Home / All / Paraluman / Chapter 5: A Day to Remember

Share

Chapter 5: A Day to Remember

last update Last Updated: 2020-10-13 21:46:37

M A L A C H I ' S P O V

"Uh"

"Uh"

"Ano-"

"Ano-"

"Sige ikaw na una."

"Sige ikaw na una."

Hatdog. Sige may masisimulan tayo neto. 

Pinili ko nalamang na ako na ang mag adjust sa akward naming sitwasyon sa pamamagitan ng pag-iwas ko ng tingin kay Ishi at pag masid na lamang sa tanawing tila pilit akong dinuduyan sa mundo ng panaginip. It is truly breathtaking. Seeing the fireflies-like citylights of Antipolo here in Cloud 9. 

Sandaling katahimikan ang namuo sa pagitan namin bago ko marinig ang malalim na pagtikhim ni Ishi. This my chance para bumawi. Humanda ka saakin Hiroshing chingchong. 

"Hoy ano yan, bakit ka naubo, may TB ka ba?" Pagtatanong ko sabay layo pa sakanya at kuha ng alcohol ko sa bag para kunwaring ipapangpahid ko sa braso at kamay ko. Matatawa na sana ako dahil finally na rebut ko na din siya ng bigla niya akong sinegundahan. 

"Iba ang nag ehem sa umubo. Wag mo kong inaano diyan Malachi Nehemiah ha. Ikaw nga ang laki mong virus, iniwasan ba kita?" Sabi niya sabay kuha din ng sanitizer niya sa bag at maarteng pinahiran ang kanyang braso at kamay. Edi siya na naka sanitizer. Edi siya na rich kid.

"Awts gege." Wala sa sarili kong nausal sabay irap pa sakanya. Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso sabay yugyog saakin ng malakas. 

"Hoy Malachi Nehemiah Sandoval, wag ka ngang irap ng irap! Di ako marunong mang rescue ng epilepsy patient! Pag ikaw talaga natuluyan diyan iiwanan kita." Dire-diretso niyang sambit na parang ayaw magpatalo sa contest ng pabilisang magsalita kahit maubusan na ng hininga. 

Dali-dali naman akong nagpanggap ng parang na e-epilepsy talaga sa pamamagitan ng pag ngiwit, pag tirik ng mata, at panginginig ng braso at kamay ng walang habas akong tinalikuran ni Ishi sabay iwan saakin. Aba ang lokong yun! Iiwan nga talaga ako pag na-epilepsy ako! 

Agad-agad ko namang sinundan si Ishi sa pagbaba niya sa tulay ng nagulat ako sa nasaksihan ng aking mata. Isang Lantern Festival ang dinidiwang sa baba nung net na tulay na dinaanan namin kanina.

Dahil sa sobrang pag ka-curious ko and at the same time, excitement na rin, dali-dali kong nilapitan ang event place at sobrang namangha ako sa aking nasaksihan. 

There's an aisle made out from different species of flowers. And around this is specks of little lights that I guess are produced by fairy lights. The stand of the aisle has it's hyper realistic vines that are hugging it tightly. And may kurtina pa talaga itong puti na sa tingin ko'y chiffon. Isang placard din na may design na mala tangled-inspire theme at may nakasulat na "Welcome to the First Ever Lantern Festival" ang nakalagay sa isang art stand na kahoy. 

I looked even more around me and I can't stop myself for being a fan of this wonderful place. Para akong nasa Cinderella scene na nagpakita na si Fairy godmother kay Cinderella and the moment she says, "Bibbidi-Bobbidi-Boo", her wand produces specks of pixie dust everywhere. The trees that are even surrounding me have their own white fairy lights that are designed like the leaves of a willow tree. And as I looked into my right, I was captivated by the majestic fountain which has a baroque design and also lights that give life to the water that is flowing from the top sculpture. 

Being curious, hinawi ko ang puting kurtina na tumatabing sa kung ano man ang nasa loob ng event place. And to my awe, I almost drop my eyeballs literally on the ground. Displayed as a background of the event place are hundreds of different japanese lanterns that I guess are hand painted because of its unique designs. There is also a violet carpet na nakalatag sa daanan. The lights of the lantern was been greatly emphasized because of the dark starry night sky above. And from being into a disney movie, I feel like I traveled across a different door where the anime world has welcomed me. Euphoria.

I am so busy fantasizing about the lanterns one by one when I felt the presence of someone behind me. Not too near to me though, but his presence is so familiar to me. I turned around to see kung sino ang taong yun ng makita ko si Ishing nakangiti sa akin while holding his camera. He then points it to me then say, "Hi Miss M. You are as beautiful as these masterpieces."

And from those very words of him, I can't help but to smile. A shining flash along with a shuttle sound welcomed me afterwards. Halos maestatwa ako sa nangyari and it takes me a minute before I was able to comprehend na pinicturan lang naman ako ni Ishi.

Padabog ko siyang nilapitan sabay palo sa braso niya. "Walanghiya ka! Di ka marunong mag paalam! Wala man lang bang Malachi picturan kita ha? Kasuhan kaya kita ng Data-Privacy Law ha!" Pagrereklamo ko at patuloy na pinapalo siya sa braso. Seriously, I think I have this weird habit na ang hilig mamalo ng ibang tao. But, oh well, di na lang ako uulit kaya susulitin ko na. 

Halos ayaw namang magpatinag ni kolokoy at parang tuwang-tuwa pa sa ginagawa niya kung makatingin sa shots niya. Dahil sa inis ko ay pilit kong inaagaw sa kamay niya ang camera niya kaya naman tinaas niya pa ito gamit ang kanyang braso para hindi ko ito maabot. Lord ang duga, bakit 5 flat lang height ko?! Tapos etong kolokoy na to 6 footer pa ata argghh! 

Ng mawalan na ako ng pag-asa ay tinalon ko na lamang ito, ngunit hindi ko masyadong nabigyang atensyon ang kalagayan namin kung kaya't kasabay ng pagkahulog ng camera niya ay ang pagbagsak din naming dalawa sa carpet. 

Halos pigil ang hininga ko ng magtama ang aming paningin. And for the second time around, I was able to witness how beautiful his eyes was.

Guard your heart Malachi. Paalala ko sa sarili ko. Ngunit sa mga sandaling nararamdaman ko din ang pulso ng kanyang puso, halos hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sakanya. He is alive. And he makes me feel alive too. 

Ilang minuto ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tumayo. Halos hindi ko na rin siya maharap pa dahil sa hiya ng nangyari sa aming dalawa. Dagdag pa yung fact na nasira ko ata ang camera niya dahil sa pagbagsak nito. Malachi, ano ka ba naman, ang consistent mo talagang maging malas sa buhay ng iba since day 1.

Mas lalo akong ginapang ng konsensya ng makita kong halos nanghihina niyang pilit na binubuksan ang camera ngunit ayaw na ata nitong bumukas. Yan, harot pa Malachi, gawan mo yan ngayon ng paraan. 

Dahil sa matinding konsensya ay dali dali akong nagsabi ng sorry sakanya sabay abiso na din na handa kong ipagawa yung camera niya. At dahil wala na akong mukhang maihaharap sakanya ay pinili ko na lang ding yumuko habang nagsasabi sakanya ng saloobin ko. 

Handa na akong masigawan ng mga oras na iyon at masabihan na din ng masasakit na salita mula sakanya ng nagulat ako sa kamay na lumapat sa aking ulo. Maya maya pa ay naramdaman ko ang marahang haplos nito kung kaya't sinalubong ko ang mukha ni Ishi. 

"Okay lang, camera lang to. Mahalaga hindi ka nasaktan. Wag mo na lang uulitin ha?" Nakangiting sabi niya saakin sabay tanggal ng kamay niya sa ulo ko. Hindi man lang niya ako sinigawan or sinumbatan. 

This guy, he really knows how to make my heart beat faster than I scientifically know. Perhaps nakakatawa na ding isipin dahil all my life sinasabi ko na ang utak ang nagbibigay ng hormones para pakiligin ang mga tao, pero at this certain moment, as I starred to Ishi's face, I began to realized that our brain may sends us hormones to feel that romantic excitement within us, but it is our heart that send us a signal that we do really feel that way. Perhaps it was indeed true that only love can do a crossover between the heart and the brain.

