Corvus’ POV“B-bakit, anong mayroon? Natatakot na ako, Corvus!” sabi ni Alina.“Kailangan mo nang umalis dito ngayong din,” sagot ko naman sa kaniya.Dali-dali akong gumawa ng portal. Mabuti na lang at may hawak-hawak akong bottle water. Dinukot ko agad ang bulaklak na dala ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Handa na kasi ako palagi. Tuwing lalabas ako ng bahay, nagdadala na ako ng bulaklak para sakaling may emergency, makakaalis agad kami sa lugar na may panganib. Lalo na ngayon, kasama ko si Alina na buntis pa. Hindi ako puwedeng lumaban nang nasa tabi ko siya. Tiyak kasi na mapapahamak siya.Paglitaw ng itim na portal, agad kong binuhat si Alina para ipasok doon. Mabilisan lang ang ginawa ko, pagdating namin sa mansiyon, binaba ko agad siya sa sofa kasama ang mga pinamili namin.“Corvus, bakit babalik ka pa?” pigil niya sa akin.“Nanghahamon siya e, pagbibigyan ko lang,” sagot ko sa kaniya pagkatapos ay saka ako bumalik sa parking area ng mall gamit ulit ang portal na binuksan ko. Ma
Corvus’ POVHalos magdadalawang-araw na akong walang tulog. Dalawang araw ko na kasing niriritwalan ang barrier na ginagawa ko dito sa mansiyon. Nung makalaban ko ang malaking demonyo sa parking area ng mall, naisip ko agad na gawin ito kasi alam kong hindi na kami titigilan ng mga demonyo ngayong nakikilala na niya ako at ganoon na rin ang mga mahal ko sa buhay.Para na rin kapag tuluyan nang bumukas ang pulang pinto ng impyerno, hindi nila mapasok itong manisyon ko. Dito ko kasi dadalhin ang lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko, lalo na ang mapapangasawa kong si Alina. Siya ang pinaka-iniingatan ko dahil buntis siya. Sila ng magiging anak ko ang dapat na protektahan ko laban sa kanila. Kasi kung isa sa kanila ang mapahamak, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sabi rin kasi ni lola, siya ang pinaka-iingatan ko dahil siya ang maaaring puntiryahin ng mga demonyong makakalaban ko.Sa mga demonyo, mas masarap daw ang buntis kasi halos dalawang kaluluwa agad ng tao ang makakain n
Corvus’ POVAng usapan, kapag natapos akong kumain ay siya ang kakainin ko, pero heto, habang naliligo ako at nakatapat sa shower, nakaluhod si Alina sa akin at kanina pa ninanamnam ang naninigas kong titë.Na-scam ako kasi ako pala ‘yung gagawin niyang panghimagas. Wala na lang akong nagawa kanina nung bigla siyang lumuhod sa akin at saka ako pinasok dito sa banyo.Bumubuhos sa katawan namin ang maligamgam na tubig na galing sa shower, nagiging malabo ang lahat maliban sa hingal kong humihigpit. Oo, hinihingal ako sa tuwing sinisipsip niya pati ang mga itlog ko. Ang sakit na masarap, ganoon ang pakiramdam ko kaya hinihingal ako kapag pinipigil ko ang hininga ko.Nakadikit ang likod ko sa malamig na pader ng shower na para bang sinasalungat ng lamig ang init na dumadaloy sa katawan ko ay nanunuod ako sa kaniya kung paano niya ako lamunin. Habang naghahalo ang kiliti at sarap, napapakapit ako sa mga tiles, pilit kong pinipigilan ang sarili sa bugso ng nararamdaman ko habang enjoy na en
Corvus’ POVPagdating sa ospital, kasama ang kaluluwa ng ligaw na batang lalaki ay tinuro niya sa akin kung saan makikita ang sinasabi niyang may demonyong nangangain ng ligaw na kaluluwa. Sa tapat ng emergency room, naroon ang isang matangkad na itim na lalaking nag-aabang. Ang itsura niya, parang sunog ‘yung balat. Tapos, amoy na amoy dito sa paligid ang parang sunog na kahoy o tao. Sigurado akong amoy ‘yun ng demonyong ‘to.Halatang nag-aabang ito sa mga taong nag-aagaw-buhay. Nag-aabang sa katawan ng tao na hihiwalay ang kaluluwa sa katawan upang biktimahin niya. Titig na titig siya sa loob. Focus lang sa goal ang istura niya. Kung bakit ba naman kasi sarap na sarap sila sa mga kaluluwa ng tao.Ayon pa sa batang lalaking nakausap ko, halos limang fresh na kaluluwa na ang nakain nito ngayong gabi lang. Kitang-kita raw niya kung paano higupin ng demonyong ‘to ang ligaw mga bagong ligaw na kaluluwa.“Mabuti hindi ka niya nabibiktima?” tanong ko sa batang lalaki.“Ginagalingan ko ang
