Beranda / Semua / Paraluman / Chapter 6: Total Make-Over

Share

Chapter 6: Total Make-Over

Penulis: modernongsalome
last update Terakhir Diperbarui: 2020-10-13 21:48:19

M A L A C H I ' S  P O V

Matapos ang Lantern Festival ay napag desisyunan namin ni Ishi na pumunta ng SM Cherry per my special request. Tinanong naman ako ni Ishi kung bakit duon pa namin kailangan pumunta pero nagpalusot ako na may importante lang sana akong bibilhin duon. And sa dinami dami pa ng ipapalusot ko, talagang pangangailangan pa talaga sa red lipstick ang naisip ko. Medyo sabog lang Malachi? Kelan ka pa natuto mag red lipstick? O kahit nga lipstick mismo di ka naglalagay. 

Mabuti na lang naniwala naman sa palusot ko si Ishi (inasar pa muna ako ng bubwit na mabuti naman daw finally at naisip ko bumili dahil mukha na daw akong patay sa sobrang putla ko) at dali-dali din akong sinamahan papuntang SM Cherry. Sa totohanan lang, gusto ko lang pumunta duon para talagang maipayos ko yung camera ni Ishi. Alam kong parte na ng buhay niya ang camera niya. And I can't let my own mistake take something important in his life away from him. 

Pagdating namin sa SM Cherry, dali-dali ko siyang hinatak papuntang Cyber World. Nung una ay nagtaka siya at akala bibili lang ako ng bagong phone, pero nung tinry ko ng hiramin ang DSLR niya ay duon na siya nagtaka at duon lang din niya fully narealize ang dahilan kung bakit kami talaga pumunta sa SM Cherry. 

Sa totohanan lang ay ini-expect ko na na mapagsasalitaan niya ako ng masakit kasi parang inaapakan ko na rin yung pagka lalaki niya by pushing him na ako na lang ang magpagawa.

Pero instead of hearing bad words from him, all I witnessed is him smiling towards me while saying, "Ikaw talaga. Kaya ko naman to ipagawa. Pero thank you pa rin sa pag-aalala. And since andito naman na tayo, sige pa-ayos na muna natin si Cammi." Then afterwards, he patted my head. Seriously lagi ako netong pina-pat. Mukha ba akong aso para lagi niyang ganunin? Or is it me na hindi lang sanay sa sweet or kind gestures ng ibang tao? 

My thoughts was taken aback when we arrive to a store na mukhang puro digital camera ang binebenta. 

"Nako mabuti naman sir at hindi to masyadong nasira, sa pagkaka describe niyo, grabe yung taas ng binagsakan niya eh. Tingin ko naman ay konting remedyo lang dito, maayos na to ulit. Yun nga lang sir medyo malaki ang magagastos mo dito kasi mahal ang piyesa na ipapalit. Kahit bigyan na lang kita discount sa pag gawa ko sir para makabawas ka." 

Napatingin ako kay Ishi at bakas sa mukha niya ang magkahalong pagkalungkot at pagkadismaya. Tila nag-aalangan din siya sa sinabi nung technician na malaki ang babayaran. 

Hindi ko tuloy alam kung namomoblema ba siya sa pamabayad or what since sabi naman niya saakin kaya niya na, pero isa lang ang alam ko, mukhang nag da-dalawang isip na talaga siyang ipagawa pa yung camera niya. Hindi pwede to. Kailangan may gawin ako. Besides, kasalanan ko din naman to.

Maya-maya pa ay nakita ko si Ishi na kukuhanin na lang sana ang camera niya pabalik kung kayat dali-dali akong lumapit kung nasaan siya at ako na mismo ang nagtanong kay kuyang nag-aayos nung camera kung magkano. Aangal pa dapat si Ishi nung una ngunit sinabihan ko siyang magtiwala saakin at dali-dali kong kinuha ang debit card ko sabay swipe sa card processor. 

Matapos kong mabayaran yung fee nung pang paayos sa camera ay nag desisyon naman akong tuparin ang sinabi kong dahilan din kay Ishi kanina kahit pa medyo jokes lang dapat yun. 

Ng makarating kami sa Watson ay expected ko ng magpa-paalam si Ishi na sa labas na lang siya ng store maghihintay dahil yun ang usual response ng mga lalaki, pero nagulat ako nung sumama siya saakin sa loob at sinundan ako hanggang sa makapunta kami sa stall ng Maybeline. Wow naman. Sana all sumama.

"Yes Ma'am?" 

Nagulat ako ng may assistant merchandiser ata ng Maybeline ang lumapit saamin at nakangiti itong nagtanong saamin kung ano ang hanap namin. Sinabi ko naman na lipstick sana para saakin for everyday used and dinala niya kami sa rack na puro lipstick ang nakalagay. 

"If everyday used lang naman po Ma'am, I highly suggest you take the red one. Since yung red din po na color is applicable siya sa lahat ng skin tone, though may variation nga lang po siya ng color that will perfectly fit for your lips."

Matapos niyang sabihin yun ay may kinuha siyang tatlong tester at inabot saakin. I was thinking twice in applying it when Ishi asked for some tissue kay ateng Saleslady and then volunteer himself para i-apply yung lipstick saakin.

Tinignan ko naman siya muna ng masama sabay sabing, "Pag ako nag mukhang clown Hiroshi sinasabi ko talaga sayo, di mo na masisilayan yung araw bukas." Pagbabanta ko sabay irap sakanya. 

Tumawa naman ang kumag sabay sabing "Wala ka bang tiwala sa mukhang to?" sabay pa gwaping sign pa. Kaya nga ako walang tiwala dahil mukha mo pa lang scammer na eh. 

After siguro ng halos limang beses naming paghahatakan sa gitna ni ateng sales lady, (well kapag lalagyan niya kasi ako ng lipstick eh automatic na napapatras ang mukha ko, tapos si Ishi naman marahan niyang hahawakan yung mukha ko para mapalapit sakanya ulit) ay nalagyan niya din ako sa wakas ng lipstick. 

Nung una ay halos ayaw ko ng idilat ang mata ko matapos niya akong lagyan, pero halos lumuwa ang mata ko nung inabutan ako ni ate Patricia (name ni ateng saleslady based on her pin) ng salamin at tuluyan ko ng nakita ang itsura ko. The burgundy lipstick perfectly emphasized my heart-shaped, small lips. And it was been putted by Ishi perfectly na ni lampas ay wala akong nakita. 

Agad-agad ko namang minata si Ishi dahil hindi ako makapaniwala na mas magaling pa siyang mag-apply ng lipstick kesa saakin. 

After being amazed by Ishi's worked, napa thumbs up din si ate. She then offered me afterwards a make-over kung bibili daw ako ng kahit pang kilay and blush na din pang dagdag since 3 item ata ang kailangan para maka-avail ng service nila sa make-over. And hindi siya actually full face make-over, pero dahil natuwa si ate Patricia kay Ishi, ginusto niyang make-upan din ako.

Pumayag naman ako kaagad realizing that it's been a long time since I was able to have my own beauty equipments. Kadalasan kasi dati, inuuna ko muna yung pang travel namin ng ex ko bago ang pang-ayos ko sa sarili ko or pang self-care man lang. This time, ako muna. Sarili ko muna. Kumuha na din ako ng nude pallete of eyeshadows for daily use, as well as some eye liner, and foundation. 

Ng mabayaran namin ang make-up set (akala ko aangal si Ishi dahil halos naka 3k ako sa make-up lang pero nagulat ako dahil mukhang mas masaya pa siya para saakin. Nung tinanong ko siya kung bakit ang saya niya ang sabi naman niya is because it's so good daw to see me buy a stuff for myself. The heart of this guy. Napaka swerte talaga ng babaeng mamahalin nito) ay agad kaming bumalik kay ate Anne. She then let me sit to a chair then started to do my make-over. She even curled my hair afterwards para daw bongga. 

The thing about this make-over is not actually the "make-over" itself, but its Ishi watching me getting make-umeone from the beginning up until the end. And when I finished my make-over, wala akong ibang narinig sakanya kung hindi, "Akalain mo yun, mukha ka naman palang Anghel na hindi nangangarate pag namake-upan Miss M." Lord, pabatok lang po sa taong to, kahit isa lang po please. 

Dahil sa inis ko sakanya ay napag desisyunan kong kumbinsihin si ate Patricia na pati si Ishi ay make-upan din if okay lang. Ate Patricia then let me since sabi niya nag-avail naman daw ako ng full set ng make-up.

Halos magtatalon ako sa tuwa dahil sa sinabi ni ate Patrcia. Dali dali ko namang nilingon si Ishi sabay ngiting may masamang balak sakanya. Nakita ko namang rumehistro sa mukha ni Ishi ang mga salitang, "Kung ano man yang plano mo saakin, wag mo na ituloy", pero dahil ako si Malachi Nehemiah Sandoval, walang makakapigil saakin. 

Agad-agad kong hinigit paupo si Ishi sa kinauupan ko kanina. Akala ko ay pipiglas pa siya pero nagulat ako ng pagkaupo niya ay pinikit niya ang mata niya sabay sabing, "I trust you Miss M. Just do what you want." Halos bumagal naman ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Yung puso ko. This can't be. 

I immediately shifted my thoughts by removing his eyeglasses then started to put some foundation to his face. Afterwards, si ate Pat na yung nagkilay kay Ishi and she even put some eyeshadow to Ishi's eyes para daw mas ma-emphasized lang yung pagkasingkit nito. For the finale, I finished Ishi's make-over by putting some red vaseline balm sa lips niya na meron ako. 

Halos malaglag ang puso ko ng matapos naming ayusan si Ishi. The moment he opened his eyes then smiled towards me, I can't help but to say, "What a masterpiece." Ang unfair Lord. Kamukhang kamukha niya si Hyunjin ko. Pogi din naman pala ang isang to. Wag mo nga lang pagsasalitain. 

Matapos kaming maayusan parehas ay nag selfie kami kasama ni ate Patricia, as requested by Ishi, then afterwards kami namang dalawa ang pinicturan ni ate Patricia. We did a funny wacky posed together. Nagpasalamat naman kaming dalawa afterwards at pasimple ko ding inabutan si ate Pat ng tip at after many tries, tinanggap din niya ito sa huli. 

Nag ikot-ikot muna kami ni Ishi sa buong mall. I decided to buy some new dresses. Ishi and I have a picture together na nakasuot siya nung sexy dress na gustong gusto ko talagang bilhin dati pa. The reason? Ishi was the one who was able to find it. Yep, inikot muna namin ang buong store sa paghahanap bago yun makita kasi limited edition siya ng Forever 21. And as a reward, ayun, pinasukat ko siya kay Ishi. Good thing is hindi KJ si Ishi kaya naki ride naman siya sa trip ko. 

After that, we decided to visit H and M as the next boutique and there I was able to buy myself a violet strap dress na floral and Ishi dared me to wear it today too kaya naman pumayag din ako and nag paalam saglit na mag c-cr lang.

Pagkalaban ko sa cubicle ay napatigil ako ng nakita ko ang reflection ko sa salamin. Ako ba talaga to? How long was it been Malachi since you feel as alive as this day? 

Halos maluha ako ng mga panahong tinititigan ko ang sarili ko na halos parang kanina lang sa kasal ng ex ko, warak na warak ang pagkatao ko. And now, I twirled around and looked again to the mirror while not minding the peoples weird stares at me. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap palang lumaya. 

After doing some self contemplation, I immediately go outside to meet Ishi once more. Dahil nakatalikod siya saakin ay tinangka ko siyang gulatin, pero turns out ako pa pala ang magugulat dahil papalapit palang ako sakanya ay humarap na siya saakin sabay ngiting muli and after that, tinaas niya ang dalawang maliit na paper bag. 

Pagkalapit na pagkalapit ko sakanya ang binuksan niya yung isang paper bag at tumambad sa mukha ko ang isang butterfly hair pin na kulay violet din. Nilagay naman niya ito sa buhok ko at pagtapos ay binuksan niya ang pangalawang paper bag na naglalaman ng isang pair ng danglings.

Matapos niyang gawin ito ay nag-iwas siya ng tingin sa akin sabay sabing, "Sorry. Alam kong walang-wala yan dun sa price nung pang pagawa nung camera ko, pero treat it as a gift from me. Para hindi mo din ako makakalimutan."

Just what are you trying to do Ishi? Bakit mo ba nililito ang puso ko? Bakit kailangan mong ipadama saakin ang ganitong pakiramdam na pilit ko ng binabaon sa limot?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status