H I R O S H I ' S P O V.
Isang nakakabinging katahimikan ang pumaligid saaming dalawa ni Malachi. Para kaming dinaanan ng isang dosenang legion ng mga anghel dahil ultimo ata paghinga namin ay hindi din namin nais iparinig sa isa't-isa. At kung nagtataka kayo kung bakit tinawag ko na sa pangalan niya si Miss M, well you should congratulate me. Oo, hindi ito scam. Sa wakas nalaman ko din ang pangalan niya! Paano ko nadiskubre? Well, ganito lang naman ang nangyari.
Flashback
"Bakit mo ginawa yun ha?! Nagbibiro lang naman ako pero tinotoo mo naman!"
Pulang pula ang mukha ni Miss M habang hawak hawak pa rin ang napkin na hiningi ko kanina sa waitress. Kung alam lang niya siguro na need ko pang magpanggap na kapatid niya para lang mahingan siya ng napkin, siguro magpapasalamat pa to ng sobra saakin. Aba naman, hindi lahat ng kuya kasing bait ko.
"Mahirap ba sabihin yung, Salamat, Ishi, I appreciate your effort?" Patuyang sabi ko sabay ngiti pa lalo sakanya para mainis siya.
"Excuse me Mr. Hiroshi with no surname, hindi ka rin ba marunong maka sense if yung sinasabi sayo is joke lang o hindi?" Ayaw naman niyang magpatalong argumento sabay irap pa saakin.
Wow. This girl is really a tough one. Kung ano kinatigas ng skull, ganun din kinatigas ng puso.
I need to do something. I know I badly needed it.
Nagulat siya ng bigla kong higitin ang kamay niya patayo sabay hatak hatak siya papunta sa kawalan.
Nung una'y patuloy siyang kumakawala sa hawak ko, ngunit habang patagal ng patagal ay tila hinahayaan niya na lang akong higitin siya kung saan ko man siya balak dalhin.
Sa wakas, di na nanlaban ang isang to. Isa pa talagang pang-aaway neto saakin, gagantihan ko ng pagmamahal to. Mukhang kulang sa pagmamahal eh.
Ng nakita ko ang sakayan papuntang Cloud 9 ay tsaka ko lamang siya binitawan tsaka tinuro ang mga jeep na nakapila duon.
"Oh ano naman kung may jeep papuntang Cloud 9?" Tanong niya saakin ng may kasama pang pang-iirap.
Wooh Lord, bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya sa isang to.
"Natural, kasi pupunta tayo ng Cloud 9. And matanong lang kita Miss M, may sakit ka bang epilepsy? Kanina ka pa kasi irap ng irap eh." Pabiro ko namang sabi sakanya ngunit sinuklian niya lang ito ng isang nakakamatay na tingin. Sabi ko nga mananahimik na ako.
"Alam mo--" Sabi niya muli pero agad agad ko naman siyang pinutol. "Hindi pa eh."
Mula sa pagiging poker face ay nakita kong dali-daling rumehistro ang inis sakanyang mukha. Hindi niya din napigilan pang mapahilamos sakanyang mukha na tila sa sobrang inis niya saakin ay gustong gusto na lang niya akong ibaon sa lupa ng mga panahon na yun. I even heard her making a grumbling sound. Sarap talagang asarin ng isang to. Ang cute magalit eh. Parang rabbit lang.
"Lord please give me strength." Bulong niya sabay hinga ng malalim na akala mo ang tagal tagal ng hindi nakaka-exhale.
"Lord please give me patience." Sukli ko naman sa bulong niya. Nagulat ako ng dumapo ang kanyang mga palad sa aking dibdib sabay walang habas na pinagsusuntok ito. Grabe talaga tong babaeng to. Armalite na nga bibig, boxer pa. Kawawa naman makakatuluyan neto.
Ang huling sapak niya ay tumama banda sa aking puso na nagpabagal ng tibok ng puso ko. Oo nga pala, di pa ako nakakainom ng maintenance kong gamot. Mas bumagal din ang aking paghinga kung kaya't minabuti ko ng hulihin ang kanyang mga kamay bago pa ako mawalan ng malay. I was catching my breathe as I say the very words I wanted to tell her kanina pa.
"Nasasaktan na ako Miss M. Pakitigil please." Habol hininga kong sabi sakanya sabay unti-unting baba ng kanyang mga kamay.
Nakita ko naman ang pag rehistro ng kaba sa kanyang mukha at dali dali niyang sinalat ang aking noo na para bang bigla akong nilagnat in a split of seconds.
"Huy sorry na nga eh. Ikaw naman kasi napaka mapang-asar mo. Ano okay ka lang ba? Gusto mo punta tayo ng hospital? I have extra money here, I can offer you a free check-up. Nako naman, masabihan pa akong child abuse. Makasuhan pa ako neto."