Wait, what am I even saying? This can't be. 

Mabuti na lang naiwas ko ang aking pag-iisip ng may isang worker ang lumapit saamin at nagulat ako ng abutan niya ako ng Lantern. 

"Nako pasensya na po ha ma'am, sir, isa na lang po kasi ang natira sa lanterns natin for today. Since closing na po namin ngayong 7:00pm, at dahil mukha naman pong inavail niyo din yung entrance fee, nais po sana namin kayong imbitahan sa last activity namin which is the flying of the lanterns."

Wala naman kami sa sariling napatango agad ni Ishi at dali-dali din naman kaming ginabayan ni kuya Jomer (based sa nakalagay na nameplate pin niya) sa mismong lugar kung saan magpapalipad ng lantern. 

Sobrang na-overwhelmed ako sa dami ng taong nakapaligid sa akin. Ang iba sakanila ay pamilya, karamihan naman ay magka-kaibigan pero mas marami pa rin ang mga magkaka-ibigan. Maghihiwalay din kayo, mga mukha niyo. Chars. Malachi wag maging bitter. 

Kaunting bilang ng tao ay nasindihan na ang kanilang mga lanterns. Halos mataranta naman kami ni Ishi ng marealized naming wala palang binigay na pang-ilaw si kuya Jomer saamin. Mabuti na lang nag announce yung emcee na iilan lang talaga yung binigyan ng posporo dahil may goal sila na hindi lamang magpalipad ng lantern ang gagawin namin kung hindi dapat din naming buhayin ang sense of helping and sense of knowing others. 

Mula dito ay nagpasa-pasa ang mga tao ng posporo pang sindi ng kani-kanilang lantern. At kasabay ng pagpapasa ng posporo sa isa't-isa ay ang pagkilala din ng mga buhay ng isa't-isa. Halos tikom ang aking bibig dahil muli akong nabuhayan ng pag-asa na kahit papaano pala, may chance pa rin pala ang mundo. Na kaya pa rin pala ng mga taong magka-isa at mahalin ang isa't-isa. And kung tatanungin ako kung anong parte sa buhay ko ang nagpasaya muli saakin, ang babanggitin ko ay ito. Today. Now. 

"Oh mga Ma'am, Sir, ihanda na natin ang mga lanterns natin ha. Is everyone ready?!"

Halos sabay sabay kaming sumigaw ng yes habang tumatawa pa. 

"Dahil ready na ang lahat, let's do the countdown!"

"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 2-" Sabay sabay naming sigaw at pag dating ng 1 ay nagulat ako dahil kasabay ng pagpapalipad namin sa mga lanterns ang siya ring pagsasara ng mga fairylights na nakapaligid saamin. Tanging mga nagsisilitawan na lamang na lanterns namin ang nasaksihan ng aking mata. Halos katulad ito ng scenario sa Tangled na palabas kung saan nasa gitna ng ilog sila Rapunzel habang pinagmamasdan din niya ang mga lanterns na nakapaligid sakanya. 

Nag-alay muna kami ng dasal, as per Ishi's request, bago namin ulit tuluyang lunurin ang aming mga sarili sa isang napakagandang senaryo na hinding hindi makakalimutin nino man. 

"Ang ganda." Halos hindi ko mapigilang mausal habang nakatitig sa kalangitan na kinukulayan ng mga tila maliliit na alitaptap na gawa ng mga nagsipag-angatan ng lanterns. 

"Sobra." Sabi pa ni Ishi sa tabi ko. 

Pagkaharap ko kay Ishi ay nagulat ako ng nakatingin siya saakin at muling inulit ang salitang inusal ko kanina, "Sobrang ganda." Nakangiti niyang sabi habang matapang na sinalubong ang aking mga mata. 

At ng oras na yon ay halos mahulog ang puso ko sa aking kinalalagyan. Why are you doing this to me Hiroshi? Who are you to make me feel this way?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status