Alina’s POVPumunta ako sa kusina pagkatapos kong mag-training. Nauhaw ako kaya kinailangan ko ng tubig. Pagdating doon, nadatnan kong naghahanda ng pagkain si mama. Nilapitan ko siya habang lumalagok ng tubig sa bagong hawak ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong ulam pa kagabi ‘yung nire-ready niya sa isang mangkok.“M-mama, panis na ‘yan ah? Bakit kakainin niyo pa? Kahapon pa natin ulam ‘yan,” sita ko sa kaniya kasi baka sumakit ang tiyan niya.Ngumiti siya nang harapin ako. Inagaw niya ulit sa kamay ko ‘yung mangkok na may lamang panis na ulam.“Ano ka ba, hindi naman sa akin ‘yan. Dadalhin ko ‘yan kay Emma. Sa kaniya ko ipapaulam ‘yan,” sagot niya saka binalik sa tray ang mangkok na ‘yon. “Dati, sa sobrang gutom ko habang nakakulong ako. Kahit alam kong panis na ‘yung ulam, kinakain ko pa rin kasi nanghihina na talaga ako sa gutom. Ngayong bumaliktad na ang mundo naming dalawa, ipaparanas ko naman sa kaniya ang naranasan ko sa mahabang panahon.”Gusto ko sana siyang pigilan pe
Alina’s POVSuka nang suka si Emma sabi sa akin ni mama. Ni katiting ay hindi raw siya nakaramdam ng awa sa kaniya habang nakikita niyang nahihirapan ito sa mga pagkaing pinapakain niya rito. Kasi nung sa kaniya raw nangyayari ‘yon, halos hindi rin daw sa kaniya ito naawa. Kaya ngayong halos mapuno ng suka ang kama nito, wala siyang pakelaman, kasi mas masahol pa raw ang naging kama niya noon sa kulungan niya. Halos isang taon daw siyang nahiga sa malibag na kama. Kaya pala nagtataka ako kung bakit maraming peklat sa balat si mama. ‘Yun pala, hindi siya masyadong nagiging malinis sa kamay ng mag-inang Camilla at Emma. Kaya ganoon din ang ginagawa ngayon ni mama sa kanila. Actually, pinaubaya ko na sila kay mama habang hindi pa nakikipaglaban si mama kay Tita Camilla.Hinahayaan ko munang mag-enjoy si mama kay Emma, pagkatapos ay saka ko na siya sisingilin sa nangyari sa akin.Today, nagpunta akong mag-isa sa manisyon ko. Alam kong naroon si Tita Camilla. Gusto kong ma-testing ang mga
Alina’s POVNung makita ni Tita Camilla ang mga anak niya sa kuwartong iyon, galit na galit siya. Umusok ang ilong niya sa sinapit ng mga anak niya. Lalo na nung makita niyang malibag na pareho sina Thomas at Emma kasi halos hindi na sila naliligo. Kung minsan nga, nagtatakip na lang din kami ng ilong kapag pumapasok dito.“Hayop kayo, pinlano niyo pala ‘to!” gigil na sabi ni Tita Camilla. “Hindi na kayo naawa sa mga anak ko!”Naglakad si mama palapit kay Tita Camilla na nakatali sa isang upuan. Hinawakan niya ang panga nito. “Surprise, Camilla! Anong pakiramdam na magagawa na rin namin sa iyo ang mga katarantaduhan mo sa buhay?”Kung magtanong si mama sa kapatid niya ay parang ibang tao na siya. Mabagsik, naglilisik ang mga mata at talaga namang nakasigaw. Malayong-malayo na siya sa dating mama ko na duwag at walang ibang ginawa kundi ang sumuka. Malaki ang pinagbago niya dahil sa pagte-training.“Demonyo kayo!”Sinampal ni mama ang kapatid niya. “Mas demonyo ka!”Ngumisi lang si Tit
Alina’s POVSa wakas ay nakawala na si mama sa pananabunot ni Tita Camilla. Nakita ko sa mukha ng mama ko na nasaktan siya sa ginawa ni Tita Camilla. Lalo atang nag-init ang ulo ni mama, bigla niyang tinadyakan sa mukha si Tita Camilla. Nabuwal ito sa damuhan. Sinakyan ni mama sa tiyan ang bruhang tiyahin ko at saka niya ito pinaulanan nang sunod-sunod na sampal sa mukha nito. Kung minsan, hinahaluan niya ito ng suntok kaya natatawa kami ni Corvus. Tama ako, nag-init lalo si mama dahil sa nangyari. Kaawa-awa ang sinapit ng bruha.“Nagkamali ako ng tingin kay mama. Malakas pala siya at magaling. Nagulat ako sa husay niya sa pakikipaglaban. Kahit nasaktan na siya ni Camilla ng ilang beses, hindi siya sumusuko. Gumagawa siya ng paraan para makaganti,” puri ni Corvus kay mama.Nung halos mawalan na ng malay-tao si Tita Camilla, pinigil na si mama ng mga tauhan namin. Sumuko na rin kasi si Tita Camilla kasi tinataas na nito ang kamay niya. Naligo sa sarili niyang dugo si Tita Camilla. Basa