Corvus’ POVNagising ako pagkatapos ng isang oras na wala akong malay-tao. Tumayo agad ako at saka pumasok sa loob ng ospital. Hinanap ko ang kaluluwa ng batang lalaki na nakausap ko kanina, pero hindi ko na ‘to nakita. Sa hallway, nagpakita si lola sa akin.“Nakita niyo po ba siya?” alam kong alam ni lola ang tinutukoy ko.“Sampo o mahigit na kaluluwa na ang nakain ng demonyong ‘yun ngayong gabi. At kasama na roon ang batang lalaking hinahanap mo. Nung mawalan ka ng malay kanina, sinundan siya ng demonyo. Nagalit siya rito kaya hindi siya tumigil hanggang hindi ‘to nakikita. Ngayon, ang comatose nitong katawan ay tuluyan na ring bumigay. Hindi mo nagawang iligtas ang bata, namatay na rin ito dahil nasa loob ng katawan ng demonyong ‘yon ang kaluluwa niya.”Nalungkot ako sa binalita ni lola. Parang nawala ako ng lakas. Kung hindi lang sana ako tinamaan ng pagbuga niya ng apoy sa akin ay baka naligtas ko siya. Naawa ako sa kaniya kasi wala akong nagawa. Ang tanga-tanga ko.“Ang demonyo,
Corvus’ POVMadaling-araw palang ay nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm clock ko. Bumangon na ako at saka naligo. Gumalaw ako nang hindi nagigising si Alina para hindi ko maistorbo ang pagtulog niya.Pagbaba ko sa ibaba, sa kusina ang tuloy ko. Hindi ko na rin muna ginising ang mga kasambahay. Ako na ang nagluto ng pagkain ko. Nag-noodless na lang ako para madaling lutuin at madaling kainin.Nilalamig pa ako. Palibhasa’t maaga pa at malamig ang paligid kaya tumataas ang mga balahibo sa tuwing iihip ang hangin. Tamang-tama ang paghigop ko ng mainit na sabaw ng noodless, kahit pa paano ay naiibsan ang panlalamig ko.Dinala ko na sa garden ang tasa ng kape at doon na ininom habang naghahagilap ako ng mga bulaklak na gagamitin ko sa pag-aaral ko sa swimming pool area. Ang hinanap ko, ‘yung mga bulaklak na hindi ko pa nata-try gamitin sa mahiwagang swimming pool. Naglaan ako ng mahabang oras dito kasi ang kailangan ko ay ‘yung mahalagang bulaklak.Pagkalipas ang halos isang oras ay lima
Corvus’ POVAng last na bulaklak na hawak ko ay galing pa sa fountain namin kanina. Kakaiba ang isang ‘to sa apat na bulaklak na nauna kong nakuha. Kaya napili kong pitasin kanina sa may tubig. Ang kulay niya ay parang translucent blue. Gandang-ganda ako sa kaniya kanina nung pitasin ko. At sa lahat ng bulaklak na napitas ko kanina, ito rin ‘yung pinakahuling nakita ko.“Sana ikaw na,” bulong ko.Binaba ko na sa tubig ang huling bulaklak na hawak. Ang tubig ng swimming pool ay agad nang naging kulay light blue, ganoon din ang itim na libro. Ang ganda nang pagkakailaw ng tubig at ng libro kaya malakas ang kutob ko na may kakaiba na talaga sa bulaklak na ‘to.Maya maya pa ay lumabas na ang magic spell sa libro. Binasa ko na agad ito at doon palang, napapangiti na ako kasi parang alam ko na agad ang kakayahan nito.Napasigaw ako sa tuwa nang malaman kong isa na ngang magic element ang kakayahan ng aqua lily na nakita ko na ngayon.“Aqua lily, kontrolin ang tubig, linisin ang mga likido,
Alina’s POVMaaga pa at kasalukuyang nag-e-ensayo si Corvus sa bagong kakayahan niya kaya nagpasya kami ni mama na lumabas ng mansiyon para asikasuhin ang mga naipong trabaho sa kompanya namin. Nabo-boring na rin kasi ako na nakakulong lang sa bahay. Kaya kapag araw, naisip namin ni mama na maglalabas. Safe pa naman kapag may araw pa. Sa gabi lang naglisaw ang mga kampon ng kadiliman.Magkasama kami ni mama dito sa likod ng sasakyan ko. May kasama kaming driver at mga bodyguard. Si Corvus kasi, ayaw niya nang wala kaming kasamang bodyguard kapag lalabas ng manisyon niya. Nag-iingat na siya, lalo na’t nagdadalang-tao ako.“Alam mo, anak. Sa panahon ngayon, kakaiba na talaga. Masyado nang mahiwaga ang mga bagay-bagay sa paligid natin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may ganiyan at ganito. Tulad ni Corvus, tulad ng mansiyon nilang mahiwaga at tulad na lang din ng mga demonyong kinakalaban ni Corvus. Isama na rin natin ‘yung milagrong nangyari sa ‘yo, ang pagkabuhay mo,”