Halos matawa ako sa sinabi ni Miss M, lalo yung bandang dulo. Ilang taon ba ako sa tingin niya? Don't tell me akala niya 17 palang ako?
Lolokohin ko nanaman dapat siya ng magkasalubong ang aming mata. Biglang kumalabog ang puso ko at maya maya pa'y tila unti-unti itong kumalma. Agad-agad akong nag iwas ng tingin dahil alam kong namumutla na ako. Ishi. This can't be. Guard your heart.
At hindi nga ako nagkamali ng hinawakan niya ako sa mukha at ibinalik niya ang paningin ko sakanya.
"Huy kasi naman eh, tinatakot mo ko. Sorry na. Ikaw naman kasi eh hilig mo mang-asar, ayan tuloy."
Ang mga mata niya'y nagsusumamo ng patawad. Para bang ang laki laki ng kasalanan niyang nagawa saakin to the point na hindi ko na siya mapapatawad. Gaano ba naging kasama ang mundo sa babaeng to at bakit parang kailangan niyang dalhin lahat ng blame at ilagay agad sa sarili niya?
Dahil duon, wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko atsaka ito ibinaba sa kanyang gilidan. Mas lalong tumindi ang takot na ekspresyon sa kanyang mga mata kung kaya't nag-isip agad ako ng magandang banat para mawala ang nagmimistulang pader sa pagitan namin.
"Mag so-sorry na nga lang sinisi pa ako. Hmpp." Sabi ko sabay gaya pa ng pananaray niya saakin lagi. Agad-agad naman siyang umatras sabay tingin ng masama saakin.
"Walanghiya ka! Tinakot mo ko grabe ka! Dyusko naman, alam kong Med student ako pero natakot ako ng dahil sayo! Hindi pa naman ako nakikinig gaano sa klase tapos bigla kang aarte ng ganyan. Lakas mo mang guilt trip no?!" Sunod sunod niyang salita na tila ba wala ng pakialam sa sinasabi niya o kung maubusan man siya ng oxygen. Oohh. So she is a Med student. Cool.
"Med student ka?" Pag tatanong ko pa muli upang subukin kung sasagutin niya ang tanong ko, at hindi naman ako nagkamali, agad-agad niya itong sinagot.
"Mukha lang akong ganito pero oo, med student ako! Kailangan ko pa ba magpakita ng naka white coat ako para maniwala ka?" Patuya niyang sagot sabay irap pa saakin at pinagsiklop muli ang kanyang mga braso na tandang hindi siya magpapatalo sa kung ano man ang tanong na ibato ko sakanya.
Kailangan ko lang pala tong takutin eh para sumagot saakin. Try ko din kayang sabihin sa makakatuluyan neto na takutin niya tong si Miss M para yes na agad ang sagot? Wait, para namang ang sama ko dun. Malagot pa ako kay Boss Lord. Erase, erase.
"Then kung Med student ka nga, patunayan mo nga saakin. Ano pangalan mo." Patuloy kong paghahamon sakanya at nagulat ako ng sagutin niya ako, this time around, aware siya sa tanong ko.
"Alam kong iniisip mo na akala mo wala sa sarili kong sinasagot ang mga tanong mo saakin. No, I'm not. Rather, I want you to know my true identity since you are my cargo now. And I didn't study BS Psychology as my pre-med course for nothing. You can't apply Reverse Psychology to me. Anyways, the name is Malachi Nehemiah P. Noval. 24. Medicine student and a part-time musician. And about you, all I know is your name is Hiroshi. A left handed person who perhaps loves arts rather than Math. Very clumsy and yet very deep inside. And based from your clothing preference, I can see you are someone who is aligned with works related to arts as well. That's all I can say for now and I'm very much interested in knowing you even more. Would you let me know you more Mr. Hiroshi?"
Kung kanina akala ko naisahan ko na siya, nagkamali ako. Ako pala ang naisahan niya. Grabe naman tong babaeng to, lahat ng sinabi niya saakin tama. Mind reader ba to? Nababasa niya ba nasa isip ko?
Agad-agad naman akong nag-iwas ng tingin sakanya sabay nag sign of the cross pa sa harapan niya. Narinig ko naman siyang tumawa at matapos ito ay naramdaman ko ang malambot niyang kamay na dumausdos sa aking palad. Dali daling napabalik ang tingin ko sakanya at nagulat ako ng makita kong nakayuko na siya.
"Gusto ko nalang sumaya Ishi. Gusto ko na munang tanggalin ang maskara ko pansamantala. Nakakapagod kasing mag live up sa expectation ng iba. Na porket cumlaude ka, na porket tinutupad mo ang pangarap sayo ng parents mo, okay na lahat. Pagod na ako. Gusto ko nalang huminga. Na ipakita sa mundo na hindi talaga ako okay. Na hindi masama na hindi maging okay. Na hindi porket Psychology student ako dati, wala na akong karapatang masaktan. At hindi porket pinapakita kong okay lang ako eh hindi na ako namamatay sa loob loob ko."
