Home / All / Paraluman / Chapter 1: The Lost Girl

Share

Paraluman
Paraluman
Author: modernongsalome

Chapter 1: The Lost Girl

last update Last Updated: 2020-10-13 21:38:34

M A L A C H I ' S P O V

December 20, 20**

Isang maaliwalas na gabi ang sumalubong saakin sa isang di kalakihang ramenan sa Antipolo. Kagagaling ko lang kasi sa isang gig kung kaya't naisipan ko munang magpalipas ng oras sa pamamagitan ng pagkain at pag-iisa. Ito kasi para saakin ang tunay na ibig sabihin ng salitang, "Solitude." Yung tipong mag-isa ka lang. Walang babasag ng trip mo. Walang mag-iingay, at higit sa lahat walang mang gugulo sayo.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kasiyahang yumayakap saakin. Sa wakas, wala ng mang gugulo saakin sa panunuod ko ng Hotarubi No Mori E!

Dali dali kong pinasak sa aking magkabilang tenga ang earphones na binili ko lang sa Quiapo sa halagang 50 pesos bago ako tumulak patungong Antipolo. Masasabi kong sulit naman siya, mga dalawang linggong gamitan din. Kumbaga yung taning ng buhay niya ay saktong sakto sa presyo kung magkano siya. Sabi nga ng matatanda, "Wag kang mag-expect ng high quality kung mura ang pagkakabili mo." And sometimes, that words slaps my own worth. Siguro kaya din ako hindi naging mahalaga sa paningin ng mga tao because they see me as someone who is too cheap. A disposable one. Kaya mas madalas ko nalang din piliin ang maging mag-isa. Atleast hindi na ako paulit-ulit nare-remind kung gaano ako kawalang kwentang tao. 

Agad-agad natuon ang aking atensyon sa palabas na nasa aking harapan. Mabuti na lamang at may paunang baso na ibinigay saakin kung kaya't nagkaroon ako ng instant sandalan ng cellphone ko habang nanunuod. Sakto pang dumating ang inorder kong ramen kung kaya't hindi ko mapigilang mapausal ang salitang "Itadaikimasu!" habang nag bow pa. Napansin ko naman ang tinginan ng mga tao saakin matapos kong gawin yun ngunit mas pinili kong balewalain muna ito. Tsaka na kayo. Ako muna. Ako muna ulit. 

Halos asa kalagitnaan na ako ng aking panunuod at pagkain ng biglang nag vibrate ang cellphone ko at lumabas ang chat head naming mga violinists. Tinitigan ko muna ito ng ilang segundo sa pagdadalawang isip na pagsagot at kasama na rin ang inis, ngunit sa bandang dulo'y napagpasyahan ko din itong sagutin. Pagkasagot na pagkasagot ko pa lamang ay mukha na agad ng kapwa violinist ko ang sumalubong sa aking paningin.

"MALACHI NEHEMIAH P. SANDOVAL NASAAN KA NAGPUNTA?! PINAGHAHANAP KA NI SIR ANTON ANG SABI BAKIT KA DAW NAWALA PAGKATAPOS NA PAGKATAPOS NG PAGTUGTOG? GIRL ALAM NAMAN NAMING DI KA PA-----"

Bago pa man makumpleto ni Irine ang kanyang sasabihin ay kaagad agad ko na siyang pinutol. Alam ko na kasi kung saan mapupunta ang usapang ito. "Pakisabi kay sir sorry, kaltas na lang niya sa sahod ko. Hindi ko pa kasi talaga kaya Rine eh, alam mo naman kung bakit hindi ba? Sorry talaga." 

Nakita ko sa mukha ng aking kaibigan ang pagkalungkot at pagka-dismaya. Maya-maya pa ay lumitaw na din ang isa ko pang kaibigan na si Czy at bakas din sa mukha nito ang pagkalungkot. Minsan naiisip ko, wala na nga akong magandang maidulot sa sarili ko, pati ba naman sa mga kaibigan ko, napaka pabigat ko pa? At dahil sa isiping ito ay hindi ko na napigilan pang mapayuko.

"Mal, alam naming hindi madali tumugtog sa kasal ng lalakeng inantay mo ng ilang taon. Alam din naming masakit pa rin sayo tanggapin yun dahil halos ilang months lang yung lumipas bago kayo naghiwalay. Pero Mal, hindi naman kay Geoffard lang nakabatay ang mundo mo. Hindi titigil ang mundo dahil hindi kayo nag katuluyan. Wag mong ikulong ang sarili mo sa lalaking hindi nakalaan para sayo."

Gusto kong umiyak sa sinabi ni Irine, pero hindi ko mailabas ang luha ko. Nangako na din kasi ako sa sarili kong kahit kelan ay hindi na ako muling iiyak. Sapat nang gawing last ang luhang nilabas ko nung araw na nahuli kong nag cheat saakin si Geoffard. After 8 years. 8 whole years na pinagsamahan namin, nagawa niya parin akong lokohin. 

Pigil na pigil ang luha ko habang nakikita ang nag-aalalang mukha ng aking mga kaibigan. 

Maya maya pa ay narinig ko ang buntong hininga ni Irine. Si Czy naman ay mistulang nag-iba ng posisyon sa kanyang kinauupuan na tila may bineso-beso. Minute niya din ang kanyang sarili, at makaraan pa ang ilang segundo ay pati si Irine ay parehas ang ginawa. I think I know this 

Halos pigil na pigil ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang aking dalawang kaibigan na tila may kinakausap. Ilang minuto ang nagdaan ay tumayo si Irine at sa hindi sadyang pangyayari, nahulog ang kanyang cellphone sa tapat pa ng paahan ng dalawang bagong kasal na nag ngi-ngitian sa isa't isa. At bago pa man makita at madampot ni Irine ang kanyang cellphone ay nasaksihan ng aking dalawa mata ang marahang paghalik ni Geoffard sa sentido ng kanyang asawa habang nakayakap ito sakanyang gilid. Ang swerte mo. Ako dati ang ginaganyan niya. Ako dati ang hinahalikan niya sa noo. Akin pa siya, dati. 

Dahil sa matinding sakit na aking nasaksihan ay agad-agad kong pinatay ang call at nagpasyang ipagpatuloy ang anime na pinapanuod ko. Umorder pa ako ng isang ramen at kinain ito ng kinain habang pinipigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. 

-

"It's like a date!"

"This is a date."

Sana all nasa date. 

Halos mapunit na ang labi ko kakangiwi dahil sa kabitteran ng puso ko. Lord sana all talaga Lord, genuine love meron. 

Napatigil ako ng pagsubo ng ramen ng ilagay ni Gin kay Hotaru ang mask niya astaka ginatimpalaan ng isang marahang halik sa pisngi si Hotaru.

That genuine kiss. The assurance. The safety. 

Hindi ko napansin ang pagtakas ng luha ko sa aking kaliwang mata habang iniisip ang mga salitang tila mas pumupukpok sa puso ko. 

Napatigil ako sa pagkain ko habang inaabangan ang mga susunod pang senaryo. Pakiramdam ko kasi ito na yung kaabang abang na part kaya mas tinuon ko pa ang aking pansin sa panunuod. 

Pinagpatuloy nila Gin at Hotaru ang kanilang paglalakad ng may mga makukulit na batang sumulpot sa kung saan ang walang ingat na nagsipagtakbuhan at yung isa'y muntik ng madapa. Mabuti na lang nasalo siya ni Gin kaya naman hindi siya tuluyang nadapa. Lord kahit isang Gin lang po. 

Kinausap naman ni Hotaru ang bata at sinabihan itong mag-iingat next time. Lord kaya ko naman pong maging si Hotaru, basta Lord bigyan niyo lang po ako ng isang Gin. Jokes lang po, healing muna sana. 

Ng tumayo si Hotaru ay tila may umiilaw sakanyang likuran. This is bad, no please. At pag harap niya kay Gin, nakita niya na tila umiilaw ang kaliwang kamay ni Gin. 

"Hotaru, come!" 

Kusang nagsipagbagsakan ang aking luha ng niyakap ni Hotaru si Gin at tuluyan na itong nawala. After how many years, nayakap din ni Hotaru si Gin. Pero, pero nawala naman ng tuluyan si Gin. 

From that moment I realized, Sometimes what we want will be granted for us, but as an exchange, it will just stay with us temporarily. 

Halos hindi na nadigest ng utak ko ang mga sunod na nangyari. Basta the next thing I knew, naglalabas na ng end credits. Wait, wait okay. SANDALE NAGLAHO SI GIN?! NAWALA SI GIN?! SO NABREAK YUNG RULE? NAWALA NA YUNG PROTECTING SPELL?! NO, THIS CAN'T BE. 

Dahil sa magkakahalo halong emosyon ay hindi ko na napigilan pang mahampas ng sobrang lakas ang table ko sabay tayo. KAYA AYAW KO NG BATA EH, SINASABI KO NA NGA BA. 

It takes me a few minutes before I realize na halos lahat ng tao sa ramenan ay nakatingin saakin. Yung iba pa sakanila ay pasubo na ng ramen nila pero dahil ata sa ginawa kong eksena ay tila napatigil sila sa kanilang ginagawa. Parang kasalanan ko pa tuloy kaya sila napatigil sa pagkain. Eksena nanaman Malachi? Di ka pa ba nagsawa sa kahihiyan? 

Agad agad akong napaupo dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko nanaman ang halos nakaka butas ng kaluluwang tinginan saakin ng mga tao. Ang iba ay nakikita kong pinag-uusapan ako. Ang iba naman ay napapa iling nalang dahil saakin. Lord, masama po bang maging tunay na ikaw sa mundong ito? Bakit parang wala na po ata akong ginawang tama? 

Agad agad akong napayuko. Hindi ko na alam kung paano ko pa ulit mai-aangat ang ulo ko dahil sa sobrang kahihiyan na nangyari saakin. Pinili ko nalang din na kainin ng paunti-unti ang ramen ko habang pinipilit alisin sa aking isipan ang lahat ng sakit at kahihiyan na nangyari saakin sa buong araw. I stayed like that for a few minutes when someone behind me talked. 

"Uy otaku ka din?" 

Agad agad akong napalingon saaking kaliwa ng sumalubong saaking mukha ang isang lalakeng tila nakadungaw sa pinanunuod ko. He has this fair skin na akala mo eh pwede ng pumalit kay Lestat de Lioncourt sa Interview With the Vampire.His dark brunette hair that is disheveled make him look like a high school boy in a japanese drama. Additional to this is his tantalizing chinito eyes behind his big dark eye glasses na mas nagpabata pa ng itsura niya. Over all, he almost looks like Hyunjin of Stray Kids, in a side view manner. Okay, pedophilia Malachi. 23 ka na. 17 or 18 palang ata yan si totoy. 

Gumapang sa aking buong sistema ang gulat at pagkahiya ng bigla siyang humarap saakin. 5 inch. 5 inch nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

Almost.

Kitang kita ko ang ganda ng kanyang mata. His hazel eyes gives off a different kind of vibration to my soul that mades me blush. And for this realization, wala sa isip akong napalunok without thinking na kakasubo ko lang pala ng ramen kung kaya't nabulunan ako. 

Seriously mother earth?! Wala na bang ikaka-worst tong araw na to?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status