Alina’s POVIsang nakakagulat na balita ang natanggap ko ngayong umaga. Si Tita Camilla at Emma kasi ay natagpuang walang buhay sa mga selda nila. Hindi alam kung anong nangyari, pero pakiramdam ko, nagkaroon sila ng mga kaaway doon at baka kapwa preso ang pumaslang sa kanila. Gusto ko sanang matuwa, kaya lang mas gusto ko sana na mahabang panahon pa silang makulong doon para mapagbayaran nila ang lahat ng mga kasalanan nila. Kaya lang, wala na, hindi na mangyayari ‘yon kasi tuluyan na silang lumisan sa mundong ‘to.Hindi ko na muna ito ipapaalam kay Thomas kasi baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya. Sa ngayon, maganda-ganda na ang pag-iisip niya at bumubuti na rin ang lagay niya. Ayoko naman na mabalewala ang lahat nang pinaghirapan niya para lang gumaling na siya.“Papasok ka ba sa office mo, today?” tanong ni mama sa akin habang pababa na ako sa hagdan.Umiling ako. “Hindi po, magkikita po kasi kami ni Corvus. Araw po kasi ng date namin ngayon,” sagot ko sa kaniya. Ngumiti
Corvus’ POVSa madaling-araw, palagi na lang akong nagigising na may kamay na nakapasok sa brief ko, sa hapon naman kapag nakakatulog ako sa kama, nagigising ako na kinakain na ako ni Alina. Nakakatawang isipin pero huwag naman sana sa titë ko siya naglilihi. Baka naman maging kamukha ng ano ko ang maging anak namin. Pero, hindi, sabi kasi nila, kapag nagbubuntis ang isang tao, mas lalo raw talaga itong nagiging malibög. Madalas, hindi na siya nahihiyang may gawin sa akin ng walang paalam. Gustong-gusto ni Alina na may nangyayari pa rin sa amin kahit buntis na siya.“Nakita niyo po ba si Alina?” tanong ko kay white lady pagbaba ko sa ibaba ng mansiyon. Kagigising ko lang kasi. Pagkagising ko kanina, wala na naman akong suot na panjama at underwear. Sa tingin ko ay hindi ako nagising kanina nung mukbangin na naman ako ni Alina.“Nasa garden, tumitingin-tingin ng mga bulaklak doon,” sagot niya.Lumabas ako para tignan siya. Tama si white lady kasi naroon nga siya. Abala ito sa pagkuha n
Corvus’ POVTahimik na sa buong paligid. Patay ang mga ilaw sa buong manisyon. Tanging mga insekto na lang ang maririnig sa buong paligid. Ngayon, nakaluhod na ako sa gitna ng tahimik na garden ng mansiyon, habang ang liwanag ng buwan ay banayad na bumabagsak sa paligid ko. Hawak ko sa aking kamay ang isang maliit na kristal na bulaklak na pinitas ko kanina—ito ang simbolo ng aking koneksyon bilang kalahating tao at kalahating fairy. Dahan-dahan, inilalagay ko ito sa aking noo, sa gitna ng aking mga kilay kung saan naroon ang lugar ng ikatlong mata ko. Huminga ako nang malalim at saka ko sinapuso ang bawat paghinga. Nagsimula na rin akong bigkasin ang magic spell na galing sa libro.“Mata ng kaloob-looban sa gitna ng aking noo, magbukas ka.”Paulit-ulit ko itong binibigkas, at sa bawat pag-ulit ko, naramdaman ko ang kakaibang enerhiyang dumadaloy mula sa lupa. Ang libro na nasa damuhan ay nagpakawala na rin ng paunti-unting liwanag. Sumasampa ito papunta sa aking katawan na umaabot sa
Corvus’ POVNapansin ko na nagulat sina white lady at Alina sa akin. Alam ko hindi nila nakikita si lola, pero ako, malinaw na malinaw ko siyang nakikita. ‘yong nga lang, puting-puti ang kulay niya. Ibang-iba sa kulay naming mga tao.“Isa sa mga normal na kakahayan natin biglang flower fairy ay nagawa mo na, apo. Simula ngayon, hindi na magsasara ang ikatlong mata mo. Pero hindi ibig sabihin nito ay palagi itong nakabukas. Puwede mo itong isarado kung gusto mo, pero anuman ding oras ay mabubuksan mo ito kung kinakailangan mo,” paliwanag niya sa akin.“Nakikita mo ba ang lola mo ngayon, Corvus?” tanong naman ni Alina.“Oo, nandito siya at nakikita ko. Kausap ko siya ngayon,” masaya kong sagot kay Alina.“Ano’t narito siya?” tanong naman ni White lady.“Oo nga, b-bakit ho kayo naririto? Ginala niyo po ba talaga ako?” tanong ko na rin sa kaniya.“Nagagawa ko na ito dati pa. Sadyang hindi mo lang ako nakikita. Nakamasid ako sa iyo palagi, apo. Hindi pa kasi ako opisyal na nakakapunta sa k
Corvus’ POVDito ako nagsimula sa malapit na ospital. Ngayon na ako magsasanay na makipaglabanan sa mga mahihinang mga demonyong nangangain ng mga ligaw na kaluluwa. Dito sa sspital na kung saan ay madalas puro mga kapos-palad ang dinadala. Dito ko unang naisip na pumunta kasi nakita ko na parang ang daming naglisaw na ligaw na kaluluwa. At dahil alas sais palang ng gabi at hindi pa masyadong malalim ang gabi, kalmado palang ang lahat. Kanina, tinanong ako ni Alina kung natatakot o kinakabahan ba ako. Bakit pa? Para saan? Dapat pa ba akong matakot kung alam ko naman na imortal ako at walang kamatayan? Pero kahit na ganoon ay masaya ako kasi alam kong may care lang siya sa akin. Sign na mahal na mahal niya talaga ako.Sa nakikita ko, puro bata at matanda ang mga ligaw na kaluluwa na nandito. Ang pagkakaiba lang nila ay mas marami ‘yung umiiyak. May mga batang kaluluwa na nakabuntot sa mga mahal nila sa buhay. Takang-taka ang mga kaluluwa na ito dahil hindi sila pinapansin ng mga mahal
Corvus’ POVPagdating sa dulo ng hallway ng ospital, hinayaan kong pumasok siya nang una sa katabi ng room nung morgue. Pagpasok niya sa loob, ako ang sunod na pumasok. Dahan-dahan akong pumasok. Sa loob, nakita kong nakaupo siya sa isang kama. Tila bodega ito ng mga lumang gamit sa ospital na ‘to.Tinignan ko ang buong paligid. Kaming dalawa lang ang tanging nandito.“Oh, nasaan na? Nasaan na ang sinasabi mong demonyong nag-aabang sa mga ligaw na kaluluwa?” tanong ko agad sa kaniya.Nakita kong ngumisi ang babaeng ligaw na kaluluwa. Pagkatapos, sa isang iglap, bigla itong naglaho at saka lumitaw sa likuran ko. Para siyang nag-teleport kaya alam ko na agad na demonyo na itong babaeng nakausap ko.Lumutang ang isang flower vase na nasa lamesa. Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya sa buong kuwarto. Tumama ang flower vase at nabasag sa ulo ko kaya natumba ako. Nang makita niyang natumba ako, lalo niyang nilakas ang tawa niya.“Bobo ka, hindi mo ba ramdam na ako ang demonyong nangan
Corvus’ POVKada-araw, isang magic spell ang inaaral ko para mas marami akong ipanglaban sa mga makakalaban kong demonyo sa mga ospital tuwing gabi. At sa tulong ni lola, nagagawa ko nang maayos ang mga ritwal ko. Ngayon, kahit walang mahiwagang swimming pool, basta may liquid na malapit sa akin o kahit dugo ko na lang, magagawa ko pa rin ang ritwal ko kapag may kalaban akong demonyo.Nung unang gabi na makatalo ako ng isang demonyo, wala na akong nakita pang kahit isa o dalawang demonyo doon. Para bang nabalitaan agad nila na isa sa kanila ay natalo ko at lumisan na sa mundong ito. Parang mga natakot. Kaya nung gabing ‘yon, ligtas ang mga ligaw na kaluluwa na naroon.At iisa-isahin ko na ang mga ospital para matigil na sila sa pambibiktima ng mga ligaw na kaluluwa na kung minsan, may pag-asa pang mabuhay, gaya na lang ni Alina na dating ligaw na kaluluwa, ngayon buhay at masaya na sa piling ko.Habang namamahinga ako sa sala at nagbabasa ng itim na libro, lumapit sa akin si Alina. Bi
Corvus’ POV“B-bakit, anong mayroon? Natatakot na ako, Corvus!” sabi ni Alina.“Kailangan mo nang umalis dito ngayong din,” sagot ko naman sa kaniya.Dali-dali akong gumawa ng portal. Mabuti na lang at may hawak-hawak akong bottle water. Dinukot ko agad ang bulaklak na dala ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Handa na kasi ako palagi. Tuwing lalabas ako ng bahay, nagdadala na ako ng bulaklak para sakaling may emergency, makakaalis agad kami sa lugar na may panganib. Lalo na ngayon, kasama ko si Alina na buntis pa. Hindi ako puwedeng lumaban nang nasa tabi ko siya. Tiyak kasi na mapapahamak siya.Paglitaw ng itim na portal, agad kong binuhat si Alina para ipasok doon. Mabilisan lang ang ginawa ko, pagdating namin sa mansiyon, binaba ko agad siya sa sofa kasama ang mga pinamili namin.“Corvus, bakit babalik ka pa?” pigil niya sa akin.“Nanghahamon siya e, pagbibigyan ko lang,” sagot ko sa kaniya pagkatapos ay saka ako bumalik sa parking area ng mall gamit ulit ang portal na binuksan ko. Ma
Caline’s POVTahimik ang gabi. Katabi ko si Akeno, mahimbing na natutulog kasi pagod sa trabaho dahil overtime siya, actually ay kakauwi lang niya. Talagang binibigay niya ang best niya para mapabuti at mapalago ang negosyong binigay sa kaniya ni papa. At nakikita ko naman na maganda ang nagiging takbo ng lahat dahil magaling talaga ang asawa ko.Nakahilig ang ulo niya sa balikat ko, tila kampanteng-kampante sa mundo. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang lalaking ito, na minahal ko ng buong puso, ay naging katuwang ko sa lahat ng bagay—ngayon, magiging ama na siya.Pero ang ngiti ko ay napalitan ng kirot. Isang matinding sakit sa tiyan ang biglang dumaluyong sa akin. Nagising ako ng tuluyan, at sa ilang segundo pa, naramdaman kong may mainit na likidong umagos mula sa akin. Pumutok na ang panubigan ko.“Akeno, gumising ka!”Ginising ko si Akeno, na sa simula ay parang nag-aalangan pa kung gigising ba siya o hindi.“Hmm? Ano iyon, Honey?” tanong niya habang nakapikit pa rin ang
Akeno’s POVPagkatapos ng isang linggong honeymoon sa South Korea, heto, balik trabaho na ulit ako. Pero, nakaka-miss ding bumalik sa trabaho, nakaka-miss batiin ng mga empleyado, lalo’t sanay na akong tinatawag na sir.Nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting sa opisina. Maraming desisyon ang kailangang gawin, maraming proyekto ang inaasikaso. Ngunit isang mensahe mula sa aking telepono ang nagpahinto sa lahat.“Sir, may nangyari kay Ma’am Caline. Nahimatay po siya sa mansion.”Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong mabasa ang message na iyon. Hindi ko na inintindi kung sino ang nag-text. Hindi ko na rin narinig ang sinasabi ng mga tao sa empleyado ko. Ang tanging nasa isip ko ay si Caline—ang asawa kong minamahal ko ng higit pa sa kahit ano ay may nangyaring masama ngayong araw.“Meeting adjourned,” malamig kong sabi bago tumayo. Walang tanong-tanong. Walang paliwanag. Mabilis kong kinuha ang susi ng sasakyan at nagmamadaling umalis ng building.Habang nagmamaneho, halos suma
Caline’s POVSa lahat ng sandaling pinangarap ko ang araw na ito, hindi ko inakalang magiging ganito siya kaganda. Gising pa lang ako kaninang madaling araw, nararamdaman ko na ang excitement dahil alam kong special ang araw na ito para sa aming dalawa ni Akeno.Ito ang araw na ikakasal ako kay Akeno, ang taong nagpatunay na ang pag-ibig ay walang hanggan. Pagbukas ko ng aking mga mata, naramdaman ko agad ang kiliti ng liwanag ng araw na dumaan sa kurtina ng kuwarto ko. Ang mga kasambahay ay abala na, ang glam team ay nasa labas na ng pinto at naghihintay sa akin. Maaga akong naligo dahil ayokong maghintayin ang mga mag-aayos sa akin.“Good morning, bride-to-be!” Masiglang bati ng makeup artist na si Elle pagpasok niya sa kuwarto. Sikat siyang makeup artista sa social media kaya siya ang kinuha ko. Isa pa, mga maaarte kong kaibigan ang nag-suggest sa kaniya kasi nga iba gumalaw ang kamay niya kapag nagpapaganda ng isang tao. At dahil kasal ko ‘to, aba, dapat lang na maging mas maganda
Akeno’s POVMatapos ang araw na iyon, ang kaarawan ko na puno ng mga sorpresa, saya, at pagmamahal, akala ko tapos na ang lahat, pero tila may hinanda pang kakaiba si Papa Corvus para sa akin.Gabi na at handa na akong matulog sana. Nakahiga na ako sa kama at iniisip ang lahat ng nangyari kanina. Ang saya sa mga ngiti nina Caline at ng kanyang pamilya, ang amoy ng masasarap na pagkain, at ang ingay ng tawanan ay naglalaro pa rin sa isipan ko. Nang biglang kumatok sa pinto si Papa Corvus.“Akeno, can I have a word with you?” tanong niya.Napatayo agad ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kinabahan ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin?“Uh, yes po. Sige po, Papa,” sagot ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.Tumayo siya sa may pintuan, nakita ko ang seryosong mukha niya. “Sa opisina ko tayo mag-usap.”Hindi ko maiwasang kabahan habang sinusundan siya. Sa isip ko, baka may ginawa akong hindi tama o baka may plano siyang paghiwalayin na kami ni
Akeno’s POVIsang taon na ang lumipas mula nang magbalik sa dati ang mundo. Sa wakas, ang pinto ng impyerno ay naisara na, at ang mga demonyong minsang naghasik ng lagim ay nawala na lahat. Naging sikat na parang superhero sina Caline, Caius at Papa Corvus sa buong Pilipinas kasi nasaksihan ng buong Pilipinas kung paano nila tinapos at inubos ang mga demonyo.Pero ang mga alaala ng digmaang iyon ay nananatili, hindi lang sa kaluluwa ng bawat tao, kundi pati na rin sa mga bakas ng pagkawasak sa ating paligid.Ang Manila na dating puno ng buhay at sigla, ay naging larawan ng kaguluhan noon. Maraming gusali ang nawasak, maraming negosyo ang nagsara, at maraming buhay ang naiba. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, dahan-dahan na ring umaangat ang lahat. Ang tao, kahit kailan, ay marunong bumangon.At ngayon, isang taon matapos ang lahat ng iyon, tila bumalik na rin ang normalidad. Pero kahit bumalik na ang lahat sa dati, hindi maikakaila na may mga pagbabago na sa akin at sa paligid ko.**P
Caline’s POVAng unang araw ng labanan namin ay masyadong nakakamangha dahil sa nakikita ko kung paano makipaglaban ang kakambal kong si Caius.Tumayo kami sa isang lugar na tila naging entablado ng digmaang ito—isang malawak na disyerto ng abo at nasirang mga gusali. Ang dilim ng paligid ay sinisindihan lamang ng nag-aapoy naming mga kapangyarihan.Ngunit ang atensyon ko ay hindi maialis kay Caius.Nakangiti si Caius, tila ba para sa kaniya, ang mga demonyong humaharap sa amin ay mga laruan lamang. Ang asul niyang apoy, maliwanag na maliwanag, ngunit nakakatakot kapag ginamit na.Kumalat mula sa kaniyang mga palad ang asul na apoy at bumuo ng isang bilog sa kaniyang paligid. Ang gara, ang ganda talaga ng apoy niya.Biglang lumipad sa hangin ang apoy, tila naging mga asul na mga ibong nagliliyab, bawat isa ay may matalas na pag-atake. Nang magsimula nang sumugod ang mga demonyo, isa-isa silang binanatan ng apoy na iyon. Sa bawat atake, natutunaw sila ng parang abo, ganoon kabagsik ang
Caline’s POVHindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ng kapatid kong si Caius, na ngayon ay nasa sala ng mansiyon namin. Ilang taon naming hinanap ang sagot sa pagkawala niya, at ngayon, heto kami, muli nang magkasama.“Caline, hawakan mo ang kamay niya,” marahang sabi ni Papa Corvus. Ramdam ko ang bigat ng emosyon sa boses niya.Tumango ako, inilapit ang nanginginig kong kamay sa malamig na kamay ni Caius. Ang mama naman namin ay nakaluhod sa gilid, patuloy na umiiyak habang hinihintay ang susunod na mangyayari.Si Tita White ang isa sa mga gumagabay sa amin kasi maalam siya sa mga ganitong eksena.Pero bago namin makuha ang katawan ni Caius, inasikaso muna ni papa ang lahat ng kailangan. Nagsimula ang lahat nang magdala si Papa ng papel mula sa ospital. Nang sa wakas ay maayos na ang lahat ng dokumento para makuha namin ang katawan ni Caius. Tumawag siya ng ambulansya para ihatid ito sa mansiyon, at buong araw naming inihanda ang sala bilang lugar ng pagsasama-sama
Caline’s POVHindi ko akalain na darating ang gabi kung kailan mabubuo ang lahat ng lakas ko—ang lahat ng pinagsama-samang tapang at takot—upang labanan ang isa sa pinakamalakas na kalaban ng pamilya namin. Si Vorthak. Ang demonyong sumira ng napakaraming buhay, ay saka pa ako manghihina ng ganito.Pero ngayon, habang nakatingala ako mula sa lupa, ramdam ang bigat ng bawat sugat sa katawan ko, alam kong hindi ito ang oras para sumuko. Hindi ko hahayaang matapos ang laban nang ganito.“Caline,” marahang sabi ni Papa Corvus habang inaalalayan niya akong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala, kahit na halata sa kanya ang pagod at hirap. “You’re not done yet. We’re not done yet.”Tumango ako, kahit pa nanginginig ang mga binti ko. Hinawakan ko ang baston kong halos basag na, kaya hinayaan kong mawala na ang kape nito. “We’ll finish this, Papa,” sabi ko habang ang boses ko ay pilit na tinatapangan.Si Vorthak, na nakatayo sa harap namin, ay tumawa ng malak
Caline’s POVAng init ng gabi ay tila sumasalamin sa init ng tensyon na bumabalot sa amin. Hindi ko maialis ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan si Papa Corvus, na abala sa paggawa ng plano para madala si Thomas sa likod ng ospital. Alam naming hindi na si Thomas ang nasa katawan niya. Ang demonyong si Vorthak ang nagmamanipula sa pinsan ng Mama ko.Ngayon na kami nagplanong labanan siya habang ang mga demonyong nakawala sa impyerno ay tahimik at hindi pa nagpaparamdam.“Caline, this has to be precise,” sabi ni Papa, ang malamig niyang boses ay halatang puno ng pag-aalala. “Vorthak is unlike any demon you’ve faced before. He’s cunning and extremely powerful.”Tumango ako, pinipilit maging kalmado kahit na parang umaalon ang kaba sa loob ko. “I understand, Papa. Whatever it takes, we’ll end this tonight.”Habang nasa ospital, sinimulan namin ang plano. Ginamit ni Papa ang koneksyon niya sa mga staff ng ospital upang magpasimuno ng isang “emergency evacuation drill.” Habang nagkakag