Alina’s POVNag-invite ng media si Nacho sa bahay niya. Lahat kami, nakatutok sa tv habang pinapanuod ang sinisiwalat niya sa mga tao. Sinabi niya na sina Tita Camilla at Emma ang may pakana nang pagkalaglag ko sa veranda ng penthouse ko. Inamin din niya na binayaran siya ng mga ‘to para itahimik ang bibig niya. Ginawa niya raw ang lahat para itikom ang bibig at para hindi umamin. Nasilaw daw siya sa malaking pera na binigay nila. Kahit nga raw ang mga magulang niya ay hindi alam ang tungkol doon. Ingat na ingat din daw siyang marinig ng mga kasambahay niya sa bahay nila ang tungkol sa sikreto na ‘yon. Nagsisisi na rin daw siya na ginamit niya lang ako para sa yaman. Ang goal niya raw talaga ay yumaman at makapagpatayo ng malaking business kaya kinuha niya ang loob ko. Iyon daw talaga ang goal nila ng mga magulang niya. Hindi ko rin inaasahang aamin siya sa mga live sa tv na isa siyang bakla. Na ang totoo, sa kapwa lalaki siya nai-inlove.Tumutulo ang luha ko habang nagsasalita siya s
Corvus’ POVNapakunot ang noo ko nang makita kong magandang-maganda ang pagkakaayos ng garden ng mansiyon ni Alina ngayong gabi. Kaninang umaga, sinabihan niya ako na sa kanila kaming dalawa magdi-dinner kasi may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Kinabahan naman ako kasi baka mag-iibang bansa na siya o baka may sakit siya. Habang kumakain tuloy kami ni Geronimo nung tanghali, isip-isip ko na kung ano ang sasabihin niya.Pero pagdating ko rito, hindi ko inaasahan na may hinanda siyang romantic dinner. Napakaliwanag ng buong garden. May romantic music pang tumutundog. Sa totoo lang, lalaki dapat ang gumagawa nito, hindi ang babae. Pero dahil narito na at nagawa na niya, wala na akong nagawa.“Sa wakas, nandito ka na,” sabi niya nang lumabas na rin siya sa isang gilid. Mukhang kanina pa siya nakaabang sa akin. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Napakaganda niya sa suot niyang puting dress. Tapos nakapusod pa ang buhok niya. Kitang-kita ko tuloy ang mala-anghel niyang mukha. Kahit walang
Corvus’ POVPumasok si Alina sa kuwarto ko habang abala ako sa pagla-laptop. Inaasikaso ko kasi ‘yung ibang business na naiwan sa akin ni Lola. Mga business na wala na talagang ibang hahawak kundi ako. Sa buong linggo na dumaan, isa-isa kong na-meet ang mga business partner ni lola nung nabubuhay pa siya. At bilang nag-iisa niyang apo na nabubuhay sa mundong ‘to, wala na rin silang nagawa kundi tanggapin at kilalanin ako. Wala namang naging problema kasi maaayos silang kausap. Ngayon, busy na lang ako sa pag-aayos ng mga dapat ayusin. Natambakan kasi ako ng mga trabahong naiwan ni lola. Hindi tuloy ako makapaniwala na nakakayang gawin ito ni lola, lalo na’t napakarami pala niyang inaasikaso. Sa tulong ni Alina at ni White lady, nagagawa ko naman ang mga dapat kong gawin. Aminado rin kasi ako na hindi ako marunong sa paghawak ng mga business, lalo na’t baguhan palang ako sa ganito.“Oh, ano’t ganiyan ka makatingin?” tanong ko sa kaniya nang lapitan niya ako.“Isang linggo ka nang nakaha
Corvus’ POV“Oh, ayan, okay na ba sa ‘yo ang ganitong kalawak na beach front? Parang mas maganda na ata itong napuntahan natin?” tanong ni Geronimo pagdating namin sa ika-sampung beach resort na pinuntahan namin.Tumingin ako sa buong paligid. Sa lahat ng beach front na napuntahan namin, parang ito na ata ‘yung pinakamaganda sa lahat. Tama si Geronimo.Sampung beach na ang napuntahan namin. Napuntahan namin ang mga ito ng walang kahirap-hirap. Gumawa kasi ako ng portal para mas madali ang travel namin.“Teka, anong lugar nga pala ‘to?” tanong ni Geronimo sa akin. Naalala ko tuloy nung unang beses na pinakita ko sa kaniya ang kakayahan ko. Gulat na gulat siya. Anong klaseng tao raw ba ako? Maligno raw ba ako o demonyo? Tawang-tawa talaga ako sa kaniya. Mabuti na lang at nasanay na rin siya sa akin.“Zambales ito,” sagot ko sa kaniya.“Kaya pala maganda,” sabi niya habang palibot-libot din ang tingin sa buong paligid.Sobrang asul nung tubig, tapos ang pino nung mga buhangin. Hindi rin
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag