Home / All / Paraluman / Chapter 8: Mr. Enigma

Share

Chapter 8: Mr. Enigma

last update Last Updated: 2020-10-13 21:56:45

M A L A C H I ' S P O V

8:30pm. 1 hour and 30 minutes to go and we will bid our final farewell to each other.

Napatingin ako kay Ishi na busying nagpapapalit ng token sa token machine. Will I even forget you Ishi?

After my last question to him kanina sa NBS ay natahimik na kaming dalawa. Hindi na din ako masyado pang umimik dahil wala naman akong nakuhang sagot sakanya. Siguro I will cherish this last part of us and will just enjoy the remaining time that I have with him today. After all, saan nga naman ba nag e-end up ang mga strangers hindi ba? Edi mag pa-part din ng way at the end of the day. Strangers nga eh.

But even though I am fully aware of this thought, I can't lie but there's a part of me that silently screaming for Ishi to stay by my side. I don't know. Maybe because it's not really about the time kung gaano kayo katagal mag kakilala? Maybe it's more of the experience that you both shared together that matters the most.

Ng matapos mapalitan ni Ishi ang lahat ng money namin as a token ay masaya niyang inabot ang 25 pieces saakin. Hati daw kaming dalawa.

Napag desisyunan ko namang maglaro dun sa claw machine dahil nakita ko si Pikachu, Toothless, and si Stitch yung mga plushies na available. Pero halos makalima na ako sa paghuhulog ng token ay hindi ko pa rin makuha kuha si Toothless. Paglingon ko naman sa gilidan ko ay halos manlaki ang mata ko dahil sobrang daming ticket na ang lumalabas duon sa machine na pinaglalaruan ni Ishi. Ano to tadhana ha? Favoritism?

Napasimangot naman ako sa kinalalagyan ko at padabog na hinulog yung token sabay try ulit. I wasn't expecting anymore na makukuha ko pa si Pikachu or kahit anong plushies na nasa loob ng claw machine dahil din siguro lumilipad yung utak ko sa selos kay Ishi dahil ang dami na agad niyang ticket. Ngunit nagkamali ako.

Nabalik ako sa ulirat ng may nahulog na something sa bandang ibaba ng claw machine. Pagka-check ko ay nakita kong nakuha ko yung Toothless na stuff toys. Halos ilang segundo din muna ang lumipas bago rumehistro saakin na nakuha ko nga yung Toothless na stuff toy.

Dahil sa sobrang saya ay patakbo kong nilapitan si Ishi sabay hatak sakanya papunta dun sa Claw Machine para sana ipagmalaki yung nakuha kong stuff toy ng nagulat ako dahil isang batang gusgusin na I think nasa age ng 6 ang may hawak na nung napalanunan kong stuff toy. Magsasalita na sana ako ng biglang nilapitan ni Ishi yung bata atsaka ito kinausap.

"Hello ako si kuya Ishi. Hindi ako nangangain or nangangat ng bata kaya wag kang matatakot ha? Ang ganda naman ng toy mo, saan mo nakuha yan?"

Inosente namang tinuro nung bata yung claw machine at pagkatapos ay tinuro niya ako.

"Nikuha po ni ate Ganda to kuya. Kanina ko pa po siya tinitignan kasi nahihiya po ako lumapit sakanya kasi madumi po ako." Sabi naman nito sabay abot kay Ishi nung stuff toy na parang sinasauli ito.

Lumapit na din ako sa kinalalagyan ng bata atsaka lumebel sa tangkad niya at pagkatapos ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Sayo na yang stuff toy na yan. Kaya naman akong kuhanan ni kuya Ishi mo kung sakali eh. Basta promise mo iingatan mo yan ha?"

Matapos kong sabihin ito sa bata ay saktong may isang babae ring di masyadong presentable ang damit ang lumapit at nanghingi ng pasensya saamin.

Agad-agad naman namin sinabi ni Ishi na walang problema sabay ngiti sa mag-ina. Inabutan din ni Ishi ng 200 pesos yung mag nanay para man lang daw pangkain sana nila. Dahil sa pinakita ni Ishi ay dali-dali akong bumunot ng 500 pesos sa wallet ko atsaka inabot din ito sa bata na talon ng talon sa tuwa the moment na nahawakan niya yung pera. Nakita ko pang naluha din ang nanay niya at wala sa sariling nasabi nito na may ipambibili na sila ng pangkain. If only people would realized how privilege their life is, perhaps mas madaming tao ang matututong maging grateful and contented sa buhay nila and hindi na sila maghahangad ng iba pa.

Ng maka-alis yung bata and yung mom niya ay lumipat naman ako sa ibang playing machine para naman masulit ko yung token ko. Naglaro ako nung parang nag ma-maneveur ng kotse since marunong naman akong mag drive in real life. Pero nakaka gulat lang dahil parang pag dating duon sa mismong laro ay daig ko pa ang bumalik sa training sa sobrang hirap. Sinubukan ko din yung shooting game pati na rin yung parang may hi-hilain ka tapos mapupunta yung beads sa designated area nito.

I was busy happily playing during that time ng lumapit saakin si Ishi na may dala dalang isang malaking teddy bear. Nagtaka naman ako kung saan niya nakuha yun at tinuro niya yung claw machine sa bandang gilidan na nag-ooffer ng mas malaking stuff toys. Di ko nakita yun ha. Pero diba the bigger the price, the more tokens that you need?

Nagulat ako ng bigla niyang pina-upo sa lap ko yung stuff toy kaya naman napayakap ako dito ng wala sa oras. Hindi pa fully nag re-registered sa utak ko ang ginawa niya ng magsalita siya. "Yan ang price mo for being kind kanina. Hope you like it."

Halos maluha ako sa kinalalagyan ko. Agad-agad ko naman siyang sinundan habang yakap yakap ko yung teddy bear na binigay niya. Sabay kaming naghanap ng pwede naming laruin ng nakita namin yung parang may Dance Challenge.

Isang masamang pakiramdam ang bumalot saakin ng nakita kong ngumiti si Ishi sa tabi ko. At sa tanang buhay ko na hindi ko pinagkatiwalaan yung gut feelings ko, ngayon lang ako naglakas ng loob na sundin ito.

Bago pa man may lumabas na salita sa bibig ni Ishi ay inunahan ko na siya, "Hindi Ishi. Hindi natin lalaruin yan." Mabilis kong sabi sabay yakap ng mahigpit dun sa teddy bear at ngumuso.

Pero ang tusong magaling na kolokoy na ito, aba hindi nagpatalo. Isang nakakapanindig balahibo na ngiti muna ang pinakita niya saakin sabay hawak sa palapulsuhan ko at hinatak ako papunta dun sa may Dance Machine kung saan gagayahin namin yung bawat step na ipalalabas sa screen. At talaga nga namang ayaw nito magpatalo, bago pa ako magkapag reklamo ay naghulog na siya ng token at siya na din yung pumili ng kanta na sasayawin namin. Opo. Ganun po kabilis ang flexes ni Ishi.

Halos mapanganga ako ng nakita kong ang pinili ni Ishi na kanta. "Kill This Love" lang naman ng Black Pink. Minsan talaga kinukutaban na ako dito kay Ishi eh. Ang pogi pa naman. Ang kinis pa. Ganun ba talaga pag may lahing chingchong? Clear Skin ka? One fourth korean naman ako, pero bakit di ako clear skin gaya ni Ishi? Mapapa "sana all" ka na lang talaga.

Ng tumugtog na yung kanta ay halos gusto ko nalang mag face palm at tumalikod palayo kay Ishi. Kulang na lang ay magsabi akong hindi ko po kilala yan dun sa mga taong nakatingin saamin. Si Ishi kasi, imbis na sundan yung step, ginawang "Ang Mga Ibon" na step yung sinayaw niya.

Ng hindi ko na matiis ay hinampas ko na siya sa braso. Feel na feel pa talaga niya yung pagkendeng at pag otcho-otcho niya.

"Hoy, naka drugs ka ba o sabog ka lang? Tama na yan!" Sabi ko sakanya at pilit siyang hinihigit. Tawa naman siya ng tawa sabay sabing, "Naka rugby lang" at talagang inasar pa ako sa pamamagitan ng pagkuha saakin nung teddy bear and dalawa na silang sumayaw (opo, ganun po kabaliw si Ishi) ng "Ang Mga Ibon" step. Lord, pwede niyo na po akong ipakain now sa lupa.

Halos gusto ko na lang lumubog sa lupa ng mga panahong iyon at mag-walk away dahil sa kahihiyan ng pagkaharap ko ay ang daming mga tao na vini-videohan si Ishi. Karamihan sakanila ay mga babaeng kilig na kilig pa ata sa ginagawa ni Ishi. Seriously? Anong nakakakilig sa pinag gagawa ng baliw na to?

Itutuloy ko na sana yung pag-alis ko ng nagulat ako dahil may biglang humawak sa wrist ko. Pagkatingin ko, si Ishi lang pala. And from a happy face, ay napalitan ito ng isang seryosong aura. Halos naramdaman ko yung buong kilabot sa katawan ko dahil for the first time, I was able to witness Ishi being serious. And he is deadly scary.

Buti na lamang ay parang nahimasmasan kaagad si Ishi kaya naman nag soften yung facial expression niya. He then told me sorry and said to me na nasaktan lang daw siya kasi pakiramdam niya kinahihiya ko siya. Agad-agad naman akong tinamaan ng konsensya kaya nag sorry din ako sakanya at sinabing babawi ako sakanya in any way na gusto niya. And agad ko ding pinagsisihan na sinabi ko pa yun.

"Okay promise mo yan ha? Sige kakanta ka dun sa videoke mamaya. And dapat matalo mo ko sa basketball."

Aangal pa sana ako kay Ishi ng sinegundahan na agad niya yung sinabi niya. "Sabi mo kahit ano diba?" At nakita ko nanaman ang pilyong ngiti sa labi niya. Arggghh sarap tanggalan ng labi kainis.

Aalis na sana talaga ako dahil akala ko eh mag vi-videoke na kami ng hinigit muli ako ni Ishi at pinaupo dun sa parang upuan ng mga gustong manuod sa sasayaw. Napansin ko din na hindi pa rin umaalis yung mga babaeng nag vi-video kanina kay Ishi at nakatingin sila saakin habang nag-uusap. Don't tell me iniisip nilang gf ako neto ni Ishi? Ide-defend ko na sana sarili ko sakanila ng biglang umalingaw-ngaw sa buong arcade place yung kantang, "Blood, Sweat, and Tears" ng BTS.

Agad-agad napukaw ang atensyon ko ng biglang tanggalin ni Ishi yung jacket niya at binuksan yung unang dalawang butones ng polo shirt niya. Matapos yun ay lumapit siya saakin, inabot ang jacket niya, at kasabay nito ang pag tanggal niya sa eyeglasses niya.

His chinito eyes was been greatly seen and emphasized once again ng tanggalin niya ang eyeglass niya. Ginulo gulo din muna niya ang buhok niya, at pagdating ng pangalawang chorus, I was left speechless when Ishi started to dance his heart out along with the rythmn of the song. His moves are almost the exact copy of how BTS dance this song. A mix of elegance, sexiness, and manliness. That's what Ishi shown in front of me. Halos magtatalon naman sa kilig yung mga babae at talagang naghahampasan pa sila. Oh well, I can't blame them. Even I. Hindi ko matatanggi na at that certain time, Ishi dances sexily in front of my eyes.

Halos pigil hininga ako ng natapos ang kanta at lumapit na saakin si Ishi at ngumiti. Tagaktak ng pawis ang kanyang noo at leeg. Bumakat din yung polo niya sa katawan niya dahil siguro sa pawis na mas nag depina pa ng tunay na hubog ng katawan niya. I didn't know Ishi has a well-define body. Ang layo layo sa judgement ko nung una sakanya na he was just an 18 year old kid finding ways in joining the puzzle pieces of his life. Ilang taon na nga ba si Ishi? And why up until now hindi ko pa rin alam apelyido niya?

Nabalik ako sa ulirat ng makita ko yung mga babaeng kanina pa mina-mata si Ishi na lumapit saamin at talagang nag request pa saakin na okay lang daw bang picturan ko sila with Ishi. Mukhang bang okay saakin? Duh.

Pero dahil sa wala na din naman akong choice, kukunin ko na dapat yung cellphone nung babae ng biglang nagsalita si Ishi. "Hi Ladies. I know you know me and it's really great to know that someone knows me still even if years has already passed. But as long as I want to take a photo with you, this lady beside me is not comfortable with that kind of idea. How about we get a groupie together with my friend here? what do you think?"

Halos napaisip naman ako dahil sa sinasabi ni Ishi sa mga babaeng to ng nagulat ako sa paghatak ng kung sino man papunta sa tabi niya. I was about to protest nung inakbayan ako ni Ishi sabay ngiti saakin. Tumabi din naman yung dalawang babae sa kabilang gilid niya and yung pangatlong girl ay pumunta sa harap and nag lead nung selfie. Halos naka lima muna ata kaming posed bago sila tuluyang nagsawa. Nagpapirma muna din sila kay Ishi bago tuluyang umalis. Seriously, what's with this guy na he seem so famous?

And from that moment, my thoughts starts to wonder once again. Who are you really Ishi? Why can't I solve you that easily?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status