she refused. Ang pagbalita sa kaniya ni Natty ay malaking tulong na. She did not want to take advantage of Natty’s kindness. At isa pa, baka may makakilala sa kaniya — since laganap na panigurado ang mukha niya sa social media, at mai-post pa siya. Malalaman kung nasaan siya at baka madamay sa gulo ang pamilya ni Natty.Paparazzis tend to cause commotion and not everybody likes that.She stopped on the side of the road — may damuhan sa kaniyang gilid. She looked at it and it calmed her. Seeing the grass being blown by the wind w
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Primo habang magkasalubong ang kilay na pinagmamasdan ang babaeng kaharap.Margot’s smile wasn’t fazed by his tone. “I’m here to visit you, duh.” Margot rolled her eyes and pushed Primo so she could enter his house.She stopped walking near the sofa and faced Primo who was stunned at how comfortable she was acting — like it’s her own house.“I brought your favorite.” Tinaas niya ang paper bag na bitbit. “Hindi ka na pumapasok ng opisina. Did something happen?” she asked while roaming around.Umiling si Primo saka kinuha ang paper bag na inaabot ni Margot sa kaniya.
“A-Ate?” Heather was beyond shock when she saw her sister in the flesh. Kinusot niya pa ang mga mata ng ilang beses para makatiyak na hindi siya namamalikmata.And she’s not! Her sister is really here. In front of her! Hindi siya namamalikmata!“Anong ginagawa mo rito?” She was more nervous than surprised. Sigurado si Heather na hindi narito ang Ate niya para kamustahin siya. It must be very important for her to actually visit her.“Margot Serrano. Sino siya?” diretsahang tanong ni Driana na nagpalaki sa mga mata ni Heather.“H-How did you know her?”Heather ’s ashen face gave Driana a hint that the woman might be telling the truth. With her poker face on, she continued talking without a filter.“Margot Serrano told me that you’re flirting with her boyfriend and th
BrokenMalalim na ang gabi. Lahat ng tao ay nakatulog na. But there are two people who couldn’t sleep.One’s lying on the bed, crying. While the other one is sitting in front of a laptop.Pakiramdam ni Heather ay parang pinira-piraso ang puso niya sa sobrang sakit na nararamdaman. At sa mas lalong pagtagal ng nararamdaman niyang ito, mas lalo niyang naiintindihan ang dahilan.She has fallen for Primo. That time when he tried to kiss her, Heather had already developed feelings for him. And she was stupid enough to think that it could be stopped. That she could prevent herself from falling even more.Because she fell already. She
TarnishIlang araw ang lumipas at patuloy na nagkulong si Primo sa bahay niya. Empty bottles of beer were scattered from the dining table to the floor. Nakayupyop si Primo sa lamesa, his arms were his head’s pillow.Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari hindi lang sa bahay ni Heather kundi pati na rin ang tawag na natanggap niya pagkatapos noon.“Hello?” walang buhay na sagot ni Primo sa tawag ng kaibigan.“Primo…I know you’re not in a good place right now and it will be insensitive of me to ask you this but, I really need it. Sa tingin ko, nabigyan naman na kita ng sapat na oras para gawin iyong pinapagawa ko sa ’yo,” wika ni Raniel sa kab
Let go“Makinig ka sa ‘king mabuti kasi hindi ko na ulit uulitin pa ‘to,” sabi ni Heather nang makapasok na sa loob ng bahay. Humawak siya sa gate at hilam ang luhang tinitigan ng seryoso si Primo na nagmamakaawang nakatingin sa kaniya. Nilunok ni Heather ang awa at lungkot na nararamdaman bago matapang na sinalubong ang mga tingin nito.“I want you to never approach me again. Not to even utter a single word to me. Kahit pagtatama lang ng mga mata natin, ayaw ko na. From now on, let us live our lives without each other being part of it. Magkalimutan na tayo.”Marahas na umiling si Primo. He advanced closer to her, making her step back. Ito naman ang humawak sa gate. “You can’t do that.”
Let me “I can’t bear you being broken like this, Primo. Ni hindi na nga kita makausap ng matino. I hate that girl for hurting you and not giving a shit,” mariing bulong ni Margot kay Primo. Primo did not answer. Sa halip ay humigpit ang hawak niya sa mga braso ng dalaga. Just when he heard the door opened and closed is when he let go of Margot’s arms. “Ouch!” d***g nito nang pabagsak niyang bitiwan ang mga braso nito. He pointed Margot. “I am warning you, Margot. Stop messing with Heather!” he growled. “Why are you being like that? One second you were so calm and gentle tapos ngayon biglang…” She stilled. “You did that so she’d leave?” Tinuro niya ang sarili. “You used me?” she exaggeratedly asked. Primo sneered at her. “Stop being so overdramatic, Margot.” “How can I not be dramatic? You just used me—well at least, that gir
Move onHeather’s lips twitched like she was about to say something pero itinikom niya iyon. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamao niya sa sobrang pagkabigla.Sa totoo lang, gusto niyang sumigaw sa sobrang pagkagulat. But she’s controlling herself because she knew it would make the air more awkward than it already is. Sa halip, hinarap niya si Primo.“P-Primo—““I don’t want to talk about it,” Primo dismissed the topic even before it has started.At kung magpapatuloy man ang usapan, ano ang sasabihin niya? Ayaw niyang magsinungaling kay Heather. Oo nga’t tinago niya rito ang tunay na nararamdaman pero sakaling malaman man nito, hindi niya itatanggi. So what will he say? That he loves her and that he actually wishes for her and her boyfriend to break up para maagaw niya ito rito? That would end their friendship for good.&nbs
Story“That night…was also the night I met your father, Heather.”Napatitig si Heather sa ina matapos marinig iyon. She was smiling. But not a smile of happiness. It was a smile of sadness.“Siya ang nag-table sa ‘kin noong gabing ‘yon. He said he was broken. He said that his wife was cheating on him. Well, iyon ang tingin niya. Kaya siya naroon. At gusto niya akong gamitin para gumanti.” Umiling ang Mama niya. “Basically, we used each other. He’s a doctor. He’s rich. Kailangan ko ang pera niya at siya, gusto niyang gumanti sa asawa niya. Alam kong napakamali ng ginawa ko. Pero hindi ko naman siya matanggihan lalo na nang nagbigay siya ng malaking halaga. Nagpasilaw ako sa pera. Ulit. Pero ngayon, may sapat na dahilan na ako para magpasilaw sa pera. Iyon ay para sa bahay na pinaghirapang ipundar ng magulang ko noong mga panahong naglayas ako. I know that that h