Ng mga sandaling nagsasalita si Malachi ay hindi ko mapigilang malungkot para sakanya. Gusto ko siyang sabihan ng mga magagandang salita ngunit ang tanging nagawa ko lamang sa huli ay humakbang papalapit sakanya sabay pat ng ulo niya. If only I can take your pain away, I'll be glad to do it so I can see you smile again.
"Wag ka na ngang magdrama diyan. Lika na, dito na ako oh. Di naman madadagdagan oras mo kapag inisip mo yung pinapaisip ng isip mo sayo. Ano daw?" Kunwari ko pang pang-loloko sabay acting pa na hindi ko naintindihan ang sinabi ko. Nakita ko namang napangiti siya kahit pa-paano sabay punas ng luha niya sakanyang mga mata.
"Jokes lang Malachi. Pero alam mo, since asa Antips naman na tayo, and since dakila akong si Dora, bakit hindi nalang natin daanin yang kalungkutan mo sa isang masayang paglalakbay? Malay mo, isang beses lang pala tayo magkita hindi ba? Atleast may matatandaan kang magandang alala. Na minsan, sa isang parte ng buhay mo ay may nakilala kang kasing gwapo ko." Sabi ko sakanya sabay kindat at pogi pose pa sa harap niya.
Buong pagsasalita ko ay taimtim siyang nakikinig saakin pero nagulat ako dahil ng sinabi kong minsan lang siya makakilala ng isang katulad kong gwapo ay halos masuka suka na ang itsura niya at parang diring-diri pa talaga. Wow ha, ganda lang?
Napatigil ako sa pag-iisip ng pang-asar sana sakanya ng matagpuan ng aking mga mata ang maaliwas na mukha ni Malachi na ngayon ay nakangiti na lamang saakin at tila inaantay ang susunod kong sasabihin na parang joke lang lahat. Ang ganda nga niya Lord.
Mula duon ay hindi ko na alam ang kasunod pang nangyari. Tuluyan lamang itong nag sink in saakin ng nakasakay na kaming dalawa sa jeep papunta sa Cloud 9.
"Tara, takas muna tayo sa mundong to?" Pagtatanong ko sabay abot ng aking kamay sakanya. Isang ngiti naman ang ginawad niya saakin sabay hawak saaking kamay at walang pag aalinlangan ni yang sambit, "Tara".
End of flashback
M A L A C H I ' S P O V"Uh"
M A L A C H I ' S P O VMatapos ang Lantern Festival ay napag desisyunan namin ni Ishi na pumunta ng SM Cherry per my special request. Ti
H I R O S H I ' S P O VAng ganda niya.
M A L A C H I ' S P O V8:30pm. 1 hour and 30 minutes to go and we will bid our final farewell to each other.
M A L A C H I ' S P O VPalakad na sana kami ni Ishi papunta sa may videoke ng biglang nag ring ang cellphone ko. Agad-agad ko naman itong chineck at nakitang tumatawag si Irine saakin. At talagang video call pa talaga ang nais.
M A L A C H I ' S P O VHalos pa-patak na sana ang luha ko ng nagulat ako ng may humawak bigla sa ulo ko atsaka hinaplos ito ng marahan.
M A L A C H I ' S P O VDecember 20, 20**
H I R O S H I ' S P O VAng simoy ng hangin na nang gagaling sa norteng bahagi kung nasaan ako at ang katahimikang patuloy na bumabalot sa akin
M A L A C H I ' S P O VHalos pa-patak na sana ang luha ko ng nagulat ako ng may humawak bigla sa ulo ko atsaka hinaplos ito ng marahan.
M A L A C H I ' S P O VPalakad na sana kami ni Ishi papunta sa may videoke ng biglang nag ring ang cellphone ko. Agad-agad ko naman itong chineck at nakitang tumatawag si Irine saakin. At talagang video call pa talaga ang nais.
M A L A C H I ' S P O V8:30pm. 1 hour and 30 minutes to go and we will bid our final farewell to each other.
H I R O S H I ' S P O VAng ganda niya.
M A L A C H I ' S P O VMatapos ang Lantern Festival ay napag desisyunan namin ni Ishi na pumunta ng SM Cherry per my special request. Ti
M A L A C H I ' S P O V"Uh"
H I R O S H I ' S P O V.Isang nakakabinging katahimikan ang pumaligid saaming dalawa ni Malachi. Para kaming dinaanan ng isang dosenang legion ng
M A L A C H I ' S P O V"Btw, how are you Miss M?"
H I R O S H I ' S P O VAng simoy ng hangin na nang gagaling sa norteng bahagi kung nasaan ako at ang katahimikang patuloy na bumabalot sa akin